Napahinto sa paglalakad si Elyssa nang nakaramdam ng matinding pagod. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench na nadaanan sa labas ng isang establesimyento na hindi siya sigurado kung ano. Pagod na pagod siya. Mentally and physically. Durog na durog din ang puso niya dahil hindi pa rin niya kayang i-absorb ang nangyari kaninang umaga.
Matagal-tagal na siyang naglalakad ng walang patutunguhan dahil gulong-gulo ang isip niya. Pati cellphone niya ay lowbat na rin kasabay ng pag-lowbat ng pagmamahal niya kay Jevy.
Humugot siya ng mahinang buntong-hininga upang pagaanin ang sarili ngunit hinayaan niyang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Naninikip ang dibdib niya. Mixed emotions rummaging inside her. Hindi na niya mawari kung sakit, poot o pagkaawa sa sarili ang nararamdaman. She felt betrayed.
Mula sa kinauupuang bench ay wala sa sariling napatingin siya sa katapat na bar. May ribbon cutting na nagaganap marahil, ay grand opening ng bar na ito.
Mahapdi na ang mata niya sa kakaiyak mula pa kanina. Pati ang tiyan niya ay 'di na yata nakaramdam ng gutom. Manhid na ang pakiramdam niya. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo niya dahil sa malamig na klima ng Bagiuo.
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad at tahimik na humikbi. Nag-iisa siya sa isang hindi pamilyar na lugar, walang ibang malapitan upang mapagaan ang loob, at higit sa lahat wala siyang pambili ng pagkain dahil sa nawawala niyang wallet.
Lord... What did I do wrong to deserve all this? Is this your punishment for the sin that I've committed? Tahimik niyang panalangin habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kanyang palad.
Tumindi pa ang sakit ng ulo ni Elyssa nang maalalang wala siya ni singkong duling. Ni wala siyang kapera-pera pamasahe pabalik ng Maynila. Lalong bumuhos ang masaganang luha sa pisngi niya. Paano na siya nito makakabalik? She couldn't even contact her cousin. She was afraid Marra will scold her because oh her stubborness .
Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nag-flashback sa isip ni Elyssa ang nakangiting mukha ng lalaking nakabangga niya kaninang hapon habang naglalakad siya sa sentro ng Baguio, kung saan naroon ang sangay ng isa sa sikat na mall ng bansa. Pakiramdam niya ay gumaan ang bigat na naipon sa dibdib niya habang ini-imagine ang imahe ng lalaki.
Who's that guy? Why does he looked familiar? Did we meet before? Her mind speaks. Pinilit niyang alalahanin ang pagmumukha ng binata ngunit sa isang iglap ay mukha na naman ni Jevy ang rumihestro sa utak niya. Lalo siyang napaiyak. Wala siyang balita rito mula kanina pa. Lowbat na ang cellphone niya. She can't receive any messages.
Bigla siyang napatalon sa gulat nang biglang may kumaluskos sa likuran niya. Followed by a shadow that suddenly appeared enveloping her own, making her screamed in terror.
"Ay, kabayong tumalon!" she shouted in shock.
"Woahhh. . . Ganito na ba kaguwapo ang kabayo ngayon?" A teasing voice speakes.
A guy in a black t-shirt revealed himself. A sly smirk was clearly written on his handsome face as he stared at her. Naliliwanagan ang mukha nito ng liwanag mula sa poste ng ilaw sa tabi ng bench na kinauupuan niya.
"Ikaw?" hindi makapaniwalang bulalas ni Elyssa nang mamukhaan ito. Ito ang lalaking naka-engkuwentro niya kanina at ngayon-ngayon nga ay sumagi sa isip niya.
"Ako nga," maikling sagot ng lalaki. Kumindat pa ito bago malawak na ngumisi.
"Ano'ng ginagawa mo rito?Sinusundan mo ba ako?" asik ng dalaga upang takpan ang lungkot sa boses. Nakabawi na siya sa takot na biglang naramdaman nang makilanlan ito.
"Why should I? Do I have reasons para sundan ka?" pasupladong sagot ng lalaki pero ang mata nito ay halatang nagbibiro. Humalakipkip pa ito nang sumagot sa kanya.
"Tse! Diyan ka na nga!" asik muli.ng dalaga Pinahid niya ng likod ng palad ang luha sa pisngi saka dinampot ang backpack na nasa tabi. Mabilis siyang naglakad upang iwan ito.
"Wait!" pigil nito. Mabilis siya nitong nahawakan sa braso upang pigilan siya sa paglalakad.
Biglang nakaramdam ng kakaibang init si Elyssa dahil sa pagdampi ng palad nito sa balat niya. Kaya agad niyang ipiniksi ang kamay nitong may hawak sa kanya at binawi ang braso.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" naiinis na bulyaw niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito mag-react ang katawan niya.
Pero imbes na sundin siya ay inikot nito ang katawan niya kaya nagkaharap sila. Nagkasalubong ang mga mata nila. Agad na iniwas ni Elyssa ang mga mata sa matiim na titig ng lalaki. Ngunit hinawakan ng kamay nito ang baba niya at pilit na pinaharap ang mukha dito.
Napaigtad si Issay nang itinapat nito ang palad sa mukha niya at walang anumang pinahid ng hinlalaki nito ang luhang kanina pa ayaw tumigil sa pag-agos.
"A beautiful lady like you should not cry. . ." He lowered his head and whispered in her ears.
Natigilan naman siya sa ginawa ng lalaki. Why is she letting a stranger caress her like that? At bakit 'di niya kayang pigilan ang ginagawa nito?
"You are so beautiful, Ms. Elyssa Castillo," muling bulong nito. This time may sinseridad sa boses na wika nito. Ramdam niya ang mainit na hininga nitong bumubuga sa balat niya at nanindig ang balahibo niya dahil doon.
Natauhan si Elyssa nang binanggit ng lalaki ang pangalan niya kaya kaagad siyang dumistansiya mula rito. Dahil mas matangkad ito sa kanya ay nakatingala siya rito.
"How did you know my name!?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi siya makapaniwala na kilala siya nito. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nami-meet. Imposibleng kakilala niya ito. Is he really a stalker?
"Well," mahinang saad nito. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. "I guess this is yours?" tanong nito nang inilabas ang wallet niya. May munting ngiti sa labi nito habang iwinagayway sa harap niya ang wallet na pamilyar na pamilyar sa kanya.
Mabilis nakumilos si Elyssa upang hablutin ang wallet pero mabilis nitong iniwas ang kamay nito kaya naman sa pagsunggab niya ay napadikit na naman ang katawan niya rito. Napasinghap siya nang maamoy ang mabangong perfume na gamit nito na parang nanggagayuma sa kanya. And she was getting carried away by that smell.
"Hmm. . . what a nice smell. Ang bango naman talaga ng mokong na 'to!" sigaw ni Elyssa sa isip. 'Di niya napigilan ang sariling lumapit pa ng husto rito upang lalo pa itong singhutin. Nakaramdam siya ng matinding kaba nang maramdaman ang kamay ng lalaking nakapulupot na pala sa baywang niya. "God, is he hugging me? Why I can't avoid it?
"Ehem. . ." Tumikhim ang lalaki. "So, do you like the feeling having in my arms, Ms. Castillo?" may ngiti at nanunudyo ang boses nito nang magsalita.
Agad naman bumitaw si Elyssa at sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bigla niya itong nasampal!
"Bastos!" sigaw niya. Nagpupuyos sa galit na tinalikuran ito ng dalaga. Pero iyon ay upang maitago ang namumula niyang mukha at pagkahiya rito. That hug really makes her blush!
Natigilan siya nang bigla itong magsalita.
"No one in my whole damn life slap me, Ms. Castillo. No one!" Ipinagdiinan pa nito ang huling tinuran at parang nagbabanta.
Taas ang kilay niya itong nilingon. Wala siyang pakialam kung gaano man ito kaguwapo, hindi siya natatakot sa matalim na titig nito.
"So? Ano'ng gagawin mo? Sasampalin mo rin ako?" naka-pamaywang na uyam niya. Puno ng sarkastiko ang boses niya.
"As much as I want to, but no. A woman like you should be given more than that!" may diin ang boses nito at matiim na tumitig sa kanya.
Nilabanan ni Elyssa ang titig ng lalaki. Sa pagsalubong ng mga tingin nila ay may nakita siyang kakaibang spark sa mga mata nito na hindi niya mawari kung ano.
Walang ano-ano'y bigla na lang siya nitong kinabig. The back of her head exactly, and he kissed her! This man is kissing her!
Oh my! Naipikit niya ang mga mata sa gulat pero hindi niya ito agad pinitigil sa ginagawa. 'Di man niya aminin ay nakaramdam siya ng kakaibang spark sa paglapat ng labi nila. She felt the softness of his lips. She tasted the mint smell of his breath, and she gasped. She didn't realize she's actually responding for that sweet wonderful kiss from a complete stranger!
Natigilan siya sa naisip at biglang nagising ang diwa. Yeah, a stranger! Kaagad niya itong itinulak ng malakas at kumalas dito.
"So how, Ms. Castillo, did you like it?" pilyong tanong ng lalaki matapos ang halikan nila. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya.
Akmang sasampaling muli ni Elyssa ang lalaki pero agad nitong napigilan ang kamay niya.
"Don't you ever dare to do that again, honey," seryosong banta nito sa kanya.
"Hmp! Bastos!" Pero mabilis ang kaliwang kamay niya kaya umigkas iyon muli sa mukha ng lalaki.
"Aw!" reklamo nito saka sinapo ang nasaktang pisngi.
Napalakas yata ang sampal ko! Buti nga sa'yo. . . aniya sa isip. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay nakaramdam siya ng munting kirot dahil nakokonsensiya siya. Nasaktan ko nga yata siya.
Hindi nakahuma si Elyssa nang muli ay niyakap siya ng lalaki nang mahigpit at muling hinalikan ng mariin sa mga labi. Pero bago pa lumalim ang halik na 'yon ay buong lakas niya itong itinulak. Naputol ang panghahalik nito.
"Didn't I told you don't do that again, Ms. Castillo?" puno ng kaseryosohan ang boses na saad nito na bahagyang may galit ang boses.
Namumula ang mukhang tinalikuran ni Elyssa ang lalaki. At walang anumang salita ang namutawi sa bibig niya. She was furious at the same time, she liked his kisses.
"Well, Ms. Castillo. If you want to get your wallet back?" maya-maya ay untag ng lalaki sa natutuliro niyang utak.
"Of course I want it! It's mine, why should I not get it? Give me back my wallet!" Lingon niya rito at tinitigan ito nang masama. "Bakit nasa sa'yo 'yan? Mandurukot ka 'no?"
"Aw! C'mon! Sa guwapo kong 'to, mandurukot?" nakakalokong sagot nito. "And besides, 'di ko na ibabalik sa'yo 'to, kung mandurukot ako!"
Tse! Yabang!
"Ba't ba nasa sa'yo 'yan? Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko dahil nawala 'yan?" asik niya. Alam mo rin ba kung anong gusto kong gawin sa nandukot sa wallet ko? I will cut their fingers off! But can she really do that? Looking at this handsome and gorgeous man in front of her. She wanted to melt.
"Alam ko," maya-maya ay seryosong sagot nito. "But, if you want to get this, you have to come with me!" anito sabay wagay ng wallet niya sa harapan nito habang may nakakalokong ngisi.
"What?" gulat na gagal niya.