"Kassandra, gumising kana dyan" Sigaw ni Mama.
Naalimpungatan ako sa sigaw ni mama kaya agad akong dumilat at bumangon. Argh! gusto ko pa matulog eh, Nakakainis naman. Nag stretch muna ako bago tuluyang pumasok sa banyo upang maligo.
Habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan, pinagmamasdan ko ang peklat na nasa pagitan ng boobs ko.
Hanggang ngayon hindi ko maalala kung paano ko nakuha ito? basta nagising na lang ako na nasa Hospital. wala silang pinaliwanag sa akin na kahit ano.
Pagkatapos ko magising, nagpasiya sila na manirahan ako dito sa Pilipinas kasama si mama.
Napabuntong hininga na lang ako at tinapos ko na ang aking pagligo. Pagka bihis ko agad ako bumaba.
"Good Morning, Mama."
Bati ko sa kanya sabay dumiretso sa may lamesa para kumain.
"Kumain kana dyan at male late kana, kailangan ko na den umalis."
Tumango lang ako at kumain.
"Mag iingat ka ha?"
Hinalikan nya ang pisngi ko bago tuluyan umalis.
Tahimik lang akong kumakain habang pilit inaalala ang nakaraan.
"Fairen"
Isang boses ng lalaki ang patuloy na nagpapa ulit ulit sa utak ko. hinawakan ko ang aking ulo at mariin na pumikit. hindi ko alam kung sino siya, pero boses ng isang bata ito.
Hindi ko alam, bakit may isang pangyayari akong hindi maalala.
Napa igtad ako ng tumunog ang aking cellphone, kinuha ko ito at agad ding sinagot.
[Good Morning! Sweetheart]
"Dad! What is it? "
[I want to make you remember that I will transfer you to another school.]
Napag usapan na naman ito noon, ayoko pumayag dahil maiiwan ko ang Boyfriend ko. pero matigas si Dad, kaninong anak nga siya uli?
"Ok! anything else?"
Narinig ko siyang bumuntong hininga, simula nung magising ako sa Hospital, naging bantay sarado ako sa kanya. hindi pa rin maalis sa isipin ko ang hitsura niyang sobrang pag alala nung magising ako.
[Nothing, sweetheart; take care of yourself.]
"I love you too, Dad."
Pagkatapos ng tawag ay tumayo na ako at niligpit ang aking pinagkainan tsaka lumabas para pumasok na sa school.
Pagka dating ko sa main gate ng aming paaralan, agad akong dumiretso sa Gym para makita si Josh, Yep! I have a boyfriend, pero lowkey.
Excited akong makita siya ng may marinig akong bulungan.
"Kailan mo ba kasi sasabihin na ako talaga yung gusto mo? and not that freak. "
Boses yun ni Ara ah?
"Manahimik ka nga, humahanap ako ng tiyempo na sabihin sa kanya."
Si Josh? t-teka ano to? a-ano ibig sabihin nito? Nahihirapan ako huminga, gusto ko ikumpirma kung siya nga ba yun.
Humakbang ako ng isang beses para masilip sila, at laking gulat ko ng makitang naghahalikan si Josh at si Ara, confirm.
Hindi ko pansin na onti onti na nagsisilabasan ang mga luha ko. nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. pinapanood ang paghahalikan nila.
Hanggang sa may kamay na humarang sa mata ko.
"Tama na"
Lumingon ako para makita kung sino ito, Jaxon.
Kaibigan ni Josh at isa sa mga member ng Basketball.
Pinunasan ko luha ko at tinabig kamay niya tsaka ako naglakad palayo.
Ang gago, ang kapal ng mukha akong pagtaksilan, tanga naman. ang sakit pala makita mo boyfriend mong nagloloko ng harap harapan.
Dumiretso ako sa classroom at umupo ako ng tahimik. Nakamasid lang ako sa bintana. Hindi ko namalayan na pumasok na din si Jaxon at naupo sa tabi ko. seatmate Kami.
Nafi feel kong tinitigan niya ako, peeo hindi ko siya nilingon ni isa o pinansin.
Natapos ang klase na wala akong kibo. kaya nung tumunog na ang bell dali dali kong kinuha ang gamit ko at mabilis na naglakad palabas ng room.
"Kass!"
Nilingon ko siya, "Bakit?"
Nakita ko ang pag aalinlangan sa mukha niya. bumuntong hininga muna siya bago muling magsalita.
"Sabay na tayo"
Tumango lang ako at nauna nang maglakad.
parehas kaming walang kibo, hanggang sa basagin niya ang pwersa ni freza na namamagitan sa amin. biro lang.
"A-ano na plano mo?"
Gusto ko matawa, nauutal pa sya, parang hindi siya si Jaxon. cold ito kaya nakakagulat na andito sa tabi ko at kinakausap ako.
"Lilipat ng school."
Matapos kong makita yun? sino ba may gusto na makita pa sya, ni hindi nga ako dinalaw o ni text para kamustahin.
Napansin kong walang sumusunod sakin kaya huminto ako at tumingin sa likuran. nakatayo siya na parang na estatwa at halata ang gulat sa mukha niya. anyare dito?
Sa pagkaka alala ko hindi kami close para maging ganyan reaction niya.
Nung napansin niyang tumigil ako at nakatingin sa kanya, nagsimula uli siya maglakad pero yung ekspresyon niya bumalik sa kung ano nga ba ang madalas niya pinapakita.
"Bakit? Dahil ba dun?"
malamig niyang tanong.
Umiling ako, "May part, pero gusto ng Dad ko na lumipat ako."
"ahh!"
Pagkatapos nun wala na uli nagsalita pa sa amin. kahit nung nag iba na kami ng direction, tumango lang siya.
golo golo mo esep ko koya ha? eme eme to. Umirap na lang ako sa kawalan.
Dali dali akong umakyat ng kwarto ko at nahiga sa kama.
"PAKYU JOSH, MALIIT NAMAN YAN."
Sigaw ko sabay takip ng unan sa mukha ko. buti na lang hindi ko ganun kamahal si gago.
Pero kahit sabihin kong hindi ko siya mahal, lumabas pa den ang mga luha ko. buong gabi iniyak ko ito hanggang sa makatulog ako.
"Your Majesty"
Karsen suddenly barged into my office.
"I can't find anything about what happened 12 years ago. All of it suddenly disappeared like magic."
We are still investigating the accident that happened 12 years ago. There were 3 victims, including my daughter and Nathaniel.
"Continue searching until you find anything related to it."
I said with a cold tone. They will pay the price of hurting my daughter. The moment I saw them at the sea, floating like a wood make me wants to destroy them.
Unfortunately, Fairen can't even remember anything about the mission. Nathaniel developed trauma after that, so we decided not to ask him any questions regarding the incident.
I loosened my necktie and closed my eyes tightly. I will make sure they pay the price.