Athena Demetrius's Point of view
Mag-isa akong naglibot ng Mall pagkatapos ng klase ko kanina. I was thinking of calling Alyssa to accompany me, but I guess she's busy right now. Ayoko rin namang umuwi, kaya dito ako napadpad.
I decide to call Achylles. Kinuha ko mula sa aking Chanel bag ang cellphone at hinanap sa contacts ang pangalan niya. Isang ring pa lang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Yes Baby?" Baby?
Tinignan ko ang screen ng cellphone dahil baka mali ang natawagan ko, but I saw Achylles's name.
He never call me that ..unless he's in trouble and he sounds in panic.
"Hi! Baby where are you?" pikikisakay ko, pinaarte ko pa ang boses. For sure, naka-loud speaker siya.
"Baby. I'm in a meeting right now. What is it?"'kunwari ay sagot naman niya sa tanong ko. I rolled my eyes. He should treat me after this.
"Who's that, your girlfriend?" I heard a girl voice on the other line. Sabi ko na nga ba.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Baby! Who's that ! Are you seeing someone behind my back! How dare you!" Exagerated yata ako masyado muntik na akong matawa.
"No. Baby it's not what you think... I have to go, Marie, my girlfriend is jealous." I heard noises on the background and then a heavy breath.
Ilang sandali pa ay nagsalita ulit siya sa kabilang linya.
"Thanks God, Athena, that was the worst date ever." Mukhang nakahinga na siya nang maluwag. Narinig kong pinaandar niya ang sasakyan. Tumakbo ba siya ng mabilis para lang makatakas sa date niya?
Hay. Boys will be boys. Iiwan nila ang mga babae kapag hindi na nila gusto.
"You're so impossible. Why did you date her in the first place. God! Kuya Achylles," kunwari dismayado ako sa kanya, pero alam kong may dahilan naman siya.
"I though she's different, so I ask her out on a date. The next thing I know she's already planning our wedding. For pete's sake, we just met!" frustrated pa na sabi niya. Grabe siguro ang pinagdaanan niya kanina. Okay, I can't blame the girl though my cousin is so good looking talaga. Pero kung pera rin lang ang habol sa kanya, it would be a real problem.
Lahat na yata ng madalas na nakikita kong nakakadate niya ay halos mag-costplay sa harap niya. My cousin, Achylles, really like girls whose a Maria Clara kind of girl.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit ba obsess na obsess siya sa Maria Clara type. Pinapahamak lang niya ang sarili sa mga babaeng halos baguhin ang sarili para makuha ang atensiyon niya.
I laughed.
Saan naman kaya siya makakahanap ng Maria Clara. Baka nga kailangan niya pang dumayo sa ibang probinsya para mahanap niya ang babaeng iyon.
"Kuya. I'm bored. Let's go on a date," aya ko sa kanya.
"Sorry, Little dwarf. I have a meeting at three."
"I can wait, Kuya,and stop calling me dwarf," he laughed.
"Hmm, okay. Where are you? I'll fetch you," aniya sa kabilang linya.
"Nasa Elysian Mall ako, Kuya."
Sinabi kong maghihintay ako sa parking area ng Mall.
Naglakad na ako papunta sa parking mabuti na lang hindi ko dinala ang sariling sasakyan dahil nag-commute lang ako papasok sa klase ko kanina.
I waited at the parking for 5 minutes bago ko natanaw ang itim na BMW ni Achylles kinawayan ko agad siya.
Mukhang nakita niya ako agad dahil itinabi niya ang sasakyan sa tabi ng daan, agad naman akong sumakay.
"Buckle up, dwarf."
Sumimangot ako at isinuot ang seatbelt.
Pinaandar na niya ang sasakyan nang makitang maayos na ako.
Mukhang bago na naman ang sasakyan niya ngayon. Pareho sila ni Regal na mahilig mangolekta ng mamahaling sasakyan at paiba - iba ang gamit tuwing lalabas. Hindi na ako magtataka kung wala na silang paglagyan ng mga sasakyan sa malawak nilang garahe.
Nilagay ko sa likod ang mga shopping bags. Nangalay ang kamay ko sa bigat nito.
"You said your bored. Don't you have your friend to bother."
"She's busy with her job or maybe with her thesis. I don't want to disturb her muna," tipid na sagot ko.
Tumango siya at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Ako naman ay pumikit, napagod ako sa pagiikot kanina halos naikot ko na lahat ng brand store sa malawak na Elysian Mall.
Wala pang sampong minuto ay nakarating kami sa pinakamataas na building, ang Elysian Empire. This is the main office of Hades. Akala ko ay sa Demetrius Headquarters gaganapin ang sinasabi niyang meeting kanina.
He parked the car.
"Let's go." At bumaba na siya ng sasakyan.
Sumunod na umibis ako ng sasakyan. At sumunod sa kanya patungo sa elevator. Nang bumukas iyon ay pumasok kami sa loob, pinindot naman niya ang 70th floor.
Marahil ang meeting na sinasabi niya kanina ay ang balak nilang pag-veventure ng bagong business, kaya siguro madalas ko silang makitang magkakasama at hindi busy sa kanya - kanyang mga kompanya.
Tumunog ang elevator, signaling that we already reached the 70th floor.
Tumambad sa amin ang malawak na 70th floor. The Interior is dark and white. Bumungad sa amin ang reception kung saan nakaupo ang secretary ni Hades. At ang pabilog na sofa at center table naman sa gilid na para siguro sa bisita. Sakop pala ni Hades ang buong floor. Halos walang ibang gamit doon, ilang mga kailangang furnitures lang.
"Good afternoon, Sir-Miss." Tumayo at binati agad kami ng secretary ni Kuya Hades.
"Same here, Kronos," balik bati naman ni Achylles dito.
"They're already waiting inside, Sir." Kronos informed.
Iginaya kami sa pinto na may nakasulat na CEO Office. Binuksan niya para sa amin, tumambad din ang kulay itim at puti sa loob ng opisina.
Para akong aatakihin sa puso dahil walang ibang gamit sa loob ng opisina ni Kuya Hades. Sofa at round table na naman ang nakita ko sa gitna ng opisina niya. Actually, ngayon lang ako nakapunta rito. Dati kasi ay hindi siya rito nag-oopisina.
Umalis naman si Kronos nang tuluyan na kami'ng makapasok sa loob. Nilibot ko mata, Nakita ko agad ang apat na lalaki sa isang mas malawak na sofa. Nakaupo naman sa gitna si Hades, sa pang isahang sofa.
Habang papalapit sa kanila ay may pamilyar na pigura akong nakilalasa tabi ni Kuya Regal. Napatingin naman sila sa amin na kararating lang at marahil nagtaka kung bakit nandito ako.
Si Kuya Hades naman ay pasimpleng sumilip sa likod namin ni Achy na parang tinitignan kung may kasama pa kami'ng iba. Hindi ko na lang pinansin iyon at humarap sa asungot na nakita ko.
Bakit ba siya nandito?
"Why are you here?" pagtataray ko sa kanya.
Mula sa paglalaro sa kung ano sa cellphone niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Why. Why, My Athena sweet. You're here. We didn't see each other for a week now. Did you miss me that much, huh?" he smirks.
I send glare to his direction. That smirk. Gusto kong burahin iyon sa mukha niya!
"Savage!" I heard Regal whispered beside him.
"I think your forgetting something here, Asshole!" Noong huling nagkita kami, pinagyabang ko dito na ipapakalat ko ang video kung saan ibinalibag siya ni Alyssa sa Grim's.
Napahalak lhak naman siya parang hindi man lang natakot sa banta ko rito mukhang hindi na uubra. Pero hindi ko ipinakita na nabahala ako.
"Sorry to burst your bubbles, My sweet, but I know there is no video nor a CCTV in that private room. That's why it's called private to have privacy," then he smirk.
Lihim na nanggigil ang kalooban ko sa sinabi niya.
Inirapan ko na lang siya at tumabi kay Cage sa pahabang sofa. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko.
"You guys will never stop this, huh."
I crossed my arms to surpressed my irritation.
"What are you doing here, Princess. You should be at school. Wala ka ba'ng klase?" tanong ni Regal.
Hindi pa rin ako maka-move.
"Then what is he doing here he should be at school. Wala ba s'yang klase."
Nagkamot naman ng ulo si Regal sa tugon ko.
Tumingin sa akin si Zues at binulsa ang hawak na cellphone. Humarap siya sa akin na may kakaibang ngiti sa labi. Ano naman kaya ang iniisip ng kolokoy na ito!
"Bakit hinanap mo ba ako sa campus kanina. Aah ..that's why your here." Tumango tango pa akala mo nakakatuwa.
"In your dreams!"
"Oh, I dreamed of you," still smirking.
Kinuha ko sa tabi ang bag at binato iyon sa kanya na agad na nasalo naman nito. Tinignan ko siya ng masama kapagkuwan.
"Hey! I wouldn've think you guys are having a lover's quarrel," biro ni Achylles na mas lalo kong ikinainis.
"Oh, please! I'd rather die than be his girlfriend. Not a playboy like him."
Suddenly, his smirk faded and change into seriousness. Iisipin kong nababaliw na ako para isiping nasaktan siya sa sinabi ko.
"I never played anyone's heart, just this one girl though..."
And he did'nt continue his words because his playful face is back again.