"Pa, naman! How could you trust Louie in Line factory!?" Mataas ang boses na nakipagsagutan si Dexton sa ama. Mainit ang ulo niya sa balitang inilipat ng ama ang pamamahala ng Line Factory sa bunso niyang kapatid na si Louie. "Pareho nating alam na bata pa siya. Kakayanin kaya niya ang pressure sa factory? Ano na lang ang sasabihin ng board kung isang inexperience ang mamamahala sa kumpanya? Isa pa, ako na ang nagpapatakbo sa Line factory for how many years!"
Hindi kayang tanggapin ni Dexton ang naging desisyon ng ama kaya sinugod niya ito sa opisina nito upang komprontahin. Ang malaman na hindi na siya ang magiging presidente ng kumpanyang kaytagal niyang pinahalagahan ay isang malaking dagok para sa kanya.
"Yes, you are the current president of the Line factory. Pero, nakukulangan pa rin ang board of directors sa kakayahan mo. And besides nakikita nila kay Louie ang potential ng kompanya. They need to decide and compromise on who is better for running the industry. It's their money at stake. They can't afford to lose it."
Dexton clenched his hands into a tight fist. Gritting his teeth, he answers his father, "So the boards are thinking that I'm not capable of handling the company? Kahit ilang taon na akong namamala sa factory, wala pa rin silang tiwala. I wonder what words are you feeding to them, Papa," sarkastikong sagot niya. Alam na niya ngayon ang dahilan kung bakit ganito siya tratuhin ng board members. His father maybe spoonfeeding them all good things about his younger brother.
Napabuntong-hininga ang kanyang ama at tinalikuran siya. Ibinulsa nito ang mga kamay at tumingin sa labas ng bintana saka nag-umpisang magsalita.
"It's the boards' decisions. I can do nothing about it, son," matigas na wika nito.
"But I have more experiece than him!" he insists. "You know how I love the Line factory, Papa. Binuhos ko ang buhay ko sa pamamalakad niyon. Why do you have to give it to Louie? Bakit 'di niyo na lang ipaubaya sakin 'yon?" Mapait at may galit ang boses niya. Dexton felt that his blood was mixed with bitterness and it's circulating on him all over.
Hindi niya hahayaang si Louie ang mamamahala ng Line factory. Siya na ang nangasiwa niyon nang halos apat na taon at napamahal na ito sa kanya. 'Yon nga lang magmula noong pansamantalang pinangasiwaan iyon ni Louie ng halos anim na buwan ay lumaki ang sales niyon na ikinatuwa ng board.
Dahil nga graduating na si Louie sa kurso nitong bussiness management ay inutusan ito na ama nila na pansamantalang pamahalaan ang Line factory bilang pagsusulit. Ang nakakabighani nga lang ay ang resulta ng pamamalakad nito. A posotive and high growth of sales always impress the board members. Kaya gusto ng mga itong manatili si Louie sa pamamahala sa kumpanya.
"My decision is final, Dexton! Hindi na magbabago 'yon!" Galit na turan ng kanyang ama at iwinasiwas pa ang kamay. May pinalidad sa boses nito upang hindi na siya hayaang makasagot.
"Dahil bastardo ako? Kaya hindi niyo ako pinagkakatiwalaan?" May hinanakit sa boses ni Dexton.
Natigilan ang kanyang ama dahil sa sinabi niya. Naningkit ang mata nitong bumaling sa kanya.
"You know it's not true!" seryosong sagot nito. "Alam mong hindi iyan ang turing ko sa'yo. Minahal at inaruga kita na parang tunay kong anak!"
"Well then, patunayan mo sakin!" aniya. "Leave the factory to me and the Fuentebella Group to Louie!" mariing sabi niya.
"I'm sorry, son, but I can't do anything about it!" tanging sagot nito.
Naihilamos ni Dexton ang kamay sa mukha at nangangalit ang ngipin na tinalikuran ito. He slammed the door and stormed off.
"Well,kung wala kayong magagawa, ako meron!" mariing bulong niya sa sarili at mahigpit na ikinuyom ang kamao habang padabog na naglalakad. Hindi niya pinansin ang bawat empleyadong nadaanan niya. Dire-diretso siya sa paglalakad hanggang makasakay siya ng elevator at makalabas ng building.
"What do you mean Julie?" ulit ni Jevy nang hindi pa rin sumasagot sa kanya si Julie. Hindi niya narinig ng buo ang sinabi nito, pero narinig niya ang pagbanggit sa pangalan niya kaya naman napatanong siya. "Ano'ng hindi ko dapat malaman?"
Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Julie. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya pero nababasa ni Jevy ang takot sa mga kilos nito. Marahil hindi nito namalayan na papalapit siya kaya nagulat ito nang makita siya. Nakita niyang pilit nitong pinapabangon sa kalsada si John kaya agad siyang lumapit.
"Ah eh..." natatarantang sagot ng kaibigan. "Wala 'yon Jevy. Wala akong sinasabi."
Napabuntong-hininga si Jevy nang marinig ang sagot ni Julie. Marahil ay napapraning nga lang siya. Mula pa kanina ay mainit na ang ulo niya dahil sa paghihiwalay nila ng girlfriend na si Elyssa na hindi niya alam kung bakit. Nabigla siya sa desisyon nito o sa ginawa nito. Wala siyang kaalam-alam! Bakit bigla-bigla ay sumulpot na lang ito sa club na pinanggalingan at may kasayaw na ibang lalaki. For God sake! Ano'ng ginagawa nito sa Baguio?
Tinulungan niya si Julie sa pagbuhat kay John at ipinasok ito sa backseat ng kotse saka siya sumakay sa driver's seat. Alam niyang pareho nang lasing ang dalawa. At dahil siya ang hindi pa gaanong lasing, at kaya pa niyang magmaneho ay siya ang magmamaneho ng kotse.
"I'm sorry, Jevy." Maya-maya ay imik ni Julie nang magsimula nang umandar ang sasakyan at marahan niyang minamaneho.
Napasulyap naman si Jevy sa dalaga nang bigla itong magsalita at humingi ng tawwd sa kanya. Ito ang nakaupo sa passenger's seat at si John naman ay nakahiga na sa likod.
"Sorry for what?" Walang kabuhay-buhay na sagot niya. Alam ni Jevy nagpapahaging ito ng nararamdaman nito sa kanya, pero 'di niya ito pinapansin. Si Elyssa lang ang mahal niya.
"For not telling you about Issay and that guy!" sagot ni Julie. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
Tumiim ang bagang ni Jevy nang muling marinig ang tungkol sa lalaking kasayaw ni Elyssa. Bumilis ang pagmamaneho niya. Kanina pa nag-uumapaw ang galit sa dibdib niya at 'di niya alam kung kanino iyon ibubunton.
"Bakit? Ano ba'ng alam mo?"
"I should had tell you before. Na 'di naman talaga seryoso sayo si Issay, kasi mas priority pa rin niya ang sarili niya. Ang trabaho niya. Kaya nga nabigla ako noong malaman kong kayo na pala," mahinang sagot nito.
Hindi siya nakaimik.
"Don't worry, Jevy, " wikang muli ni Julie at ginagap ang kamay niya. "Nandito lang ako. You can always count on me." Bahagya pa nitong pinisil ang palad niya. Parang hindi na nito alintana na nasa likuran ang boyfriend nitong si John.
Muli siyang napabuntong-hininga at inihinto na ang kotse. Nasa bording house na sila. Mabilis niyang binawi ang kamay at kaagad na umibis ng sasakyan.
"Hindi ako naniniwala sa'yo, Julie. Mahal ako ni Issay, ramdam ko 'yon. At 'di ako papayag na maagaw siya sa akin ninuman!" Huling wika niya sa kaibigan tsaka ito iniwan.
Nakatigagal na sumunod ng tingin sa kanya si Julie.
I love you Issay. Kahit bata pa lang tayo, ramdam ko na'ng totoo ang pag-ibig ko sa'yo. My love for you is deeper than the ocean. And i'll be waiting for you until the end of time. 'Di ako papayag na maagaw ka sa akin sa iba. Taimtim na bulong ni Jevy bago pumasok ng kuwarto na inuukupa at pinahinga ang pagal na katawan. 'Di niya mapigilang lumuha nang makita ang mukha ng babae sa wallpaper ng cellphone niya.
"I miss you, Issay, and I love you."
Pinilit niyang makatulog pero kahit ano'ng gawin niya mukha pa rin ni Elyssa ang nakikita niya.
"Issay..." Tahimik na hikbi niya. Hinayaan niyang tumulo ang luha mula sa kanyang mata at umagos iyon sa kanyang pisngi. Nasasaktan siya nang sobra dahil sa ginawa sa kanya ni Elyssa. Ipinagpalit siya nito sa ibang lalaki nang ganun-ganon lang. Walang eksplenasiyon. Walang pasabi. Basta na lang niya itong makita na may kasayaw na na ibang lalaki. Hindi niya alam kung paano niya sinaktan si Elyssa at nagawa siya nitong lokohin.
"Ang sakit, Issay! Ang sakit-sakit. Paano mo nagawa sa'kin 'to?"
'Di alam ni Jevy na nakatulugan na niya ang pagtitig sa larawan ni Elyssa habang nag-iisip kung ano ang dahilan at bakit siya pinagpalit ng dating kasintahan.