Chapter 11 - Chapter 9

***

Buong klase lutang siya, sinong hindi no. Kung may bigla na lamang sayo magpapadala ng mga sulat at may bigla na lamang mag papadala ng minsahe ng ganon at inaari siya ng kung sinoman na hindi naman niya kilala.

Siguro kailangan na ito malaman ng mama at kuya niya. na tatakot na siya sobra' stressed na siya kakaisip kung ipapaalam na niya ba ito sa mama at kapatid niya maging sa mga kaibigan niya.

Upang sa gayon ay matulungan na siya, at mag subong sa mga pulis.

"Sheen."

Lumingon agad siya papalapit sa gawi niya sina Anna at Vriell habang maydala ang dalawa na mga pagkain.

"Bat parang ang bigat bigat naman ng dinadala mo bruha ka. " Sabi ni Anna.

"Oo nga, may problema ka ba? " Tanong naman din ni Vriell.

"Wala."

"Wala daw? Pero ang mukha mo ay hindi na ma ipinta. "

"Kulang yan sa lamon. " Sabi naman ni Anna habang kumakain ito ng burger.

Nauna siyang matapos kumain sa dalawa, saka niya kinuha muli ang cellphone habang nag uusap na ang dalawa.

Muli niyang binasa ang text ng hindi kilalang tao. Ibig sabihin no'n naroon ito kanina kung saan siya nakatayo.

Pero. wala naman siyang napansin na may taong naka tingin at nakamasid sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago siya pumaling sa ibang direksyon at hindi niya sinasadyang mapadako ang tingin niya sa gawi ni Pual na naka tingin rin sa kanya.

Wala sa loob nanapalunok siya. May benda pa ang ulo at braso nito. Kahit papano ay unti unti na itong nakaka recover. Napakagat labi siya bago siya nag bawi rito ng tingin, na hiya rin siya dahil alam niyang nililigawan siya nito pero binasted naman niya.

Ano naman kasing magagawa niya, kung mga bata pa sila at wala pa sa tamang edad para pumasok sila sa isang relasyon ng walang kasiguraduhan.

Nang matapos silang mag lunch sabay na rin silang bumalik ng classroom, hinintay na lamang nila ang susunod na klase.

__________________________________________________

Matapos ang klase nag handa na rin sila sa pag uwi kasabay sina Anna at Vriell. Habang nag liligpit lumapit sa kanya si Ella.

"Sheen-sheen.. Birthday ko sa Friday punta kayo nila Anna. "

"Sige, "

"Marami ka bang handa? " Sabi ni Vriell napa iling siya dahil kung paguusapan ang mga pagkain lagi itong aktibo.

Tumawa si Ella, bago sinagot ang tanong ni Vriell.

"Oo naman ikaw talaga oh. "

"Na. ninigurado lang hehe.. "

"Tara na. Baka nag hihintay na roon si

Anna sa labas. "

Saka na sila sabay sabay na lumabas. Nakita na nila si Anna na nasa gate ng university habang may katawagan ito mula sa cellphone.

Na una naman si Ella na nag paalam sa kanila lalunat sinundo ito ng daddy nito.

Akmang susunod na sana siya sa kaibigan ng may biglang pumigil sa tangka niyang paglakad agad siyang lumingon, nahigit ang hininga ng makumpirmang si Pual iyon.

"P-pual? "

"S-sheen-sheen.. "

Sambit nito sa pangalan niya bago ito lumingon lingon sa paligid bahagyaman nagtaka ay pinag sawalang bahala na lamang niya ang pagiging balisa nito.

"M-may kailangan ka? " Tanong niya. Saka nito binitawan ang braso niya.

"M-mag iingat ka Sheen.. Lalo na sa kanya, "

"H-huh? Teka hindi kita maintindihan---"

"Mag iingat ka.. " Sabi nito bago nito ginulo ang kanyang buhok. At tumalikod papalayo sa kanya' Nag taka siya sa sinabi nito.

Saan naman siya mag iingat? Ano bang pinag sasabi nito hindi niya kasi maintindihan---

Natulos siya sa kanyang kinatatayuan matapos niyang makita ang isang lalaking matangkad at naka itim sa kabilang kalsada. Naka tayo ito mula sa malaking puno at naka tingin sa kanyang gawi.

"M-mag iinga ka Sheen-sheen laluna sa

kanya, "

Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Pual sa kanya kanina bago ito umalis, Biglang nanghina ang mga tuhod niya.

"Sheen-sheen!? Ayos ka lang? Bat parang na mumutla ka? "

"V-Vreill.. "

"Anna! Si Sheen-sheen! "

Nagpanic ang dalawa upang daluhan siya hindi niya alam ang gagawin nanikip na rin ang dibdib niya habang nakatingin sa lalaki mula sa kabilang kalsada. Naroon parin ito.

Subalit bago siya mawalan ng malay saka naman nag angat ito ng mukha.

Nakita na niya ito pero hindi niya lang alam at matandaan kung saan.

Hindi kaya ito rin ang lalaking nag papadala sa kanya, ng mga sulat? Kung ganon dapat nga talaga siyang magingat mula rito.

Pero bakit tila may alam si Pual?

©Rayven_26