Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Grammatically Yours

🇵🇭cloverthesky
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.5k
Views
Synopsis
Marianne Constancia always strives what's the best. She didn't want people to see her errors and downfall. During her junior days people always bullied and discriminated her. Her classmates always treat her as an outcast. Despite the pain she felt, she always hope and pray for better days in senior high school. Her prayer was answered, she became the top of the cream in her senior high school days. But when she stepped into college and met Yohan Gonzales everything she strived for disappeared. Everything that happened in her junior high days doubled the pain. It doubled the errors for the world of Bachelor of Secondary Education is something she can never handle or something she can overcome. That's when love turned grammars into errors calculated by dumbness and foolishness.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Ang hirap.

Ang hirap pala maging nilalang dito sa mundo.

Yung tipong nilalagpasan ka ng mga tao. Yung tipong hindi ka man lang nila nakikita, yung binabangga ka nila tapos sasabihin lang na "Ay may tao pala?" and the worst is.. is they treated you as invisible being, yung parang hangin lang.

Hindi rin naman kasi ako matalino, kahit kagandahan hindi ako nabiyayaan. Sino bang gustong makipagkaibigan sa isang tulad ko? I am nothing.

Pero kahit hindi ako matalino, masipag din naman akong mag- aral kaya palagi akong nasa with honors list, kaso nga lang yung mga kaklase ko parang ayaw nilang masali ako. Hindi ko sa sinasabi na naiinggit sila sakin, pero bakit sila maiinggit? I am nothing nga diba?

Buti nga lang matatapos natong season na ito, junior high school days will be over soon. Siguro makakapag start over na ako with new classmates, I hope.

Recognition day namin ngayon, kasama ko ang parents ko. Tingkad ang mga ngiti nila dahil honor student ako.

Tadhana nga naman, nakapasok pa rin ako sa top ten, masaya na ako dun, pati sila mama at papa syempre. 

"Oh anak mauna na kaming umuwi ng papa mo ah?" Sambit ni mama habang nakayakap sa akin. Sobrang bait nila sakin. My parents never knew na ganito ako sa school, na ganito ako tinatrato ng mga kaklase ko. Ang tanging alam nila ay marami akong kaibigan at masaya ako sa school ko.

"Sige ma, una na po kayo ni papa umuwi. Safe travel po!"

Masaya na siguro ako dun kahit wala akong kaibigan at least I have my family. Pero iba talaga pag may pumapansin sayo na kaibigan no? Tumungtong lang ako ng junior high naging malungkot at mahirap na ang lahat.

"Bigayan pala nga huling mensahe ngayon." Bulong ko sa aking sarili. Alam ko naman na walang magbibigay sa akin kaya umupo nalang ako sa may dulo.

"Hoy tabi!" Sigaw sakin nung isa kong kaklase. Akala ko bibigyan niya ako ng message pero hindi pala. Kasama niya pala ang mga barkada niya.

Lumapit sila sakin at mukhang may binabalak. Imbis na sulatan nila ako ng mensahe, dinumihan nila ang uniporme ko. Sinulat- sulatan ng mga masasakit na salita.

'Ang baho!' 'Mabahong kanal' 'Malansa' 'Nakakadiri' 'Loner' 'Kukuba- kuba kapa naman!' 'Yuko ka girl!'

Tanging yun lang ang mga salitang naririnig ko sa kanila habang sinusulatan nila ang uniporme ko. Alam ko naman ang lugar ko sa loob ng classroom namin at sumusobra na sila sa panghuhusga nila sa akin.

Hanggang sa umalis na sila. Hindi na ako nakapagpigil pa, dinala ko nalang sa pag- iyak ang nangyari. Walang kaibigan man lang ang nakisimpatiya sa akin. Sobrang lungkot no? pero okay lang, titiisin ko nalang. Lilipat din naman ako ng school.

Pauwi na sana ako pero biglang umulan, nabasa tuloy ako. "Pagkamalas- malas ko nga naman!" Biglang bulalas ko sa sarili. Nagpalit na rin ako ng uniporme, baka magtaka pa tuloy sila mama kung bakit ganun ang mga nakasulat sa uniporme ko.

Sinalubong ko ang ulan, umiiyak parin ako kasi masakit talaga sa pakiramdam ang nangyari kanina. Biruin mo, last day na last day tapos ganun ang mangyayari. Sinumpa siguro ako pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na sana ay magkaroon talaga ako ng tunay na kaibigan.

Mabuti't nakauwi narin ako. Sobra akong napagod sa mga nangyari.

Mukhang gulat na gulat si mama nang makita niya akong basa. "Anak? san ka galing? ba't basang- basa ka?" Alalang tanong ni mama sakin. Hinawakan niya ang kamay kong napakalamig, chineck niya rin ang noo ko kung mainit ba ito.

"Hindi ka naman mainit anak, ang laming nga lang ng kamay mo. Maligo ka muna para makapagpahinga kana." Kita ko sa mata ni mama na nag- alala siya sakin.

It's good that I have them by my side. I am more than blessed.

Naiiyak parin ako sa nangyari. Dahil sa kakaiyak ay nakatulog na ako. Ipinagdarasal ko ulit na magiging maayos ang umaga bukas.

"Good morning sunshine!" Bati ko sa mga halaman ni mama.

"Aba masaya ata dalagita namin ah!" Bulong sakin ni mama. Mama kissed my cheeks, she does that every morning.

"Syempre ma! mag- eenrol na kaya ako ngayon for senior high." I giggled to her. Hindi rin mawala sakin ang maging masigla.

"Kainin mo na breakfast mo anak, kanina kapang tulog eh, kanina ka rin namin ginising ng papa mo kaso tulog na tulog ka kaya nauna na kaming nagbreakfast. Nga pala nak, nauna na sa trabaho papa mo. Ikaw kain kana rin para makapag enrol kana." Tugon sakin ni mama. Nagmamadali tuloy akong kumain.

"Dahan- dahan sa pagkain anak, baka mabilaokan ka." Mama warned me, sobrang bilis ko na kasing kumain. Eh sino ang hindi magmamadaling kumain, sinabihan ka ng late aber?

"Ma, I'll be heading to school, I waved my hands to her. Hindi nako nakapagpaalam ng maayos kaya winagayway ko nalang kamay ko.

Kahit nasa malayo na ako ay rinig ko pa si mama. "Ingat ka anak!" Paalalang sigaw niya sakin.

Binilisan ko na rin ang aking paglalakad para makaabot ako ng maaga. Hindi ko napansin may nakabangga na pala ako.

"Hala sorry po!" Tanging despensa ko sa aking nakabangga. Umalis ako kaagad sa nangyari.

Buti nalang at maaga pa. Wala pang masyadong tao. "Akala ko late na ako!" Bulong ko sa sarili.

"Wala pa talagang tao ngayon miss, sobrang aga mo kayang naparito."

Narinig niya yon?

Biglang may nagsalita sa may likuran ko. Hindi ko agad napansin.

He was wearing a black cap maski damit niya ay kulay itim pati jeans. Black in tandem ba tong lalaking to? o pupunta sa patay? Ba't puro itim ang sinuot?

"Miss kung tititigan mo lang ako, mas mabuting tingnan mo ang bag mo." Tugon niya sakin habang nakahawak sa cap niya at mukhang seryoso yata siya. Hindi ko nga lang makita ang mukha niya. Nakatabon kasi ng cap niya at tsaka naka mask pa siya.

"Kidnapper ba siya?" bulong ko sa sarili.

"Hindi ako kidnapper miss, nandito ako dahil nahagip ng bag mo ang id ko." Malamig niyang tugon.

"Ay hala! pasensya napo, wait lang ah." Gulat kong tugon sa kanya. Hindi ko naman inakala na nahagip ko yung id niya.

"Siya kaya yung nabangga ko kanina?" tanong ko sa hangin. Wala nga akong maka- usap diba?

Agad ko namang kinuha ang id niya, pero gulat talaga ako nang makita ko yung school na nakalagay dun.

"What!?" Sigaw ko na ikinagulat niya.

"Southern Central State University? and what? exclusive for boys? akala ko Southern Senior High School tong school na pinasukan ko. Gulat na gulat kong sambit sa harapan niya. Napakamot talaga ako sa aking ulo. Hindi ko talaga inaasahan ang mga mangyayari. Lord please help me!

'Marianne naman, umagang- umaga kay bobo mo naman!' Sabi ko sa aking isipan. Akma na sana akong tatakbo kaso hinablot niya ang bag ko.

"Ba't ba kasi?!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko naman na akalain na nagsidatingan narin ang mga estudyante. Nakakahiya pa kasi puro mga lalaki ang naroon. Exclusive for boys nga diba?

Yumuko nalang ako at dali- daling kinuha ang id niya. Puro kahihiyan na talaga ang mga nangyari ngayon. Agad ko namang binigay ito sa kanya at tumakbo kaagad sa labas ng gate ng school.

"Hinding-hindi na talaga ako babalik sa school niyo!" Sigaw ko na halos namaos na ang aking boses. Hiyang- hiya ako ng dahil sa id mong hindi naman kagwapuhan duh!" Dagdag ko pang sigaw, halos ng tao ay nakatingin na sa akin. Rinig ko rin ang mga bulungan nila.

"Nakakahiya ka Marianne!" Bulong ko ulit sa aking sarili.

Umalis narin ako sa school na iyon at nagtungo kaagad sa Southern Senior High School. This time hindi na talaga ako nagkamali. Dito na talaga ako mag- eenrol. Hindi nato bobohan pa.

By the way, hindi ko rin napansin pagmumukha ng mokong na iyon. "Hindi ka rin kagwapuhan!" Sigaw ko ulit sa hangin. Tila nababaliw na ato ako no? kausap ko hangin eh.

Magsasalita na sana ako pero may sumagot sa may likuran ko.

"Sinong nagsabi na hindi ako kagwapuhan?" Paubong bigkas niya.

I remained silent nang marining ko ang boses niya. Yumuko ako at nagkunwaring walang narinig.

Ba't ba kasi nandito yung mokong na yan eh! Now I'm doomed.

"Miss if you're talking behind me huwag dito,  doon ka sa malayo, hindi yung naririnig ko pa ang binobotse mo at tsaka miss naiwan mo.."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya kasi bigla nalang akong tumakbo.

"Bahala na si batman!" Bulong ko ulit sa sarili habang tumatakbo. Binilisan ko pa talaga ang pagtakbo para hindi na niya ako maabutan.

Huminto ako saglit, hingal na hingal talaga ako ng mga oras na yon. "Grabe na talaga kung naabutan niya pa ako." Kukunin ko na sana yung tubig kaso nakakabdtrip talaga ng naabutan niya ako.

"Miss runner kaba? ang bilis mo namang tumakbo." Hingal niya ring sambit. Alam kong pareho kaming hingal na hingal kakatakbo pero nakakabadtrip talaga.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sakin ah!?" Tinaasan ko na talaga siya ng kilay. Sino ba namang hindi maiinis? kanina ka pa hinahabol na parang magnanakaw.

"Don't assume miss, I just want my id back, I don't want to be late miss kaya akin na id ko." Simpleng tugon niya. Pero nagtataka ako kasi nabigay ko na sa kanya yon eh.

"Huh? binigay ko na sayo kanina diba?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Miss ang binigay mong id ay hindi sakin, ibigay mo yung id mo. We've switch our id's."

"Okay, okay calm down, makukuha mo narin id mo." Inabot ko na id niya at binalik niya rin ang sakin.

Tatalikod na sana ako ng biglang siyang magsalita. Hindi ko na sana siya haharapin kasi nakakahiya na.

"Miss Constancia be careful next time!"

I immediately turned around but he just left me dumbfounded. He already knew my name that fast? sabagay na sa kanya yung id ko kanina. Badtrip nga lang di ko alam ang pangalan ng mokong na yon.

I hastily went immediately to the school to enrol myself there yet he was also running towards his school.

"He has a perfect body as well." I mumbled.