Nahalungkat na yata ni Rhiane halos lahat ng University magazine niya pero hindi niya pa rin mahanap hanap ang lalaking naghatid sa kanya kanina. Sino nga ba kasi 'yon?
"Hoy! Gabing gabi na ah? Ano pang ginagawa mo rito?" Napalingon sa sa nagsalita at bumungad sa kanya ang Ate Darlene niya.
Pinasadahan nito ng tingin ang nagkalat na university magazines.
"May hinahanap lang po ako ate," sagot niya rito. Lumapit ito sa kanya.
"Bukas na yan Rhi. It's late already." Ginulo nito ang buhok niya. Napahikab naman siya at tumayo.
Tinulungan pa siya nitong iligpit ang mga magazines. Pagkatapos ay pumanhik na siya sa kwarto niya. Saktong papahiga na siya nang nag vibrate ang cellphone niya sa may bedside table.
Kinuha niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakaraming missed calls ni Darryl.
Malutong siyang napamura. Hindi niya pa nga pala ito binubuksan kaya ngayon lang din niya nakita ang mga missed calls. Masyado siyang na pre occupied kanina sa may taxi at noong dumating siya dahil sa familiar driver na 'yon. Shocks
Agad niyang di-nial ang number nito. Wala pang tatlong ring ay sinagot na rin naman ito.
"Rhiane! Fuck bakit ngayon ka lang sumagot? I'm fucking worried!" bungad nito sa kanya. Nakagat niya ang labi.
"Sorry Darryl, kasi kanina pahirapan sa sakayan kaya hindi ko napansin na tumawag ka pala. Kabubukas ko lang ng phone."
"Tsk. Dapat tumawag ka. I should've picked you up."
"Sorry na."
Narinig niya ang pag buntong hininga nito.
"Sorry," ulit niya.
"Just don't worry me like this again."
"Hmm." Tumango tango pa siya na parang nakikita ni Darryl.
"Okay. Gotta go. Tatapusin pa namin 'tong program." Kumunot ang noo niya at napatingin sa wallclock ng kwarto.
"It's past eleven Darryl. Nasa campus pa kayo?"
"Wala. We're in my condo. I'm with some fratmen and Gail." Naningkit ang mga mata niya.
"Gail?"
"She' s with some girls too, Rhi. Don't overthink." Napairap siya.
Who says I'm overthinking? Tss.
"I didn't say anything. Anyways, gotta sleep. Inaantok na ako. Don't over work please."
"Yes I promise. Goodnight, Rhi."
"Hmm goodnight too."
Ibinalik niya sa bedside table ang cellphone bago nag talukbong ng kumot.
○○○○
"Class dismissed."
"Bakla una na ako." May pag mamadaling paalam ni Rhiane sa kaibigan.
"Sus may date ka nuh?" tudyo pa nito sabay irap. Kumunot ang noo niya.
"Duh. May fratmen sa labas. Eh ikaw lang naman ang alam kong girlfriend ng supremo," sagot nito at maarteng tumayo.
"Tara salubungin natin! Jusko si fafa Raineil!"
At ito pa talaga ang humatak sa kanya palabas ng classroom para puntahan ang sundo niya raw. Napailing na lang siya.
Nang makalapit sa lalaki ay namukhaan niya agad ito. She sees the guy a lot. Palagi itong kasama ng mga bestfriend ni Darryl na sina Shade at Kier pati na ng pinsan nitong si Jake.
"Hi Fafa!" pa sweet na bati ni Martina. Ngumiti lang 'yong Raineil tsaka bumaling sa kanya.
"May practice lang ang varsity kaya di si Supremo ang kumuha sa'yo. Pero matatapos na rin naman. Samahan na lang daw kita sa gym or kung gusto mo sa parking," sabi pa nito.
Tumaas ang kilay niya. Agad naman siyang siniko ni Martina at pinandilatan.
"What?" tanong niya.
Hinigit siya nito at may ibinulong ito sa kanya.
"Alam kong ayaw mo sa kanila pero wag mong tarayan gaga!" Hindi niya napigilan ang matawa. Pinandilatan lang ulit siya ni Martina. Napailing siya rito.
"Sa gym na lang tayo. I wanna watch his game," baling niya sa kasamang lalaki.
Tuwang tuwa naman si Martina at makikita na naman daw niya ang yumminess na mga abs ng mga varsity.
○○○○
"Ang galing talaga ng boyfriend mo te! Grabe!"
Panay ang tili at pagyugyog ni Martina sa kanya habang nanonood sila ng practice game.
Last round na ang naabutan nila at patapos na rin ito. Mabuti na rin dahil naiirita siya sa mga cheers ng mga studyante rito.
"Grabe ang iingay ng mga babaeng ito!" reklamo pa ni Blake at inismiran ang mga cheerleaders.
"Isa ka rin naman sa kanila," sumbat niya naman dito.
"Mga babae?" Kitang kita pa ang pag niningning nga mga mata nito. Bahagya siyang natawa.
"Nag iingay!" Mas lalo siyang natawa nang inirapan siya nito.
She really loves bullying him. Pikon nga kasi.
"Go number 12!"
"Wooo! Ikaw ang pride ng Nursing!"
"Go Mr. University! Woo!"
Bukod sa pag cheer kay Darryl at sa mga kaibigan nitong binansagang power trio (Kier, Shade at Jaek) may isa pang pinagkakaguluhan ang mga babae rito. Ang isang nursing student na nanalong Mr. University last year.
Sa hugis pa lang ng mukha nito pati na tangos ng ilong, mga matang tila nanununaw ng buhay at mga labing nakamamatay pag ngumiti, isama na rin ang matipunong katawan nitong halatang alaga ng gym talagang mahahalina ang bawat babae rito.
"Hoy babaita! Naglalaway ka kay Cruz?! May supremo ka na uy!" Sinipat siya ni Martina nang mapansing nakatitig siya sa number 12 na tinitilian ng mga cheerleaders.
Sinapak niya ito, "Gaga! Hindi nuh!" sandali siyang tumigil at tiningnan si Martina. "Pero hot siya!" Nginisihan niya ito at kinindatan. Agad na nawindang ang mukha nito.
Natawa siya. Kunot na kunot ang kilay ng gaga habang naka naawang ang bibig. Muntanga lang!
"Hoy taken na si J!"
"Yeah! He's smitten! Wooo!"
Dinig niya pang sigaw ng ibang nursing student. Siguro 'yong Cruz ang tinutukoy nila.
Tinudyo pa ito ng mga kasama at kasabay noon ang pagdunk nito. Muntik nang malagutan ng hininga si Rhiane at literal na napasigaw siya sa dunk shot na 'yon.
Shocks! Ang galing niya!
"Ang hot niya Rhi! Pero supremo pa rin!" Hindi na niya pinansin si Martina na panay ang yugyog sa kanya.
That dunk shot cause their team to won. Natalo ang team nina Darryl. Nakita niya pa ang pag usok ng ilong nito sa nangyari pero sports niya pa ring tinanggap ang kamay ni Cruz nang makipag shake hands ito. He's really not fond of losing. Napailing siya.
Nang mag alisan ang mga tao ay tsaka nilapitan ni Rhiane si Darryl. Nakasunod lang sa kanya ang tahimik na si Raineil at ang maingay na si Martina. Madaling madali pa ang bakla para raw abutan nila si Cruz na kasalukuyang kausap ni Shade.
"Nice dunk Cruz." Narinig niyang komento pa ni Kier.
Ngumiti lang 'yong Cruz. Maya maya pa ay may lumapit sa mga itong mga naka uniform ng nursing. Mga kaibigan yata noong Cruz.
"Ehhh sis kinakabahan ako! Para akong malalagutan ng hininga!" pag iinarte pa ni Martina nang ilang palapit na sila kay Darryl. Siniko niya ito.
"Gusto mo ako magkitil ng hininga mo ha?!" naiinis na bulyaw niya rito.
Ngumuso naman ito at nagpa cute pa. Doon sila nilingon ng mga varsity na siyang kinatuwa naman ni Martina. Napapalakpak pa ito. Umirap siya at iniwan ito.
"Hi Rhi!" Kumaway ang pinsan ni Darryl na si Jake.
Kumaway lang din siya bago tuluyang lumapit kay Darryl.
"Hey." Nginitian niya ito.
Yakap at halik sa pisngi ang iginanti nito. Agad na nag init ang mukha niya. Isama pang nagkantyawan na naman ang mga kaibigan ni Darryl. Naibaon na lang niya ang mukha sa dibdib nito na ikinatawa ng boyfriend niya.
"Royale Couple!" Dinig niyang tudyo ni Martina. Gusto niya tuloy itong hambalusin.
"Get a room Darryl!" sigaw naman ni Shade.
Kumalas si Darryl sa yakap at itinaas ang middle finger sa kaibigan. Mas lalong nagtawanan ang mga lalaki. Napailing at napairap siya. Boys.
"Tara na." Hinigit na siya ni Darryl.
Sumipol pa ang mga kasama nito. Hindi na lang niya pinansin at nagpatianod na rito. Ni hindi na nga siya nakapag paalam kay Blake. Nag eenjoy din naman ang gaga sa mga varsity kaya dineadma na niya.
"Saan tayo?" tanong pa ni Darryl habang papunta sila ng locker room.
Magbibihis daw kasi muna ito. Nakaakbay pa ito sa kanya habang naglalakad.
"Hmm ikaw," sabi niya na lang.
Sakto namang dumating na sila sa locker room. Tumango ito bago pumasok sa loob ng locker room. Naiwan siya roon sa labas.
Sumandal siya sa dingding malapit sa may pinto habang naghihintay. Ilang minuto pa ay dumating din ang big three kasama si Raineil.
"Hey Rhi! Nandiyan si Montefalco?" tanong ng kadarating lang na si Kier.
Tinanguan niya ito. Agad din namang pumasok ang apat sa loob.
Kasunod na dumating ay si Cruz kasama ang mga kaibigan nito. Pumasok din ang mga ito sa locker room. Napasunod pa ang mata niya nang dumaan ito sa gilid niya. Kumunot ang noo niya. Bakit parang nakita na niya ito dati?
Sabagay ito ang Mr. University last year. Nagkibit balikat na lang siya at napatingin sa tapat niya. Naiwan din ang dalawang babaeng kasama ng mga ito.
Tatlo silang nakatanga roon sa labas. Kinalikot na lang niya ang cellphone para malibang pero agad din siyang nawalan ng gana kaya isinilid niya na lang ito sa bag.
Isinandal niya ang ulo sa dingding at ipinikit ang mga mata. Napapadyak na siya sa sobrang inip. Kung bakit kasi ang tagal magbihis ni Darryl.
Ilang minuto siyang nakaganoon hanggang sa makasinghot siya ng isang pamilyar na pabango. That manly scent is really familiar.
Hmm. Clive Christian.
Sininghot niya pa ito bago ibinuka ang mga mata. Sumimangot siya.
"Ang tagal mo," reklamo niya kay Darryl na nakadungaw sa kanya at ilang dangkal na lang ay mag aabot na ang mga labi nila.
Tanging pag ngisi ang sinagot ng lalaki bago siya hinigit payakap at iginiya paalis doon.
Pagkarating nila sa parking ay agad nitong pinatunog ang itim na porsche na nakaparada sa pinaka dulo ng parking lot.
Kinuha nito ang bag niya at inilagay kasama ang gym bag nito sa backseat ng sasakyan. Sumunod nitong buksan ang front seat ang pinapasok siya bago ito umikot sa driver's seat.
"So saan tayo?" tanong nito sa kanya.
"Hmm sa pizza house na lang malapit sa condo mo?" suggest niya rito. Tumango naman ito at nag drive na lang.
Habang nasa biyahe ay ti-next ni Rhiane ang mama niya na hindi siya sa bahay magdidinner at kasama niya si Darryl ngayon.
"Hmm, Darryl bakit nga pala todo training kayo ngayon? May competition ba? Tapos na naman ang intrams ah." Isinilid niya ang cellphone sa bag at hinarap ang boyfriend.
Seryoso pa rin itong nakatingin sa daan.
"Walang national game but we'll have a last farewell game for all departments before graduation. Isa pa that will be our last practice game in the varsity," anito bago lumingon at ngumiti sa kanya.
Tinanguan niya lang ito tsaka ibinalik ang atensyon sa labas.
Pagkatapos ng mahigit labinlimang minuto ay narating na rin nila ang Pasta El Pizza House, isang italian pasta and pizza house na malapit sa condo ni Darryl.
"Table for two," saad ni Darryl sa nakaantabay na waiter.
Iginiya naman sila nito sa isang pandalawahang lamesa na malapit sa glass window. Kitang kita mula rito ang busy na kalsada at ang mga condo buildings na nasa vicinity ng kainan.
"We would like two big slice of quattro stagioni, one creamy carbonara and one cheese marinara. For the drinks, we would have two large wintermelon milk tea."
"Coming right up Maam, Sir. Your orders will be served in fifteen minutes or less." Sabay na tumango sina Rhiane sa waiter. Agad naman itong umalis dala ang orders nila.
Habang naghihintay ay nilaro laro ni Rhiane ang tissue na nasa lamesa. Si Darryl naman ay nakatutok lang sa cellphone nito. Bigla siyang nakaramdam ng inis.
Date tapos nag si-cellphone? Tss.
Hanggang sa dumating na lang ang waiter ay sa cellphone lang ito nakatuon. Ni hindi man lang siya nito binalingan. Naiinis na kinuha niya ang mga kubyertos tsaka tahimik na kumain.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone nito. Agad naman itong tumayo sabay dampot ng cellphone.
"What's so important with your phone today? Bakit parang di ka mahiwalay diyan? I thought this is our date Darryl." Bahagya itong natigilan at napabaling sa kanya.
Madilim niya itong tinitigan. Bumuntong hininga naman ito.
"I'm so sorry Rhi bigla lang kasing nagkaproblema sa headquarters. I just need to take this. I'll be back okay?" Hinagkan siya nito sa noo at umalis na.
Inis na umirap siya.
Frat na naman? Kailan ba matatapos yan?!
Sa sobrang inis ay ibinagsak niya ang kubyertos. Padabog na kinuha ang bag tsaka nag martsa paalis. Nilagpasan niya lang ito na nasa gilid lang ng pintuan ng resto.
Tinawag pa nga siya nito pero hindi siya lumingon, sa halip ay pinara niya ang pinakaunang taxi na dumaan.
Suit yourself Montefalco. Mag date kayo ng fraternity! Bwisit!