Chereads / Shaken (Filipino) / Chapter 3 - Chapter 03

Chapter 3 - Chapter 03

Pagpatak ng alas dose ng tanghali ay naghiwalay si Martina at Rhiane. Mula sa soccer field ay dumiretso si Rhiane sa cafeteria kung saan naghihintay na si Darryl. Hindi na sumama si Martina dahil ma o-op lang daw ito sa labing labing ng dalawa. Napairap na lang siya sa rason nito.

Punuan ang cafeteria nang makarating siya rito. Agad niyang hinanap ang boyfriend at natagpuan naman niya ito sa may dulong bahagi ng cafeteria. Pero hindi ito nag-iisa, kasama nito ang pinsang si Jake, dalawang hindi niya kilalang lalaki at isang babae.

Natigil siya sa paglalakad. Akala niya ba lunch date ito? Bakit di siya na inform na group meeting pala at hindi lang 'yon ang ka group meeting nila ay mga myembro ng Cryptics Fraternity. Nga naman ang timing! Kung sino itong ayaw mong makita, ang siyang iyong makakasama.

Nakaramdam siya ng inis. Alam nito na ayaw niya sa mga fratmen o sorority girls bakit inimbita pa nito ang mga ka frat? At sa lunch date pa talaga nila! Nagdalawang isip tuloy siya kung tutuloy. Pero bago pa man siya makatalikod paalis ay namataan na siya ni Jake at sa lakas ng bunganga nito, malamang nalaman na ni Darryl na nandoon na siya.

Nag-iwas siya ng tingin at ipinikit ang mata. She needs to calm down at baka mapagbuntungan niya ng inis si Jake.

Nang makalma ay muli siya bumaling sa mga ito at plastic na ngumiti sabay lapit sa mga ito. Gustong gusto niyang tapyasin ang ngising nakaplaster sa mukha ni Jake. Parang megaphone kasi ang bibig!

"Hi." Pilit niyang pinasigla ang boses pero talagang hindi niya kayang peke-in ang nararamdaman.

"Insan in law! Upo ka rito!" Pilit siyang ngumiti at pinandilatan si Jake bago umupo sa katabing upuan ng kay Darryl.

Nakatitig lang ito sa kanya. Tipid niya itong nginitian tsaka tuluyang umupo. Tumikhim si Darryl.

"So I bet you all know her." Tinuro siya nito. Tumango naman ang tatlo kasama na si Jake na parang nakalunok ng happy pill sa sobrang saya. Sinamaan niya ito ng tingin.

Kainis! May pa ngisi ngisi pa ang gago!

"Guys, she's Rhiane Ferguson, girlfriend ko and Rhi," bumaling ito sa kanya at isa isang tinuro ang tatlo, "they're Logan, Beigi and Gail. Logan and Beigi are my co fratmen and Gail here is the new sorority president of Cryptics." Gulat siyang napatitig kay Darryl.

"May president na? Akala ko ba hiring pa lang? May registration pa kanina ah," takang tanong niya at nagpalipat lipat ang tingin kay Darryl at kay Gail. Tipid na ngumiti ang huli.

"Well it's not yet publicized yet. We haven't even told Chloe na may nahanap na kami. So bukod sa amin ikaw pa lang ang unang nakakaalam." Pinigilan niya ang sariling wag umirap.

Wow, I'm really honored. Tss.

Oh how much she wanted to say those pero pinigilan lang niya at baka magkagulo. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Kaya ayaw niyang nakakasalamuha ng mga ito dahil bukod sa nababadtrip siya ay baka kung anong masabi niya.

Iniwas niya na lang ang tingin at kinuha ang menu na nasa gitna ng mesa. Lahat ng mesa rito ay may mga menu na nakalagay. Meron din namang nasa itaas ng mismong counter pero para diretso na sa pagbili at hindi magkagulo sa pagtingin sa counter ay nilagyan na lang ng menu ang bawat mesa.

"Uhm Darryl I want carbonara and french fries. Chocolate frappe for my drinks," saad niya. Narinig niyang bumuntong hininga ito at tinanong na rin ang ibang mga kasama nila.

'Yong Logan at Beigi ang umorder kaya naiwan sila ni Darryl, Jake at 'yong Gail. Inabala niya ang sarili sa pagsusuri ng mga pagkain sa menu habanh dinadaldal naman ni Jake 'yong si Gail. Ramdam na ramdam niya ang mga titig ni Darryl sa kanya pero binalewala niya na lang ito. Pag naman nililingon niya ito ay ngumingiti ito nang tipid.

Naging maayos naman ang lunch nila kahit na kulang na lang ay tumunog ang mga crickets sa sobrang tahimik. Si Jake nga na madaldal ay tila naputulan din ng dila.

"Supremo, una na po kami sa headquarters," paalam ng dalawang lalaki pagkatapos nila.Tinanguan ito ni Darryl.

"Jake, ihatid mo na si Gail, I'll go with Rhiane," dinig niyang utos ni Darryl.

"Nako wag na po supremo. Okay lang naman po ako." Matamis na ngumiti ang babae.

Kinulit pa ito ni Jake na ihahatid na nga pero panay naman ang tanggi nito. Sa huli ay magkapanabay na umalis ang dalawa. Napag-alaman niyang third year business ad student din pala si Gail.

Now, its just the two of them. Kinuha muna ni Darryl ang bag niya bago pinagsiklop ang mga kamay nila. Magkahawak kamay silang lumabas ng cafeteria. Klase na nito in 10 minutes pero mukhang may balak pa itong ihatid siya. Tumigil siya sa paglalakad na kinatigil din nito.

"Bakit?"

"Mali late ka pag hinatid mo pa ako. Okay na ako," sambit niya. Marahan siyang tiningnan ng lalaki.

"Are you mad?" May bahid ng pag-aalala ang boses nito. Bumuntong hininga siya at umiling.

"Dissapointed lang. Akala ko kasi lunch date," pahayag niya na bakas ang pagkadismaya. Totoo naman kasi.

"I'm sorry Rhu. May importante lang kaming pinag usapan. Gail is really interested with my final project. Minamadali nga namin ang initiation niya para mahawakan na niya ito. I'm really sorry." Naramdaman niya na lang ang pagyakap at paghalik nito sa noo niya.

Napabuntong hininga siya. Ano pa nga bang magagawa niya diba? Kumalas siya sa yakap at tiningala ito. Hanggang balikat lang kasi siya nito.

"Okay na nga. Let's just meet tomorrow? Dinner?"

Ngumiti siya rito. Ngumiti rin ito pabalik at pinatakan ng halik ang labi niya. Napapikit pa siya nang dumampi ang maiinit nitong labi pero bago pa man humantong sa kung saan ito ay bahagya na niya itong itinulak. For god's sake nasa school grounds sila! Kahit na anak siya ng may-ari ng university at kahit na may share pa ang mga magulang ni Darryl sa board ay pwede pa rin silang makasuhan ng PDA.

"Sige na. Baka mahuli tayo. Magka demerit pa tayo tapos ang kaso public displaybof affection," nakairap niyang sabi.

Tumawa lang si Darryl at ibinigay sa kanya ang bag. Kinuha niya naman ito at itinulak ulit ang lalaki sa direksyon ng building nito. Kinawayan pa niya ito para tuluyan nang umalis. Nang makalayo na ito ay siya naman ang tumungo sa building niya.

***

Alas kwatro ng hapon, magkasabay na sumakay ng taxi sina Blake at Merian papunta sa pinaka malapit na mall sa University.

"Ano ba kasing gagawin natin doon Rhi?" tanong ni Martina sa kanya.

"Basta may bibilhin lang ako," sagot niya naman dito at tsaka hinalukay ang cellphone sa bag.

Nang makita niya ito ay agad na bumungad sa kanya ang tatlong messages ni Darryl.

From: MOY

Hindi ka raw sumabay kina Sean?

May pupuntahan ka ba?

Where are you Rhiane?

Kumunot ang noo niya at nag tipa ng reply.

To: MOY

Sa mall lang kasama ko si Martina. Uuwi agad kami. May bibilhin lang ako.

Ni send niya ito at isinilid na ang cellphone sa bag.

Pagkarating sa mall ay agad silang nagtungo sa National Bookstore. May mga bagong release na novel ang Harper Teen kaya bumili siya nito. Si Martina naman ay todo reklamo dahil ito ang pinagdala niya ng basket na may mga libro.

"Wow te! Enjoy na enjoy ka diyan habang ginagawa mong alalay ang beauty ko rito!" nakasimangot na himutok ni Martina nang makita siyang tuwang tuwa sa binabasang libro.

Natawa tuloy siya rito at isinara ang libro.

"Sige na. Magbabayad na ako," sabi niya pa at inilagay muli sa shelf ang binabasang libro.

Nauna na siyang lumapit sa cashier habang lukot na lukot ang mukha ni Martina na nakasunod sa kanya dala ang isang basket na puno na. Lihim siya tumawa sa hitsura nito. Sinamaan naman siya nito ng tingin.

Alas siyete ng gabi sila nakalabas ng mall ni Martina.

"Sis una na ako ha. Patey na naman ako sa aking pudrakells pag di pa ako umuwi. Iisipin na naman noon nagwawalwal ang beauty ko!" Natatawang bumeso siya kay Martina.

"Sige ingat ka pauwi ha? Text me Martina!" Itinaas at iwinagayway niya ang cellphone. Tumango at kumaway naman ito sa kanya.

Dala dala ang dalawang plastic ay tumawid siya sa kabilang lane at doon nag abang ng taxi. Alam niyang walang driver sa kanila ngayon kaya hindi na siya nag-abalang magpasundo pa.

Ngunit dumaan na ang isang oras ay wala pa ring tumitigil na taxi. Kung meron man ay may laman naman.

Napapadyak na siya sa inip. Ni hindi niya namalayan ang kanina pa vibrate nang vibrate na cellphone niya. Mas dumami pa silang mga nakaantabay roon kaya mas lalong hindi siya nakakasakay.

"Gosh. Taxi nasaan ka na ba?"

Tumingkayad pa siya para makita ang nasa unahan na bahagi pero wala namang taxi roon. Nagkakagulo na nga ang mga tao. Ang iba naman ay naglakad na lang at ang iba ay nakipagsiksikan sa jeep. Hindi naman siya pwedeng mag jeep dahil walang jeep na dumadaan doon sa kanila at lalong di siya pwedeng maglakad!

Nakagat niya ang labi. Inip inip na siya kaya naman sumuot siya sa dagat ng tao para mapunta sa pinakaharap at nang makasakay agad.

Pagkarating sa harap ay unti unti siya nabuhayan ng pag-asa. Hinanda niya pa nga ang kamay niya para parahin ang unang taxi na dadaan. Nang may paparating ay kulang na lang mag lastikman ang kamay niya para lang hintuan pero papalapit pa lang siya rito nang may bumukas ng pinto nito. Humarurot paalis ang taxi.

"Shit!" mariing mura niya at tinanaw na lang ang taxi na 'yon.

Akala niya malas lang siya ngayon pero mas malas pa pala dahil until unting pumapatak ang mga butil ng tubig mula sa kalangitan. At palakas ito nang palakas.

Sunod sunod na mura ang nabitiwan niya. Sa inis ay pinatid niya ang batong nasa harapan. Takbuhan naman agad ang mga tao dahil walang silungan doon. Tatakbo na rin sana siya nang biglang may nag preno sa gilid niya. Kunot noong nilingon niya 'yon. Isang itim na audi ang nakaparada sa gilid niya.

Humina ang paglalakad niya na sinabayan naman ng sasakyan. Bumaba ang bintana ng front seat nito.

"Hop in," ani ng lalaking nagmamaneho.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ito. He's quiet familiar but she doesn't know him.

"Bubuhusan ka ng ulan pag di ka pa sumakay and I'? causing a traffic already so just hop in." Wala sa oras siyang napalingon at tama nga ito dahil galit na galit ang mga sasakyang nakasunod dito.

Isang malakas na pag preno pa ang pinakawalan ng isa nito. Walang ano ano'y pumasok siya sa sasakyan. Agad din naman nitong pinasibad ang sasakyan.

Walang imik sila buong biyahe. Pilit niyang inaalala kung saan niya nga ba nakita ang lalaking ito pero hindi niya talaga maalala.

Nakarating na lang sila sa bahay nila pero hindi niya ito maalala. Pero teka paano nga ba nito nalaman ang bahay niya? Hindi ito nagtanong at hindi niya rin sinabi!

"How did you know that I live here?" tanong niya rito. May pagdududa niya itong tiningnan.

Ngumisi naman ang lalaki.

"Everyone in school knows where the school owner lives, miss Ferguson."