Chereads / The Brat's Kryptonite / Chapter 1 - Simula

The Brat's Kryptonite

Dalawaatapat
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

"C'mon Tari, saglit lang naman tayo!"

Pagod kong tinapunan ng tingin si Mariel. Kanina pa niya ako pinipilit sumama sa kan'ya.

"Kasama lahat ng barkada, ikaw lang ang hindi!"

I rolled my eyes. Duh! Ano namang gagawin ko kapag sumama ako sa kanila sa San Juan? San Juan is not a place for me, lugar ng magsasaka!

"You can bring your boy," pangungumbinsi pa niya.

Pinaalala pa niya ang flavor of the week ko. Naiinis ako sa lalaking 'yon, he's being clingy! Panay ang sunod niya sa akin at ang tanong kung anong ginagawa ko. Two days pa lang parang gusto ko ng hiwalayan.

"Fine!"

Pumayag na ako it's a good excuse para hindi muna makipagkita sa lalaki ko at pagbalik namin sasabihin kong hiwalay na kami dahil ayoko na.

"Isasama mo ba ang lalaki mo?" tanong ni Iza.

"Wag na!" singit naman ni Rocco.

"Yeah, nakakairita na," pag sang-ayon ko naman.

Natawa silang lahat sa akin.

"Sabi ko naman sa'yo wag 'yong si Rafael," sabi ni Arjay. "Akala no'n seryoso ka sa kan'ya," dagdag pa niya.

Umirap na lang ako sa kan'ya. Ano pa bang magagawa ko? Napatulan ko na. Nagtayuan na sila at nagpaalam na aalis na. Dadaanan na lamang nila ako bukas para sa pagpunta namin ng San Juan. Arjay and Samantha are siblings kaya isa lang gamit nilang sasakyan, habang sina Iza, Mariel at Rocco naman ay may kan'ya-kan'yang sasakyan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay matapos umalis ng mga kaibigan ko. Tinitignan ko ang cellphone ko na kanina pa nari-ring. Marahas akong bumuntong hininga. Rafael... Gosh ang sakit niya sa ulo.

"Hey," I answered his call.

"Ang tagal mo sumagot," bungad niya.

This is one of the things I hate about him, anong gusto niya, lahat ng oras ko sa kan'ya?

"I was with my friends," sagot ko sa kan'ya.

"Sabi ko naman sa'yo, Tari your friends are consuming all your time. Wala ka ng oras para sa akin!" Reklamo niya.

My gosh! I had enough!

"Let's break up."

"W-what?" Nauutal na tanong niya. Ano bang akala niya seryoso ako sa kan'ya na mas pipiliin ko siya kumpara sa mga kaibigan ko, my gosh since fetus pa lang yata ay magkakaibigan na kami, asa pa siya.

"Tari, n-no... s-sorry, sige okay lang kahit mas may oras ka sa mga kaibigan mo, just don't break up with me..." marami pa yata siyang sasabihin pero pinutol ko na ang tawag.

Wala akong oras para sa mga ka dramahan niya. Maraming lalaki ang nag-aabang sa akin.

Kinabukasan ay maagang dumating ang mga kaibigan ko. Hindi pa nga ako nakakaligo ay naririto na sila.

"Kahit kailan ka talaga Tari," reklamo ni Sam.

I just smiled at her, hindi naman nila ako matitiis. Maghihintay pa rin sila kahit abutin pa ako ng isang taon sa pag-aayos. Naligo na ako at nagbihis. Matapos ang dalawang oras ay ready na ako.

Kinuha ko ang dalawang maleta ko na naglalaman ng mga damit ko. I prepared this last night. Napasinghap ang mga kaibigan ko nang makita ang dala ko. Nagmamadali namang lumapit sa akin si Arjay at Rocco para tulungan ako. Sila na ang nabuhat ng maleta ko patungo sa sasakyan.

"Hoy, Tari! Tatlong araw lang tayo, bakit parang doon ka na titira?" si Mariel.

I just stucked my tongue out on her. Anong gusto niya mag-ulit ako ng damit? And knowing San Juan magubat doon, baka mangati ako kaya dapat maraming pamalit.

Isang van ang ginamit naming sasakyan. Nasa unahan ang dalawang lalaki at kami namang apat na babae ay nasa likod.

Nag-drive thru na lamang kami sa isang fast food. Kumakain kami sa sasakyan at ang dalawang lalaki naman ay nagsusubuan sa unahan.

"Sweet!" I teased.

Sabay-sabay kaming tumawa na nasa likod. Rocco raised his middle finger on me. Siya ang nagsusubo kay Arjay na nagmamaneho.

"Honey, don't mind her inggit lang yan," kunwaring maarteng boses naman ni Arjay.

Mas lalo kaming nagtawanan sa likod.

"Kuya! Baka mahipan ka ng hangin," tumatawang saway naman ni Samantha sa kuya niya.

"Ayaw mo no'n may ate ka na?" pang-aasar naman ni Iza.

"Pwede rin!" Si Samantha at humagalpak ng tawa.

Our ride never get boring. Matapos ang dalawang oras ay nakarating na kami sa San Juan. Sa mansyon ng pamilya ni Mariel kami mananatili. Magha-harvest ng palay sa palayan ng pamilya ni Mariel kaya kami nandito. Siya kasi ang nautusang magbantay dahil abala ang magulang niya ang kapatid naman niya ay nag-aaral sa ibang bansa.

Malawak ang mansyon kaya hindi na ako nag taka noong tig-iisa kami ng kwarto. Matapos naming mag-ayos ng mga gamit ay lumabas na kami at kumain.

After eating ay nagtungo kami sa palayan. Pinagmasdan ko ang lugar habang hawak ang payong. Tanghali ng tapat at tirik na tirik ang araw. Maluluto ako kung walang payong.

Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang isang lalaki na nagtatrabaho kasama ng mga nakatatanda. He's wearing long-sleeved like all the farmers we know. Basa ng pawis ang kan'yang katawan at bumabakat sa damit niya ang hubog ng kan'yang katawan. Tila nahihipnotismo akong nakatitig sa kan'ya.

Ang gwapo! Moreno at macho. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nang pakawalan ay isang ngisi ang sumibol sa labi ko.

"Sino 'yon?"

Tinuro ko kay Mariel ang binata. Lumingon ang kaibigan ko sa tinuro ko. Tumawa si Mariel bago lumingon sa akin.

"Hindi ka papatulan niyan, Tari."

Ha? Ako pa talaga ang hindi papatulan? Ito ang unang beses na sinabi ng kaibigan ko 'yon. Kadalasan naman ay sasabihin niyang, ikaw pa lahat naman nakukuha mo. Pero ngayon bakit?

"Watch me," hamon ko kay Mariel.

Naglakad ako paplapit sa pilapil at nang pagtapak ko ay bahagyang tumusok sa lupa ang heels ko. Dang! sana pala rubber shoes sinuot ko. Pero kahit gano'n ay tumuloy pa rin ako nasa gitna ng palayan ang lalaki at hindi ako papayag na hindi makilala iyon.

Mahirap man ay nakarating ako malapit sa mga nagtatrabaho. Naguguluhan silang nakatingin sa akin ay may bahid din ng pagkamangha. Isang hakbang na lang at nasa harapan na sana niya ako ngunit bumaon ang heels ko at sumubsob ako.

Just like in the romance movies and stories akala ko ay sasaluhin niya ako dahil kita naman niyang babagsak ako. But to my surprise kahit isang hakbang ay hindi niya ginawa. Anak ng! Bato ba siya?

Kahit medyo napahiya ay tumayo ako. I stand up straight and looked at him.

"Hi, I'm Tari, what's your name?"

Nakatingin lang ako ng diretso sa mata niya ngunit umiling lang siya at nag patuloy lang sa pagtatrabaho. Did he just... ignore me?