Chapter 3 - KABANATA DOS

CASSANDRA'S POV

Wala kaming imikan ni Papa sa loob ng aming sinasakyan hanggang sa makarating na kami ni Papa sa mansion. Nasa bukana pa lamang kami ng pintuan malapit sa sala ay bigla nya na lamang ako sinampal ng malakas na ikinabigla ko pati ng aking Mama.

"Conrado! Dios Mio! bakit mo sinampal ng ganoon si Cassandra! Ano na naman ba ang nangyayari sa yo!" saad ng aking ina habang yakap ako nito upang protektahan sa aking ama kung sakaling ako ay sasaktan muli.

"Bakit hindi mo tanungin yan malandi mong anak, Margarita! Hindi na tayo binigyan ng kahihiyan! Masahol pa yan anak mo sa mga bayarang babae! Talagang nagpabuntis pa sa hampas lupang manggagawa ng ating hacienda!" Saad ng aking ama

Gulat naman rumehistro sa mukha ng aking ina ng sinabi ni Papa na nagdadalang tao ako. Pero agad naman rumehistro ang awa ng aking ina.

"Totoo ba ang sinabi ng iyong Papa, Sandra? Buntis ka ba? Diyos ko! Bakit anak? Saan kami nagkulang ng iyong ama? Sino ang ama ng iyong pinagbubuntis?" Napaiyak na lamang ang aking ina habang niyayakap ako nito.

"Papa! Mama! Mahal ko po si Miguel at mahal din niya ko. Nagmamahalan lang kami, bakit hindi nyo maintindihan? Buntis na ko Papa! Bunga ito ng pagmamahalan naming dalawa. Handa niya ko panindigan! Kaya ba ayaw mo tanggapin ang ama ng anak ko ay dahil sa- .."

Hindi agad ako pinatapos ni Papa dahil agad nya ko binuweltahan at dinuro na parang pinandidirian at kinasusuklaman ako.

"Dahil mahirap sya! Walang angat sa buhay! Hindi niya kaya ibigay ang mga kaya naming ibigay sayo Cassandra! Ayoko madungisan ang pangalan ng ating pamilya! Ipalaglag mo yan dinadala mo! Hinding Hindi ko matatanggap yan!" saad ni Papa sa akin.

"Conrado! Buhay ito pinag uusapan natin! Kasalan sa diyos ito! Kung hindi mo matanggap ang ama, bata na lamang ang ating isipin! Pakiusap!" - Margarita

"Naririnig mo ba yan sinasabi mo Papa! Dugo't laman ko ang nanalaytay sa loob ng sinapupunan ko! Apo mo! Isang dugong Montenegro! Asan ang konsensiya mo Papa?!" Galit na pagkasabi ko sa aking ama.

"Umakyat ka na sa iyong silid, Sandra. Hayaan mo muna magpalamig ng ulo ang iyong ama. Ako na muna ang kakausap sa kanya. Magpahinga kana. Mag uusap tayo mamaya." - Margarita

Agad ako umakyat papunta sa aking silid at umiyak, habang aking ina naman ang kumakausap sa aking ama.

"Conrado! hwag mo idamay ang bata na nasa sinapupunan pa! Labag sa Diyos yan gusto mo mangyari! Karma ang haharapin ng ating pamilya!" - Margarita

"At ano ang gusto mo mangyari hah Marga! Ang buhayin yan bastardo sa tiyan ni Cassandra! Sige buhayin mo! pero ipamigay mo yan bata na yan sa mga mag asawa walang anak!" - Conrado

"Hibang ka na Conrado! Pati batang wala pa ka muwang muwang sa mundo pinagsasalitaan mo na ng ganyan! Anong klase kang Asawa at ama!" - Margarita

Sa hindi inaasahan paglabas ko ng silid ay agad ako napatakbo ng sampalin ng malakas ni Papa si Mama.

"Papa! Pati ba naman si Mama sinasaktan mo na din! Anong klase kang Padre de Pamilya! Wala kang puso!" - Cassandra

Walang humpay sa kakaiyak ang aking ina hang hawak nito ang kabilang pisngi ng kaniyang mukha kung saan siya sinampal ni Papa, Agad ko niyakap ang aking ina upang proteksyunan sa aking ama.

"Ipalaglag mo yan Cassandra! Ayoko ng bastardo sa pamil- ..." Saad ng Don

Dahil bigla ito napahawak sa dibdib niya at mukang inaatake ito sa puso. Nataranta naman agad si Mama at ako'y natulala na sa nangyari sa aking paligid. Nang ako'y matauhan ay agad namin sinugod si Papa sa ospital.

Pagdating namin sa ospital ay agad nila inasikaso ang aking ama, samantalang iyak ng iyak ang aking ina. Agad ko ito tinabihan at niyakap. Walang humpay ang pagtatangis ng aking ina at sinisisi nito ang kaniyang sarili sa nangyari kay Papa.

"Ano ba ito nangyayari sa ating pamilya. Dios ko. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Patawarin mo ko anak, kung ako ay nagkukulang sa iyo. Kasalanan ko ito.." - Margarita

"Patawad, Mama. Kasalanan ko po ito. Masyado kaming nagpadalos dalos ni Miguel. Masyado ko lamang mahal si Miguel, Mama." Pag hikbi agad ay ginawa ko.

"Alam ko. Patawad din, anak. Sana talagang panindigan ka niyan nobyo mo. Mas lubos ako masasaktan pag nakita kitang nasasaktan dahil sa pag ibig na lubos mo ibinibigay. Magtira ka sa iyong sarili, Cassandra. Alagaan mo lagi ang iyong sarili dahil may supling kana diyan sa iyong tiyan." Agad naman ako niyakap ni Mama At umalis din ito agad para kumustahin sa doktor ang kundisyon ng aking ama. Iyak lamang ang ginawa ko habang hinihimas ang maliit kong anak sa aking sinapupunan.

"Patawad, anak. Kung hindi ka matanggap ng iyong Lolo. Hayaan mo mahal ka namin ng iyong ama at ng iyong Lola. Gagawin ko lahat para maproteksyunan kita lalo na't wala sa tabi natin ang iyong ama."

Agad naman kami pumunta ni Mama sa maliit na Chapel sa loob ng ospital upang ipagdasal ang kalagayan ng aking ama na sana ay maayos na ang kaniyang lagay. Hindi namin ito kagustuhan ni Mama na mapahamak ang aming Padre de Pamilya. Masyado lamang dinamdam ng lubos ng aking ama ang problema binigay ko sa pamilya. Ayaw kasi ng aking ama sa mahirap na lalaki, gusto nito makapangasawa akong may pinag aralan, may natapos o may narating na sa buhay, galing sa mayaman angkan o pamilya. Gusto ni Papa isang negosyante o pulitiko ang mapangasawa ko. Lubos ko pinagpapasalamat na hindi ako tinalikuran ng aking ina, nandiyan siya para sa akin.

Si Mama na lamang ang masasandalan ko sa ganitong problema kinakaharap ko, ngayon alam na ni Miguel na ako ay nag dadalang tao na. Hiling ko din sa taas na sana matanggap na ni Papa ang aking kalagayan pati ang aking anak na nasa tiyan ko pa lamang. Hwag na sana niyang ipagpilitan pa ang gusto niyang ipalaglag ko ang sarili kong anak, dahil kahit ano pang mangyari ay mananatili pa din ang desisyon ko na buhayin ang aking anak.

Makalipas ng ilang oras ay nilagay na nila si Papa sa private room, pinayagan naman kami ng doctor na pumasok. Nauna ang aking ina pumasok sa kwarto at sumunod ako. Nakita ko si Papa naka oxygen, sabi ng doctor na mahina na ang puso nito.

"Cassandra?..halika dito hija sa tabi ko" saad ng aking ama

Ako naman ay pumunta kay Papa, hindi ko napigilan lumuha dahil sa'kin kaya nandito sya, niyakap ko naman si Papa ng mahigpit.

"Pa..pa.. Patawad po ... "

Hinawakan ako ni Papa sa aking kamay at seryoso itong nakatingin sa'kin.

"May gusto sana ako sabihin sayo, anak.. Patawad sa aking nasabi tungkol sa iyong pagdadalang tao, pero hindi ko matatanggap ang ama niyan kahit anong pa pagpipilit gawin niyo. Napagdesisyon kong ipakasal ka kay Rafael at siya tatayong ama ng anak mo. Si Rafael ang gusto ko para sayo Cassandra, siya ang gusto ko na mapangasawa mo." Saad ni Papa

Ako naman ito natulala sa mga sinabi ng aking ama, si Rafael yun taong muntik na ako halayin at ngayon siya ang mapapangasawa ko at gusto pa gawing ama ng pinagbubuntis ko.

"Conrado, bakit kay Rafael pa?! Nahihibang ka na ba talaga? Hindi mo na lamang tanggapin si Miguel na maging kabiyak ng ating anak. Buhay pa ang ama ng ating apo!" - Margarita

"Tumahimik ka Margarita!" saad ng Don

"Papa! Hindi maaari! Nobyo ko si Miguel! Siya lang ang mahal at ama ng anak ko Papa! Ayoko kay Rafael! Intindihin niyo naman po ako!" Pagsusumamo ko na wag ako ipakasal kay Rafael.

"Isang hamak na hampas lupa si Miguel! Hindi ka nararapat para sa kanya Cassandra! Kundi kay Rafael ka lamang! Anong kinabukasan ang maibibigay ng nobyo mo sa anak nyo? Hah! Wala ka ng magagawa! sa ayaw't gusto mo, Cassandra! kay Rafael ka lang dapat! At ikaw Marga, hwag mo na gatungan pa yan anak mo!" galit na sabi ni Papa

Ang Mama ko naman ay hindi malamang kung ano ang gagawin para hindi na ituloy ni Papa ang gusto nito mangyari.

"Conrado, hayaan mo na si Cassandra magdesisyon para sa kaniyang sarili! Alam mo kung ano ginawa ni Rafael sa ating anak, tapos gusto mo doon ipakasal?! Dios Mio!" saad ni Mama

"Buo na ang aking desisyon! Ipapakasal kita hora mismo! kay Rafael Hernandez! Nakausap ko na ang magulang ng binatilyong iyon." - Conrado

"Saan kayo kumukuha ng lakas na loob sabihin ang mga yan?! Papa! Ipapaako niyo sa taong yun ang anak ko?! May ama ang anak ko! Pagsisisihan mo ito ginagawa mo sa akin Papa!"

"Cassandra!" - Margarita

Ako naman na halos humagulgol na sa kakaiyak, ay agad ako lumabas ng kwarto ni Papa. Bakit ba hindi niya ako kayang intindihin? Nagmamahalan lang kami ni Miguel. Pupuntahan ko si Miguel, dahil sa mga oras na ito ay kaylangan ko sya. Hindi ko kaya mawala si Miguel.

Nang makarating na ko sa aming hacienda, ay dumiretso agad ako sa taniman ng mga pinya dahil alam ko na nandun si Miguel.

"Mi...guel..." sabay yakap ng mahigpit sa aking mahal.

"Bakit ? Sandra? Hinihingal ka ah? hindi ba dapat eh andun ka kay Don Conrado? Baka sundan ka ng mga tauhan ng ama mo. Totoo ba na buntis ka mahal? Magiging tatay na ba ako? Ano iyong nararamdaman, mahal? May masakit ba sa iyo? Ika'y ba nagugutom na? Halika may inihandang pagkain sina Carmela at Nanay Dehlia." Saad ni Miguel na makikita sa mukha niya ang pagkasabik.

"Mahal na Mahal kita Miguel! Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay, hanggang kamatayan! Tandaan mo yan! Oo mahal, buntis ako. Umalis ako mahal sa ospital. Tanggap ito ni Mama, si Papa lamang ang aking pinoproblema dahil hindi ka niya kailanman kayang tanggapin." Sabay yakap sa aking nobyo.

"Mahal na Mahal din kita Sandra, Nagpapasalamat ako kahit si Donya Margarita ay tinanggap niya ang ating relasyon. Hayaan mo, Lilipas din ang galit ni Don Conrado, balang araw matatanggap din niya ang ating relasyon." - Miguel

"Si...Si...ano...Miguel....Ipapakasal ako ni Papa kay Rafael sa lalong madaling panahon, gusto ni Papa na si Rafael ang umako ng responsibilidad mo bilang ama sa akting anak. Ayoko makasal Miguel! Alam mo kung ano ginawa sa kin ni Rafael dati. Ano ang plano mahal? Ayoko ng gusto niya. Kahit si Mama ay ayw din ako maikasal kay Rafael dahil alam din nito ang ginawa kahayupan sa akin noon." Mangiyak ngiyak ko pagsusumamo kay Miguel.

Si Miguel naman ay halos hindi makapaniwala ikakasal ang nobya nya kay Rafael at magiging ama pa ng anak niya, ang mortal niyang kalaban kay Sandra.

"Hindi ako papayag Sandra na maikasal ka sa hayop na yun! Naiintindihan mo?!! Mas lalong wala siyang karapatan agawin ang responsibilidad ko bilang ama sa anak natin! Walang pwede makakapag hiwalay sa'tin! Gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy yan! Pangako mahal. Basta magpakatatag lamang tayong dalawa, malalampasan din natin itong problema na ito." Saad ni Miguel

Hinalikan naman ako ni Miguel sa noo, at nagyakapan kami dalawa. Dinala naman ako ni Miguel sa kubo para yayaing kumain. Nandoon ang mga kaibigan at pamilya ni Miguel kasama ang mga tabahante ng Montenegro.

"Ate Sandra, binabati ko kayo ni kuya Miguel dahil magkakaroon na ko ng pamangkin. Maligaya ako para sa inyo dalawa" - Carmela

"Salamat, Carmela. Malapit ka na magkaroon ng pamangkin, tiyak na may mangungulit na sa iyo araw araw haha"

"Hijo, maligaya ako para sa inyong dalawa ni Sandra. Pagpalain kayo ng maykapal. Alagaan at Mahalin niyo ang bawat isa. Ikaw ay isa ng ama, apo ko." - Manang Dehlia

"Opo, Lola. Pangako, Aalagaan at mamahalin ko ng sobra sobra ang aking mag ina. Salamat po Lola" - Miguel

"Kaibigan! binabati ko kayo ni senyorita Cassandra. Hwag mo ko kakalimutan sa inyong pag iisang dibdib haha, Masaya ako para sayo, Miguel gayon din sa iyo Cassandra" - Caloy

"Maraming Salamat sa lahat, Caloy. Hinding hindi kita makakalimutan, kapatid na ang turing ko sa iyo." - Miguel

"Halina't magsikain na tayong lahat, baka nagugutom na ang aking apo sa tuhod. haha" - Mnang Dehlia

At masaya kaming nagsalo salo sa maliit na piging na inihanda ng Lola nila Miguel at Carmela para sa aming lahat.