Maaga akong gumising para sumama kay Mariel sa palayan. Habang ang mga kasama namin ay naghihilik pa ay kami ni Mariel ay nasa palayan. Pinagmasdan ang mga nagtatrabaho, mabibilis kumilos ang mga ito lalo na't hindi pa tirik ang araw.
Pasimple akong sumulyap kay Marcus at napangiti. Ang linis niyang tignan sa kulay puting long-sleeved, unti-unti na siyang pinapawisan, halatang-halata iyon sa suot niya. Dapat pala nagdala ako ng towel para kunwari pupunasan ko siya ng pawis. Napahagikhik ako ng maisip ang bagay na 'yon.
Mabilis na nakuha ko ang atensyon ni Mariel at pabiro niya akong sinapak.
"Tumigil ka sa mga iniisip mong kalokohan, Tari."
Kaibigan ko talaga ang isang ito, alam na alam kapag may kalokohang pumapasok sa utak ko.
"Wala naman," tanggi ko.
"Sus! Hagikhik mo pa lang alam ko na!"
Nagpaluto si Mariel ng pansit para sa meryenda ng mga nagtatrabaho. Sabay-sabay silang umahon sa palayan at lumapit sa kubong kinaroroonan namin.
"Salamat sa meryenda, Ma'am Mariel," sambit ng isang may edad ng matanda.
"Walang anumang, Mang Toring. Si Tari po nagluto niyan," sabi ni Mariel at lumingon pa sa akin para sabihing wag na akong komontra.
"Aba, masarap!"
Pinuri nila ako, hindi ko alam kung bakit ni Mariel sinabing ako nagluto no'n, itlog nga di ako marunong pansit pa kaya!
"Walang gayuma 'yan," sambit ko nang mapansin na hindi kumain ng pansit si Marcus. Tinapay at softdrinks lang kinakain niya.
Lumingon siya sa akin saglit bago bumaling na muli sa ibang direksyon. Suplado! Akala mo gwapo, pero wait gwapo nga siya. Tss, kahit na.
"Marcus tikman mo masarap," sabi ni Mang Toring.
"Sige how, ayos na ako sa tinapay," sagot ni Marcus at tinaas pa ang tinapay.
Edi wag! Ano ka gold? I almost roll my eyes kung hindi lang siya bumaling sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kan'ya, showing my perfect teeth.
Kumunot lang ang noo niya at hindi sinuklian ang mga ngiti ko. Mukhang mahihirapan ako sa isang ito.
Nang sumapit ang hapon at nag-uwian na ang lahat ay hindi ako sumama kay Mariel pabalik sa mansyon. Sumunod ako sa pauwi ng si Marcus.
"Hey," tawag ko sa kan'ya at sinabayan siyang maglakad.
"Anong kailangan mo?"
Ang sarap sa tenga ng boses niya, lalaking lalaki.
"Wala, gusto ko lang makipagkaibigan," sagot ko sa kan'ya.
Hindi siya makapaniwalang ni lingon ako habang patuloy kaming naglalakad.
"And you want me to believe that?"
Binalik niya ang tingin sa nilalakaran. Anong gusto niyang isagot ko, yong totoo? Like, lalandiin kita kasi may pustahan kami, tss.
"Yes, 'cause why not?"
"I'm not a fool."
Nagkibit balikat lang ako. I'm not good at explaining so why bother. Nakarating na kami sa tulay sa ilog at nauna lang siyang maglakad kasunod ako. Hindi naman niya ako tinaboy pabalik so okay lang siguro na sumunod ako 'di'ba?
Hanggang sa makapasok kami sa bakuran at bahay nila ay hindi naman niya ako sinaway. Sumalubong sa amin ang dalawang matanda na siguro ay nasa late fifties na.
"Magandang hapon po," nakangiti ng bati ko sa kanila.
"M-magandang hapon," nag-aalinlangang tugon ng matanda ng babae.
Tumikhim si Marcus at napalingon kami sa kan'ya.
"Si Tari, Ma, Pa. Kaibigan ko," parang nahirapan pa siyang sabihin na kaibigan ako.
Tumango ang magulang niya at ngumiti naman ako. Ayaw pa niyang maniwala na nakikipagkaibigan ako tapos pa pakilala naman niya akong kaibigan sa magulang niya.
Nagpaalam siyang maliligo at magbibihis muna kaya naiwan ako sa magulang niya.
"Halika, Tari magluluto tayo," inaya ako ng mama niya.
"Sige, Mama," umangkla pa ako sa bisig ng ginang.
Natawa ito sa inasal ko at masaya akong sinama sa kusina nila. Tinuruan ako ni Mama kung paano magsaing ng hindi sa rice cooker. Pinanuod ko rin siya kung papano magluto ng sinigang.
"Madali lang pala, Mama."
Ngumiti siya sa akin at may mga tips pang sinabi.
May batang babae na pumasok sa kusina at yumakap kay Mama. Nasa sanay na akong tawaging Mama ang ina ni Marcus. Nang mapabaling sa akin ang paningin ng bata ay nanlaki ang mata nito at tinuro ako.
"Hala, ikaw 'yong magandang naligo sa ilog kagabi," gulat na gulat ito.
Yumuko ako at pinantayan ang mukha ng bata.
"Talaga? Maganda ako?"
Sunod-sunod na tango ang naging tugon niya sa tanong ko. Kumalas siya sa yakap niya sa kan'yang ina at inabot sa akin ang kamay niya.
"Thalia," she introduced herself. Adorable!
"Tari," tinanggap ko ang maliit na kamay niya.
I ate dinner with them. Nakipagkwentuhan ng konti at nang medyo dumidilim na ay nagpaalam na ako.
"Ma, Pa, alis na po ako," pa alam ko sa kanila.
"Sige anak, bumalik ka bukas kaldereta naman tuturo ko sa'yo," sabi ni Mama.
Masaya akong tumango. Matututo na akong magluto mapapalapit pa ako kay Marcus. Two birds in one stone.
Naglakad na ako palabas ng bahay nila at kumaway pa sa kanila. Ang maliit na mga kamay ni Thalia ay cute na cute na kumakaway. Kumaway din ako at tumalikod na.
Naramdaman kong parang may kasunod ako kaya naman lumingon ako. Bumungad sa akin ang seryosong si Marcus.
"Wag mo na akong ihatid," sabi ko sa kan'ya at nginitian siya.
Of course kunwari lang 'yon, syempre dapat pakipot lang. Pero ang totoo ay medyo kinakabahan din ako dahil medyo madilim na. Duh! Sa ganda kong 'to sayang kung makakain lang ako ng aswang sa daan.
"Malapit nang dumilim," he said at nauna ng maglakad sa akin.
Nakangiti naman akong sumunod sa kan'ya. Tss in no time mahuhulog ka rin sa'kin Marcus, hulog na hulog!
Tahimik lang kaming naglalakad at napatakbo ako papalapit sa kan'ya nang makarinig ako ng kakaibang huni. Dang! Ano 'yon aswang? Halos yumakap na ako sa likod niya kaya naman napatigil siya at hinarap ako.
"Ano ba!" naiiritang reklamo niya.
"May a-aswang... y-yata," takot na sabi ko.
Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o tama ang nakita ko na medyo ngumiti siya. Madilim na kasi kaya hindi ako sigurado!
"Kuliglig lang 'yon," masungit na sabi niya.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at sinabay ako sa paglalakad niya. That removes my fear. There's something building up in my heart pero binaliwala ko iyon. Bunga lang ng takot sa aswang siguro.
Nang makarating kami sa mansyon nina Mariel ay nagpasalamat ako sa paghahatid niya. Kahit na kasalanan ko naman at sumama ako sa bahay nila.
"Salamat sa paghatid!" masiglang sabi ko sa kan'ya.
Malabong liwanag ang tumatama sa seryoso niyang mukha. Nasa malapit lang kami sa gate ng mansyon at ayaw naman na niyang pumasok pa roon. Unti-unting gumuhit ang kulubot sa kan'yang noo.
"Can you stop," sabi niya.
"Stop what?" naguguluhang tanong ko sa kan'ya. Di ko siya maintindihan.
"Stop flirting with me. I know what you're up to, pustahan niyo ba 'to? Or I'm just one of the boys who caught your attention? Either way stop Tharianna Robles, I am not like them, I am not one of the boys who likes you."
Hindi ako nakasagot. He knows me, but who doesn't? Kahit nagagalit siya feeling ko ang hot niya pa rin. Akala ko ay tapos na siya pero nagsalita pa siya.
"At wag mo ng idamay ang pamilya ko, wag ka ng babalik pa sa bahay namin. Don't act as if you really enjoyed being with them."
Doon ako nasaktan. He's wrong, I enjoyed being with his family. Masaya ako sa Mama niya, sa kapatid niya at kahit sa Papa niya. I genuinely like his family.