Chereads / The Billionaire's Step Sister / Chapter 25 - Chapter Twenty-five

Chapter 25 - Chapter Twenty-five

Nangunot ang noo ni Elyssa nang makita na bahagyang natigilan ang pinsan dahil sa tanong niya. Tinangka niya itong hawakan ngunit nakabawi na ito. Bakas ang kalituhan sa mukha nito nang sumagot. "Ahh! Wala… I mean, siyempre gusto ko kasing tulungan ka. Kung kaya ko namang suportahan ang paborito kong pinsan, bakit hindi?" paliwanag nito at tipid na ngumiti. Lumabas ang dimple nito sa magkabilang pisngi na lalong nagpalabas ng angkin nitong ganda.

Elyssa grinned before pinching her cousin's cheeks. "Mana talaga ako sa'yo." Aniya matapos itong kurutin sa pisngi.

"Bakit?"

"Kasi, pareho tayong maganda," malawak ang ngiting biro niya. Tumayo siya upang magpaalam. "Sige, Cous. Magpapahinga na muna ako." Akmang iiiwanan niya ito ngunit kaagad na nahagip ng kamay nito ang braso niya. Nilingon niya ito. "May sasabihin ka pa ba?"

"Issay… What if isang araw magpapakilala sa'yo ang mother mo? Will you not accept her? Paano pala kung may dahilan siya kung bakit niya kayo iniwan?"

Biglang nag-iba ang mood ni Elyssa sa tanong ng pinsan. Yumuko siya upang itago ang galit sa mga mata. "Cous, whatever reasons she have, it still didn't affect the fact that she abandoned us. Hindi sapat na may rason siya kaya kailangan niya kaming iwan. Bakit hindi siya bumalik upang magpaliwanag? I've waited for twenty years, yet not a single strand of her hair face me. So don't blame me for not welcoming her incase she appears in front of me. Hindi ko siya tatanggapin," malamig na sagot niya.

"She may be waiting for the right time."

"Is twenty years not enough time? Anong klaseng right time pa ba ang hihintayin niya? The time when I am lying in the cold hard ground?" Hindi namalayan ni Elyssa ang bahagyang pagtaas ng boses dahil sa hindi mapigilang emosyon. Sa tuwing nababanggit ang anumang usapan tungkol sa kanyang ina ay hindi talaga gumaganda ang mood niya.

Hindi nakaimik si Marra sa pagsigaw niya at bahagyang tumahimik ang paligid. Maya-maya ay ang pinsan din ang bumasag niyon.

"Cous, we know nothing about her reasons. Why don't you give her a chance? Just in case…" Marra insisted.

Elyssa's mood accelerated, and she got more irritated. "Cous, why are you bringing out this topic again? And why are you so sure that we will meet? I am not even thinking about her. Don't bring this up. It's pissing me off!"

Marra sighed heavily and kept her mouth shut. Hindi na ito sumagot.

Samantalang si Elyssa ay marahas na bumuga ng hangin at pinakalma ang sarili bago muling hinarap ang pinsan at mahigpit na niyakap. "I am sorry for yelling at you, Cous. I can't stop myself when it comes to that woman." Biglang lumambot ang boses niya. Hindi siya kumalas sa mahigpit na pagkakayakap sa pinsan. She felt ashamed for shouting at the person who always help her. Nagsisisi siya sa ginawa niya. Hindi siya ganito klaseng babae pero kapag ang ina niyang nang-iwan sa kanya ang usapan nawawala siya sa katinuan. Ganoon katindi ang kinikimkim na sama ng loob niya.

"It's okay, cous. Alam ko na masakit pa rin para sa'yo na iniwan ka ng mommy mo. Lalo na ni hindi pa man kayo nagkikita sa tanang buhay mo. I understand where you are coming from, but please… I am asking you to widen your insights. We don't really know the reason. Just give her a chance."

Hindi sumagot si Elyssa. Kumalas siya sa pagkakayakap sa pinsan at matipid itong nginitian. "Sige, cous. I just gonna take a rest." Hindi na niya hinintay ang sagot ng pinsan. Tinalikuran niya ito saka dumiretso siya ng lakad patungo sa kuwarto niya.

Hindi na niya napansin ang mukha ng naiwan na pinsan sa sala. Marra looks dejected and pitiful while looking at the closed door.

Nang makapasok sa kuwarto ay walang lakas na sumandal sa likod ng pinto si Elyssa. Ayaw muna niyang isipin ang tungkol sa sinabi ng pinsan. She is still trying to move-on from her heartbreak with Jevy. She cant afford to add more burden at the moment, her heart will explode with excruciating pain. In these moment of downfall, Elyssa needs a soothing and relaxing music to ease her heavy feelings.

She held back the tears in her eyes and walked towards her bedside table, where she remembered her phone was charging. A frown was visible on her pretty face when she reached the bedside table. No cellphone was charging on it. Labis na nagtaka si Elyssa. Sa pagkakatanda niya ay naka-charge ang cellphone niya roon.

Nagsimula siyang maghanap sa loob ng kuwarto niya nang bigla siyang nakarinig ng isang pamilyar na ringtone na nanggagaling sa salas. She frowned even more deeper. Its her phone. Bigla niyang natapik ang noo. Nakalimutan niyang dala-dala niya nga pala iyon kanina at doon siya tumambay sa sala upang mang-stalk kay Jevy. Dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman niya ay nalilito na siya sa mga nangyayari.

Malapit lang ang salas sa kuwarto ni Elyssa at hindi naman gaanong kalakihan ang apartment nila kaya dinig na dinig ng dalaga ang tunog ng ringtone ng cellphone niya. Sinadya talaga niyang lakasan ang volume niyon dahil alam naman niyang wala nang kumukontak sa dati niyang numero. Dali-dali siyang lumabas ngunit pagdating niya sa sala ay tumigil na iyon sa kakatunog.

"Hey, cous. Did you see my phone?" Tanong niya sa pinsan niyang bahagya pang nagulat sa biglaang pagsulpot niya. Dahil nakatalikod ang katawan nito sa kanya ay agad itong kumilos paharap sabay abot sa kanya ng cellphone niya.

"Ahm, here!"

"Thank you. By the way, sino'ng tumawag? Para kasing narinig ko na nag-ring," tanong niya sa pinsan.

Naiiling naman itong sumagot sa kanya.

"Naku, wala. Baka nagkamali ka lang ng dinig. Sige, maiwan na kita. Bibili lang ako ng tanghalian natin sa baba," paalam nito at tinalikuran na siya. Nasa eighteenth floor kasi ang unit nila at may karenderiya sa baba na naging suki na rin nilang bilihan ng pagkain kapag tinatamad silang magluto.

"Okay, sige, " sagot niya at bumalik na uli sa kwarto.

Pagdating sa kuwarto ay patamad siyang humilata sa kama at kinutingting ang cellphone na hawak. Napadako siya sa recent calls. Its almost a few minutes ago. Hmm… Recieved call, Jevy? Tanong niya sa sarili nang makita ang call logs niya. "Tumawag siya? So, bakit nagsinungaling si Marra?"

Pero binalewala na lang ng dalaga ang isiping iyon. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa pinsan. Hindi ito ganoong klaseng tao. If Jevy really did call, she would know, well she doesn't want to answer it by the way. Akmang itatabi na niya ang cellphone nang biglang may nagpadala ng mensahe sa whatsapp niya. Sino naman ang magme-message sa'kin sa whatsapp?

Agad iyong tiningnan ni Elyssa at ganoon na lang ang pagkapatda niya nang makita ang maikling video ni Julie at Jevy na nakahiga sa kama. Pero higit pa roon ang ginagawa nang mga ito. Magkahalikan ang dalawa at mahigpit na magkayakap ang hubad na katawan. Elyssa was shocked to the core, her bones were shaking. Sa labis na gulat ay nabitawan niya ang hawak na cellphone. It is clear that Julie was the one who sent this video. Wala na sila ni Jevy pero klaro pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Pinipiga ang puso niya sa nakita.

Bigla na naman siyang sinalakay ng panibugho, kaya napabulalas siya ng iyak. Sunod-sunod na pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata at hindi niya pinigilan iyon. Naninikip ang dibdib niya sa sakit. Parang may matalas na katanang nakabaon doon.

"Mga hayop! Walang modo! Alam ko namang kayo na. Alam ko naman... Bakit kailangan pang ipakita sa'kin!?" Naiiyak na wika niya at walang pakialam na ibinato ang cellphone. "Walanghiya ka talaga, Julie! Ano pa ba'ng gusto mo? Bakit gusto mo pa akong pasakitan? Nasa sa'yo na nga si Jevy!" nanggigigil sa galit na sigaw niya.

Bumaba siya sa kama at kinuha ang scrapbook nila ni Julie na nakatago sa drawer niya. Collection iyon ng picture nila ni Julie. Mula first year hanggang mag-graduate sila ng highschool. "'Di ko akalain na ang masasayang tagpong ito ay isa lamang palang kasinungalingan!" Tahimik na wika niya at walang panghihinayang na pinagpupunit ang litrato doon.

"Ah!!! Hanggang kailan? Hanggang kailan niyo ako pasakitan? Tama na... Tama na... Puwede?" Hindi na mapigilan ni Elyssa ang mapasigaw dahil sa galit at sama ng loob. Pinagbabato niya ang punit-punit na mga larawan habang hilam na sa luha ang mata. She looks miserable. Someone who lost in the world and found nothing but emptiness and anguish. Someone who was left alone.

Ni-lock niya ang pinto para 'di siya mapasukan ng pinsan sa ganoong sitwasyon. Wala pa itong alam sa pagbe-break up nila ni Jevy. Humilata siyang muli sa kama at muling humagulhol. Hindi niya napansing nakabalik na pala si Marra, at katok na ito ng katok sa pinto. Pero patuloy lang siya sa paghikbi. Marahil inisip nitong natutulog na siya kaya naman tumigil na ito sa kakakatok sa kanya.