"Ginabi ka."
Nakasimangot akong umupo sa tabi ni Mariel at nilaklak ang wine na nasa harapan nila. They're having fun without me.
"What's wrong?" Tanong ni Sam.
Hayyy. Bumuntong hininga ako at ngumuso. Nakakainis naman, pagtatawanan na naman ako ng mga ito kapag sinabi ko. Nakakahiya!
"Stop pouting, Tari. You look like a duck." Rocco said and they all laughed.
Kinuha ko ang unan na nasa likod ko at agad iyong hinagis sa kan'ya.
"May pinsan kang duck!" Sigaw ko sa kan'ya.
Kung makapagsabi na duck ako, kamag-anak naman niya ako. Edi duck din siya.
"Ano bang problema at humahaba ang nguso mo?" Natatawang tanong ni Iza.
Ikunwento ko sa kanila ang mga sinabi ni Marcus. Kahit naman para sa akin ay nakakahiya iyon, pero kaibigan ko pa rin sila. Sa kanila lamang ako makakapagsabi ng mga ganito.
"Bakit ka naman mahihiya?" seryosong tanong ni Arjay.
"Kasi naman, parang na-reject na naman ako!"
"This is just a bet, Tari. Don't take it seriously, kung sakali mang di ka magtagumpay just let it be. Wag mo masyadong dibdibin."
Lumingon ako kay Rocco at tinapon ang sarili sa kan'ya. My super sweet cousin.
"Aww, cousin dear!"
Yumakap ako sa kan'ya at naupo pa sa kandungan niya. Natatawa lang siyang hinagod ang likod ko. Nagtawanan ang mga kasama namin at binato kami ng unan.
"Such a baby, Tari! Kaya hindi nagkakajowa iyang pinsan mo, akala ng mga babae ikaw ang girlfriend sa sobrang sweet n'yo!"
Humiwalay ako kay Rocco at hinarap si Iza. Sus, kunwari pa ang isang ito baka siya lang naman ang may gusto sa pinsan ko. Akala niya hindi ko napapansin ha?
"Alam mo namang mag pinsan kami kaya ayos lang." Ngumiti ako sa kan'ya ng makahulugan.
"H-ha?"
Natawa ako nang mautal si Iza. Buking ka girl! Okay lang naman sa akin kung sila ang magkakatuluyan, mas mabuti nga iyon at ka-close ko ang magkakatuluyan ng pinsan ko.
"Tari." Rocco warned me. Nagkibit balikat lang ako at hindi na nang-asar.
Nasa kwarto na ako at nakabihis na rin ng pantulog nang pumasok sa kwarto si Iza. Sinulyapan ko siya saglit bago muling binalik ang paningin sa salamin. I'm doing my night skin care routine.
"Tharianna..."
Napangisi ako sa pagtawag ni Iza sa pangalan ko. Malamang ay may aaminin 'yan sa akin.
"Yes, Izabella Clarisse?"
Natawa siya sa pagtawag ko ng pangalan niya. Tawa ka pa d'yang babae ka, baka papatulong ka lang para mapalapit lalo sa pinsan ko.
"Alam mo?" Tanong niya.
"Alin?" Patay malisyang tanong ko.
Lihim akong natatawa habang nakikita ko mula sa salamin ang pamumula ng mukha niya. Inlove!
"Tari naman!"
Nakangiti akong binalik sa lagayan ang mga ginamit ko at humarap ako sa kan'ya. Nakanguso si Iza at mukha rin siyang bebe. Nakaupo siya sa kama kaya naman lumapit ako roon. Hinaplos ko ang itim niyang buhok.
"Izabella Clarisse, halata ka naman."
Hinampas niya ang kamay kong nasa buhok niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Aba magmamaldita pa, kasalanan ko bang nahahalata ko naman?
"Seryoso, Tari."
Umayos ako ng upo sa kama at hinarap siya. Wala namang problema kung magkagusto siya sa pinsan ko.
"Boto naman ako sa'yo, ano bang problema mo?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot. Akala mo ang laki-laki ng problema niya.
"Boto ka nga hindi naman ako gusto!"
Napakamot ako sa batok ko. Iyon lang ang problema, hindi ko rin naman mabasa si Rocco. Alam kong alam nito ang nararamdaman ni Iza pero ang tanong bakit hindi siya gumagawa ng hakbang?
"Alam kaya niya?"
I rolled my eyes on her.
"Malamang!"
"Pero bakit wala siyang sinasabi?" Takang tanong niya.
"Duh! Halata pa lang naman kasi, hindi ka naman direktang umamin. Confess ka muna."
Pulang pula ang mukha ni Iza. Siguradong nahihiya ito, sus aamin lang naman e! Easy.
Ano bang mahirap sa pag-amin ng nararamdaman? Kung gusto mo ang isang tao, go. Dapat sabihin mo hindi iyong masasaktan ka kapag may nauna ng iba. Life is too short to worry about what if's. You should learn to risk, kung hindi ka gusto edi okay, move on gano'n lang naman iyon kasimple.
Natulog na ako nang umalis na si Iza sa kwarto ko. I'm still thankful that I only get attracted to anyone and not experiencing love, tss.
Kinabukasan ay tanghali na ako gumising tutal naman hindi ako mangungulit kay Marcus sa palayan. Ang sabi niya ay tigilan ko na raw siya, duh? Asa pa siya. Walang makapagpapasuko saisang Tharianna Robles.
Pumasok ako sa kusina at inabutan ang mga kaibigan ko na naghahanda ng mga pagkain. Kunot noo akong lumapit sa kanila.
"Saan kayo?" Tanong ko.
Lumingon sila saglit sa akin bago pinagpatuloy ang ginagawa. Pansin kong wala si Mariel, siguro'y nasa palayan na ito.
"Sa ilog, Tari. Maghanda ka na ng damit mo kung sasama ka," sagot sa akin ni Sam. Tumango lamang ako sa kan'ya.
"Ang akala ko ay kasama ka na ni Mariel sa palayan," sabi ni Rocco bago saglit na sumulyap sa akin.
"Nope."
"Suko na?" Panunukso ni Iza.
Tss, bakit naman ako susuko? Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi ni Marcus kagabi. Oo nga at tama siya but he can't make me give up. I'm gonna win this bet.
"Asa!" I confidently said.
Nagtawanan lamang sila. Hindi naman big deal sa kanila ang pustahan na ito, sanay na sila sa akin. Nagtungo na muna ako sa kwarto ko para makapaghanda ng mga dadalhin ko sa ilog. Well, kung akala ni Marcus ay susuko ako dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya, sorry siya.
"Let's go!" Masiglang sabi ko sa kanila at naunang maglakad.
Kinuha ni Rocco ang dala ko at siya na ang nagbitbit. Magaan lang naman iyon dahil mga pamalit ko lamang. Ang balak nila ay hanggang hapon lamang kami. Ayos lang naman sa akin pero magpapaiwan ako. Halos hindi ko maitago ang ngisi ko sa kaisipang iyon.
"May binabalak ka 'no?"
Nilingon ko si Iza at inakbayan ito habang naglalakad kami. Kasya naman kami sa makipot na daan, syempre dahil sa ka-sexy-han namin!
"Lakas din ng pang-amoy mo," sabi ko sa kan'ya.
"Gaga! Pakiramdam, anong tingin mo sa akin? Aso?" singhal niya sa akin.
Hindi ko na pigilan ang humalakhak. Pwede namang aso, loyal siya sa pinsan ko e.
"Ano namang gagawin mong kalokohan?" pang-iintriga niya.
Umiling ako. Hindi naman kalokohan ang gagawin ko at wala namang masama sa naiisip ko.
"Tss. Hindi naman kalokohan gagawin ko!"
"Sus!"
Hinayaan ko na lamang si Iza kung ayaw niyang maniwala. Nang makarating kami sa ilog ay agad na naglangoy kaming mga babae. Wala namang kailangang lutuin kaya agad na sumunod ang dalawang lalaki.
Nang makaramdam kami ng gutom ay masaya kaming nagsalo-salo sa gilid ng ilog. The beauty and peacefulness of the place is too good to my heart. Sanay ako sa syudad, laman ng bar at mga party but little did I know I'll be inlove with this kind of place.
"Magbihis na kayo, para makaalis na tayo."
Lumingon ako kay Arjay nang sabihin niya iyon. Tumayo ako at kinuha ang paper bag na naglalaman ng pamalit ko.
"Oh, san ka pupunta?" Takang tanong sa akin ni Rocco.
Ngumiti ako sa kan'ya ng matamis.
"D'yan lang." Tinuro ko ang bahay nina Marcus.
Kumunot ang noo ng pinsan ko sa akin habang ang mga kaibigan naman namin ay ngumisi lamang.
"Tss, umayos ka, Tari ha," bilin ni Rocco at hinayaan na lamang ako.
Nagpaalam ako sa kanilang magpapaiwan. Ayos lang naman sa kanila basta magpahatid na lamang daw ako kay Marcus at kung hindi naman ay tumawag ako sa kanila para masundo ako. Tss, as if naman mabubuhay ko ang cellphone ko. Naririndi ako sa tawag ni Rafael kaya hindi ko ito binubuksan. Bukod doon ay iniwan ko ito sa mansyon ni Mariel.