Athena Demetrius's Point of view
Zachary Zeus grunted in pain.
Inalalayan siya ni Regal hanggang sa makalabas kami sa Grim's Bar. Masakit daw ang kaliwang balikat niya, iyon siguro ang napuruhan nang ibalibag siya ni Alyssa kanina sa sahig.
I mentally laugh after remembering what just happened inside the bar.
It was hilarious!
Nakarating kami sa may parking area ng bar. Agad akong napangiti nang mapansin ko ang nakatayong bulto ni Alyssa ro'n. Akala ko ay umuwi na siya kanina.
Nakatingin siya sa mga sasakyang nakaparada sa harap niya. Magkakatabi ang limang sasakyan ng mga pinsan ko at Regal, halos sila na ang umokupa sa buong parking area. Mahihiya ang ibang sasakyan sa mga kotse nila.
Nagsalita si Kuya Cage na nasa tabi ko na pala. May tinawagan kasi siya kanina.
"Athena, your bodyguard will take you home. Don't worry about your car, sila na ang bahala sa sasakyan mo," Kuya Cage said.
Tumango ako, "Okay," tugon ko at hindi na nagprotesta pa. Inaantok na rin naman ako at hindi ko na kayang mag-drive.
Bumaling naman siya kay Alyssa, "What about her, your friend?" tanong niya hindi pa man kami nakakalapit sa kaibigan ko.
"May wheels siya, Kuya," I said, at 'saka hindi rin naman magpapahatid si Alyssa.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
"So, she's not a commoner, tulad ng inaakala ni Hades," napailing siya. Ang alam siguro niya may sariling sasakyan ang kaibigan ko.
"Of course not!" napasimangot ako at humalukipkip. Tinamad na akong itama ang akala niya.
Nakalapit na kami kay Alyssa. Lumingon siya sa amin, nanatiling walang reaksiyon ang mukha.
"I'll go a head first," paalam niya sa akin na hindi tumitingin sa mga kasama ko. Hindi na niya ako hinayaang magsalita at tinalukuran kami palapit sa bike niya. Mukhang hinintay lang niya ako para magpaalam.
Narinig ko ang pagsinghap ni Achylles na hindi inaasahan ang nakita.
"Bye, Aly! Take care !" habol ko. Sumakay siya sa bike at mabilis na nag-pedal.
"The hell- " Achylles was stunned, his reaction was priceless. Even Regal and Cage, I couldn't even describe it. Ano banh inaasahan nilang makita?
"I thought.. akala ko ba may sasakyan siya?" natigilan at hindi makapaniwalang sambit ni Kuya Cage sa akin. Nais kong matawa sa mga reaksiyon nila.
Nagkibit - balikat ako.
What's wrong with her bike? It's still a wheels tho. Hindi naman aandar iyon kung walang wheels hindi ba?
"Sabi ko nga may wheels siya," lihim akong natawa.
Two wheels bike.
"A mountain bike," Cage stated, hindi alam kung maiirita o mapapailing. Natawa na lang din si Regal.
"Where did you get that friend of yours, Athena?" ang kaninang maliwanag na mukha ni Achylles ay naging seryoso.
Gusto ko lang naman gawing biro iyon pero mukha iba na naman ang naging impresyon nila sa kaibigan ko. Ano naman ang masama sa pagkakaroon ng bisekleta at hindi ng kotse? Anong inaasahan nila sa kaibigan ko, that she could be rich because I'm rich.
Achylles mood changed so quickly. This is what bothers, kanina pa siguro sila nangangating tanungin ako tungkol kay Alyssa. Iniiwasan ko pa naman iyon.
They judge her because Alyssa is poor, that she's only after my money, but they are wrong. She's a good person. Hindi dapat nila husgahan ang pagkatao niya dahil sa antas ng buhay niya. They don't know her yet.
I know. They weren't comfortable of her being around me and they're just concern about my safety. This is not the first time it happened.
"Kuya Cage, please don't conduct a background check on her. I wan't to respect her privacy," pakiusap ko. Una pa lang alam ko ng mangyayari 'to.
My cousin, Cage, founded a Security and Investigation Agency. Kahit sabihin kong huwag niyang ituloy ay alam kong gagawin pa rin niya.
I don't want them to interfere with my friend's private life. Aminado akong hindi ako marunong pumili ng kaibigan ngunit nasisiguro kong iba si Alyssa sa kanila.
Yes, she's mysterious, but I believe she's different from those people who wanted something from me.
"It's just a background check, Athena. If she's clean then we'll let her. We just want you ..safe," Achylles said. He never used that tone on me. As if they're really serious to know more about Alyssa.
Will digging her identity will make them satisfied?
"She's harmless. I've been friends with her for almost two years now," pagtatanggol ko. I tried to convince them but I know it's impossible, especially, I can see the determination in their faced.
Si Kuya Regal ay tahimik lang sa isang banda pero alam kong maging siya ay iyon din ang gusto. He's friendly to everyone but not easy to trust.
Before I forgot something click in my system.
"Kuya Cage, did you told Mom to hire a bodyguard for me?" I asked. Para na rin malipat ang topic namin.
"Tita Avery, agreed to it," he shrugged. I'm a bit expectant, that he would deny it. Noong una akala ko si Mommy ang may pakana no'n ngunit iniisip ko ay maaaring si Cage ang nagsuhestiyo niyon dahil una pa lang alam na nilang may umaaligid sa akin, at sa palagay ko si Alyssa iyon.
"Why?" I asks. I want to know the reason. Why would he hire a bodyguard for me and not only one but three of them or god knows how many of them are there.
"You know why," Hades interrupted. Three words but his face remained unreadable.
He crossed his arm in his chest. Umupo siya sa hood ng sasakyan niya. Bigla akong napipi.
Para akong nakatayo sa nagbabagang apoy kapag nakakasalubong ko ang itim niyang mata. I couldn't slip a word.
Napasunod na naupo na rin ang tatlo sa hood ng isa pang sasakyan habang si Zachary Zeus ay nakaupo sa semento na nakatulog na siguro sa sobrang kalasingan.
Nakatayo ako sa harap nila na parang naghihintay ako ng susunod na hatol nila.
If that incident didn't happened, baka wala siguro ako sa sitwasyong ito.
It was my fault, I was kidnapped two years ago. Ang mga inakala kong mabubuting kaibigan ay ipinahamak ako. Akala ko maswerte ako dahil marami akong kaibigan.
I realized it was all a lie. I was young back then. Nakalimutan ko kung anong estado ko, because I thought they're real friends. Kinaibigan lang pala ako because I'm a Demetrius.
Dinala nila ako sa isang Bar pero paggising ko wala na ako roon. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na kwarto. Pinainom nila ako ng pampatulog kaya ako nawalan ng malay. I was so scared that time.
That next thing I knew, I woke up in a hospital unharmed. Nandoon lahat ng pamilya ko at sobrang nag-aalala sa nangyari sa akin.
Nalaman nila kung sino ang may kagagawan sa nangyari sa akin.
My cousin's did everything with their influence to make those people rot in jail. At hindi ko na inalam kung ano pang nangyari sa kanila at sa mga pamilya nila. I know how ruthless my cousin's can be.
Hindi sila ang nagligtas sa akin. Someone contacted them and told them I was in the hospital and that I was kidnapped.
Gusto kong malaman kung sino ang nagligtas at nagdala sa'kin sa hospital. But it always remain unreveal to us. Kahit 'ata si Kuya Cage ay nahirapan matukoy kung sino ang taong iyon.
I take a deep breath.
"Fine!" pagpayag ko sa gusto nila, kahit tumanggi ako ay gagawin pa rin naman nila ang gusto nila.
I respect Alyssa's privacy pero kung para sa ikapapanatag ng loob nila, pumayag na ako. Hindi naman iyon malalaman ni Alyssa. But I hate lying to her.
"But please don't do anything to her. I'm warning you guys she didn't want someone intriguing her privacy," I warned them. To be honest, I felt like regretting.
Sana lang wala silang gawin kay Alyssa para lumayo siya sa akin. I hope they would understand, siya na lang ang nag-iisa kong kaibigan.
"We understand," tumango si Kuya Cage, "But once we knew something is off with her, you better stay away from that weirdo," dagdag pa niya. I can't help but to roll my eyes.
"Her name is, Alyssa, not weirdo, Kuya Cage," I pouted on his remarks. Cage is sometimes harsh. Naisip ko tuloy na galit siya sa mga babae dahil iniwan siya ng first love niya noon. Well, that's what I heard from Regal. Kung minsan naririnig ko rin kapag nag-iinuman sila at lasing na.
"Yeah, right," balewalang turan niya.
"So, it's settled then. We better get home it's already late," Achylles said na may kasamang paghikab.
Ginising niya si Zachary na nakasandal sa gulong ng kotse niya. Gusto ko tuloy i-suggest na iwan na lang 'to sa sariling kotse. Konti lang naman ang ininom niya pero kung umakto akala mo lasing na. Ni wala pang isang baso ang nainom niya dahil pareho sila ni Alyssa na flavored juice ang nilaklak.
Nagkanya - kanyang sakay na sila sa mga sariling sasakyan. Dumiretso naman ako sa isang kotse na iginiya ako ng isang bodyguard ko. Pinaiwan naman ni Cage 'yong isang bodyguard para ihatid si Zachary.
It's Monday.
I'm on my way to ZU. Ipapasa ko ngayon ang research ko kay Prof. Ed. I already texted Alyssa, too. I told her to meet me at Zeus Cafe after lunch. Alam kong may klase pa siya ngayong umaga.
Nasa University na ako sa parking lot. Malawak ang parking lot ng Uni kaya hindi ako nahirapang maghanap ng space.
Unfortunately, kasabay kong umibis mula sa sasakyan si Denisse. Nang makita ako ay animo nagmamayabang na bumaba sa Aston Martin niya, with her - oh so - flashy clothes. Talagang maluho para sa isang social climber na gaya niya.
Kahit iparada niya ang kotse sa harap ko, wala akong pakialam. Hindi ako mahilig magsayang ng pera para lang may ipagyabang sa iba.
Yes! I love shopping, but I don't brag, unlike her.
I look at her pink car. Mas latest pa 'ata do'n ang kotse ni Kuya Hades.