Prologo 1.2
She lit the fireplace so he wouldn't get cold, then she sat on the carpet floor beside the sofa and stared at his face. It turned out, mukha itong maamo kapag tulog.
She got curious.
Why did he become blind?
Tumabi si Cyprus sa kanya. Hinaplos niya ito sa ulo na parang sinasabing okay na ang lalaki. Mukhang nag-aalala talaga ito kanina.
Tumayo siya.
Cyprus followed her into the kitchen. Maybe he was hungry, so she gave him a piece of apple. Hindi naman ito nag-inarte pa.
Mabuti pa ang isang ito hindi nagrereklamo. Ang lalaking 'yon panay ang reklamo sa pagkain.
Nakadalawang kain na ako ng mansanas nang bigla na lang tumakbo palabas ng kusina si Cyprus sabay kahol.
Mukhang iba na yata ang amo nito ngayon. Sumunod siya kay Cyprus dahil naramdaman siguro nitong gising na ang bwusita namin.
The boy was already sitting on the sofa, he's caressing Cyprus on the head. Naaaliw naman ang huli.
Sabi na nga ba't nagpalit na ng amo ang asong ito, she thought.
Narinig niyang pinasalamatan nito ang aso niya sa patulong nito. Umismid siya sa narinig.
Kalokohan!
"Good dog!" then he smirked.
She scoffed.
"Are you hungry, too?" umungol naman ang aso niya bilang pagsang- ayon sa sinabi ng walanghiya.
"You better help me get out of this place, Dog. We might die here without eating anything," pakausap nito kay Cyprus.
Cyprus even wag his tail in excitement.
A jerk and her traitor dog!
Alam niyang pinaparinggan siya nito. Naramdaman siguro nito ang presensiya niya kanina.
Lumapit siya rito nang nakahalukipkip.
"Then, let me help you leave this place," she suggested, para madispatsa na niya ito. She wanted to piss him off!
"Just give me an E-D-I-B-L-E food," he sounds like commanding her. This boy!
"I already gave you food. Napakaarte mo! Bulag ka na nga mapili ka pa," she snorted.
"It's not even what you call a proper food, kid" masungit na sabi nito.
Hah!
Bakit ba siya nito tinatawag na bata. Siguradong naman siyang hindi nagkakalayo ang edad nila! Baka mas matanda lang ito ng isang taon sa kanya.
"Don't kid kid me! You disabled jerk!"
"You're still a kid! You don't know how to cook!" sabi nito na nakatingin pa sa kawalan. Paano kaya nito nalamang hindi siya marunong magluto?
"Wala kang pakialam! Bakit kaya mo bang magluto, e, bulag ka!" balik na sabi niya rito.
"Of course, unlike you, Kid," mayabang na sabi nito.
Impossible!
"Kung gano'n magluto ka ng pagkain mo. Marunong ka pala e," asar na balik niya.
"Such a kid," he whispered. Pero narinig pa rin niya.
"I'm not a kid!" she hissed.
Ang mata nito'y sa sahig na nakatingin. Iniisip siguro nitong maliit siya. Hah!
"How old are you, then?" biglang tanong nito na ikinagulat niya. Akala niya ay may kasunod na pang-iinis na naman iyon.
"I'm fourteen!" she said, still annoyed.
Ito naman ang nagulat sa sinabi niya. See, akala talaga nito ay isa siyang bata. Hindi ba ito nagtaka kung bakit ang isang batang gaya niya ay mag - isa sa bahay na ito.
"I'm 2 years older than you, Kid."
That kid word again. She send him a sharp looked.
Wait. Kung dalawang taon ang agwat nila ibig sabihin no'n, sixteen na siya?
Hindi halata rito kung magsalita kasi parang nasa bente na. 'Saka matangkad ito nang tatlong pulgada sa kanya. Matangkad din naman siya sinwerte lang siguro sa genes.
"Really! but you look older than your age ! Are you sure? Baka naman nagkaro'n ka lang ng conccussion kaya nakalimutan mo na ang totoong edad mo," mapang-asar na sabi niya rito.
"Don't try to be funny, Kid. You look younger than your age tho. Isip bata," he fired back.
"Okay! That's it. Get out!" tinuro niya ang pinto kahit hindi naman nito nakikita.
"Sure," he said willingly. At saka ito biglang tumayo, "I'm gonna take this dog with me. It's seems that he doesn't like the food here, too."
Tinignan niya ito ng masama. Ayaw talagang magpatalo!
Cyprus is wagging his tail. Edi' isama nito kung gusto nito. Hinawakan nito sa ulo si Cyprus para igiya sa may pinto.
She smirked.
"Enjoy!" masayang habol niya sa dalawa. Tignan lang natin kung makaalis ito.
Sinundan niya nang tingin ang dalawa hanggang sa magsara ang pinto.
Makakatulog na rin siya nang maayos. Ilang araw na rin siyang hindi nakatulog ng maayos dahil sa lalaking iyon.
Pakanta-kanta siyang dumiretso sa kwarto, pabagsak na nahiga sa kama.
'ARF ! ARF !' isang tahol ang gumising sa masarap niyang pagtulog.
Mula iyon sa labas ng bahay niya. Konting ingay lang ay nagigising agad siya.
Hindi pa niya nababawi ang tulog ay nakabalik na pala sila.
She groaned and jump off the bed. Mabagal siyang naglakad sa pinto ng kwarto habang kinukusot ang mata. Humikap muna siya bago lumabas ng kwarto.
Naalala niyang ni-lock pala niya ang pinto kanina kaya hindi mabuksan ni Cyprus ang pinto sa labas.
Sinadya niyang bagalan ang paglalakad pababa ng hagdan. Nagbingibingihan sa taong naghihintay sa labas ng pinto. Nakakalahati na niya ang hagdan ay malakas na kalampag na agad ang narinig niya mula sa labas ng pinto.
"Hey, Kid ! Open the door!
Damn it!" sigaw ng lalaki mula sa labas,"Why did I even think I can easily get out of this f*cking place," iritadong sabi nito kausap ang sarili. Lihim siyang natawa.
Arf !
"Hey ! Are you there ?!" sigaw pa nito. Balak ba nitong sirain ang pinto ng bahay niya. Mukhang hindi nito na-enjoy ang 'pamamasyal' nito. Iritado na naman ang boses nito.
Nasa harap na siya ng pinto pero nanatiling nakatayo.
"Hey!" kulang na lang pagsusuntukin ang pinto.
She took a deep sighed before she finally open the door. Here we go again.
"What took you so long?!" galit na sabi nito sa kanya sakto pa namang magkaharap kami. Nakalimutan yata nito na siya ang may-ari ng bahay na ito.
"Sino po sila?"
"What?!"
Hays ! Bulag na nga, bingi pa.
"I said who are you po?" ulit niya naman.
"Stop kidding me. You knew I'm going back here!" akusa nito sa kanya. Muntik na siyang mapabungisngis pinigilan niya lang ang sarili. Ang talino naman nito.
Kahit hindi siya nito nakikita ay masama ang pagkakatingin nito sa kanya. Parang alam nito kung nasaan ang mukha niya.
Tama ito. Alam niyag babalik din sila. Cyprus is not leaving this place not until she says so.
Base sa hitsura nito, pagod na pagod na ito. Kung saan - saan siguro ito dinala ni Cyprus sa gubat. Akala siguro ni Cyprus gustong mamasyal ng unwanted bisita nila.
Nakakatawa siguro itong panoorin habang nahihirapan ito sa paghahanap ng lagusan palabas.
Napansin niyang may ilang putik sa paa nito lalo na si Cyprus.
She shrugged.
"Ayaw mo 'yon nakapasyal ka. Ano nag - enjoy ka ba?" asar niya pa. Ewan niya ba pero gusto niyang gumanti dahil naiinis pa rin siya rito.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya.
"What is this place, Kid?! Hindi ito ordinaryong gubat. Nasa bundok ba tayo?" biglang tanong nito.
Napaayos siya ng tayo. Hindi niya ito sinagot.
"This is my sanctuary. Pumasok ka na," pag - iiba niya ng usapan. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto, "Uulan na mamaya," papadilim na kasi ang kalangitan halatang may nagbabantang ulan. Umaambon pa sa labas kaya nabasa silang dalawa.
Pumasok naman ito. Iniwan nito ang tsinelas sa labas dahil maputik iyon.
Hinawakan nito si Cyprus para igiya sa tamang direksyon.
Umupo ito sa sofa habang nasa harap nito si Cyprus na inihiga pa ang ulo sa hita ng lalaki at hinaplos naman nito ang ulo si Cyprus. Ang bilis namang naging close ng dalawang 'to. Ilang oras lang sila nawala.
"Bakit ka bumalik? Akala ko ba gusto mo nang umalis dito," syempre hindi ito makakaalis dahil nasa taas sila ng bundok. Isang ngisi ang lumabas sa labi niya.
Hindi ito nagsalita baka napahiya siguro. Alam nitong wala itong kakayahang makakita pero nagpilit pa. Nagpunas ito ng pawis gamit ang kamay.
Napansin niya ang maganda at mahahabang daliri nito. Hindi kaya galing ito sa isang mayamang pamilya?
Posible iyon. Maraming dahilan para pagdudahan niya ito na mula sa mayamang pamilya. Una, maarte ito sa pagkain, pangalawa, hindi ito kikidnapin kung wala silang kailangan dito.
"Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Hades," he said. Hindi masyadong umabot iyon sa pandinig niya.
"Ah. Hudas," humalukipkip siya 'tsaka hinawakan ang baba pagkatapos ay tumango - tango siya, "M-Maganda ang pangalan mo bagay sa ugali --I mean sa'yo."
Tumahol si Cyprus nang makita siyang nagpipigil ng tawa.
Then he frowned.
"What!" he snapped, "Stop laughing!" Hala!
"Uh?" Bakit galit na naman ito. Pinuri lang naman niya ang pangalan nito, ito pa ang galit. At 'saka paano nito nalamang tumatawa siya.
"That's not my name!" galit na sabi nito.
"Sabi mo kasi, Hudas," she scoffed.
"It's HADES, you deaf!" he looked pissed right now.
"Pareho rin yun sa tagalog. Ang arte mo ha!" napairap pa siya.
Nag-iwas ito ng tingin, ilang sandali ay ito naman ang nagtanong sa kanya, "What about you? What's your name, Kid?"
"I told you. I'm not a kid! My name is Helliza!" she yelled.
"Helliza," ulit nito.
That gave her unfamiliar feeling . No one called her that name since she was born.
***