Chereads / Grammatically Yours / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

"This is it!" Excited na tugon ni Shane sakin habang pinaplansta ni mama ang buhok ko.

Things went faster, sobrang bilis lang talaga ng panahon, yung kahapong kinukutya ako ng lahat, ngayo'y naging isang with high honor student na. In the end nagtagumpay din ako. All my prayers were answered.

"Ano ba Shane? masisira tong make up ko eh!" Asik ko sa kanya dahil napakalikot ng kamay. Ang hilig mag- selfie kaya nadidisturbo si mama sa pag- aayos sa akin.

"Ito naman, isang selfie nalang, please." Pagmamakaaawa niya sa akin.

Ang kulit talaga!

"Siguraduhin mong last selfie na iyan Shane kundi malalagot ka sa akin." Seryosong pambabanta ko sa kanya habang tinitingnan ko ang program ng graduation namin.

Graduation day namin ngayon in Senior High School, for students like us hindi maikukumpara ang kasiyahan na aming mararamdaman kahit anong okasyon pa yan. Lahat siguro ng estudyante gustong maka- graduate. Sino ba namang hindi?

"Oo na Yan! ayaw na ayaw mo talaga sa selfie no?" Pang- aasar sa akin ni Shane.

Alam niyang ayoko sa mga bagay na tulad ng pagseselfie at pagpopost. Mapapatanong na nga lang ako kung saan nanggagaling ang confident niya para magselfie in public.

"You look maganda anak." Tugon ni mama sa akin. Nililigpit niya narin ang mga gamit niya sa pagmamake- up. Natapos na rin ang make- up scene namin. How I really hate this!

"Oh ano ba namang mukha yan? ba't nakasimangot?" Tanong sa akin ni Shane, hindi niya parin binibitawan ang cellphone. Magseselfie pa yata.

"Sinong hindi sisimangot Shane, ayoko ng naka make- up, tingnan mo ang kapal kaya." Turo ko sa aking mukha habang nakanguso.

"Anak, hayaan muna, ang graduation day isang okasyon lang yan. Hindi yan nauulit, mabuti nga lang ay nakakapagmake- up ka ngayon, yung ibang estudyante nga hindi." Seryosong tugon ni mama sa akin. Inaayos niya ang buhok ko, medyo nagulo kasi.

"Opo ma, alam ko naman yon eh, it's just hindi ko lang talaga keri ang heavy make up." I pouted again.

"Oh sige na't pupunta pa tayo sa school niyo, baka malate pa kayo sa ceremony niyo." Dagdag na tugon sa akin ni mama. Nagmamadali na siyang nag- ayos tsaka naghintay na kami ng sasakyan sa labas.

Minutes later, we arrived at the school. Mabuti't sakto lang ang abot namin sa school. It was the venue of our graduation day. Sakto lang ang pagdating namin at nagsimula kaagad ang program.

Nicole and her friends congratulated me. Shane wasn't that bothered about them anymore. Sobrang saya ko that day. It was one of the memorable day of my life.

"Papa! buti po't nakaabot kayo." Maligayang bati ko kay papa habang hawak- hawak ko ang diploma at medalya ko.

"Ako pa ba nak? hindi ko pwede mamiss out to!" Kita ko ang saya sa ngiti ni papa. He was so proud of me. Niyakap niya ako at nahantung na rin sa group hug.

"Picturan ko po kayo auntie!" Pagbulontaryo ni Shane samin. Hawak na niya ngayon ang camera niya.

"Sige ba Shane, salamat!"

Sabi ni Shane na magpose daw kami para maayos ang makukuha niyang picture. It was indeed a good shot.

Nagdecide si mama at papa na mauna nang umuwi, magluluto na sila ng hapunan namin. Sabi kasi ni papa na magcecelebrate daw kami kaya nauna na sila upang makapagbili ng mga bibilihin.

"Anak una na kami ng papa mo, maghahanda kami mamaya para hapunan okay?" Masayang tugon ni mama sakin.

"Okay po ma, ingat po kayo ah!" Sabay wagayway ko kay mama at papa.

A minute passed, naka- alis narin sina mama at papa. We stayed at the school for one hour. We take selfies with our classmates too. Kinunan din ako ni Shang ng litrato, pang remembrance daw.

"Shane, uwi na kaya tayo, medyo gumagabi na oh." Turo ko sa kalangitan. We decided to to go home late kaya umuwi na kami.

"Uhm Marianne, pwede ba kaming sumabay?" Biglang tugon sakin ni Nicole. Ikinagulat namin yun, biruin mo, sasama si Nicole sa amin.

"Pero maglalakad lang kami Nicole, baka..." Hindi na ako nakatapos sa aking binigkas dahil inunahan na niya ako.

"Don't worry Marianne, okay lang samin na maglakad. Isa pa, we wanna know how walking can be fun. Diba girls?" Paliwanag samin ni Nicole.

"Oo nga Nicole, and don't worry to much Marianne kasi kaya naman naming maglakad." Sambit naman ng isang kaibigan ni Nicole sa amin. Kaya no choice kami, edi we walk with her and her friends.

"Nga pala Marianne, diba mahilig ka sa poetry?" Tanong sa akin ni Nicole. Bigla kaming napahinto sa gitna ng daan.

"Oo, natanong mo?"

"Uhmm I just had this invitation kasi, and I'm too busy para sumali pa. You know we all are going to be in college soon. My mom doesn't want me to join the contest but instead, she want me to focus on my entrance exam in a university, so okay lang ba na ibigay ko sayo ang invitation?" Pangungumbinsi niya sa akin. I was speechless that moment but, everyone know how I love to join writing contests.

"Yeah, okay lang sa akin, alam mo naman na sobrang hilig ko jan, but sad to say if the criteria talks about college student, then hindi pa rin ako qualified na makasali." Malungkot na sagot ko kay Nicole. I pouted but Nicole just smile.

"Oh you don't have to worry much Marianne, the contest said all freshman students are allowed to join, yung mga mag- fifirst year. Kung okay nga lang sayo doon kana rin mag- enrol eh, ganda ng school na yun tsaka doon rin ako mag- aaral." That's what Nicole told me.

"Hoy how about me, pwede rin ba ako mag- aral dun?" Singit na tanong ni Shane sa kalagitnaan ng pag- uusap namin.

"Oo naman Shane, why not?" Maligayang sambit ni Nicole kay Shane.

"Oo nga naman para magkasama pa rin tayo sa college Shane!" Masaya rin ako ng sinambit ko iyon. I guess this is a good start too.

"So it is settled then, sasali ka sa contest and doon na rin tayo mag- eenrol okay?" Nicole said that with enthusiasm. She has a sweet smile, hindi maitatanggi na may tinatago rin pala siyang kabaitan.

"Okay! and thank you so much for this Nicole." Pasasalamat ko sa kanya habang inaabot niya sa akin ang invitation ng contest.

"So ikaw na bahala Marianne, ipanalo mo!" Grabeng saya ang nakikita ko sa mukha ni Nicole. Yung kapag ngumiti siya kita yung gums at singkit niyang mata. Napakagandang babae.

Until we reached our homes. Nagsi- uwian kaming masaya. I never thought a friendship will blossom soon. Hoping this friendship will turn into betrayals.

I was so happy that day.

Kahit nga nasa bahay na ako, I can't stop to giggle. Sasali na naman ako sa poetry contest. How I missed joining this kind of contest. Si mama nakita na naman akong nakangisi kaya lumapit siya.

"Anong meron nak, pangiti- ngiti ka jan?" Pabirong tanong sakin ni mama. Kunwari walang alam.

"Si mama parang walang alam, nasabi ko na po ito kahapon." Buntong hinga kong paliwanag sa kanya.

"Ang alin anak?" Tinaasan niya ako ng kilay tapos ngumiti. Nakakalokang ngiti.

"Yung sa contest kamo mama." Ikling sagot ko sa kanya tsaka sumimangot.

"Anak, alam ko iyon hindi ka talaga mabiro eh ano?" Pangiti- ngiti ni mama sakin. "Halika nga dito nak." Paglalambing niya sakin.

"Si mama talaga, nagpapalambing lang pala!" Tawang tugon ko habang kayakap ko siya.

"Hayaan muna nak, magcocollege ka kaya, baka minsan nalang kita mayakap." Lungkot niyang ika sakin. Hindi sanay si mama na mawalay sa akin kaya nung sinabi ko sa kanya yung school na eenrollan ko nagulat talaga siya. I can't someone, but I want to choose a university where I know I am happy.

"Huwag kana pong malungkot ma, uuwi naman ako ng weekends, tsaka yayakapin kita palagi ma, don't worry po." Pambibiro ko sa kanya, para tumawa naman siya. I want to see my mama to be happy.

"Oo na anak, I trust you naman kaya hindi na ako mag- aalala pa. I'm sure na makakaya mo ang college life soon." She promised that to me. I just want to make sure na magiging proud parin sila sakin in college.

Makalipas ang ilang araw, nalalapit na rin ang petsa ng nasabing poetry contest. Sobrang excited na ako sa susunod na araw. It's day of the contest.

I've been practicing well, especially the grammars, the words on how to use them. I must be careful in how to blend those words in writing a poem.

In college, I'm sure I'll encounter all kinds of people and be exposed to different philosophies and beliefs. College is a great time to explore issues of identity and uncover more of who I can become and what I want out of life.

There are many opportunities for students like me to experience life outside of the classroom and even outside of the country. College students have many of the same opportunities as their peers in secular schools: working in professional internships, studying abroad, and volunteering at various organizations or attending in any writing contest.

Nicole called me through the phone, she wishes me good luck. She's so cute, she even me called me. Nagtext rin sa akin si Shane na congrats daw, hindi pa nga ako nanalo eh.

Shane:

Yan congrats! may nanalo na.

Marianne:

Ano kaba? hindi pa nga nagsisimula eh!

Shane:

Alam ko namang mananalo ka Yan!

Marianne:

God's will Shane.

Shane:

Manifesting!

Nagpaalam ako kaagad kay mama at papa. Agad naa rin ako nagtungo sa Southern Western University, the said venue for the poetry contest. Nicole even sent me the photo of the venue, in case maligaw daw ako.

Nicole:

Here's the venue Marianne

👇

Marianne:

Got it Nicole, thanks!

Nicole:

You're Welcome!

I finally arrived in the university. I was amazed, sobrang laki ng university na ito. I could Southern Western University is a jackpot, I mean puro siguro mayayaman ang nakakapasok dito, no doubt na makakapasok kaagad si Nicole dito.

Nagtanong- tanong rin ako sa mga estudyanteng naroon kung nasan talaga magaganap yung contest and luckily tinuruan nila ako sa daan patungo dun.

"Miss, pwede magtanong? saan po ba ang venue ng poetry contest?" Tanong ko sabay pinakita yung invitation letter na binigay sa akin ni Nicole.

"Ah oo, dun sa may building na iyon, room number fifty two." Sabay turo niya sa akin sa room na kinabibilangan ng maraming estudyante.

"Maraming salamat po!" Tanging pasasalamat ko sa estudyanteng pinagtanungan ko.

I felt wow! ang dami palang sumali sa contest na ito. Hindi ko akalain na mapupuno ang room. And I almost got late. Nagsasalita na yung teacher for the mechanics, mabuti na nga lang nakahanap kaagad ako ng mauuupuan.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang nasabing contest. Ready na rin naman ako kaya okay lang sa akin.

May iniabot din ang teacher na criteria sa lahat ng sumali. It was the basis for the poetry contest.

Napa woaah nalang ako mg makita ko ang criteria, mabuti nalang na free yung theme. Malaya kaming makakapili ng aming theme sa poem.

Napatingin na naman ako sa mga estudyante, kay bilis nilang natapos, samantalang ako isang stanza pa ang nagagawa.

"Relax Marianne, may time pa naman." Bulong ko sa aking sarili.

Ten minutes passed natapos din ako sa paggawa ng tula. I passed my entry and immediately lumabas na ng room. I was nervous and was wondering na manalo sana.

Tinawagan ko kaagad si mama. Sinabi kong uuwi ako ng maaga. Eh sinong hindi uuwi, maagang natapos eh.

"Mama!" Bati ko kay mama through the phone.

"How's the contest anak?" Agad niyang kumusta sa akin.

Bumuntong hinga muna ako. "It was fine mama, wala namang nangyaring masama. I'll be heading home too ma." Paalala ko kay mama. Uuwi na rin ako ng maaga.

Nag- announced ulit ang teacher na pumasok ulit kami sa room at magsibalik muna sa aming kinauupuan. May sinabi siya tungkol sa contest.

"After five days we will announce the winner in our page, there are two winners, and the other thing, those two winners will receive a scholarship." Paliwanag sa amin ng guro. Ikinasaya yun ng marami syempre at mas ikinasaya ng damdamin ko iyon.

Wow, this is unexpected!

Nagsilabasan ulit ang mga estudyante. This time pauwi na sila. I remained in the room until na makalabas na ang ibang estudyante, alangan naman na makipagrambolan ako sa kanila na lumabas, imbis na makipagrambolan, maghintay nalang ako na lumabas sila para maayos ang pag- alis ko sa room na yon.

I immediately went home.

Ang hindi ko alam, yung mga drafts ko sa paggawa ng poem ay nalimutan ko sa school, even my code and ballpen kit, I forgot to take.

Marianne naman, bat ang careless mo!

Nagmamadali akong bumalik sa university and gladly hindi pa pala nagsara. Binalikan ko yung room kung saan ko nalimutan ang mga gamit ko. When I was in the room, wala na doon ang ballpen kit ko.

"Siguro, tinapon na yun ng tagalinis." Lungkot kong tugon.

I never knew na kinuha pala iyon ng ibang tao. It was so unexpected.

"O baka may nakapulot na ng ballpen kit ko."

I was tired at that time, sinong hindi hihingalin kakatakbo sa wala.

"Kainis!" Tsaka tinanggal ko yung cap ko in frustration.

I stayed in the room for a while. I even take a nap, wala naman sigurong masama.

"So this is you Marianne Constancia." A guy whispered to me.

I thought it was a dream until may kinuha siyang id at ballpen kit at ibinalik niya iyon sa akin. Akala ko tulog ako ng mga oras na iyon pero gising na gising ang diwa ko.

An unfamiliar guy came at ibinalik ang mga gamit ko. I'm so glad binalik niya iyon. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtulog- tulogan ko until lumabas na siya.

I just couldn't get to see his face, natatabunan ng cap niya.

I was surprised by what I just find out.

"I..ito yung id ko nung nakaraan, bat nasa kanya 'to?" Gulat kong sambit. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

"This was my id, and that jerk had taken it." Bulong ko ulit sa sarili.

Natulala talaga ako, yung guy na nakabangga ko noon ay yung guy din na nakapulot ng ballpen kit ko.

"Ah basta ang importante ay nabalik na 'to at ang ballpen kit ko." Singhal ko sa aking sarili.

I just left the classroom with a doubtlessly smile.

"I didn't even get to say thank you." I let out a sigh.