Chereads / Her Dauntless Eyes / Chapter 4 - Kabanata 2.1

Chapter 4 - Kabanata 2.1

Five months later..

She woke up in deep thought when she felt the vibration of her cellphone. Inilabas niya iyon mula sa bulsa ng bag. When she saw the name on the screen, she immediately answered the call.

Hindi sana niya sasagutin iyon pero baka tadtarin na naman siya ng mga missed calls nito.

Ngayon lang ulit ito nagparamdam pagkalipas nang mahigit dalawang linggo. Naging tahimik kasi ang buhay niya dahil wala ang presensiya nito sa paligid niya. Wala rin siyang ideya kung bakit ito napatawag sa kanya ngayon.

"Alyssa," bati sa kanya nang nasa kabilang linya.

"Yeh," isang tamad na 'Yeah' ang isinagot niya rito.

Sinabi naman nito agad ang pakay ng pagtawag nito. Alam kasi nitong ayaw niya ng may paligoy - ligoy.

"Are you still looking for a job? May hiring kasi ngayon sa BRC, they need a waitress. If you're interested you can just drop by anytime," Athena informed on the other line.

There she goes again with her sweet voice and all. She wondered why her cousin is so obssess on teasing Athena.

Sometimes being sweet can be deceiving.

Natuon naman ang pansin niya sa nabanggit nito kanina.

BRC? Kilala niya ang restaurant na iyon, Belle Restaurant & Cafe. It's a famous restaurant with different cuisines. Isang kilalang pamilya ang nagmamay-ari no'n.

Madalas din kumain si Athena ro'n at minsan ay inaaya pa siya nito.

Anyway, thanks to Athena. Her problem is solve. She was actually planning to find another job later. She resigned from her previous job because she got bored. She wanted to experience a different job this time.

The job offer is perfect for her. Kailangan niya kasi ng pera ngayon kaya hindi na siya nag-inarte pa.

"Okay. I'll be there by tomorrow morning. Thanks."

"I already recommended you just don't forget to bring your resume. Gotta' go. Bye, Aly!" mabilis na paalam nito sa kanya.

Napatingin siya sa cellphone dahil mukhang binabaan na siya nito.

Maybe she's in a hurry. Madalas kasi dinadaldalan muna siya nito.

Makakahanap din naman siya ng trabaho kahit wala ang tulong nito.

Bumalik naman sa isip niya ang pangalang itinawag nito sa kanya kanina.

Alyssa.

Them calling her Alyssa is kind of unfamiliar feeling for her.

It wasn't her real name but for a difficult circumstances she had to steal that name from the real Alyssa.

For now, she is known as Alyssa Craig. An identity that does not belong to her in the first place. But she prefer to use the name Alyssa Craig. The name exist and the person who own's it ..is hiding.

She is using that person's identity to live a normal life, away from the people who wanted to end her. This is not the first time she has used someone else's name. But the difference is, it's a living person. Madalas kasi ay pangalan ng mga namayapa na.

At dahil gamit niya ang pangalan ng taong iyon ay wala itong kakilanlan, walang pangalan. She's no longer Alyssa Craig. She's a no one.

And her name, Helliza, no longer exist. Her name doesn't exist.

Athena, the one who called her a while ago - is used to calling her Aly. For some reason she prefer to be called that, hindi kasi siya nakakaramdam ng discomfort kapag naririnig niya iyon.

Using someones name is not as good as anyone think.

Hindi niya kasi alam kung hanggang kailan niya gagamitin ang identity ng taong 'yon. It's been more than two years now. Hanggang kailan ba siya magtatago?

But she can't complain because it help her gain her freedom.

She sighed heavily.

Nagdesisyon siyang umuwi na. She didn't want to overthink again, not this time.

Tumayo siya mula sa bench.

Nasa Zeus University siya kung saan siya nag - aaral. Tumambay lang siya sandali sa school field dahil wala siyang mapagkaabalahan. She's jobless.

Uuwi na lang siya. Mahalaga sa kanya ang bawat oras at ilalaan na lang niya iyon sa pagtulog sa apartment.

Nagsimula siyang maglakad palabas ng campus. Tahimik pa rin sa paligid parang siya lang ang tao roon.

Ito ang isang magandang araw para sa kanya, walang nakakasalubong na studyante at walang maingay.

She has been walking home for three days. Kailangan na niyang ayusin ang bisekleta para hindi na siya naglalakad.

Palabas na dapat siya sa malaking gate ng University nang makarinig siya ng malakas na busina mula sa likod niya at parang malapit na iyon sa kanya.

Napalingon siya sa likuran.

Her reflexes were quick, she immediately avoided the driver who almost hit her. She was slightly surprised by the incident.

She frowned.

Mukha ba siyang poste at hindi nito nakitang may tao sa harap? Oo nga't bumusina ito pero may balak talaga itong bungguhin siya.

She mentally cursed. Kung hindi pa siya nakaiwas ay masasagi siya ng sasakyan nito.

Tinignan niya ang bagong - bago niyang sneakers mabuti na lang hindi nadapuan ng dumi. Pinag - ipunan pa naman niya ito ng isang buwan dahil sobrang mahal. Umangat ang tingin niya sa labas ng Unibersidad. Hindi pa nalalayo ang sasakyan.

Alam niyang sinadya ng taong iyon ang muntik nang pagsagi sa kanya. She's not stupid not to calculate the situation.

At mukha namang walang nakapansin sa ginawa nito dahil siya pa lang ang palabas ng University gate at ang guard lang na laging nakabantay sa gate ay--- wala rin pala. Pambihira!

Tinanaw niya ang papalayong pink na kotse hanggang sa mawala sa paningin niya. Nakakaagaw pansin iyon, hindi dahil sa kulay ku'ndi ang kotse mismo.

A expensinve Aston Martin, worth of millions, maliban din sa presyo ng pag-ship nang ganoong klase ng sasakyan papunta rito sa Pilipinas.

She shooked her head in dismay.

Dalawang tao lang ang kilala niya na nagmamay - ari ng Aston Martin na sasakyan sa bansa. A well - known businessman and that bitch who thinks she owns everything.

Napabuntong - hininga na lamang siya.

Ayaw niyang araw - araw ay may ganitong mangyayari sa kanya. Lumiliit kasi ang pasensiya niya.

Nagpatuloy ulit siya sa naudlot na paglabas sa Unibersidad at kinalimutan ang pangyayari kanina. Hindi na iyon bago sa kanya.

Mabilis na nakarating siya sa apartment na dalawang taon na rin niyang inuupahan. Mabuti na lang at hindi niya na naman nakasalubong ang landlady niya.

Maaga nga pala siyang umuwi kaya gano'n.

Nakakairita na kasi ang laging pagbalandra ng mukha nito sa bawat pinto ng paupahan nito. Wala pang bayaran ay dumidisplay na.

Inilabas niya ang susi mula sa front pocket ng pantalon. Nang mabuksan ang pinto ay pumasok siya at agad isinara iyon. Siniguro niya munang naka-lock ang pinto bago niya ibinagsak ang sarili sa matigas na kama.

Nakatulala lang siya sa kisame. Ang kisame ng apartment na halatang malapit ng magsituklap ang mga pintura. Dalawang taon na siyang nakatira rito pero ngayon lang niya iyon napansin at hindi niya akalaing natiis niya ang kwartong ito.

May ilang spider web pa siyang napansin sa may sulok. Mabuti na lang hindi pa siya nadalaw ni spiderman dito. Nakakahiya.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naalala niyang wala siyang kain simula kaninang umaga.

Pinilit niya ang sariling tumayo at naghanap nang maaari niyang kainin.

Binuksan niya ang kabinet sa taas ng maliit na sink pero wala siyang makita pagbukas naman niya ng isa may nakita siyang isang cup noodles doon.. Iyon na lang 'ata ang natira sa stocks niya. Mukhang kailangan na niyang maggrocery bukas.

Nagpainit siya ng tubig. Habang naghihintay ay umupo siya sa monoblock chair. Madalas na cup noodles ang kinakain niya tuwing umaga, o kaya naman ay dadaan siya sa isang convenience store at doon kakain ng hapunan.

Unhealthy living. Ito ang buhay ng mga taong hindi natutunan ang pagluluto. Marami siyang talento ngunit pagdating sa pagluluto, ay kalimutan niyo na..

After she's done eating, she went straight to the bathroom to take a shower. When she finished, she changed into an oversized shirt and shorts and went to bed.

Kailangan niyang matulog nang maaga dahil pupunta siya sa BRC para magpasa ng resume.

Hindi sinabi ni Athena kung anong branch ng BRC dahil madaming branch ang Restaurant na iyon. Pero alam niyang ang main branch ang tinutukoy nito na malapit lamang sa University na pinapasukan nila. Sinet niya ang alarm clock bago matulog.

KATATAPOS lang ng panghuling klase niya ngayon. Tumungo siya sa locker at inilabas mula sa bagpack ang ilang handouts at libro na ginamit niya kanina sa klase. Pagkatapos ay isinara agad 'yon.

Dumiretso na siya kung saan niya ipinarada ang kanyang bisikleta. Ipinarada lang niya iyon sa lilim ng malaking puno wala naman kasing paradahan ng bike rito dahil puro de-kotse at motor ang nandito sa parking lot. Siya lang naman ang bukod tanging gumagamit ng bike rito sa unibersidad.

Sumakay na siya at nagpedal. Hindi pa man siya nakakalayo ng matanaw niya ang pink na Aston Martin. Iyon ang kotseng muntik na siyang banggain noong isang araw.

Nakasandal ang babae sa kotse nito. The one and only Denisse Marquez who loves to flaunt her money and undefined connection to a well known name ...Mallari.

Napalingon ito sa direksiyon niya.

Kasama pa nga nito ang mga sidekick? sidebitch? incest friends?

She didn't know exactly what to call them. Batch of bullies, they tend to stick together like a gum.

Gusto niya tuloy mapailing.

She knew what they really want from Denisse. It's all about connection.

Again connection, doon lang umiikot ang mundo ng mga may kayang tao.

Hindi na niya ito tinignan pa at nagtuloy sa pagpedal palabas.

Lumabas na siya sa Campus nang walang kahit sinong nakamatyag sa bawat galaw niya.

Ito ang unang araw niya sa BRC. Natanggap naman siya agad dahil nairekomenda na siya ni Athena.

Nang makarating sa BRC ay agad siyang nagLog-in. Nagpalit na siya agad ng uniporme. Nakita niya ang ibang kasamahan na nakapagpalit na rin. Presentable naman ang suot nila, fit na black slacks at puting longsleeve polo.

Isinuot niya ang name tag sa dibdib.

Mabilis niyang itinali ang hanggang balikat na buhok 'saka naglakad palabas ng locker room.

Hanggang 11pm lang ang shift niya at may oras pa siyang matulog dahil panghapon ang klase niya bukas.

Nang makalabas ay inilibot niya ang tingin sa loob ng Restaurant maaliwalas ang ambiance sa loob kaya hindi nawawalan ng customer kahit pa-gabi na ay dumadagsa pa rin ang mga tao.

Nagsimula siyang mag-take order ng mga kapapasok lang na customer. Agad siyang naka-adjust sa ginagawa.

Ipinorma niya na rin ag pekeng ngiti

Una, kailangan talaga iyon sa trabaho, pangalawa, kailan niya ng pera.

Anim na oras na siyang paikot - ikot para kumuha at maghatid ng order. Hindi nagtagal ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha na hindi niya inaasahang makita sa ganitong oras.

Ang akala niya ay busy pa ito sa pag-e-ermitanyo sa bahay nito dahil sa dami ng school projects.

Natanaw niya si Athena na kumakaway sa kanya sa kabilang mesa. Mukhang kararating lang din nito. Tulad nang dati'y malawak itong ngumiti sa kanya.

She have a bad feeling about this. She should ran away. No, that is a stupid decision.

Lumapit siya sa table nito panay kasi ang pagtawag nito sa pangalan niya. Ayaw sana niya itong pansinin ngunit nasa trabaho siya kaya dapat niya rin itong ituring na customer.

"Can I have your order, Ma'am," she said. She professionaly smiled.

"Alyssa! I miss you a lot. It's been weeks, how are you, Aly," masayang bati nito sa kanya.

She shrugged in responce, yet she didn't say anything.

"I'm so happy you're here. Katatapos ko lang magrevise ng thesis ko. And ..," and Athena continued to talk about everything like how the world is round, how the dogs can fly and so on.

Daig niya pa ang may bubuyog sa tenga. Iniisip na lang niya na hangin ang mga salita na napadaan sa tenga. Dirediretso iyon na kahit isa wala siyang maintindihan, walang preno.

Ano kayang dahilan ng pagpunta nito sa BRC nang ganitong oras.

Imposibleng hindi nito alam na nandito siya. Alam nitong ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Malamang na idadawit siya nito sa kalokohan ng isip nito.

Kaya kahit kailan ay hindi niya sinabi rito kung saan siya nagtatrabaho dahil alam niyang ganito ang mangyayari. At ang desisyon niyang tanggapin ang trabahong ito ay isa na namang malaking pagkakamali. Malamang na susulpot na naman ito bukas o sa susunod na bukas. Pwede rin namang gabi - gabi. Ganoon ito kakulit.

Para itong magaling na stalker. Bagay sa kanya ang maging imbestigador kaysa Hotelier. HRM student kasi ito.