My friends can't stop laughing habang naglalagay ako ng alcohol sa buong katawan ko. Naligo na ako na ako pero parang hindi pa rin sapat. Sobrang nangangati ako!
"Imagine Tharianna Robles, rejected!"
Halos patayin ko na si Iza sa matatalim kong tingin. Hindi nakakatulog ang pang-aasar niya at ang halakhak nilang lahat.
"Ignored," pagtatama ko sa kan'ya.
"Gano'n din 'yon!" Sabay-sabay nilang sagot sa akin.
Sumimangot ako. Bakit ba ang arte naman ng magsasaka na 'yon. Ang mga kasama niya kahit may edad na ay halos mabali ang leeg kalilingon sa'kin, tapos siya wala nga-nga. Ang gwapo pa naman sayang!
"Wag na lang kasi si Marcus, Tari."
Bumuntong hininga ako at tinignan si Mariel, really pinapasuko niya ako. Walang sino mang lalaki ang makakatanggi sa'kin. Bago kami umalis dito mapapasa'kin siya. Tss itaga pa sa bago.
"What Tari wants, Tari gets," I confidently told Mariel.
"Woah! That's the spirit," manghang sabi ni Arjay.
"Wanna bet?" si Rocco.
"Game!"
Sabay-sabay kaming sumang-ayon. Alam kong mananalo ako kaya hindi ako natatakot.
"One month," sabi ni Sam.
"Ang tagal naman! Two weeks lang," reklamo ko.
Pumayag sila, all I have to do is make that guy fall for me in two weeks. Duh! Easy, kadalasan nga isang araw pa lang naiinlove na sa akin ang mga lalaki.
Hapon na at nagkayayaan kaming mag-night swimming sa malapit na ilog. I wore my two piece sa ilalim ng oversized t-shirt and maong shorts ko. Maingay na naglalakad kami patungo sa ilog. Makipot na daan lang ang nilalakaran namin. Maraming damo. Nagdala kami ng flashlights at lighter para may liwanag kami mamaya and also para makagawa ng bonfire.
Nakarating kami sa ilog at sa di kalayuan ay may natanaw akong two-storey house na gawa sa kahoy.
"Look guys ang cute na bahay," sabi ko sa kanila.
"Oo nga," pag sang-ayon ni Sam.
"Bahay nina Marcus 'yan," nagulat naman ako sa sinabi ni Mariel.
"Ano mamamanhikan na tayo?" pang-aasar ni Arjay.
I just rolled my eyes on him. Mamamanhikan agad? Bakit seryoso ba ako? It's just a bet!
Ibinaba namin ang mga dala at inayos. We brought snacks and also something to grill like hotdogs and meat. Tumingin ako sa ilog at na kitang malinaw iyon. Kahit papalubog na ang araw ay kitang kita ko pa rin ang ganda ng paligid. Ang malinaw na tubig ay malayang umaagos, ang pail an-ilang dahon ay tila maliliit na bangkang naglalakbay.
Gumawa ng bonfire ang dalawang lalaki habang kami namang mga babae ay nagtutusok sa stick ng hotdog at karne.
Napalingon ako sa bahay ni Marcus, may tarangkahan na gawa sa kahoy at bakod na gawa sa kawayan. Napapalitan ng iba't ibang halaman ang bahay nila. May batang babae na nakaupo sa harap ng bahay at nagmamasid sa amin.
"Uyy, nagmamanman! Balak yatang pasukin mamaya," pang-aasar ni Iza at sinundot pa ako sa tagiliran.
Napalayo ako dahil sa kiliting dinulot no'n. Natawa lang ako sa kan'ya, napakamapang-asar!
"Asa ka! Ako? Tss, di ko kailangang pasukin, kusa 'yang bibigay," lakas loob kong sabi.
"Ohh! The confidence!" Samantha said.
"Malabo 'yan," pagbabasa ni Mariel.
Hinampas ni Iza si Mariel. "Girl, walang trust," sabi niya at tumingin pa sa akin.
May sasabihin pa ako pero tinawag na kami ni Arjay at sinabing pwede na kaming mag-ihaw. Bitbit ang tupperware na naglalaman ng hotdog ay lumapit ako sa apoy. Sumunod naman sa'kin si Samantha na dala ang lagayan ng karne. Naiwan si Mariel at Iza para magtimpla ng juice.
May dala rin kaming inumin pero light lang, wala kaming balak magpakalasing dahil baka may malunod pa sa amin. Sa halip na mag-ihaw ay inabot ko kay Rocco ang mga hotdog para siya ang magluto.
"Hoy! Tari!" reklamo niya sa akin.
Tumawa lang ako at hindi pinansin ang pagrereklamo niya. Hindi naman niya ako matitiis e, pinsan ko 'yan at mahal na mahal ako.
Hinubad ko ang damit ko at short bago lumusong sa tubig. Unti-uniting binalot ng malamig na tubig ang katawan ko habang lumalakad ako patungo sa malalim na parte ng ilog. I stopped nang hanggang balikat na ang lalim. Tingin ko ay may mas malalim pang parte. Suba river is famous here in San Juan at kahit pa sa ibang bayan. Dinarayo ito, dahilan kung bakit iniingatan ng mga opisyales. They maintained its cleanliness.
Tila naiinggit naman ang mga kasama kong babae at sumunod na rin sa akin. Naiwan ang dalawang lalaki na nakasimangot na nag-iihaw. Sabay-sabay kaming natawa sa itsura ng dalawa, akala mo naman ay inapi namin sila!
"Bakit hindi mo kami dinala rito noong bata pa tayo?" tanong ni Samantha kay Mariel.
"Edi nalunod tayo!"
Natawa ako, tama naman kung bata pa kami punta rito ay posibling malunod nga kami dahil malalim. Matapos ang ilang minuto ay umahon muna kami. Tuwang-tuwa naman ang dalawang lalaki, iniwan na nila sa amin ang iniihaw at sila naman ang masayang lumangoy.
Habang nag-iihaw silang tatlo ay kumakain ako ng hotdog. Nilapit ko ang hotdog sa bibig ko at biglang nakagat iyon kahit mainit pa nang biglang may magsalita.
"Si Miya, Mariel kasama mo ba?"
Ang panlalaking boses niya ay nanuot sa tenga ko at parang musika na gusto kong ulit-ulitin.
"Hindi, nasa ibang bansa," sagot ni Mariel.
Tumango lang si Marcus at naglakad na patungo sa tulay para makatawid ng ilog. Nang makatawid na ay nag lakad na ito papalapit sa kanilang tarangkahan. Dahil sa biglang pagsasalita niya kanina ay napaso ako ng bagong lutong hotdog! Hindi manlang ako nakareklamo dahil sa presensya niya! Binasa ko gamit ang aking dila ang pang-iba bang labi habang pinagmasdan siyang buksan ang kanilang tarangka.
Nasa ganong ayos ako nang bigla siyang lumingon. Direkta sa mata ko ang tingin niya at bumaba sa labi ko. Kumunot ang noo niya at biglang tumalim ang tingin. Tumalikod na siya at pumasok sa bakuran nila.
"Seductive!"
Napalingon ako sa sinabi ni Iza. Don't tell me he thought, I'm seducing him? Dang! Napaso lang ako!
"H-hoy!" tarantang tawag ko kay Iza.
"Ikaw ha," pang-aasar ni Samantha.
Hindi ko naman sinasadya na gano'n ang itsura ko no'ng lumingon siya. Baka akalain niya patay na patay ako sa kan'ya.
"Bakit niya tinatanong si Ate Miya?" tanong ko kay Mariel.
"Uyy, selos!" si Iza.
"May gusto 'yan kay Ate," sagot ni Mariel.
So that explains why. Kaya sinabi ni Mariel na hindi ako papatulan ni Marcus. Sobrang hinhin ni Ate Miya at akala mo anghel sa sobrang bait. Kabaliktaran ko! Tss, pakialam ko naman sa type niya, basta ipapanalo ko pustahan namin. Eh ano naman kung gusto niya mahinhin tapos ako hindi? Ayaw ba niya no'n? Mas kaya ko siyang paligayahin sa kama. Aghhh!