Malakas ang sigawan ng mga estudyante lalo na ng mga kababaihan ang nagaganap sa gym sa naturang unibersidad. Nagaganap kasi sa kasalukuyan ang finals ng larong basketball. Mainit ang labanan ng dalawang koponan. Parehong magagaling ang mga manlalaro ng parehong team. Maingay din ang sigawan ng mga kalalakihan dahil sa mga nagagandahang cheering squad na pinangungunahan ni Darlene Vasquez. Isa sa pinakamaganda at kilalang mayamam sa school na iyon.
Lalo pang naghiyawan ang mga kababaihan ng maka shoot ng 3 points ang isang lalaki sa kabilang team na walang iba kundi si Kyle Guevarra. Katulad ni Darlene ay kilalang mayaman,matalino at higit sa lahat gwapo. Siya ang tinaguriang campus hearthrob ng school na iyon.
Malagkit ang tingin sa kaniya ni Darlene nang mga sandaling iyon tanda ng malaking paghanga para sa binata. May dala pa itong banner na may nakasulat na ' We love Kyle'
Nag sign of time out ang kabilang team para makapagpahinga ang mga player na naliligo na sa pawis. Agad na lumapit si Darlene kay Kyle para bigyan ng tubig ang binata. Nagpasalamat naman ang binata at ngumiti ng matamis sa dalaga.Umupo sa tabi niya ang dalaga at masaya silang nagkwentuhan. May mga naghiyawan na tila tinutukso sila lalo na ng pahirin nito ang pawis ng binata. Sikat na sikat ang dalawa sa campus na iyon. Maraming nagsasabi na bagay sila dahil pareho silang mayaman,matalino at maganda't gwapo. Ngunit nagtataka sila kung bakit hindi pa nagiging mag 'ON' ang dalawa.Naisip nalang nila na marahil ay mga bata pa kaya wala pa sa isip ang pakikipag relasyon. Kasalukuyan silang nasa third year highschool at nasa edad kinse pa.
Ngunit hindi naman talaga iyon ang dahilan. May ibang nagugustuhan kasi si Kyle. Si Maritoni Ocampo, ang maswerteng bumihag sa puso niya. Nasa third year high school din ang dalaga na ngayon ay umuusok ang ilong habang nakatingin sa kanila. Nakapwesto ito sa di kalayuan,sa audience seating area ng gym.
" Nakakainis ang malantod na iyon,nagpapa-cute na naman kay Kyle! Sarap kalbuhin, ah!" umuusok ang ilong na sabi ni Maritoni. Masama ang tingin niya kay Kyle at Darlene na hindi naman ng mga ito napapansin.
" Girl, kalma! Ano bang ini-emote mo riyan?" sita sa kaniya ni Jona habang busy sa kaka-cellphone.
" Hindi niyo ba nakikita? Ayun, oh. Nilalandi niya si Kyle!"
Tinuro ang dalawa na masayang nagtatawanan.
" Huwag OA,girl,nag- uusap lang sila," sagot naman ni Carol na busy sa pagreretouch.
"Nakakainis kayo!Kanino ba kayo kampi,ha?!"napipikon niyang tanong sa dalawang kaibigan.
Napahinto ang dalawa sa ginagawa at napatingin sa kaniya.
" What's your problem ba? Arte mo, ah,"nakasimangot na sagot naman ni Carol.
" Look! Ang lapit na nila sa isa't-isa, oh! Talagang inaakit niya si Kyle ko!"
" Kyle mo? Excuse me,hindi pa kayo mag-on.Pakipot ka pa kasi ayaw mo pang sagutin!" pang aasar na sabi parin ni Carol.
" Correct! Tapos ngayon nagagalit ka pag may babaeng lumalapit sa kaniya! Umayos ka, girl! Gigil mo si ako!" mataray na sabi pa ni Jona.
" Hmp! Bata ka pa, sis, tama lang 'yun na huwag mo muna siyang sagutin," si Carol na tinuloy ang ginagawang pagpapaganda.
" Eh, kailan mo ba siya sasagutin, ha?"tanong ni Jona.
" Ngayon na," nakangising sagot ni Maritoni.
Tumayo siya sa kinauupuan. "Watch me,girls."
Dinampot pa niya ang bottled water at humakbang palayo sa kanila.
"Wait, san ka pupunta?"habol na tanong ni Jona sa kaniya ngunit hindi na siya sumagot dito.
" Saan pupunta iyon? Hoy, pigilan mo!" utos ni Carol kay Jona.
Natahimik naman sa kantyawan ang ilang nakapaligid kina Kyle ng mapatingin ang binata sa paparating na si Maritoni. Agaw- eksena pa ang dalaga na animoy isang model kung maglakad. Matamis ang ngiti nito kay Kyle na tila nang-aakit na ginantihan rin naman ng binata ng isang matamis ring ngiti. Ang buhok niya ay nililipad pa ng hangin ngunit hindi galing sa labas,kundi sa kanyang hawak na pamaypay. Napatingin din sa kaniya ang karamihan at natahimik pa ang mga ito na para bang inaabangan ang maari nitong gawin. Nang makalapit ay bahagya niya pang itinulak si Darlene.
"Ay!" bulalas ni Darlene sa ginawa niyang pagtulak.
Pumagitna siya sa dalawa na ikinagulat naman ng mga nakapaligid sa kanila. Kanya-kanyang komento ang mga ito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Maritoni.
" Who's that girl?" tanong ng isang estudyante.
"In-fairness, ah! Maganda siya,kaso mukhang mahirap lang naman!" sabi pa ng isang estudyante.
" Hindi kaya girlfriend ni Kyle, iyan?" tanong pa ng isa.
" No! That's, impossible!" hindi makapaniwalang sabi naman ng isa.
" Whoa! She's pretty,sino siya?" humahanga namang sabi naman ng isang lalaki.
Napaismid naman si Maritoni sa mga narinig niyang iyon. At kumpiyansa parin siya habang katabi si Kyle.
"Sino ako? Ako lang naman ang soon to be girlfriend ni Kyle! Oh, 'di ba,napakaswerte niya sa akin? Mamatay kayo sa inggit!" sabi niya sa isip niya.
"Don't mind them, Toni. By the way,im so happy at nanood ka ngayon sa game namin," nakangiting sabi ni Kyle sa dalaga.
" Ofcourse,,ako pa ba? Matatanggihan ko ba naman ang soon to be boyfriend ko?" sagot niya kay Kyle na bahagya pa nitong nilakasan ang boses at ngumiti ng matamis sa lalaki.
Natigilan naman si Kyle na tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa dalaga.
Nagtaasan ang kilay ng mga nakarinig lalo na si Darlene na nakakunot pa ang noo.
Iginala ni Maritoni ang paningin sa mga tao na tila proud na proud sa ginawa.
"Tama kayo ng narinig,soon to be boyfriend ko!" sabi niya sa isip.
" W-what do you mean?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyle.
" Sasagutin na kita,in one condition," sabi niya.
Lalong umingay ang bulungan sa paligid ng marinig iyon.
" Sasagutin? Kyle are you courting her?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Darlene.
Tumayo si Maritoni at hinarap si Darlene. " You heard it right sweetie,kaya from now on,stay away from him!" mataray niyang sagot sa dalaga.
" What?" sagot ni Darlene.
" What!"naiirita naman niyang sagot dito.
Muli niyang hinarap ang binata na naghihintay parin ng sasabihin niya.
" Are you serious, Toni?" hindi parin makapaniwalang tanong ng lalaki.
" Kapag naipanalo mo ang game na ito ay girlfriend mo na ako,okay?" malambing niyang sagot dito.
Hindi agad nakaimik ang binata natawa pa ito na tila hindi parin makapaniwala.
" Okay,maiwan na kita,remember my condition," paalala pa niya rito.
Tumayo na ito at umalis.Nag-iwan muna siya ng tingin kay Darlene saka taas noong naglakad. Sinundan siya ng tingin ng mga tao na parang sinusuri siya. Ang ilan naman ay humanga at ang iba ay nakaramdam ng inggit dahil sa taglay niyang ganda. Puno ng pagtataka sa mga mukha kung sino ba itong babae na bigla nalang sumulpot. Nakataas pa ang noo habang naglalakad ang dalaga. Maarte siyang naglakad na animo nagfa- fashion show sa gitna ng gym. Palibhasa kasi alam niyang pinagtitinginan siya.
"Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng simple but pretty?" muli ay tanong nya sa isip.
Matamis ang mga ngiti niya. Isang ngiting tagumpay kumbaga. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay bigla pa siyang natapilok na muntik pa niyang ikabuwal. Narinig pa niya ang mahinang hiyawan ng mga tao sa gulat. Pakiramdam niya ay binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya sa sobrang hiyang naramdaman. Ngunit hindi siya nagpahalata nanatili parin siyang naka-smile nang makabawi.
Inabutan niyang nagpipigil sa tawa ang dalawa niyang kaibigan.
" I hate you, guys!" nakairap niyang sabi.
" Ano' ng eksena ba kasi ang ginawa mo roon at mukhang pinagtitinginan ka nila, ha?" natatawa tanong ni Carol.
" Maya ko na iexplain,tulungan niyo muna ako at mukhang nabalian ako, eh.Aray,aray!"napangiwi ang mukha niya sa sakit.
Bumunghalit naman ng tawa ang dalawa.
" Kainis kayo,pagtawanan ba ako? Mga kaibigan ko ba talaga kayo, ha!?"
Pinandilatan niya ang dalawa na hindi parin tumitigil sa kakatawa.