Chereads / The Billionaire's Step Sister / Chapter 20 - Chapter Nineteen

Chapter 20 - Chapter Nineteen

Kumikirot ang ulo ni Elyssa nang magising siya kinabukasan. Naihilot niya ang daliri sa sentido dahil sa tindi ng kirot niyon habang nanatiling nakapikit ang mata. Sobra ang kalasingan niya kagabi dahil sa dami ng kanyang ininom na alak na hindi naman niya pinagsisihan. Alak lang ang karamay niya kagabi sa birthday niya at upang mendahan ang sugatan niyang puso. Ngunit tanging sakit sa ulo ang nakuha niya dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang kirot nang ginawa sa kanya ni Jevy.

Nanatili sa sentido niya ang daliri niya habang nanatiling nakapikit ngunit kaagad na napamulagat nang ma-realize ang sitwasyon. Bigla niyang naalala kung sino ang kasama niya kagabi'ng uminom. Bakit siya nakahiga sa kama? Nasaan siya? What the hell did she do last night?

Nanlalaki ang matang biglang napabangon mula sa pagkakahiga si Elyssa ngunit sa kanyang pagbangon ay muling sumigid ang kirot sa kanyang ulo dulot ng matinding hang-over. Pabagsak siyang bumalik sa pagkakahiga upang sana pakalmahin ang sarili nang sa kanyang paghiga ay isang matigas na bagay ang nahigaan niya.

"Ouch!" naghisterya sa gulat si Elyssa dahil sa bagay na iyon. Wala siyang nagawa kundi iinat ang katawan at pilit na bumangon saka hinilot muli ang sentido. Napatda siya nang biglang may kumilos sa tabi niya. What the heck?

"Louie!?" nanlalaki ang matang bulalas ni Elyssa nang mapagsino ang katabi. Her drinking buddy from last night. Hindi siya makapaniwala sa nakita at dinagundong ng kaba ang kanyang puso. At ngayon lang napansin ng dalaga ang suot niya. Polo and… Gosh! Is she wearing an undies only?

Ang guwapo at simpatiko na nakangiting mukha ni Louie ang sumagot kay Elyssa.

"Hello, honey. Good morning!" Nakangiting bati nito sabay kindat sa kanya. Nababasa ng dalaga ang kasiyahan sa mukha nito.

"What happened? Nasaan ako? Bakit katabi kita?Ano'ng ginawa mo sakin?!" sunod-sunod na sigaw ni Aleesha sa binata. Hinila niya ang kumot para may maitabing sa katawan.

Wala siyang alam kung ano ang nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan niya. Pero sana ay hindi totoo ang iniisip niya. Sana hindi totoo na dahil sa alak ay nakipag-sex siya sa isang estranghero. Kukutusan talaga niya ang sarili.

"Oh honey, nakalimutan mo na ba kung gaano ka nag-enjoy kagabi?" pilyong tudyo ng binata. Kumikislap ang kapilyuhan sa mata nito kaya hindi sigurado si Elyssa kung maniniwala rito o hindi.

Lalong nanlaki ang mata ni Elyssa sa narinig na sinabi ng binata. Hinigit niya lalo ang kumot upang balutin ang katawan at namumula ang mukhang humarap dito.

"Ano'ng pinagsasabi mo!?" asik niya rito.

"Ohh honey..." Umungol ito. Kunwari ay deni-demonsrate ang ginawa niya kagabi upang asarin siya.

Nag-init ang pisngi ni Elyssa dahil sa ginawa ni Louie. Mabilis niya itong binalibag ng nadampot na unan dahil sa pagkaasar.

"Tse! Bastos! Manyak!" sigaw niya rito habang patuloy sa paghampas ng unan. Biglang nawala ang sakit ng ulo niya dahil sa pang-aasar sa kanya ng binata ke-aga-aga.

Tumayo si Elyssa at bumaba sa kama. Hinigit niya ang kumot upang itago ang naka-expose na legs. Hindi pa rin siya makapaniwala o naniniwala na may nangyari nga sa kanila ng binata. Tinalikuran niya ito at akmang pupunta sa banyo ngunit may bigla siyang nakalimutan. Lumingon siya upang tanungin ang binata ngunit iba ang bumungad kay Aleesha. Bigla niyang nakalimutan ang itatanong.

Tumambad sa mata ni Elyssa ang hubad na katawan ng binata. Nakalimutan niya na iisa lang pala ang kumot na ginamit nila. At dahil ibinalot niya ang kumot sa sariling katawan ay na-exposed ang nakatagong katawan ng lalaki. Naka-boxer shorts lang ito at walang anumang saplot pang-itaas. And, oh God! He's so damn hot! Napalunok si Elyssa. Kitang-kita ang six packs abs nito na parang ang sarap haplusin. At ang... Napako ang mata niya sa nakaumbok na ibabang bahagi ng katawan nito.. Ang laki! Nag-init ang pisngi niya sa naisip pero hindi niya kayang alisin ang tingin dito. Naeeengkanto ng abs nito ang mga mata niya!

"Baka gusto mong haplusin kaysa titigan? Libre lang 'yan para sa'yo!" pilyong tudyo ng lalaki sa kanya nang makitang titig na titig siya sa katawan nito.

Bigla niyang binawi ang tingin sa lalaki at namumula ang mukhang tinalikuran ito. Hindi niya ito matawag sa pangalan dahil nakalimutan niya sa sobrang kalasingan.

"Wala ka na bang ibang masabi kundi puro kabastusan ha!?" Nanggagalaiting saway dito ng dalaga habang nakatalikod ngunit agad ding humarap dito dahil sa sobrang inis ay nais niya itong kutusan.

"Kabastusan ba ang pinapakita ang katawan sa babaeng nagnanasa sa katawan ko?" nagpatuloy sa panunudyo sa kanya ang lalaki. Kinindatan siya nito at lalong nanggalaiti sa inis si Elyssa.

Humigpit ang pagkakahawak ni Elyssa sa kumot at pinandilatan ito."Tse, sa'yo na ang katawan mo. Hindi ko pinagnanasaan 'yan, heh!" Irap niya rito.

"Talaga? Eh, tingin mo pa lang nalulusaw na ako, eh!"nagpatuloy sa pang-aasar ang lalaki at kumilos ito upang lumapit sa kinatatayuan niya.

"In your dreams!" she retorted. Tinalikuran niya ito. Gosh! Ano ba naman 'tong lalaking 'to bakit ang lakas ng trip sa buhay? Ano ba talagang ginawa nito sa'kin? May nangyari nga ba sa amin? piping tanong niya sa sarili.

"Ow c'mon, Ms. Castillo. Huwag ka nang mahiya. Nakita ko na 'yan kung ano man ang tinatago mo!" Natatawang wika ng lalaki.

Naiinis na lumayo sa kama si Elyssa at akmang pupulutin ang mga nagkalat na damit pero sa paghakbang niya ay hinila nito ang kumot kaya naman napaikot siya at napatumba sa kama. Pero... hindi sa malambot na kama bumagsak ang katawan niya kundi sa matigas na katawan ni Louie—na sa wakas ay naalala niya ang pangalan.

Napasinghap nang malalim si Elyssa dahil sa pagdikit ng katawan nila ng binata. Tumahimik ang paligid. Wala ni isang umimik sa kanila. Matiim lang itong nakatitig sa kanya. Nilabanan niya ang titig nitong nakakalusaw ng buto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa lalaking ito. Samantalang kay Jevy, 'di niya naramdaman ang ganitong spark at kilig sa kalamnan.

Hinaplos ni Louie ang mukha niya at maya-maya'y bigla siya nitong kinabig at mariing hinalikan sa labi. Nabigla si Elyssa sa ginawa nito pero 'di siya lumaban bagkus ay nagpaubaya siya dahil nagugustuhan niya ang init ng labi nito. His breathe still taste like alcohol, like hers, yet his kisses was good that she was unable to stop. Napaungol pa siya nang humigpit ang yakap ng lalaki sa kanya. Inikot nito ang katawan at inihiga siya sa kama. Nakapaibabaw na ito sa dalaga. Kumilos ang mga kamay niya para yumakap dito. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang bigla naman itong tumigil at agad na kumalas sa kanya.

"Hmm... Mukhang nagugustuhan mo na yata ang mga halik ko, Ms. Castillo!" nanunuksong bulong ni Louie at humaplos ang daliri nito sa mukha niya.

Para namanng binuhusan ng malamig na tubig si Elyssa at bumalik ang kanyang katinuan.

"Bastos ka talaga!" Muli ay nasampal niya ito sa pangatlong pagkakataon. "Bakit ba gustong-gusto mong manghalik ha!?" nanlilisik ang matang asik niya rito.

"Aww..." nasasaktang sinapo nito ang pisngi ngunit kitang-kita pa rin ni Elyssa ang tuwa sa mga mata nito. Ibig sabihin ay hindi ito nasaktan sa sampal niya. "Why? Don't you like it?" Nakangising tanong nito. "And besides you gave me permission to kiss you," dugtong pa nito.

"Ano'ng permiso ang pinagsasabi mo diyan? Eh, bigla-bigla ka na lang nanghalik!"

"You gave me permission to kiss, the way you look at me, Elyssa." Seryosong wika ni Louie at matiim na tumitig sa kanya.

Ah gano'n! Halata niya bang gusto ko ring magpahalik sa kanya?

"Kahit pa!" Asik pa rin niya upang takpan ang namumulang mukha. Tumayo siyang muli at dinampot ang mga damit. "Let's call this as a sweet nightmare, Louie!" Bumaling siya rito. "Kalimutan mo na lang na nangyari 'to! 'Yong panghahalik mo, balewala lang 'yon sa'kin. At kalimutan mo na rin na nakilala mo ako. Mula sa araw na ito tinuruan ko na ang puso kong huwag magmahal!" Seryosong turan niya at tumalikod dito para tumungo sa banyo.

Hindi na niya nakita ang mukha nito'ng nasaktan dahil sa sinabi niya.

That won't never happen, Elyssa. Ngayon pang napapatunayan ko sa sarili kong mahal na kita? But these words will never be heard by Elyssa as the latter already shuts the toilet's door.

Pagkalabas ni Elyssa sa banyo ay agad niyang dinampot ang backpack sa isang sulok at dire-diretsong naglakad sa pinto. 'Di man lang niya sinulyapan ang lalaking malungkot na nakasunod ang tingin sa kanya na nanatiling nakahiga sa kama.

Muli lang siyang humarap bago pa man niya pihitin ang seradura. Nagkatitigan sila at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot na nadarama sa pag-alis niya. Ipinilig niya ang ulo para iwaksi 'yon. Tsk! Ba't naman siya malulungkot?

"Well, by the way, Louie. Before I leave I want to thank you for giving me such a wonderful and blastful celebration on my birthday last night despite of everything. Naging masaya pa rin ako. Thank you and goodbye..." Huling wika niya at lumabas nang tuluyan. Hindi niya maintindihan ang nadarama. God Issay, tumigil ka nga. Bakit ka naman malulungkot? Tapos na ang fairytale na kuwento mo. One night lang 'yon! Tama na..." saway niya sa sarili.

Yeah, one night na kasama si Louie, pero ibang kasiyahan ang dala sa kanya.

Pagkalabas ng hotel na pinagdalhan sa kanya ni Louie ay agad siyang dumiretso sa bus stop. 'Di niya mapigilan mapaluha nang makaupo na sa bus. Ano ba 'tong pinanggagawa ko? May nangyari ba talaga sa amin kagabi ni Louie? Pinakiramdaman niya ang sarili. Parang wala naman ah…" Sa dami ng ininom niya kagabi, hanggang ngayon ay sumisigid pa rin ang sakit ng ulo niya dahil sa hang-over. Dagdagan pa ng halik ni Louie na 'di na nawala-wala sa isip niya.

Papaandar na ang bus nang may mahagip ang mata ni Elyssa.

"Huh? Is that Jevy!?" Malayo ang tingin ng lalaki kaya imposibleng nakita siya nito. Muling nanumbalik sa isip ni Elyssa ang pait ng pagtataksil ng dating kasintahan sa kanya at parang bula namang naglaho ang isip niya kay Louie. Malungkot siyang tumingin dito nang mapadaan ang bus sa tapat nito. Hinawi niya ang kurtina ng bus upang tingnan itong maigi. "Is that loneliness I see in his eyes?"

Nanibugho si Elyssa nang makitang nasa tabi nito si Julie. "Huh, ang galing mag-drama, ako pa ang pinagbibintangang nagtaksil, eh siya nga 'tong nagpaakit sa best friend kong ahas! Este ex best friend pala!" galit na bulong niya at agad na pinunasan ang luhang gustong pumatak.

Hindi na siya lumingon sa mga ito, kaya naman 'di niya nakita kung paano tumulo ang luha sa mata ng lalaking iniwanan niya habang nakatanaw sa bus na papalayo.