RAFAEL'S POV
Ngayon nandito at bumalik na ako muli sa Pilipinas! Ako'y nasisiyahan at nasasabik na makita muli ang matagal ko ng iniibig na si Cassandra Montenegro. Papunta na kami ng aking pamilya sa Hacienda de Montenegro, dahil gusto na nila maiayos na namin ang nalalapit na pag iisang dibdi namin ni Cassandra. At labis ko itong kinasaya sapagkat matagal ko na gusto mapa sa akin ang babaeng kinababaliwan ko noon pa man. Ganun pa din kaya ang itsura nya? Mas lalo pa kaya siya gumanda? Nasasabik na ko makita muli siya dahil sa wakas ay ikakasal na ko sa kanya. Sa babaeng nag mamay ari ng puso ko.
Sa wakas ay nakarating din kami sa Hacienda El Montenegro, wala pa din pinagbago ang malaki at masaganang Hacienda. Pagkapasok namin ng magulang ko sa mansiyon ay agad kami sinalubong ng ina ni Cassandra.
"Raquel, ikinagagalak namin na nakarating kayo ng maayos kasama ang iyong pamilya." saad ni Tita Marga at nakipagbeso sa'min ni Mama
"Nako! Salamat Balae. Matagal nga lamang ang biyahe manggaling ng Europa papuntang Pilipinas." Saad ng aking ina.
"Tiya Marga, si Cassandra po pala nasaan po?"
"Ay pababa na silang mag ama, hali kayo sa sala at nag handa ako ng kaunting salo salo." Saad ni Tiya Marga
Habang nakaupo kami lahat sa sala ay bigla dumating si Don Conrado.
"Kumpadre, Rogelio! Kaytagal na natin hindi nagkita, kamusta na? Mabuti at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon." Saad ng Ginoo.
"Ayos lang naman kumpadre, ikaw ba? Balita'y ko naisugod ka sa ospital. Isa din sa dahilan kaya napasugod kami dito. Kamusta na ang iyong lagay?" saad ni Papa
"Wala yun kumpadre ayos na ang aking pakiramdam, Salamat. Alam mo naman tumatanda na tayo, haha. Kaya nga gusto ko na sana ipagkasundo na ang aking anak kay Rafael dahil nasa tamang edad na sila. Hindi ba? Hahaha" saad ni Tito Conrad sabay tapik sa balikat ni Papa.
"Oo nga kumpadre, bueno mga bata naman ang magdesisyon kung kailan ang petsa ng kasal na gusto nila. Tayo mga magulang eh, handang gabayan sila hanggang sa magkapamilya ang mga ito." Sagot ni Papa
"Ikaw na ba yan Raquel? Lalo ka pa din gumaganda ah?... At ito na din ba si Rafael? Napakagwapong bata, hintayin mo lamang si Cassandra dahil maya maya ay magkikita na kayo. Sadyang matagal talaga mag ayos ang batang iyon." magiliw na sabi ni Tito Conrad
Mga ilang minuto lang ay bumaba na agad si Cassandra, suot nya ang pulang bestida lalo pa din sya gumaganda.
"Hija, andyan ka na pala? Halika't bumati ka kina Tiya Raquel at Tiyo Rogelio mo." saad ng Papa ni Cassandra
"magandang umaga po Tiya Raquel at Tiyo Rogelio." saad ni Cassandra na nagmano pa sa magulang ko at nakipagbeso
"napakagalang talaga ng anak mo Marga, bukod na sa pinagpala na maganda at mabait na bata. Tiyak na magiging mabuting may bahay at ina ito pag nag asawa na sila ni Rafael." saad ni Mama
"Bueno, mga bata naman ang magdedesisyon ng ganyan bagay, Raquel." saad naman ni Tiya Marga
"Margarita!" - Conrado
"Mukhang ayaw ata ni Marga na maikasal ang anak niya sa aking anak, Conrado. Hindi ba't dapat napag usapan niyo na ito at nakapag desisyon na kayo?" - Raquel
"Napag usapan na namin ito ng aking may bahay, Bueno. nakapag desisyon na kami tuloy ang kasal ng dalawang bata" - Conrado
Ako naman ay tumayo at nakipagkilala kay Cassandra.
"Cassandra...
Napakaganda mo pa din, parang wala pinagbago ang itsura mo. Ikaw pa din ang babaeng iniibig ko."
"ikaw pala Rafael... salamat sa papuri mo." saad ni Cassandra
"Mama, Papa, Tiya Raquel, Tiyo Rogelio, Rafael.. ahmm... mawalang galang lang po lalabas lang po sana ako saglit, magpapahangin lang po ako sa may veranda." saad ni Cassandra
"Mabuti pa nga hija. Nang makapag usap kayo ng maayos ni Rafael. Hijo samahan mo ang iyong katipan." Saad ni Mama
"Sige, anak. Bumalik ka din dahil mamaya ay kakain na tayo." saad ni Tita Marga
Samantalang si Papa at Don Conrado ay tumango lang.
"sasamahan na kita, Cassandra."
"ikaw ang bahala, Rafael" saad ni Cassandra na halong lungkot ang boses.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
MARGARITA'S POV
Agad ako dumiretso ng kusina para makapag ayos ng dadalhin sa hapag kainan ng biglang may sumulpot na kabute sa aking likuran.
"Natitiyak kong ayaw mo sa aking anak para sa iyong anak, Marga" - Raquel
"Tama nga ang iyong hinaing, Raquel."
"Hah! Ikakasal yan anak mo sa aking anak! Asawa mo ang nakipag kasundo sa amin!." - Raquel
"Asawa ko pala ang nakipagkasundo, bakit hindi ang asawa ko ang pakasalan mo?!"
"Walang hiya ka!" - Raquel
Akmang sasampalin na ang aking mukha ng mahawakan ko agad ang kamay nito at sinadya ko ito itulak sa lababo.
"Wala kang karapatan sampalin ako mismo sa sarili kong pamamahay, Raquel! Anong akala mo sa anak ko gamit na basta basta lang ibibigay diyan sa manyakis mong anak!"
"Wala ka ng magagawa! Ikakasal ang mga anak natin sa ayaw't gusto mo! Anak mo ang nagbigay motibo sa anak ko! Kaya wala ka karapatan tawaging manyakis ang anak ko!" - Raquel
"Umalis ka sa harapan ko at baka mataga kita ng kutsilyong hawak ko at itarak ko diyan sa leeg mo!"
Agad naman kumaripas ng takbo ang Ina ni Rafael, nakita naman iyon ng mayordoma na si Nanay Dehlia.
"Dios Mio, Marga! Ano ginawa mo sa inyong bisita? Baka makarating ito kay Don Conrado?" - Nanay Dehlia
"Aba'y Nay, ipinagpipilitan niyang ikasal ang anak niya sa anak ko. Hindi naman pwede yon kahit sabihin pa natin pumayag si Conrado."
"Marga, alam kong ayaw ni Don Conrado sa aking apo si Miguel dahil mahirap lamang kami. Patawad sa nagawang kasalanan ng aking apo kay Cassandra." - Nanay Dehlia
"Nay Dehlia, Galing din ako sa mahirap alam niyo po iyon. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ka ganid sa yaman at kapangyarihan ang aking inasawa. Alam kong mabait na bata si Miguel saksi ako sa pagpapalaki ni Celso at ni Milagros dahil alam niyong kababata ko ang mga magulang ni Miguel at ni Carmela."
"Halika na, at baka hinihintay na nila itong pagkain na inihanda natin. Hayaan mo Marga, nandito lamang ako kung kailangan niyo mag ina ng tulong." - Nanay Dehlia
"Salamat po Nanay Dehlia."
At agad na namin dinala ni Nanay Dehlia sa hapag kainan ang mga pagkain niluto namin para sa tanghalian. Agad naman ako sinalubong ng titig ni Raquel ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito.
CASSANDRA'S POV
Nandito kami ngayon ni Rafael sa veranda, tanaw namin ang malawak na lupain na pagmamay ari ng pamilya ko magmula sa angkan ng aking ama. Ngayon mismo ay sasabihin ko sa kanya na ayoko magpakasal, at may mahal na akong iba. Ililihim ko ang pagdadalang tao ko sa kaniya dahil tiyak gagawa ito ng paraan para mawala ang aking anak.
"Napakaganda pala dito, Cassandra. Kasing ganda mo. Ibig ko na maikasal na tayo sa lalong madaling panahon. Mahal kita Cassandra." saad nito
"Ah. Salamat... Rafael.... May sasabihin nga pala ako sa'yo."
"Ano iyon, Cassy?" Saad niya
"Cassy? Cassandra ang ngalan ko, huwag mo baguhin iyon. Wala kang karapatan baguhin yon."
"Oo, Cassy. Yan na itatawag ko sayo, ang haba kasi ng pangalan mo, hehe. Nga pala, ano nga ba sasabihin mo?" saad ni Rafael
"Gusto ko sana sabihin sa'yo. Tutol ako sa kasalang magaganap sa ating dalawa. Ayoko magpakasal sa'yo dahil may iniibig na kong iba. Makakahanap ka din ng mas higit sa akin. Rafael hindi kita mahal at mas lalong hindi kita magugustuhan."
"Look, Cassy. Alam ko may nagawa ako sa'yo mali noon, at matagal ko na pinagsisihan yun. Alam ko gago ako noon, pero nagbago na ko Cassandra para sayo. Pakiusap patawarin mo na ko gagawin ko lahat, huwag mo lang hilingin sa akin ang pag atras sa kasal na matagal ko ng inaasam." Saad nito
"Patawad Rafael. Pero may mahal na kong iba, at siya lang ang gusto ko makasama habangbuhay. Makakahanap ka din ng iba. Kaya gusto ko sana, umurong na tayo sa kasal! Masasaktan lang natin ang isa't isa. Pakiusap. Hindi ako nararapat para sa pag ibig mo na yan."
Bigla naman itong ngumisi ng nakakatakot at napailing iling at bahagyang lalapit sa'kin pero napa atras ako dahil sa takot.
"ano ako gago na aatras na lang basta?! Bakit sino ba yang lalaking mahal mo?! Si Miguel ba!?? Hah! Ano bang meron sa basura na iyon! Pati ba naman pag mamay ari ko aagawin pa niya!" halos pasigaw na pagkasabi nya.
"Oo! si Miguel lang mahal ko! Siya lang!! At kahit kaylan hinding hindi kita mamahalin! Hayop ka!"
Bigla na lang ako sinampal ni Rafael, at hinawak nya ng mahigpit ang pisngi ko sabay hawak ng mahigpit sa bewang ko at hinatak nya katawan ko palapit sa kanya.
"Cassandra, parang hindi mo ata ako kilala? Hmm.. ? Ito lang masasabi ko sa'yo.. Itutuloy natin ang kasal, hmm! Hindi ko hahayang makalapit sa'yo ang gagong yun! Akin ka lang Cassandra!!! You're MINE!" saad nito
Hahalikan sana ako ni Rafael ngunit dinuraan ko ang mukha ito at matapang ko tinitigan ang mata nito bigla niya na lamang ako tinulak kaya napaupo na lang ako sa damuhan, nanginginig, dahil sa pangyayari. Ayoko talaga makasal sa demonyong yon. Hindi pa kami ikinakasal umaalingasaw na ang baho ng ugali niya. Dapat malaman ito ni Miguel pero paano gayong nandito na sa lugar nila si Rafael? Agad lumabas ang aking ina at nadatnan niya ko nakaupo sa damuhan.
"Anong kaguluhan ito! Ano ginawa mo hah Rafael!?, Dios Mio! Sandra, ayos ka lang ba? May masakit ba saiyo anak?" - Margarita
Agad ako inalalayan ni Mama tumayo at sinuri niya ko kung nasugatan ba ko o nasaktan man sa ibang parte ng katawan, Bigla naman lumabas sila Papa at ang magulang ni Rafael.
"Anong ginawa mo Rafael!" - Tiyo Rogelio
"Papa, patawad. hindi ko sinasadya. Meron lang kami hindi pagkakaintindihan ni Cassandra" - Rafael
"Baka nag iinarte lamang yan anak niyo, kaya wag mo pagalitan ang anak ko, Rogelio!" -Raquel
"Tumatangis ang anak ko dulot ng pagtulak sa kanya ng manyakis mong anak!" - Marga
"Tumigil ka na, Raquel! Pinagtatanggol mo pa yan anak mo! Nag uumpisa pa lamang kayo sinasaktan mo na ang magiging asawa mo, Rafael! Ayusin mo yan! kung ayaw mo ako ang mag pa atras ng kasal nyo!" - Rogelio
"Marga, ipasok mo na si Cassandra." - Conrado
"Pasensiya kumpadre, hayaan mo kakausapin ko ang mag ina ko." - Rogelio
"Pumasok na tayo at nakahanda na ang pagkain." - Conrado
Nauna na pumasok si Rafael, sumunod naman ang lahat pumasok sa aming bahay. Walang imikan ang mga nanay namin dahil sa nangyari. Ang mga ama namin ay masayang nagk kwentuhan na tila parang walang nangyari. Agad kami umupo ni Rafael sa hapag kainan umasta kaming wala nga talagang nangyari.
"Nga pala hija, kami ay aalis ngayon mismo ng iyong Mama. Inimbitahan kasi kami ng Gobernador sa kanilang okasyon medyo matatagalan kami ng uwi dahil ililibot kami sa buong lalawigan ng Cebu." Saad ng aking ama na lubos ko ipinangamba.
"Conrado, wala sa usapan natin ito. Hindi ko iiwan ang aking anak!" - Marga
"Hayaan mong matuto ang anak mo, Marga! Malapit na ikasal yan dapat lang maaga pa lamang ay matuto na siya sa mga gawaing may bahay, tutal nandiyan naman si Rafael." - Conrado
"Kami naman ay may dadalawin sa Ilocos, bibisitahin ko ang aking kapatid kaya matatagalan din kami doon." - Raquel
"Tamang tama maiwan si Rafael para naman may magbantay at mag asikaso kay Cassandra." - Conrado
"Hindi pa ho kami ikinakasal, pinagsasama niyo na kami, Papa!? Kaya ko ang aking sarili Papa."
"Tumahimik ka! Ako ang padre de pamilya! Ako ang masusunod! Parehas matigas ang ulo niyo mag ina!" - Conrado
"Pero- ..."
"Okay lang ho sa akin, Tiyo Conrad. Magandang simula na din ito para makapag plano kami para sa aming nakatakdang pag iisang dibdib. Tama ba ko, Cassandra?" Sagot ni Rafael.
"Tama yan, anak. Mabuti pa nga't umpisahan niyo na magplano para maayos natin maidaraos ang inyong kasal." - Conrado.
Agad ko ibinagsak ang kubyertos kaya nagbigay ito ng ingay sa hapag kainan, nabigla naman ang lahat sa aking iniasta pero wala na ako pakealam.
"Aakyat na ho ako. Nawalan na ko ng gana. Mauna na ho ako."
"Cassandra!" Sigaw ng aking magulang.
Agad ako sinundan ng aking ina papunta sa aking silid. Pigil na galit naman ang gumuhit sa mukha ni Rafael, wala na din nagawa ang ama ko.