RAFAEL'S POV
Hindi ko napigilan na gawin yun kay Cassandra ang saktan ito ng physical dahil na din sa mga sinabi nya at mas lalong hindi ko matanggap na ang dati kong kaaway at kinaiinggitan ay nobyo ni Cassandra, gagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal namin sa lalong madaling panahon dahil akin lamang si Cassandra, hindi ako papayag na mapunta ito kay Miguel, magkamatayan na..
-*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -*- -
Nang gabi na, ay uminom muna ako ng whiskey. Gusto ko makapag isip kung paano ko sila pag hihiwalayin nang makita ko bumaba si Cassandra papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang bigla sya napatingin sa'kin na parang takot na takot.
"Rafael. I.kaw pala. May kailangan ka ba? Iinom lang sana ako ng tubig. " saad ni Cassandra
Ako naman ay medyo hilo at nagkakatama na dahil sa alak na aking nainom kaya nun patayo na ko ay bigla siya napatakbo sa'kin dahil babagsak na ang katawan ko kaya napa akbay na ko sa kanya. Nakaka akit ang mala rosas na amoy ni Cassandra.
"Rafael.. Ayos ka lang ba? Mukang napadami kana ng inom. Sandali lamang at, tatawagin ko si Manang Deliah para maihatid ka na niya sa iyong silid." saad ni Cassy
Nang tatawagin na nya yung Mayordoma ay bigla ko sya isinandal sa pader at hinawak ang bewang nya na ikinabigla nito. Inamoy ko agad ang buhok niya hanggang leeg na na nakakadagdag sa libido na aking nararamdaman gustong gusto na siya angkinin. Nang bigla na lamang niya ko itulak ng malakas.
"Ano ba! Rafael! pakawalan mo nga ako! Lumayo ka sa akin! Hindi ko gusto ang amoy mo! Umakyat ka na sa iyong silid, pakiusap! " Saad ni Cassy
"Alam ko naman gustong gusto mo to! di ba! Wag kana magpakipot pa Cassandra! Magugustuhan mo din naman to gagawin natin! Kaya hwag kana pumalag pa! Baka nakakalimutan mo tayong dalawa lang dito, wala ang iyong magulang at mas lalo hindi makikialam ang mga tauhan nyo!"
Bigla nya ko sinampal ng malakas, at dahil dun ay naging blanko ang paningin ko kaya agad ko din sya sinampal ng malakas kya napaupo ito.
nakita ko iyak ng iyak si Cassandra habang hawak ang kaniyang tiyan na tila sumasakit ito dahil sa ginawa ko, bago ako umalis ay nagbitaw ako ng salita sa kanya.
"Tandaan mo! Akin ka lang Cassandra! Akin ka! Nasasabik na ko maging asawa ka habang buhay! At gagawa ako ng paraan na mapaghiwalay kayo ni Miguel! Ikakasal tayo! At magiging asawa na kita! Bubuo tayo ng pamilya! ilagay mo sa kokote mo!"
Sabay alis na sa harap nya at dumiretso na ko sa kwarto, bukas na bukas mag hihigpit na ko kay Cassandra. Hinding hindi ko iwawala sa paningin ko ang magiging kabiyak ko.
Cassandra's Pov
Nang makaalis si Rafael agad dumating si Manang Deliah at nakita niya ang sitwasyon ko na namimilipit sa sakit ng tiyan at unti unti na may umaagos na dugo sa aking binti dulot ng pagkabagsak ko ng upo sa sahi dahil sa malakas na sampal ginawa ni Rafael.
"Diyos ko! Kailangan ka maihatid sa ospital, anak! Baka mapaano ang iyong dinadala! Panigurado mag aalala si Marga. Teka tatawagin ko si Caloy, para ihatid tayo sa pagamutan. Nasa dalampasigan pa si Miguel dahil mangingisda ito ngayon madaling araw." Saad ng mayordoma na nakakaalam ng kalagayan niya.
Pagkatapos ng sampung minuto ay dumating si Caloy at tahimik kaming umalis sa hacienda sakay ang sasakyan, sana walang mangyari sa aking anak, dahil hinding hindi ko sila mapapatawad hanggang kamatayan!.
Pagkadating sa ospital ay agad ako sinuri ng mga doktor at pagkatapos nun ay nakahinga kami ng maluwag na okay ang aking anak sa sinapupunan ko at iyon ay pinagpasalamat ko sa panginoon.
Gustuhin man sana ng mga doktor na manatili ako para maobserbahan ay tinanggihan ko na lamang dahil paniguradong hahanapin ako ni Rafael at baka malaman niyang ako ay nagdadalang tao, kaya umuwi din kami pagkatapos namin magpasuri sa doktor.
Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay agad ako tinanong ni Manang Dehlia kung ano ba talaga ang nangyari at nahantong sa ganoong sitwasyon.
Hija, ano ba talaga ang nangyari? Ano ginawa sa iyo ni Rafael? Panigurado mang gagalaiti sa galit ang aking apo si Miguel lalo na ang iyong ina.- Manang Dehlia
Umiinom lamang po ko ng tubig sa may kusina, nakainom po si Rafael. Alam niyo naman po manyakis yan lalaki na iyan.
Hija, mas lubos ka mag ingat. Alam mo naman ang iyong kalagayan, at yun ang dapat natin iwasan na malaman niya. Kung ang ama mo eh gusto palaglag yan, eh ano pa yan Rafael na yan. - Manang Dehlia
Kaya nga po nang, salamat po at dumating ho kayo ni Caloy, hindi ko na po alam ang aking gagawin. Gayon wala si Mama o si Miguel para proteksyonan kami mag ina. Maraming Salamat po.
Wala iyon, Hija. Apo na din kita, parang anak na din ang turing ko sa iyong ina. Pansamantala ako muna ang gagabay sa iyo habang wala pa si Marga. - Manang Dehlia
Agad naman niyakap ni Cassandra ang mayordomang si Mang Dehlia. Hanggang sa makarating na sila sa Hacienda, sa likod lamang sila bumaba para hindi makahalata ang mga tao dun dahil madaling araw na din.
Umakyat kana hija sa iyong silid, panigurado mahimbing na ang tulog ng manyakis na iyon. Tawagin mo lamang ang aking pangalan at dadating ako, - Manang Dehlia
Opo Manang. Salamat po, pati na din sa yo Caloy.
Wala ho iyon, Senyorita. Hindi ho namin kayo pababayaan. Asahan nyo yan. - Caloy
RAFAEL'S POV
Maaga ako nagising dahil ngayon mismo ay maisasagawa ko na ang aking plano sa magkasintahan. Agad ko naman tinawagan ang tauhan ko si Mario.
*dial...*
*riingg....*
Mario!, may ipapagawa ako sayo! Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak sa pagagawa ko!
opo! Senyoito Rafael... ano po ba ipapagawa nyo? Saad ni Mario.
Kidnapin niyo si Miguel Garcia, at dalhin nyo sa Isla na aking pagmamay ari!, sa lalawigan ng Quezon, ako ang tatapos sa kanya!
Sige po Senyorito! Kami na po bahala sa Miguel na yun, basta triple ang bayad! Saad nito
Alam ko! At magbabayad ako kahit magkano! Siguraduhin mo lang na di ka papalpak! kundi ikaw papalapa ko sa mga pating!
Areglado Senyorito! Saad nito
Humanda ka Miguel Garcia! Papatayin kita! At akin lamang si Cassandra. Isa kang tinik na dapat mawala! Peste!
CASSANDRA'S POV
Pagkalabas ko ng aking kwarto ay may narinig ako banda sa silid aklatan ni Papa. Nung una akala ko ang ama ko na ang nandun o baka nakauwi na agad ang mga magulang ko, yun pala ay si Rafael.
Lumapit pa ko lalo sa may pinto upang makinig, ngunit para akong kinakabahan na parang may masamang mangyayari.
Narinig ko ang boses ni Rafael, pagtingin ko sa pinto ay may konting awang ito kaya nakikita ko kung ano ang ginagawa nya. Nakikita ko may kausap ito sa telepono habang umiinom ng alak?. Bakit naman umiinom yun ng pagka agaga? ayoko sa lalaking mabisyo.
Nakapansin sa'kin ang pagkabigkas nya sa pangalan ni Miguel, sa pakikinig ko kay Rafael ay nalaman ko ipapakidnap nya ito, dadalhin sa isla at papatayin. Hindi ito pwede! pupuntahan ko ngayon mismo si Miguel upang makatakas kami. Pero dapat wala makaka alam kung san ako pupunta ayoko din na madamay sila lalo na ang pamilya ni Miguel.
Dali dali akong bumalik sa aking kwarto upang mag ayos, simpleng bestida na pula ang aking isinuot dahil umuumbok na ng konti ang manipis kong tiyan at ngayon mismo ay makikipagkita ako kay Miguel.
Nang matapos na ko mag ayos ay agad ko binuksan ng dahan dahan ang pintuan at dere deretso ako bumaba ng hagdanan, nang makarating na ko sa pintuan palabas dito sa mansion ay agad na may tumawag sa'kin pangalan na lubos ko ikinagulat.
Senyorita Sandra! Saan po kayo pupunta? Baka ika'y mahuli ni Senyorito Rafael.nako! maiging bumalik ka na lamang sa iyong silid baka ika'y saktan ulit. saad ni Carmela na katulong namin, kapatid ito ni Miguel.
Ah... eh... dadalawin ko lang ang kabayo ko si Kidlat, Carmela. Pakiusap bumalik kana sa kusina. Baka hanapin ka na ni Nanay Dehlia.
Ah eh ganun po ba? Sasamahan ko na po kayo! Hindi kita pwede pabayaan, hinabilin ka sa akin ni Nanang Dehlia. Baka maulit na naman ang pananakit sayo ng baliw na iyon. saad nya
Nako! Wag na Carmela, kaya ko naman, dumito kana lang! Pakiusap, baka ika'y madamay pa.ayoko madamay kau. kaya ko ang aking sarili.
Ah eh Senyorita hindi po talaga pwede, mapapahamak ka lamang sa gagawin mo. Ayoko na pagbuhatan ka muli ni Senyorito Rafael. Pasensya na po, lalo na't ikaw ay nagdadalang tao pa man din. malalagot sa aking kuya at lola. Saad nya
Nilapitan ko si Carmela, at pinakiusapan.
Pakiusap, Carmela. Wag muna ko samahan ayaw ko din mapamahak ka o kayo ni Nanay Dehlia dahil sa gagawin ko.
Ganito na lamang, pag nagtanung sila magpatay malisya ka. Hindi mo ko nakita. Pakiusap wag muna sabihin kung saan ako pupunta. Importante makapunta ako dun.
Si kuya Miguel po ba? Kayo talaga Senyorita. Alam ko naman po mahal nyo ang kapatid ko eh, Pero mapapahamak talaga kayo dalawa. Nakita mo naman po kung paano ka saktan ng ipapakasal saiyo. pero Sige na nga! Pakiusap pagkaingatan mo ang iyong sarili. Sasabihan ko si Caloy na sundan ka. at sasabihan ko din si lola. saad nito
Ako naman ay napayakap sa kanya, alam nya kasi magkasintahan kami ng kapatid nya si Miguel, at matalik ko itong kaibigan.
Oh sya, hala! Umalis ka na at baka maabutan ka pa ng demonyo. Mag iingat ka ate Sandra. Mag iingat kayo ni kuya Miguel. Alagaan mo ang iyong sarili. Patnubayan kayo ng diyos, ate Sandra. Ipapaalam ko ito kay Nanang Deliah para tulungan din kayo. Maasahan mo kami, ate Sandra. saad nito
Ako naman ay dali dali na umalis at pumunta sa kabayo ko. Nang makarating ako sa pinyahan ay nakita ko agad si Miguel kaya agad ako bumaba sa aking kabayo. Nakita ako ni Miguel at tumakbo agad ako sa kanya at niyakap ito, sobra ko namiss si Miguel.
Sandra! Ano? Kamusta ka? Sobrang namiss kita mahal ko! Ang anak natin? Maayos lang ba? May, problema ba? Sabihin mo sa akin. saad ni Miguel
Sabay ay hinalikan nya ko sa noo ko. At niyakap.
Miguel may dapat kang malaman! Ipapadukot ka ni Rafael sa mga tauhan nito at dadalhin ka sa isang Isla upang patayin! Ilalayo ka niya sa akin, mahal ko. Dahil gusto niya matuloy ang aming kasal. Nangangamba ako, baka totohanin niya ang mga nasambit niya. Miguel ano ang atin gagawin, natatakot ako.
Hayop! Talaga ang lalaking yun! Bakit hindi nya na lamang tanggapin na tayo! tara! Sumama ka sa'kin! Lilisanin natin ang lugar na ito, madami tutulong sa atin. Hwag ka mangamba, mahal. Nandito ako para magprotekta sa inyo, hindi ko kayo pababayaan. Pangako! Hinding hindi ko hahayaang makasal ka sa demonyong iyon. Mahal na mahal kita Cassandra'. Saad nito
Miguel natatakot ako.. ayoko mawala ka sa kin, ayoko mag kahiwalay tayo hindi ko kakayanin Miguel.. Mahal na Mahal din kita, ikaw at ang ating anak.. may dapat ka pang malaman.
Ano iyon, Sandra? Saad ni Miguel.
Sinaktan ako ni Rafael kamakailan lamang. Muntik na mawala ang ating anak, pinipilit niyang may mangyari sa amin. Hindi ako pumayag. Mabuti at tinulungan ako ni Manang Deliah at si Caloy.
Agad rumehistro ang galit sa mukha ng kaniyang nobyo.
Hayop talaga! Pati anak ko idadamay niya! Halang na talaga ang itim niyang kaluluwa! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo pati sa anak natin. patawad kung wala ako sa iyong tabi upang proteksyonan. Pero! sandali!? Maayos kana ba? Kamusta pakiramdam mo? Hindi pa ba umuuwi ang mga magulang mo? Dapat malaman nila ito.
Maayos na kami ng anak natin. Naasikaso agad ako ng mga doctor sa pagamutan. Lahat ng tawag na galing sa aking magulang ay kay Rafael napupunta. Hindi ko alam kung kailan sila babalik. Natatakot na ko Miguel. Pero.. sandali!? San naman tayo pupunta? Sa kabilang isla, tiyak na di na nila tayo mahahab---
Naputol agad ang sasabihin ni Miguel, ng biglang may sumulpot na tao sa aming likuran.
At saan naman kayo pupuntang dalawa Miguel?! Tang ina ka! Talagang naglagay ka pa ng kalahi mo hampas lupa sa bahay bata ng magiging asawa ko! Tigas din ng mukha mong animal ka! Gumawa ka talaga ng paraan para hindi talaga kami makasal ni Cassandra! Inunahan mo ko! lintik ka din! saad nun lalaki
Nang paglingon namin ni Miguel ... ay si Rafael kasama ang mga tauhan nito may bitbit na mga armas. Anong ginagawa nya dito?!
Agad ako napakapit ng mahigpit sa kamay ng aking nobyo, gayun din ito. Takot at pangamba ang aking naramdaman sa mga oras ng sandaling yon.