Napigil ni Elyssa ang hininga nang magtagpo ang mata nila ng lalaking minsan ay naging malaking parte sa buhay niya. Bakas sa mukha nito ang galit at hinanakit. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito pa ang nagagalit sa kanya. Aren't they the ones that fooled her? Dapat siya ang magalit. Dapat siya ang maghinanakit, hindi ang mga ito.
Nakaramdam ng pangongonsensiya si Elyssa na hindi niya akalaing mararamdaman niya. Ngunit agad din itong napalitan ng panibugho nang makitang lumapit dito ang babaeng kinasusuklaman niya. Wala sa huwisyong humigpit ang hawak niya sa balikat ng kasayaw.
"Any problem?"
Napukaw ang diwa ng dalaga nang biglang magsalita ang kasayaw. Marahil naramdaman ang mariing pagpisil niya.
Umiling si Issay at matamis na ngumiti upang itago ang tunay na nararamdaman na ikinanoot ng nito ng kasayaw. Ngunit alam ng dalaga na basang-basa ng lalaki ang bawat kilos niya.
"Nothing!" blanko ang mukhang sagot niya. "Tara, upo na tayo," yaya na lang niya. Wala na siyang ganang sumayaw.
"Okay!" pagsang-ayon ng lalaki. Inalalayan siya nito sa paglalakad papunta sa kinaroronan ni Minho dahil medyo nahihilo na siya sa nainom na alak.
"By the way, would you mind if I go to the restroom?" mahinang tanong niya sa lalaki nang makabalik sila sa bar counter. Ayaw niyang pumiyok sa sama ng loob ang boses niya dahil ayaw niyang ipaalam sa lalaki na nasasaktan siya sa pagkikita nila ni Jevy.
"No, its okay. Gusto mo bang samahan pa kita?" Kinindatan siya nito habang malawak ang ngiting nakatingin sa kanya.
"I don't need. Kaya ko pa, isang baso pa lang naman ang nainom ko!" pabirong sagot ni Issay. Tumayo pa siya ng tuwid upang ipakita rito na hindi nga siya lasing.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya tumanggi sa paanyaya ng lalaki na sumama rito sa club. She only trusts her instinct. And she wants to get away from Jevy. From everything that happened this morning.
Saka lamang sumang-ayon sa kanya ang lalaki bago siya hinatid ng tanaw patungo sa banyo. Dire-diretso naman siyang naglakad at kaagad na dumiretso sa loob ng cubicle dahil sa hindi mapigilang pantog na anumang sandali ay lalabas na.
Naghuhugas na si Elyssa ng kamay nang maalalang hindi pa pala niya naitatanong kung ano ang pangalan ng lalaki. She suddenly made a mental reminder. Baka isipin nito masiyado siyang nadala sa kaguwapuhan nito kaya agad siyang sumama kahit hindi pa niya ito kilala. Napahagikhik siya sa isiping iyon. Mabuti na lamang at walang ibang tao sa loob ng pambabaeng banyo.
May kalakihan din ang banyo at sa loob ay may limang cubicle. Ang sink ay may malapad na lagayan ng gamit para sa gustong mag-retouch. Ang kagamitan sa loob ay bumabagay sa mahogany tile bathroom floor. Cozy.
Papalabas na si Elyssa ng banyo nang mapatda siya sa lalaking nakatayo sa pintuan. Napatigil siya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan.
"Jevy?" Nanlalaki ang matang bulalas niya sa labis na gulat. Kaagad na bumilis ang pintig ng puso niya nang masilayan ang guwang mukha ng dating kasintahan. 'Di nga siya nagkamali. Ito nga ang lalaking nakita niya kanina. But, why is he here? Did he see me?
***
Hindi mapakali si Louie nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Elyssa. Medyo tumagal na ito sa banyo. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano at baka kung ano na ang nangyari rito.
Kaagad naman niyang kinastigo ang sarili nang mapagtanto niyang labis siyang nag-aalala para sa dalagang ngayon-ngayon lang niya nakilala. Hindi pa man niya ito nakilala ng husto ay magaan na kaagad ang loob niya rito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Imposibleng nagugustuhan niya nga ang dalaga dahil hindi pa sila nito gaanong magkakilala.
Ngunit hindi mapigilan ni Louie ang mapangiti sa magandang kinalabasan ng plano niyang surpresa para kay Elyssa. Ito ang pinagbibili niya kanina noong nagka-bungguan sila malapit sa mall. At kaya niya alam kung saan ito pumunta ay may inupahan siya upang sundan ito. He didn't even knew why he did it. Talagang nag-aalala lang siya sa dalaga nang makita ang kalagayan nito kanina.
Akma siyang tatayo upang sundan ito sa restroom nang marinig niya ang pagpigil sa kanya ni Minho.
"Where are you going? She'll be back, don't worry!" tudyo nito habang abala sa mga babaeng nakapalibot dito.
Alam ni Louie na ni isa ay walang interes si Minho sa mga ito. Iisang babae lang ang umuukupa sa puso nito, si Mara. Ginagawa lang nito ang i-entertain ang mga babaeng nakapalibot dito dahil sa uri ng trabaho nito. Bukod sa may-ari ito ng iba't-ibang clubs ay may isa pa itong sekretong trabaho.
"What's wrong with going after her? I will just check on her," balewalang sagot niya. Tuluyan siyang tumayo upang sundan ang dalaga.
Ngunit natigil ang paghakbang niya nang muling magsalita si Minho. May kaseryosohan sa boses nito na nagpakuyom ng kamao niya.
"What about Tracy? Do you think she will stay quiet when she learns about this?"
Nakakuyom ang kamao na tumingin si Louie kay Minho. "She has nothing to do with this."
Mahinang napatawa si Minho saka nilagok ang baso ng alak na inabot ng babaeng katabi nito.
"Louie, pare. Para namang hindi mo kilala ang Ex mo. She will destroy every woman who nears you. And Elyssa is such a sweet girl. Innocent. She doesn't deserve that kind of threat, just in case." The slit on Minho's eyes wrinkled when he smiled. Ngunit wala iyong kasayahan kundi puro pagbabala. Pagpapaalala sa kanya kung ano ang mangyayari sakaling i-pursue niya si Eyssa.
"I will handle it, Minho. Just in case," seryosong sagot niya. Hindi na niya ito pinakinggan. Naglakad siya ng tuluyan upang sundan si Elyssa sa restroom. Iniwan niya si Minho na abala na sa pambabae nito.
"So, kaya pala 'di ka nagre-reply ay dahil abala ka sa lalaki mo? At dito pa talaga kung saan nandito ako? Ano 'to, Issay? Pinapamukha mo sa'kin na kaya mo akong palitan ng gano'n kadali?"
Natigilan si Louie nang marinig ang boses na 'yon. Saglit siyang sumilip at nakita si Ms. Castillo na may kausap na lalaking halos kasing-edad nito.
"Why, Jevy? Nasasaktan ka ba? What for!?"
It was Elyssa. Matigas ang bawat salita nito. Hindi niya alam kung bakit ngunit napangiti siya sa sinabi nito. Tuluyang tumigil sa paghakbang si Louie at isinandal ang katawan sa pader na patungo sa banyo. Lihim siyang nakinig.
"Ow, c'mon, Issay! Of course. I'm hurt. I'm hurting as hell." There's a pause. Before that man's voice resounded again. Louie keeps on listening, "I can't believe it. Masaya naman tayo hindi ba? Ano'ng nangyari, Issay? Bakit mo ako pinagpalit?"
"Talaga? Masaya? Oo. Masaya. Masayang naglolokohan!"muling sagot ni Elyssa.
Sumilip siya sa kinaroroonan ng dalawa dahil narinig niya ang pagpiyok ng boses ni Elyssa. Kitang-kita ni Louie ang pagtulo ng butil ng luha sa mula sa mga mata nito.
"What is this? Who is he?" sa isip-isip ni Louie. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Ngunit may konti na siyang ideya kung sino ang lalaki.
Bago pa man makasagot ang lalaking kausap ni Elyssa ay may lumapit ditong babae. Sa tantiya ni Louie ay ito ang girlfriend ng lalaki dahil kaagad na lumingkis ang braso nito sa katawan ng lalaki.
"My God, Issay. Mahal ka ni Jevy, paano mo nagawa 'to sa kanya? How can you be so shameless and parade your kalandian here?" maarteng sigaw ng babaeng kakarating lang. Bumaling ito sa lalaki. Mukhang magkakakilala rin ang tatlo. "C'mon, Jevy. Hindi nababagay sa'yo ang haliparot na 'yan. You shouldn't waste your time on someone unfaithful and shameless like her!" dagdag pa ng babae.
Pumantig ang tainga ni Louie sa narinig na panghuhusga ng babae kay Elyssa. Dahilan upang lumabas siya sa kinatataguan at lumapit sa mga ito.
"Hey, honey. There you are!" bati niya nang makalapit sa tatlo. Ngunit ang tingin niya ay nanatili kay Elyssa at hindi man lang tinapunan ng tingin ang dalawang kausap ng dalaga. Malawak ang ngiti niya habang matiim na nakatitig dito.