Chereads / Her Dauntless Eyes / Chapter 7 - Kabanata 3.2

Chapter 7 - Kabanata 3.2

Kabanata 3.2

I hate him.

I just hate him! He acted like everything is okay between us.

"Hey. Hey! Stop it, not here, Kids. Hanggang dito ba naman nag-aaway kayo. Do you have a lovers quarrel or somethin'. You're not a kid anymore," sita ni Cage sa amin. Nagkibit balikat naman ang unggoy!

"Duh."

Humalukipkip ako na parang nagmamaldita. Matanggal na 'yong mga kuko sa paa hinding - hindi ako papatol sa kanya!

Ngumisi lang ang asungot sa naging reaksiyon ko. Ang ngising iyon ay isa sa mga kinaiinisan ko sa kanya. Sa susunod sisiguruhin kong aabot na ang kuko ko sa mukha niya tignan ko lang pagkaguluhan pa siya.

"Where is your friend, Athena? Call her, you have no choice but to join us," ani Cage. Alam ko namang wala na akong magagawa kaya hindi ko na siya kinulit pa. Okay na iyon kaysa pauwiin pa ako.

Pagtitiisan ko na lang ang presensiya ng panget na 'to kaysa umuwi.

Sinabi kong susunod kami. Naka-VIP room pala sila. Hindi ko lang natanong kung sino ang mga kasama nila roon.

Tinignan ko si Alyssa. Nakaupo pa rin siya roon at nakatulala. Malungkot na lumapit ako sa tabi niya at tinapik sa balikat.

Hindi ko mai-enjoy ang gabing 'to lalo na't nakita ko ang lalaking iyon.

Sinabi ko kay Alyssa ang nangyari kasama na ang inis ko sa lalaking iyon. Tahimik lang siyang tumango at sumunod sa akin. Umakyat kami sa second floor kung nasaan ang VIP room na sinabi ni Kuya Cage.

Nang makarating sa pinto ay dahan - dahan kong binuksan iyon. Nagulat ako nang makita kung sino ang mga nasa loob. Ang dalawang pinsan ko at si Kuya Regal ang nasa loob.

Lima lang sila sa loob. Cage, That Asshole, Achylles, Regal and Hades.

Cage and Achylles are my first cousins  sa father side, while on my mom's side is my second cousin, Hades Saavedra, magpinsan ang mom namin ni Kuya Hades. At si Regal Alegre naman ay Family friend ng Demetrius at Saavedra. Panghuli ay si Zachary. Obviously, pagmamay - ari nila ang Zues University kung saan kami pumapasok ni Alyssa.

Napansin agad ako ni Regal dahil nakaharap siya sa may pinto kung saan ako nakasilip.

"Hey. Thena! Balita ko pakalat - kalat ka raw kanina sa baba. Pumasok ka na 'wag kang mahiya kay Zeus," pang - aasar niya. Si Regal na laging nangunguna sa pang - aasar.

Naikwento siguro ni Kuya Cage ang sagutan namin kanina ni Zachary. Napasimangot na lang ako.

Nakaupo silang lima sa U-shape leather sofa nasa gitna naman no'n ang rectangular table. Mukhang nauna pa sila sa amin dito dahil ilang bote na ang walang laman.

Pumasok na ako sa loob at sumunod naman si Alyssa pero parang napansin kong natigilan siya o guni - guni ko lang iyon.

Nag - angat ng ulo ang tatlo para sinuhin ang kasama ko maliban lang kay Hades na nanatiling walang pakialam sa paligid niya.

Napa-ubo si Regal sa iniinom niya.

Napataas kilay naman si Achylles nang makitang nauna pang naupo si Alyssa kaysa sa akin. Palihim akong napangiti sa naging reaksiyon nila.

Tumabi ako kay Alyssa. Nasa dulo ako at kaharap namin sila Achylles at Regal. Katabi naman ni Alyssa si Zeus, si Cage ay katabi naman nito si Hades na nasa kanan ni Zeus. Nasa gitna siya nang dalawa pero malayo ang distansiya kay Hades.

Nakakahawa kasi ang kakaibang aura niya. Sa tatlong pinsan ko siya lang ang medyo ilag ako.

"Siya na ba ang kaibigan mo?" Panimula ni Achylles, parang naiinip na siya dahil mukhang walang balak magpakilala si Alyssa sa kanila. Hindi kasi matanggal ang tingin nila Regal sa kaibigan niya.

Tutal ako naman ang nagdala sa kanya rito, ako na ang magpapakilala sa kanya.

"She's Alyssa Craig. Schoolmate ko siya sa ZU. Alyssa, sila pala ang mga pinsan ko, Cage, Achylles, Hades and si Regal, kaibigan siya ng mga pinsan ko."

Nasisiguro kong kilala niya ang mga ito dahil laman sila ng tabloid, magazines, medias at kung saan - saan pa. People with money and influence will always be recognized by everyone.

Ngumiti si Regal kay Alyssa. Gano'n din si Achylles pero hindi umabot sa mata niya, halatang nakikipagplastikan lang. Kinabahan tuloy ako. Alam ko kasi ang mga gano'ng tingin nila kapag nalalaman nilang may kaibigan ako.

Nagtaas ng tingin si Alyssa, isa - isa niyang binigyan ng sulyap ang mga pinsan ko. Huminto ang tingin kay Kuya Hades. Tumango siya 'saka nag - iwas na nang tingin.

I cleared my throat. I think I'm in an awkward situation.

"So, you met her in school?" Achylles started to asks.

This is so wrong. They are starting.

"Umm. Yes," sagot ko, kinakabahan.

"..and?" gagad pa ni Regal. Inilalagay nila ako sa hot seat.

Ano bang gusto nilang sabihin ko.

"..and we became friends, of course," pilit na ngiting sabi ko. I know what they want. Ngunit ayokong sa ganitong pagkakataon sila magtanong dahil ngayon ko pa lang ipinakilala si Alyssa sa kanila.

Bakit ko ba kasi naisip na lumabas ngayon gabi pwede naman bukas na lang. Nakakainis! Kasalanan kasi ng asungot na to! Siya ang malas sa buhay ko!

Nanlilisik ang matang binalingan ko si Zeus. Napatingin naman siya sa akin at nagulat. 'Saka niya itinaas ang kamay na parang sinasabing "What did I do?". Umirap ako.

"Schoolmate. So, she's not taking the same course as you?" ayos na ako sa dalawa pero sumali pa si Kuya Cage. Great! I'm really doomed. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay may ginagawa akong masama.

"N-No. Sa business course siya, Kuya Cage," I nervously said.

"I see."

"Bakit hindi siya nagsasalita? Is she deaf?" pagpaparinig ni Regal.

Bigla akong napatingin kay Alyssa. Wala naman siyang reaksiyon.

"Kasi ..ano.. hindi talaga palasalita sa mga bagong kakilala si Alyssa kasi..mahiyain siya!"

Sorry, Alyssa.

"Mahiyain? Parang hindi naman," si Achylles na naghihimas pa nang baba niya habang pinag- aaralan pa rin si Alyssa.

Nang tignan ko si Alyssa ay nagulat ako dahil naubos na agad ang kinakain.

I laughed awkwardly.

Inabutan na naman siya ni Zachary Zeus ng pagkain. Dapat pala pinakain ko muna siya bago kami pumunta rito. Mukhang hindi maganda ang magiging impresyon sa kanya ng mga pinsan ko.

"Sorry about that, galing pa kasi siya sa BRC katatapos lang ng shift niya. Mukhang nagutom siya," sabi ko baka kung ano pang isipin nila tungkol sa kaibigan ko.

"BRC? She works there?" tanong bigla ni Achylles.

"She's studying while working huh," puna ni Regal. Gusto kong irapan si Kuya Regal kung ano - ano kasing napapansin niya. Binibigyan niya tuloy ng ideya ang mga pinsan ko.

Kahit kaibigan ko ay kailangan talaga ng approval nila. Naiintindihan ko iyon dahil ayaw lang nilang maulit ang nangyari noon. I sighed heavily.

Nanatiling walang imik si Alyssa ngunit alam kong aware siya sa nangyayari.

Maybe she already figured it out but she act carelessly. One of the things I like about her. Sana hindi niya ako iwasan pagkatapos nang gabing ito.

"Aly is a-," I was about to defend her, but I was cut off by Regal.

"Aly? I thought her name is Alyssa," Mabilis talaga niyang napapansin ang mga bagay - bagay kahit maliit na detalye lang iyong pinupuna niya.

"You dumb ass. Dont you get it. Alyssa short for Aly. Maybe she hates her name," and then they laughed in unison. That's when I realized, lasing na ang dalawang 'to. Nakita ko pa ang pag-iling ni Alyssa.

"It's just a nickname, Kuya Achylles!" inis na sabi ko. Tumigil naman sila. Nagmukha silang bully.

"Oh sorry," but he doesn't sound sorry at all.

Akala siguro nila  hindi ko napapansin na sinasadya nila iyon.

Napatigil kaming lahata nang makarinig ng malamog na boses.

"Helliza," he whispered.

I thought I heard him say Alyssa, pero parang iba ang pangalang binanggit niya. Parang may inaalala sa pangalang nasabi.

Naramdaman kong natigilan si Alyssa sa tabi ko. She stopped from eating.

Tatanungin ko sa kung okay lang siya pero nagsalita ulit si Kuya Hades. He look at , Alyssa, with his unknowing eyes. It was hard for me to read him, it's totally blank.

"You have a commoner friend, ..Athena," a cold voice said. Muntik na akong panindigan ng balahibo. Pero bago ko naramdaman iyon ay napanganga ako sa sinabi niya.

He's straightforward, unlike my cousin's and Kuya Regal na puro tanong lang. Tahasan na niyang sinabi ang gustong ipamukha nila kay Alyssa.

May laman din ang salitang binitiwan niya. That she was after my money.

Sometimes, I get scared kapag ganyan ang mood niya. I honestly like him than my two cousins but when he talk like he was about to murder someone, I change my mind.

It's not everyday we heared him talked. He rarely talks you know. He was feared for being cold.

Kuya Hades is a complicated person. Hindi nga kami close pero siya talaga ang paborito ko sa dalawang pinsan ko.  He always had this serious and cold personality.

I noticed how he looked at Alyssa, differently. Like he's observing her, curious of her. Kilala ba niya ang kaibigan ko?

His eyes was deep while looking at Alyssa's face.

Napansin ko ang pagsiksik ni Zeus palapit kay Alyssa.

Nanginginig ang kamay ni Kuya Regal habang nagsasalin ng alak sa baso. Puno na nga iyon at hindi pa niya napapansin. Ano kayang trip niya? Si Zeus nagtulog - tulagan na.

Si Kuya Cage at Achylles naman nagkunwaring nag - uusap na parang walang nangyari. Nagkwentuhan sila tungkol sa namatay na aso ni Achylles kahit wala naman talaga silang alagang aso. Tumango - tango pa si Kuya Cage, nakikisakay.

Nakayuko si Alyssa at hindi ko makita ang reaksiyon niya sa sinabi ni Kuya Hades pero alam kong nagulat siya.

Mabuti na lang nagising ang kunwaring tulog na si Zeus at sinabing mag - oorder para sa kanila. Para siguro masira ang namumuong tensiyon sa loob. Kaya iyon, nagdial siya sa telepono na malapit sa may pinto. Ngayon ko lang siya pasasalamatan dahil nakahinga ako ng maluwag.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order namin.

Inabutan ako ni Kuya Regal ng lemonade. Hindi na ako nagreklamo. Nadagdagan na naman ang inis ko kay Zeus kung bakit iyon ang inorder niya para sa amin. Nananadya ba talaga siya.

Pinagtiisan ko na lang inumin ito. Pero parang mas gusto ko sa labas, ang boring kasi rito puro business nila ang pinag - uusapan. Bakit kasi hindi na lang sa opisina nila pag-usapan iyon.

Si Kuya Hades tahimik na pero paminsan - minsan nahuhuli ko siyang sumusulyap kay Alyssa. Animo may hinahanap na palatandaan sa kaibigan ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

Nagkwentuhan kami ni Alyssa nang kung ano - ano. Ako lang pala ang nagkukwento. Hindi ko na inasahang magsasalita siya.

Tumatango lang siya kahit parang hindi naman talaga nakikinig sa mga sinasabi ko.

Nang pumatak ang alas - tres nang umaga ay nagpasya na kaming umuwi. Magsasara na rin kasi ang bar mamaya.

Akmang gigisingin ko na si Alyssa pero naunahan ako ni Zues. Hinawakan niya si Alyssa sa balikat para gisingin.

Nagulat kami dahil nasa sahig na si Zeus at namimilipit sa sakit.

"What the hell!" Gulat at sabay na reaksiyon nila Achylles at Regal.

When I realize what just happened I suddenly burst out laughing. Dalawa lang iyon, lasing na ako o nakakatawa talaga ang nangyari kay Zeus. Gusto kong pigilan ang sarili pero kapag inaalala ko ay lalo akong mas natatawa.

Alyssa shrugged. Tumalikod siya at lumabas ng kwarto na parang walang nangyari.

Naiwan kami roon na nakatanga habang ako naman ay natatawa pa rin sa nangyari kay Zeus.

"What just happened?" Achylles said in awe.

Tinulungan naman ni Regal si Zeus na makatayo habang natatawa na rin.

"Oh my God!" I was laughing so hard. I can't even forced myself to stop. Halos maiyak ako.

Naka-angil na sa akin si Zues nang makita ako na wala pa ring tigil sa malakas na pagtawa.

Paano ba naman kasi, niyugyog niya sa balikat si Alyssa para gisingin dahil hindi siya makadaan. 'Tapos binalibag na siya ni Alyssa nang isang segundo lang. That was so fast. At hindi nga ako agad naka-react sa nangyari.

Maging si Regal ay napahalakhak na rin. Hindi rin siya makapaniwala sa nangyari.

***