Chereads / Shaken (Filipino) / Chapter 5 - Chapter 05

Chapter 5 - Chapter 05

Hindi pinansin ni Rhiane ang cellphone niyang kanina pa vibrate nang vibrate. Sa halip, tinuon niya ang atensyon sa mga librong nakatambak sa harap niya. Tumigil din naman ito kalaunan.

Isang buong araw siyang kinulit at tinatawagan ni Darryl dahil sa pag wo-walk out niya kagabi pero hindi niya ito pinapansin. She knows his schedule kaya naman madali siyang nakakapagtao rito.

Buong araw ay sumama siya kina Sean para hindi sila magkita. Si Martina nga ang nabuntunan ng pangungulit dahil doon.

Huminga siya nang malalim at inayos ang reading glasses. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa. Ilang sandali lang ay nag vibrate na naman ito. Inis siyang napairap at inabot ito.

Martina Calling...

Kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag.

"Oh?" bungad niya rito.

"Rhi! Jusko! Buti naman at sumagot ka! Gaga, kanina ka pa hinahanap sa akin si supremo! Gusto ka niyang makausap te! Wit ka raw sumasagot sa mga tawag niya!"

"Sabihin mo sa kanya pumunta siya rito sa bahay kung gusto niya akong makausap."

Alam naman niyang nasa tabi lang ni Martina ang lalaki at malamang baka nga naka loudspeaker pa siya. Ang baklang 'yon talaga.

"Eh Rhi kasi ano raw eh..." Kumunot ang noo niya.

"Ano?" ulit niya. Hindi agad nakasagot si Martina. Dinig na dinig pa niya ang pagkakabalisa nito.

"Ehh Rhiane..."

"Ano nga?"

"Ihhh! M-May gagawin pa raw sila ng frat-"

Walang pagdadalawang isip na pinatay niya ang tawag. Pabagsak niyang binalik ang cellphone sa bedside table.

Edi sila ng frat ang mag usap! Leche!

Ibinalik niya ang atensyon sa mga reviewer niya at hindi na muling ginalaw ang cellphone hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pag re-review.

○○○○

Kinabukasan, maagang nagising si Rhiane kaya alas otso palang bumaba na siya. Laking gulat pa niya na nandoon pa ang Papa niya sa sala.

"Hey Pa, morning." Humalik siya sa pisngi nito.

"Hindi po kayo pumasok?" tanong niya rito.

Wala na kasi ang Mama niya at nasa opisina na. Ang ibang kapatid niya ay pumasok na rin pwera sa ate Darlene niya na hapon pa yata ang klase.

"Mamaya pa," sagot nito sa kanya at tsaka inabot ang folder na nasa harap nito.

Pumunta siya ng kusina at kumuha ng ready made na sandwich. Sa campus na lang siya kakain para masabay niya rin ang pag rereview. May long quiz kasi siya sa isang major.

Nang makuha ang sandwich ay bumalik siya sa sala para sa bag niya.

"Rhiane," tawag ng Papa niya pagkabalik niya.

"Po?" Kinuha muna niya ang bag bago lumapit sa papa niya.

"Kindly give it to Darryl. That's a business proposal. Wala siya kahapon sa bahay nila kaya ikaw na lang ang magbigay." Inabot nito sa kanya ang folder na hawak nito kanina. Tumango na lang siya at nagpaalam dito.

Pagkapasok niya ng sasakyan nila ay kunot noong tiningnan niya ang folder. Bumalik sa isipan niya ang sinabi ng papa niya.

Nasaan pala ito kahapon? Sa condo? Kasama na naman ang frat? Napairap siya at itinago na lang ang folder.

Pagkarating sa University, dumiretso siya sa classroom ng magiging first subject niya. It's still 8:30 kaya may fifteen minutes pa siyang mag-aral bago ang quiz.

She sat down on her usual seat and got her reviewers. Kinuha niya rin ang sandwich na dala at nilantakan ito.

Ilang minuto pa ang lumipas dumating si Martina.

"Rhi!" sigaw nito at halos magtatakbo papunta sa kanya.

Inangat niya ang tingin at nakitang nasa tabi na niya ito. Agad itong inilapit ang armchair sa kanya.

"What?" tanong niya. Ngumuso ito.

"Hindi pa kayo okay ni fafa supremo? Jusko! Alam mo bang balisang balisa ang beauty niya kahapon huh?! Iniiwasan mo na nga wit mo pang sinasagot ang tawag! Jusko ano ba kasing nangyari? Hindi ka pa nag iisploks sa date niyong dalawa!" Sumama ang timpla niya pagkabanggit nito ng date.

"Don't mention that Blake. Lalo akong nabubwisit. And don't worry I'll talk to him later," malamig na sambit niya bago niligpit ang mga reviewers. Kunot noong napatanga naman si Martina sa tabi niya.

Hindi niya ito pinansin at isinaksak na lang ang earphones sa dalawang tenga. Di kalaunan ay dumating na rin ang professor nila at nagsimula na rin ang quiz.

○○○○

Lunch nang magdesisyong kausapin ni Rhiane si Darryl. Other than that, ibibigay na rin niya ang file na binigay ng Papa niya. Hindi siya galit, dissapointed at nagtatampo lang. She just wanted a space kaya hindi niya ito kinausap kahapon.

"Oh siguradong okay ka na ha? Makikipag ayos ka na kay fafa supremo?" tanong pa ni Martina sa kanya habang papunta sila sa headquarters ng Cryptics.

As much as she hates that place,wala siyang ibang choice dahil nandoon daw si Darryl ayon sa text ng ate Darlene niya.

"Yeah. Nagpalamig lang ako ng ulo. Hindi ako galit pero inis pa rin ako," sagot niya rito. Napatanga si Martina sa kanya.

"Ang gulo mo rin te!" sabi pa nito at kumendeng kendeng sa paglalakad.

Nang marating nila ang headquarters, si Martina ang pinakatok niya. Binuksan din naman agad ito ng isang fratmen. Bakas pa sa mukha nito ang gulat nang makita siya.

"Pakisabi kay Darryl nandito ako," sabi niya rito. Wala siyang balak pumasok kaya ito ang palalabasin niya.

Tila nag aalinlangang tumingin sa loob ang fratmen tapos at tumingin ulit sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Pakisabi sa supremo mo nandito ang girlfriend niya," ulit niya pa na diniinan talaga ang salitang girlfriend. Nag aalinlangan pa rin ang lalaki pero agad din naman itong tumalima.

Sinundan niya pa ito ng tingin at napakunot ang noo niya nang makita ang pinuntahan noon lalaki.

Kung sisilipin ang loob ng headquarters ay kitang kita ang isang opisina na hula niya ay kay Darryl kasi may nakalagay na 'supremo' sa itaas ng pinto. Hindi tinted ang glass wall kaya kitang kita ang loob. Kitang kita niya rin kung paano hinawakan ni Gail ang kamay ng boyfriend niya.

What the f?

Nagtagis ang bagang niya. Saktong bumalik na iyong lalaki at bago pa man ito makapag salita, tinapon na niya sa mukha nito ang folder.

"Pakisabi pinabibigay ni John Ferguson. Pakisabi rin na fuck you siya sabi ni Rhiane Ferguson!" At tuluyan siyang nagmartsa paalis doon.

Ang walang kamalay malay na si Martina ay nagtatakang sumunod naman sa kanya. Nag si cellphone kasi ito kanina kaya hindi nito nakita ang pag aalburoto ng kaibigan.

"Omg Rhi anyare te?!" gulat na tanong nito habang pilit na sinasabayan ang mahahabang hakbang ni Rhiane.

Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang galit. Kung kanina'y inis lang dahil sa nakita niya nag evolve ito sa galit.

"Balisang balisa kagabi?! Eh may kalandutan nga kanina! May pahawak hawak pa ng kamay! Project?! Project niyang mukha niya! Kaya pala palagi na lang frat kasi nandoon ang kabit! Leche!"

Taas baba ang dibdib niya habang sumisigaw. Mabuti na lang at silang dalawa lang ni Blake ang nasa garden.

Napapikit siya at pilit na pinapakalma ang pag hinga. Pinaypayan naman siya ni Blake.

Minsan lang siya sumabog. Most of the time ay kalmado lang talaga siya kasi naniniwala siyang hindi masosolusyonan ang problema kung hindi mo kontrolado ang sarili mo pero noong oras na 'yon, emosyon na yata niya ang nangibabaw. Hindi pa nga humuhupa ang inis niya rito ay dinagdagan na naman.

She was never the jealous type pero napuno na siya kaya nadamay pa tuloy 'yong lalaki kanina.

Nasapo niya ang sariling ulo at napaupo sa isang bench malapit sa mga rose na bulaklak. Agad namang umalalay si Blake sa kanya at hinaplos haplos ang likod niya para pakalmahin siya.

"Sissy, baka naman kasi wala lang 'yon. You know they really need to be magkasama kasi nga partners sila," pampakalma ni Blake sa kanya. Nilingon niya ito at matalim na tiningnan.

"Wala? Oh edi wala! That's not the point Martina! Alam niyang nagtatampo ako! Alam niyang dissapointed ako! Yet he didn't even care! Makikita ko pa siyang nandoon sa headquarters at nakikipag hawak kamay sa sorority president na 'yon!"

"Rhi, kasi naman baka akala ni fafa supremo nagpapalamig ka pa. Remember kahapon? Halos di siya mapakali katatawag. Dini deadma mo naman. Alam mo hindi lang kayo nagkakalinawan eh. Talk about it kasi girl. Wag nag wo-walk out agad." Hindi siya nakapagsalita. Sapol siya, alright. She suddenly feels guilty of what she did.

Napabuntong hininga na lang siya at tumayo.

"I'll just go ahead Martina. I want peace for now. Paki send na lang ako ng notes sa ibang subjects." Bumeso siya rito at tuluyan nang umalis.

Wala na naman silang quiz kaya nagdesisyon siyang pumunta na lang sa cafe nila na nasa tapat lang ng University.

"Good afternoon po Miss Rhiane," bati ng staff pagkapasok niya.

Tinanguan niya ito bago dumiretso sa second floor ng cafe. Naupo siya sa isang couch sa gilid ng glass window. Tinawag niya ang isang waiter at nagpakuha ng isang chocolate frappe. She badly needs a drink and a chocolate frappe has always been her comfort food.

Habang naghihintay ng order ay ipinikit niya ang mga mata. Inalala niya ang mga nangyari kanina lang. Aaminin niya, sampal sa mukha ang sinabi ni Blake kanina.

Nagpadala siya sa damdamin kaya medyo humaba ang misunderstanding nila. Hindi niya pa ito kinausap kaya mas nadagdagan lang lalo kanina.

Napabuntong hininga siya. She needs a break and then she'll talk to him. Dapat talaga kalmado kasi eh. She felt sorry for the guy who got hit by the folder.

"Excuse me, Miss pwedeng makiupo?" Nag angat siya ng tingin.

Isang lalaking may hawak ng isang milktea at hotdog sandwich ang nakatayo sa gilid niya. He's wearing a nursing uniform at may logo ng SIU sa gilid.

"Taga SIU ka?" tanong niya rito. Ngumiti naman ito at umupo na sa tapat na couch.

Tinitigan niya itong mabuti. Parang kilala niya ito ah. Di niya lang matandaan. She's really not good at remembering faces lalo na pag di niya palaging nakakasalamuha. Nang tumagilid ito para abutin ang bag na nasa likod ay tsaka niya naalala.

"Ikaw 'yong mysterious driver na naghatid sa'kin!" gulat na sambit niya. Medyo napalakas pa ang boses niya kaya nagtinginan ang mga tao.

Lumingon ang lalaki at ngumisi sa kanya.

"So you remember me. I'm Ariel John Cruz. AJ na lang." Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Omg! Cruz as in?! Mr. University?! Number 12 na nag dunk at super hot?!" Dumagundong ang tawa ni AJ sa buong floor. Agad namang nag init ang pisngi ni Rhiane.

Oh shit Rhiane, you dummy! Kailangan talagang sabihin na hot?!

Halos hindi siya makatingin dito. Si AJ naman ay natatawang tiningnan siya.

Now she get it. Kaya naman pala familiar 'yong driver na naghatid sa kanya noon kasi naka tarpaulin nga pala ang mukha nito sa bulletin board ng field bilang Mr. University at kaya parang nakita na niya 'yong si Cruz dahil ito pala ang naghatid sa kanya noong nakaraan.

"Shocks sorry, uhm na shock lang talaga ako," nahihiyang sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito at tumango.

"So you find me hot huh? Hotter than Montefalco?" tanong nito pabalik sabay ngisi.

Mas lalong nag init ang mukha niya. Napapikit siya sa hiya. Narinig niya na lang ang tawa nito. Bumuntong hininga siya at dumilat.

"Uhmm look.. ahh ano kasi.. uhm.. shit.. ah yes, I do find you hot mister," pikit matang pag-amin niya.

AJ stared at her in amusement.

"Hmm so mas hot nga kay Montefalco?" tanong ulit nito na halatang nagpipigil ng tawa. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Marunong lang akong um-appreciate ng beauty. But he's still hotter than you." Inirapan niya ito. Tumawa na naman ito.

Seriously? Binigyan din ba ito ng happy pill ni Jake?

"Why do you always laugh?"

"Wala lang ang cute mo kasi. Para kang kamatis." Tumawa ulit ito. Para namang sasabog si Rhiane sa inis at hiya!

Sobrang pula na naman siguro niya! Sa puti niya halatang halata kahit ang silght na pamumula, ano na lang ngayon diba?

"Gosh why did you even sit with me?" Inirapan niya ito. Medyo humupa naman ang pagtawa nito.

"Oh chill! I was just kidding around. Besides wala nang bakanteng table so I really didn't have a choice," tila nang aasar nitong sabi. Sinamaan niya ito ng tingin. Sakto naman na dumating ang frappe niya kaya uminom na lang siya rito.

Hindi niya na pinansin ang kasama na busy din naman sa paglamon.

Boys. Then really have huge appetite.

Napailing siya at muling sumipsip sa frappe. Kinuha niya ang cellphone sa bag na saktong may tumatawag pala.

MOY calling...

Napabuntong hininga siya at nireject ang tawag.

Not now Darryl. I'll talk to you but not now.

Ni flight mode niya ang cellphone tsaka in-open ang wifi. Isinaksak niya ang earphones sa magkabilang tenga at binuksan ang netflix.

Nasa kalagitnaan siya ng panood nang may kumalabit sa kanya. Tinanggal niya ang isang earphone at taas kilay na nilingon ang kumalabit. A smile formed in AJ's lips.

"I'll go ahead. I'll pay for your drink," sabi pa nito at kumindat. She smirked at him.

"No need mister, it's free anyway." Tinuro niya ang malaking pangalan ng cafe na naka doodle sa dingding.

Ferguson Cafe

"It's ours," buong pagmamalaking sabi niya at ngumisi rito.

Naghugis O naman ang bibig ni AJ at tumango. Inabot nito ang cellphone sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Ano'to?"

"Digits?"

"Gah. FC ka rin ano?" Malutong itong tumawa tsaka umiling.

"Di naman. I just wanna be friend with a political science student. Bonus na lang na anak ka pala ng may ari ng university. It's an honor Miss Ferguson." Nag-bow pa ito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.

"Are you for real?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tango lang ang isinagot nito.

Siya naman ay nawe weirduhan sa inaasal nito.

Parang timang din tong isang to eh. Bakit ko nga ba tinawag na hot 'to?

Naiiling na ti-nype niya ang number. He seems friendly kahit weirdo tsaka gwapo at hot pa rin naman ang loko. There's nothing wrong with being friends naman siguro. After all si Martina lang ang kaibigan niya bukod sa barkada.

"Thanks!" Nakangiting kinuha nito ang cellphone tsaka umalis. Napangiwi si Rhiane. Ang weird lang talaga nito.