NAIINIP siya kakahintay sa binata nangako kasi itong uuwi ng maaga at sabay silang kakain pero lumipas ang mga oras hanggang mag hating gabi na. ay wala parin ito mariing naman siyang nalungkot dahil sa pangako nitong hindi natupad.
Kahapon lang masayang masaya siya dahil ipinasyal siya nito sa mismong pagmamay-ari nitong Villa sa Hacienda nito.
Kayat hindi niya mapigilan na maslalo pang humanga sa binata dahil sa kabaitan na pinapakita nito sa kanya. Pero ngayon nag tatampo na siya kung minsan lagi talaga itong nagiging abala laluna sa trabaho na ito mismo ang may-ari.
Muli siyang napatingin sa orasan. Mas lalo siyang nainip kaonti na lang sasabog na siya sa inis para sa binata.
"Iha? Bat hindi kapa na tutulog? " Napalingon siya kay manang Gina na lumapit sa mesa at nag salin ng tubig sa baso.
"Hinihintay ko po si Keron manang.. "
"P-pero masyado nang gabi para hintayin mo pa si Señorito. "
"Ayos lang po manang hihintayin ko
parin po siya. " Ngiting tipid niya bago ito tumango.
"Siya sige akoy babalik na sa aking silid tawagin mo na lang ako kapag may problema. "
"Sige po salamat po. "
Tumalikod na ito. Bago siya napahinga nang malalim. Ilang oras pa ang hinintay niya bago siya nakarinig ng pagpagbukas ng pinto may narinig rin siyang mga nag tawanan.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso may pananabik na akma siyang lalabas mula sa kusina subalit agad rin napahinto at napatago.
"Grabe! Ang bigat mo Keron buswisit kang
lalaki ka. " Ani ng isang lalaki mariing naman natawa ang babaeng kasama nito.
"Tch. Si Ashtrid na lang bahala sakin pre. Umuwi kana dami mong reklamong hayop ka. " Natawang muli ang magandang babae.
"Sinabihan ko na kasi kayo na mahina talaga siya kapag na inom. Nako kung hindi ko lang mahal itong lalaking ito hinayaan ko na lang siya sa inyo." Mariing siyang nagulat.
"Tch. Sige na dalhin mo na siya sa guestroom Manang Joan paki tulungan na lang po si Ashtrid. "
Sabi pa ng lalaki. Agad naman tumalima ang katulong Noon lamang niya nakita ang dalawa pero sa babae siya naka focus. Mahal? Tae ano ibig nitong sabihin.
Napakagat labi siya nang makita niya na wala na ang mga ito ang naiwan ay ang babae na nagdala sa binata mula sa silid nito. Hindi siya mapakali halo-halo na ang pumapasok sa isipan niya sino ang babaeng yon? At bakit nito sinasabi na mahal nito ang lalaki?
Shit!
Hindi niya alam pero wala sa loob na napahawak siya sa kanyang dibdib. Tila siya sinaksak ng mga kotsilyo dahil sa nakita at narinig kung ganon may nobya na ang lalaki?
Galit at selos ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ilang minuto pa ang tinagal niya sa baba hinihintay niya rin ang pag-alis ng babae subalit wala siyang nakita na bumaba ito at umalis.
Mabibigat ang mga hakbang niya na pumunta siya sa dati niyang silid. Sunod sunod rin ang mga luhang nag sisibagsakan sa mga mata niya.
Hindi niya alam kung ano bang mayron sa dalawa at kung bakit sinabi ng babaeng Ashrtid na yon na mahal nito si Keron.
Ni hindi siya makapag isip ng matino ng mga sandaling iyon lalunat nasa guest room ang dalawa may malay ang lalaki at malabong walang mangyari sa mga ito, oh.. Damn!
Para siyang mababaliw sa kakaisip ng hindi
maganda. Muli siyang napahikbi bakit kailangan niyang maramdaman ang gantong pakiramdam para siyang asawa o girlfriend na natatakot dahil may kasama ang asawa o boyfriend sa guestroom.
Kung tutuusin maganda ang babae matangkad makinis at higit sa lahat napaka amo ng mukha at sexy pa kumpara naman sa kanya na bata walang muwang at walang binatbat kumpara sa babaeng nag ngangalang Ashtrid.
Walang tigil ang pag -iyak niya tiyak paggising niya kinabusakan halata ang pamamaga ng mga mata niya.
Kung ngayon palang na nasasaktan na siya siguro kailangan niya na talagang makagawa ng paraan para maalis sa puder nito Kung mayroon naman pala itong nobya.
©Rayven_26