Chereads / The Billionaire's Step Sister / Chapter 22 - Chapter Twenty-one

Chapter 22 - Chapter Twenty-one

Hindi na naman mapigilan ni Elyssa ang mapaluha nang marinig ang tugtog sa radyo. Sakto kasi ang tugtog sa tulad niyang sugatan ang puso. Art of letting go... Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang pumunta siya sa Baguio. Tatlong araw na rin ang tahimik niyang pag-iyak dahil sa pagkahiwalay nila ni Jevy. At tatlong araw na ring gulong-gulo ang isip dahil sa nakaw na halik ng isang estranghero na hindi niya alam kung bakit ay pumayag siyang halikan nito. And worst, ay kung bakit nagawa niyang matulog katabi ito sa iisang kama! He is a total stranger!

Hindi rin mawala sa isip ni Elyssa kung may nangyari ba sa kanila ng lalaki o wala. Wala namang nagbago sa'kin, ahh? Ano ba'ng dapat na maramdaman 'pag nagamit na? painosenteng tanong niya sa sarili at bahagyang napangiwi. Tama na Issay, tama na ang pagpantasya sa lalaking 'di mo naman kilala! Saway niya sa sarili. Naguguluhan siya. Siguro dala lang 'yon ng paghihiwalay namin ni Jevy, at dahil hungkag ang damdamin ko kaya ko nagawa 'yon! Pakonswelo niya pa sa sarili.

Mabuti na lang at parehong pang umaga ang shift ni Lyn at ang pinsan niyang si Mara kaya mag-isa ngayon si Elyssa sa boarding house nila. Nightshift pa ang duty niya kaya naman sa factory na sila nagpapang-abot ng mga ito. Sa mga oras na iyon siguradong hindi na mahahalata ng mga itong umiyak siya. Mula nang manggaling siya sa Baguio wala pa siyang naikuwento sa dalawa. Bagamat nang-uusisa ang mga ito sa kanya, tikom pa rin ang bibig ng dalaga. Nowadays, parang gusto na niya laging mapag-isa at medyo cold-hearted na rin siya. Siguro dahil na rin sa mga nadaanan niyang problema at kabiguan. Masisisi ko ba ang sarili ko kung naging ganito ako? Gusto ko lang maging matatag! Pero kahit iyon ang sinisigaw ng isip ay bigo pa rin siyang pigilan ang emosyon para kay Jevy.'Di pa rin niya mapigilan ang mapahagulhol. Matindi pa rin ang kirot sa puso niya sa tuwing naalala si Jevy, at lahat ng mga alaalang pinagdaanan nila, na parang kailan lang ay ang saya-saya nila. Hindi niya sukat akalaing magtataksil ito sa kanya, ang masama pa ay sa taong itinuring niyang parang kapatid.

Hindi alam ni Elyssa kung saan siya nagkulang at kung bakit siya pinagpalit ni Jevy. Ang buong akala niya ay ito na ang buhay niya. Akala lang pala niya iyon.

"Yeah, maybe, I just need to learn how to move on!" Pasinghot-singhot na wika niya sa sarili habang sinasabayan ang liriko ng kanta. Katanghaliang tapat ay nagda-drama siya. Hindi niya masisi ang sarili. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa panloloko sa'yo ng bestfriend at boyfriend mo? That all this time you put your trust in them. Pero paano ba ang mag-move on?

"But each time I close my eyes, it's you that I want to see when I open them again! Napahiga siya sa kama at nagmukmok. Kanina pa siyang umaga walang kain. Pero 'di man lang siya nakaramdam ng gutom. "Jevy, ang sakit-sakit na. 'Di ko alam kong paano ka limutin. I want to do it so badly, but I'm scared to say goodbye!" Nagpatuloy ang dalaga sa impit na pag-iyak. Durog na durog na ang puso niya, ika nga!

Kaya ko ba? Kaya ko ba talaga ang limutin ka?

"Paano ko ba masisimulan ang pagmo-move on na 'yan? Lintik na move-on na 'yan, parang thesis, ang hirap I research!"

***

Pugto ang matang pumasok sa trabaho si Elyssa. Kahit takpan pa niya iyon ng makapal na concealer ay nahahalata pa rin ang pagkapugto ng mata niya. Halata pa rin na galling siya sa pag-iyak.

Alas-sais y medya na at kasalukuyan na siyang nagta-tap ng ID. May oras pa siya para mag-retouch. By the way, bakit pa nga ba magre-retouch? Eh, gabi naman. Saka sa packaging lang naman ako ngayon! Sa isip-isip niya habang nglalagay ng headset sa tainga upang makinig ng musika habang naglalakad patungo sa locker. Magsi- sinti na naman siya, siyempre. Pampalipas-oras. Ilang araw na ring ganito lagi ang ginagawa niya. Kesa magmukmok at mag-drama sa bahay, maaga siyang umaalis at pumunta ng trabaho. Atleast dito, nadi-distract siya ng kaunti sa pag-iisip kay Jevy.

Dalang-dala si Elyssa sa pinapakinggang kanta at may papikit-pikit pa kaya 'di niya napansin ang kasalubong.

"Ouch!" Napangiwi si Elyssa dahil sa lakas ng impact ng banggaan nila ng kasalubong. Mabuti na lang ay 'di siya na out of balance. Napakapit siya kaagad sa dingding malapit sa bandi clock kung saan siya nag-tap ng ID. Ano ba naman to! Angil niya sa isip.

Mabilis siyang tumingala upang tingnan kung sino ang pangahas na nakabunggo sa kanya. Ganoon na lang ang pagkagulat na mababakas sa mukha ni Elyssa nang mapagsino ito. This is the man who stole a kiss from her and worst slept with her!

"Huh? Ikaw!?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Bahagya lang nagulat ang nakabungguan niya na para bang ini-expect n anito ang pagkikita nila. Matamis itong ngumiti nang magkasalubong ang tingin nila.

"Hello, honey!" Bahagya pa nitong nilambingan ang boses at kinindatan siya.

"Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ako!?"

"Nope! Nagkataon lang siguro na..." pambibitin nito at humalikipkip "…dito ako nagtatrabaho."

Napataas ang kilay ni Elyssa dahil sa sinabi ng kaharap. "Hmp!" Ingos niya sabay talikod dito. Ayaw niyang masira na naman ang gabi niya. Ilang gabi na rin siyang hindi maka-concentrate sa trabaho.

Pero bago pa niya maihakbang ang paa, patungo sa locker ay hinawakan siya ng lalaki sa kamay at pilit na pinaharap dito.

"It's that the way you greet your boss, Ms. Castillo?" biglang sumeryoso ang boses nito at matiim na tumitig sa kanya.

"Boss!?"