Chapter 4 - 4

NAGISING si Maritoni sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya mula sa nakabukas niyang bintana. Papungas-pungas siyang bumangon sa kama at naiiritang tinignan ang bintana kung saan nanggagaling ang sikat ng araw. Malamang ay nakalimutan niya itong isara kagabi dahil sa kalasingan. May hang-over pa siya kaya masakit ang kaniyang ulo,ngunit pinilit niya paring tumayo para ayusin ang kurtina ng bintana na tatakip sa sinag ng araw. Muli niyang ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama,nanlalata pa kasi siya. Matagal siya sa ganoong posisyon. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kwarto,sa kwarto nila ng dating asawa na si Kyle. Hindi maipaliwanag na kalungkutan ang naramdaman niya ng mga oras na iyon,she feels empty inside. Ang dating kwarto na puno ng saya ngayon ay nababalot na ng kalungkutan. Kalungkutang tila sisira sa kaniyang katinuan.

Maraming alaala ang kwartong iyon,mga masasaya at malulungkot na ala-ala. Doon nila pinagsaluhan ni Kyle ang kanilang pagmamahalan. Nang magpasya silang magsama ay agad nagpatayo ng bahay ang mga magulang ng lalaki para sa kanilang dalawa. Palibhasa ay nag-iisang anak ang lalaki ay hindi nag atubili ang mga ito na pagbigyan ang kahilingan ng anak. Masayang-masaya siya noon na tila ba hindi na nagawang isipin pa ang magiging hinaharap niya. Tumigil narin kasi siya sa pag-aaral na mariin namang tinutulan ng kaniyang mga magulang. Tutol ang mga magulang ni Maritoni sa pagsasama nilang iyon ngunit wala ring nagawa dahil sadyang matigas ang ulo ni Maritoni,masyado siyang nagpadala sa sayang nararamdaman kasama ang lalaki. Naalala pa niya ang usapan nila ng kaniyang nanay s cellphone.

Flashback

" Ano ka ba naman anak!Pinag-aalala mo naman kami ng Tatay mo,ano bang pumasok dyan sa ulo mo at nagpasya kang huminto ng pag-aaral? Napakabata mo pa para pasukin ang pag-aasawa," mahinahong sabi ng nanay niya.

" Inay,hayaan niyo na ako masaya na ako kay Kyle. Kung tutuusin ayoko naman talaga mag-aral,kayo lang pumilit sa akin at dito pa sa exclusive school! Sabagay,kung hindi dahil doon hindi ko makikilala si Kyle."

" Ay sus!Hindi ko alam kung sinong santo pa ang puwede kong tawagin para mapabago pa ang isip mo,alalang-alala kami sa'yo dito! Kung ayaw mo'ng mag-aral,hala sige umuwi kana dito!"

" Ayoko po,dito lang ako! Mahal ko si Kyle ayokong malayo sa kaniya!"

" Bakit ba kasi kaylangang mo pang huminto ng pag-aaral bata ka?Alam mo ba'ng nagkakanda kuba na kami sa pagtatrabaho sa bukid para lang may maipadala sa'yo?! Para lang magkaroon ka ng magandang kinabukasan?"galit na sabi nito. Bahagya niya pang inilayo ang cellphone sa tenga na tila ayaw marinig ang sermon ng ina.

" 'Nay, choppy ka,hindi na kita marinig. Sige na po,bye!" agad niyang pinatay ang cellphone.

Mula nga noon ay halos nawalan na siya ng kontak sa mga magulang.Bibihira niya ng sagutin ang mga tawag ng mga ito. Kahit noong nagkaanak sila ni Kyle ay bihira parin siyang magparamdam. Ni hindi nga rin alam ng mga ito ang nangyaring hiwalayan nila ni Kyle. Noong nagkakaroon kasi sila ng problema ni Kyle ay hindi niya binabanggit sa mga magulang iyon dahil nahihiya siya sa sinapit ng buhay niya. Tunay ngang kapag binigyan mo ng kahapisan ang mga magulang ay hindi ka magiging masaya kahit kaylan. Kung nakinig lang sana siya noon sa mga payo at saway ay hindi niya sasapitin ang ganitong buhay. Hindi na niya napigilan ang maluha sa labis na pagsisisi at awa sa sarili.

Maya-maya,pa ay narinig niya ang pagreklamo ng kaniyang sikmura,gutom na siya. Kahit tinatamad ay pinilit niyang bumangon,pasinghot-singhot pa siya dahil sa pag-iyak. Sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas dyes na pla ng umaga,kaya pala nakakaramdam na siya ng gutom.

Nang makarating siya sa hallway,napahinto siya na tila may naalala. Lalong lumarawan ang lungkot sa maamo niyang mukha,gusto nyang maluha. Sa hallway na kung saan mapait ang pagpapaalam nila ng kaniyang anak na si Angel. Umiiyak ito at nagmamakaawang huwag itong ihiwalay sa kaniya. Masakit man para sa kaniya ang desisyong iyon ay wala rin siyang nagawa. Gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak na tanging si Kyle lang ang makakagawa. Ilang buwan pa lang ang lumilipas kaya sariwa pa sa kaniya ang mapait at malungkot na eksenang 'yon.

Nang makarating siya sa kusina ay muli na naman niyang naalala ang masasayang araw nilang mag-anak kung saan sabay-sabay silang kumakain.Hindi man siya magaling magluto ay sinisikap niya paring ipaghanda ang kaniyang mag-ama,upang pagsilbihan ang mga ito. Kahit madalas ay hindi masarap ang mga niluluto niya ay hindi niya mariringgan ng reklamo ang dalawa lalo na si Angel na pinupuri pa siya.

Malambing at mabait na bata kasi ang anak. Nang minsang masunog ang niluto niyang hotdog ay masaya parin itong kumain. Sobrang namimis na niya ang ito.. Napangiti siya ng mapait at nangilid ang kaniyang mga luha. Napaupo nalang siya at mukhang nakalimutan na ang gutom na nararamdaman kani-kanina lang.

Kahit saan siya pumunta,bawat sulok yata ng bahay na iyon ay may mga naiwang masasayang alaala nilang mag-anak. Nagpasya na lang siya'ng bumalik sa kwarto at magmukmok. Muli na naman siyang napahagulgol. Kailangan niya ng kayakap sa mga oras na iyon.

Naisipan niyang gawin ang isang bagay na matagal niya ng hindi ginagawa,ang tawagan ang pamilya niya. Sa pagkakataong ito,kailangan niya ng pamilya na masasandalan niya. Kinuha niya ang cellphone at nagsimulang mag- diall. May sumagot sa kabilang linya,ang nanay niya na tinawag a agad ang pangalan niya. Nag-aala ang boses nito. Pinakinggan niya muna ang boses nito,namiss niya ng sobra ang kaniyang ina Muli siya'ng napaluha.

"Anak? Ikaw ba 'yan,anak? Sumagot ka!" tanong nito sa nag-aalalang boses. " Sumagot ka naman, Maritoni bakit ngayon ka lang tumawag?Alalang-alala na kami sa'yo, "dagdag pa nito sa garalgal na boses. Ngunit tanging iyak lang ang naisagot niya.

"Anak bakit? Ano bang nangyayari sa'yo bata ka,bakit ka umiiyak?!" tanong ulit nito sa natatarantang tinig.

" Inay!" Humahagulgol niyang sagot.

" Dios ko!Anak,ano bang nangyayari sa'yo,bakit ka ba umiiyak?Papatayin mo ako sa sobrang pag-aalala?!"umiiyak na ring sabi nito.

Muli ay tanging iyak lang ang naisagot niya. Halos ubusin niya ang kaniyang luha sa mga pagkakataong iyon,na sinasabayan rin naman ng iyak ng kaniyang Inay

" Anak ko,ano'ng nangyari sa'yo?!"umiiyak pang sabi.

Matagal sila sa ganoong eksena umiiyak lang sila pareho. Nang mahimasmasan si Maritoni ay saka lang sila nakapag-usap ng maayos. Kinwento niya lahat ng nangyari sa kaniya. Mula sa pagkakaroon niya ng anak at paghihiwalay nila ni Kyle. Nabanggit niya rin sa ina na wala sa poder niya si Angel.

" Anak,umuwi ka na.Hindi naman kami galit sa'yo,matitiis ka ba namin? Eh, Ikaw lang ang nag-iisang anak namin ng tatay mo," malambing na sabi pa nito

" Inay,sori po, ah? Kung nakinig lang sana ako sa inyo," sabi niya habang sumisinghot.

" Kalimutan mo na 'yun,ang mahalaga natuto ka na. Hindi pa naman huli para sa pagbabago. Basta,anak umuwi ka na,pakiusap mis na mis ka na namin."

" Opo 'Nay uuwi na po ako," masigla niyang sagot.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Maritoni. Napakaswerte niya,dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa kaniyang buhay,sa huli pamilya parin ang matatakbuhan niya na handa siyang tanggapin ng walang kondisyon. Na hindi tinitignan ang kaniyang mga pagkakamali at kapintasan.

Nang araw ding iyon ay inayos niya na ang lahat ng kailangang ayusin sa bahay na iyon. Pinag-isipan niyang mabuti ang dapat gawin sa bahay dahil ibinigay naman na ito ni Kyle sa kanya. Sa huli ay napagdesisyunan niyang ibenta nalang ito. Dahil para sa kaniya,wala naman ng dahilan para tirhan pa ang bahay kung saan maraming masasakit at masasayang alaala. Wala narin naman siyang balak na bumalik pa rito. Gusto niya ng kalimutan ang lahat kasama ng pagbabago na gagawin niya sa sarili. Gusto niya'ng bumalik sa pag-aaral para ituloy ang kursong Accounting at magkaroon ng maayos na trabaho gaya ng dalawa niyang kaibigan na may magaganda ng narating. Bagamat may kaya ang mga ito ay hindi ito umasa sa kani-kanilang mga magulang. May kaniya-kaniyang business na ang dalawa. Si Jona ay isa ng veterinarian na may sarili ng clinic. Si Carol naman ay business ang pinasok. May sarili na siyang Bags and clothing shop. Nakaramdam man ng inggit ay sarili parin ang sinisi dahil sa mga maling desisyon na ginawa niya.

" You made the right decision friend,thumbs-up to you!" masayang bati ni jona.

Kasalukuyan silang nasa isang restaurant sa bonding place nilang magkakaibigan.

" So,what na? Magkakahiwa-hiwalay na tayo?" lumarawan ang lungkot sa mukha ni Carol.

" Magkikita pa naman tayo, 'no! This is not the last. Kailangan ko lang muna ayusin ang buhay ko. Pag okay na ang lahat at may maganda na akong trabaho,puwede ko ng kunin si Angel," sabi niya na punong-puno ng pag-asa.

" That's the great news that i ever heard from you! I'm happy for you friend," masayang sabi pa ni Carol.

" Siya nga pala,i need your help mga sis. Ibebenta ko kasi 'yung bahay,hanapan niyo naman ako ng buyer," sabi niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawa.

" Are you sure,ibebenta mo yung bahay niyo?" di makapaniwalang tanong ni Jona.

" Oo,wala naman ng dahilan para bumalik pa ako doon, eh.Saka 'yung pagbebentahan, gagamitin ko sa pag-aaral ko. 'Yung sosobra,gagamitin ko naman para sa maliit na business lang," paliwanag pa niya.

" Leave it to me,sis ako na bahala riyan," sabi pa ni Carol habang umiinom ng juice.

" Naninibago ako sayo,sis," puna ni Jona."You're getting matured enough,ngayon lang kita nakita na seryosong nagpaplano sa buhay," dagdag pa nito.

Napatigil si Maritoni sa pagsubo ng pasta. " Bakit? Ano bang ugali meron ako dati?" curious na tanong niya.

" Gusto mo talagang malaman,ha? You're so pabebe,walang plano sa buhay at puro kaartehan!" natatawang sabi ni Carol.

" Exactly!" pagsang-ayon naman ni Jona na tumatango-tango pa.

Hindi naman nakaimik si Maritoni,napayuko lang ito at biglang napaluha na ikinagulat naman ng dalawa.

" Oy,sis at kelan ka pa naging pikon, ha?"tanong ni Carol sa nag-aalalang boses." 'Wag ka na ngang umiyak diyan,magkakahiwalay na nga tayo aartehan mo pa kami ng ganyan," dagdag pa nito.

" Kainis ka! Nagiging iyakin ka girl ah!" sabi naman ni Jona.

" Mamimis ko lang kasi kayo. Iyang pagiging prangka at bully niyo ," sumisinghot na sabi niya. " I'm so lucky,to have you mga, sis," nakangiti pang sabi niya."Nung mga panahong sobrang down ako,hindi niyo ko iniwan. Kahit nung mga time na nagiging mean ako hindi nyo ko iniwasan,thanks talaga!"

" Ay,sus nagdrama," si Carol na lumapit na sa dalaga at niyakap siya.

Lumapit narin si Jona at nakiyakap.

" Mamimis ka namin ng sobra,sis" naiiyak namang sabi ni Jona.

Nang araw ding iyon ay wala siyang inaksayang sandaliI inayos niya ang titulo ng bahay at binigay na iyon kay Carol. Nangako itong ipapadala nalang nito ang pera sa oras na mabenta ang bahay. Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit,ang iba ay napadesisyunan niya narin na ibenta pati ang magagandang furniture na tiyak niyang maibebenta sa malaking halaga. Napatingin siya sa picture wedding nila ni Kyle na nakasabit sa dingding. Kinuha niya ito at tinitigan. Nakalarawan pa sa maganda niyang mukha sa picture ang sobrang kasiyahan na walang ideya sa mapait na kahahantungan.

Kinuha niya rin ang wedding album nila,wedding gowns at lahat ng mga souvenirs. Dinala niya ito sa likod bahay at sinilaban. Naluluha pa siya habang ginagawa iyon. Tila lahat ng mapapait na alaala kasama ang masasaya ay kasama niya naring sinunog. Pinanood niya pa ang unti-unting pagkasunog ng mga pictures kasabay na unti-unti ring pagkirot ng kaniyang puso na animo ay paulit-ulit na sinasaksak. Wala na talaga. Wala na sila ni Kyle.

Nanghihina siyang napaupo,tahimik na lumuha,hindi parin inaalis ang ang paningin sa mga picture na tuluyan ng nauupos. At muli ay isang alaala ang sumagi na naman sa kaniyang isipan.