Chereads / Until We Meet Again (Filipino Version) / Chapter 6 - KABANATA CINCO

Chapter 6 - KABANATA CINCO

RAFAEL'S POV

Nandito ako ngayon sa silid aklatan ni Tiyo Conrado, nakaupo ako sa may upuan habang umiinom ng alak na agad ko tinawagan kanina ang aking mga tauhan upang maisagawa ko na ang plano ko na pag hiwalayin ang magkasintahan. Bago man lamang makauwi dito ang aming mga magulang wala na ang pesteng lalaking yun, ng maumpisahan na namin ang magarbong kasalanan sa pagitan namin ni Cassandra.

Nang maubus na ang laman sa'king baso, ay napagpasyahan ko lumabas ng aking kwarto at dalawin ang mga manggagawa ng Montenegro. Dahil ako din naman ang magpapalakad nito pagdating ng araw na maging asawa ko na si Cassandra Montenegro. Paglabas ko ng silid aklat ay nakita ko agad sa baba ng sala si Cassy, kausap ang katulong, mukang aalis ata ito.

Nakita ko nagmamadali si Cassy palabas ng hacienda, mukang makikipagkita ata ito sa hampas lupang si Miguel. Wala talagang kadala dala ang babaeng iyon! Pasimple ako bumaba at pumunta sa kinaroroonan ng katulong, paglingon nito ay agad ito nagulat ng makita ako napahawak pa ito sa kaniyang dibdib.

Ay! Anak ng diablo! Este Kayo po pala senyorito Rafael, nakakagulat naman po kayo, kasi bigla bigla kayo sumusulpot na parang isang kabuteng lason hehe este kabute lang po pala.. ano po maipaglilingkod ko? Saad ng katulong habang napakamot sa kaniyang ulo.

Ano! Kamo! Pakiulit ang sinabi mo! diablo ba kamo! Ang tibay din ng bibig mo ah? Sarap silaban ng gasolina. Napakadami na kasi lumalabas diyan sa bibig mo!

Ah... eh,.. pasensiya po. ganito po talaga ako madaldal kung minsan. sige po, pupunta na po ako ng kusina dahil marami pa po ako gagawin baka hinahanap na po ko ng mayordoma, mauna na po ak-.. saad nun katulong

Saan pupunta si Cassandra! Hah! Di ba kabilinan ko na babantayan at sasamahan mo ito ?!!! Bobo ka ba! At hindi mo maintindihan?! o baka sinadya mo talaga! malilintikan ka sa akin! Pasigaw na pagkasabi ko

Ah...eh... senyorito mangangabayo lang naman po kasi siya. Hindi naman po alagain si senyorita, kaya niya po ang sarili niya. Maglilibot lang po iyon sa buong Hacienda, lalo na't wala pa po ang Don para mag asikaso ng negosyo nila. at isa pa po medyo nababagot na ho kasi iyon lagi nakakulong sa kaniyang silid. Nakayuko pagkasabi nito

Namimilosopo ka pa! Umalis kana sa harapan ko kutong-lupa !!! Wala kang silbi!!! Bwsit!

Agad ko tinawag ang lahat ng tauhan ko para hanapin si Cassandra, malilintikan talaga sa'kin ang babaeng yun. Matitikman niya kung paano ako magalit! Nang makarating kami sa lugar ng mga kabayo ay hinanap ko agad si Cassandra, ngunit walang tao dito pero ang alaga nya si kidlat ay wala din. Nakita ko may lalaki papunta dito sa lugar ng mga kabayo mukhang ito ata ang tagapangalaga nila.

Hoy! Ikaw! Nakita mo ba si Cassandra! Saan siya pupunta?!

A..ako.. po ba?? Nanginginig na pagkasabi nito

Agad ko kinuwelyuhan yung lalaki sa kaniyang sinagot.

Oo! Ikaw! Alangan kabayo! Tanga! Ano nakita mo ba si Cassandra o hindi! Ang hihina ng mga ulo niyo!

Sen..yo..ri..to.. wala po ako kasalanan, wag nyo po ako saktan. Hindi ko po nakita ang senyorita, kakarating ko lang ho. Saad nito lalaki

Kung ayaw mo masaktan! Pwes sabihin mo sa kin kung saan si Cassandra!

Na..sa.. pin..ya..han po. Nakasalubong ko po. saad nito

Itinulak ko sa may putikan yung lalaki, bagay naman sa kanya yun. Sumakay na ko pati mga tauhan ko papunta sa pinyahan. Nang makarating na kami dun ay agad ako bumaba dahil agad ko nakita ang dalawa. Agad ako pumaroon sa kanila na alam ko tatakas sila, at nalaman ko buntis pala ang pakakasalan ko kaya agad ako nagsalita mula sa likod nila.

At saan naman kayo pupunta Miguel?!! Tang ina! Talagang naglagay ka pa ng kalahi mo sa bahay bata sa magiging asawa ko!

Nagulat naman sila dahil sa pagkasabi ko. Agad naman sila tumakbo at sumakay sa kabayo. Nang akma namin hahabulin ay agad kami hinarang ng mga magsasaka.

Umalis na kayo dito !!! Saad ng mga magsasaka

Kayo mga kutong lupa!!! Wag kayo makealam kung ayaw nyong mawalan ng hanap buhay !!!

Sabay bumunot na ko ng baril at ipinutok ko sa taas, kaya nagkagulo sila at walang habas na pinagbabato kaming ng mga manggagawa kaya agad kami sumakay ng sasakyan para makaalis sa lugar at sundan ang magkasintahan.

Humanda ka sa kin Miguel! Papatayin na kita! Pati anak mo! Idadamay ko!!!!

Nakarating din kami ni Sandra sa Isla at sakto nakaabang sa amin sila Caloy at Manang Deliah sa bangka at pwede na kami maglayag.

Miguel? San tayo pupunta? Baka maabutan tayo ni Rafael.. natatakot ako. saad ni Sandra

Halina na kayo! Sumakay kana, anak! Ako na bahala sa magulang mo, si Caloy na ang sasama sa inyo para makalayo na kayo dito. Saad ng Ginang.

Nang, umalis ka na dito! Baka maabutan ka nila! Tara na Miguel! - saad ni Caloy

Agad nang kumaripas ng takbo ang matanda upang magtago.

Sa kabilang isla tayo pupunta, Sandra. Sumakay kana dali! - Miguel

Miguel! Pasigaw na sabi ni Sandra

Paglingon ko ay agad ako sinuntok ni Rafael at nahulog ako sa tubig dagat, pati si Caloy at pinagtulungan ng mga tauhan nito na bugbugin.

Rafael! Tumigil kana! Wag mo sasaktan si Miguel at si Caloy! Hayop ka!.. Bitiwan nyo ko!! Ano ba!!! Nasasaktan ako!!!!Miguel!!!!!!!!! Iyak ng iyak si Sandra

Ipasok nyo na si Cassandra sa likod ng sasakyan!! Saad ni Rafael

Demonyo ka! Rafael!!! Saan mo ko dadalhin!!! Bitiwan nyo sabi ako eh!!! Mga hayop kayo!!! Nagpupumiglas si Sandra

Sa di kalayuan ay ang matanda na nagtago sa talahib na may malalaking bato ang nakasaksi sa maduguang pangyayari, nanatili lamang siya nakatago habang tahimik na lumuluha dahil sa kaniyang nasaksihan. Halos gusto na nito humagulgol sa sinapit ng kaniyang apo na si Caloy at Miguel. Nakita niya din na sinuntok ni Rafael kasama ang dalawang tauhan si Miguel, halos bugbog sarado na ito.

Lunurin nyo na yan dalawang gagong yan!

Saad ni Rafael

Nilunod nga ng mga ito si Miguel at si Caloy kaya kitang kita ni Cassandra na nakalutang na ang katawan ng mahal nya sa tubig kasama ang matalik na kaibigan nito. Halos na

tulala si Cassandra at napaluhod.

Ano! Cassandra? May dahilan pa ba para di matuloy ang kasal natin? Hahaha ay! Oo nga pala! Yan peste mong anak! Sa ayaw't gusto mo ipapalaglag natin yan! Hahahaha saad ni Rafael

Sinampal sya ng malakas ni Cassandra at pinagsusuntok sa dibdib nito

Hayop ka Rafael! Wala kang puso! Wala naman ginawang masama si Miguel at si Caloy sa'yo! Pati anak ko idadamay mo pa! demonyo ka talaga!!! Kahit kaylan hinding hindi ako magpapakasal sayo!!! Matapang na pagkasabi ni Cassandra

Si Miguel ay akmang pupuntahan sana nito ang kasintahan umiiyak pero paglingon nya ay nakita nya ang katawan nya wala ng buhay kasama ang walang buhay na katawan ni Caloy na kaniyang matalik na kaibigan.

Hindi maaari ito! Hindi pa ko patay!

Agad na may liwanag at unti unti sya inaakyat papuntang langit,

Diyos ko! Kung naririnig mo po ako, nagmamakaawa po ako sainyo ibalik nyo po ako kay Cassandra, ayoko po mawala sa piling ni Cassandra at sa anak ko, panginoon! Ibalik nyo po ako.

At agad na siya kinuha..

-*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -

Sa pagkasabi ni Cassandra ay sinampal ko sya.

Demonyo na kung Demonyo Cassandra! Lahat gagawin ko mapa sa akin ka lang! Baliw na baliw na ko sayo Cassandra! Akin ka lang! Saad ni Rafael

Nang akma nya ko hahalikan ay agad ko tinuhuran ang pagkalalaki nya at agad ako tumakbo ng tumakbo papalayo sa kaniya upang makahingi ng tulong.

Putang ina ka Cassandra!!! Humanda ka sa kin pag na abutan kita!!! Hahahaha!!! Habang napaluhod na sa sakit si Rafael nagawa pa niyang tumawa ng malakas na parang nawawala sa sarili.

Kayo!!! Ano tinutunganga nyo!!! Habulin nyo !!! Mga gago!!! Saad nito

Naglabas na ng baril si Rafael at nagpaputok ng tatlong beses.

Sige lang Cassandra!!! Makipagtaguan ka!!! Dahil mahuhuli din kita!!! Hahaha saad ni Rafael

Nagtago ako sa mga malalaking bato at natatanaw ko si Rafael na may dala dalang baril. Nang akmang lilipat ako ng pwesto ay agad naman may humila sa braso ko ng mahigpit.

Boss! Hawak ko na!!! Nakita ko na po si Cassandra. Haha saad ng tauhan nito

Bitiwan mo ko !!! Ano ba!!! Saad ni Cassandra

Biglang hinila ni Rafael ang buhok ko at sinuntok ako sa sikmura kaya agad nanakit ang aking tiyan. Nakita ko na lamang may umaagos na ng dugo sa aking hita.

*cough* ta..ma.. na.. Rafael. Ang anak ko.. Huhuhu saad ko habang nakayakap sa sikmura ko at namimilipit sa sakit.

Muli ako nag angat dahil sa paghila ni Rafael sa buhok ko.

Ang tapang muna hah! Ang lakas ng loob mong sipain ang pagkalalaki ko hah! Ano napala mo ngayon? Hahaha. Tama lang yan! Mawala na din yang pesteng anak nyo ni Miguel! hahahaha Galit na aura ni Rafael

Bigla nya na lang ako sinampal ng malakas at napabagsak ang ulo ko sa bato at nawalan na ko ulirat.

Cas..sandra??? Saad ni Rafael

Ininalalayan ni Rafael ang ulo ko na puro dugo dahil na din sa pagkabagsak ko dagdag pa ang dugo sa aking hita.

Boss! Patay na po ata yan? Di na ata humihinga! Saad ng tauhan nya

Hindi! Hindi maaari ito! Ta..ra! Na!! Umalis na tayo! Baka may makakita pa sa'tin! Ilagay nyo na ang tatlong bangkay sa loob ng sasakyan na yan! Paandarin nyo para lumubog sa dagat! Dapat wala tayo iwan na ebidensiya! Bilisan nyo!!! Saad ni Rafael

Eh, boss? Pa...

Di ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil nataranta na ko pumasok sa isa pang kotse. Nang lumubog na ang sasakyan, lahat kami ay dumiretso na ng hacienda, pagka baba ko ay ibinigay ko na ang bayad ko sa kanila.

Ayan na ang pera! Magpakalayo layo muna kayo! Wala dapat maka alam sa nangyari maliwanag?!! Saad ni Rafael

Areglado boss! Saad ng mga ito

Agad naman ako pumaroon sa kwarto at nag impake dahil babalik na ko papunta sa Europa.

Halos takbo lakad ang ginawa ng ginang mapalayo lang sa insidente, dahil siya mismo ang nakasaksi sa malagim na nangyari sa magkasintahan pati sa kaniyang apo.

Agad siya nakarating sa likod ng hacienda, naabutan naman siya ni Carmela nito.

Nang? Nakaalis na po ba sila? Ano ho, maayos lang po ba si Senyorita? Nasa'n po si kuya Caloy at kuya Miguel?!

Tulala lamang na lumuluha ang matandang mayordoma, hindi malaman kung paano niya ito maipapaliwanag sa kaniyang apo.

"Nang, nagmamadaling nag impake at umalis si Senyorito Rafael. Mukha siyang balisa na natataranta. Ano ho ba nangyayari, nang?! Magsalita naman ho kayo! Ako'y nangangamba na baka may masamang nangyari sa kanila."

Pa..pa.. Patay na sila, Carmela.

An.. Ano... Ho????.. Pa... Paano?...

Agad humagulgol ang matanda, gulat sa di malamang dahilan ang pagkasabi ng matanda. Agad naman niya niyakap ang kaniyang lola. Muli niya ito kakausapin pag humupa na ang bigat ng nararamdaman ng mayordoma.

Napabangon naman si Cassandra at nakita nito ang patay niyang katawan sa loob ng sasakyan na unti unti ng lumulubog sa dagat, sabay may nakita ako liwanag.

Diyos ko, kayo na po bahala sa'kin. Gusto ko na po makasama si Miguel. Saad ni Cassandra