Chereads / Grammatically Yours / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Yohan anak, gising kana ba?" Rinig kong boses ni mom na nandyan sa may pintuan habang kumakatok. I had no choice but to wake up.

Binuksan ko muna ang pintuan. "What is it mom?" Hikab ko tsaka tumayo ng maayos. I was too lazy to stand up pero kapag si mom na ang tumatawag sa akin, wala akong choice kaya bumaba kaagad ako.

Obedient ka talaga Yohan Gonzales!

"Tinatanong mo pa talaga anak? first day ng class mo ngayon diba?" Bigkas ni mom sa akin, bumaba siya sa hagdanan patungong kusina. Inaayos niya ang baon ni papa at nakahanda na rin ang pagkain sa umagahan namin.

"I didn't forget my first day mom." Kamot- kamot ko ang aking buhok. Akmang kakain na sana ako pero pinigilan ako ni mom.

"Maligo ka muna anak para hindi ka malate, pagkatapos mong maligo, kumain kana okay?" Tugon ni mom sa akin pero nakangising kumuha ako ng isang piraso ng tinapay. Isang tipikal na gawain ni Yohan.

"Sige mom!" Nagtungo na ako kaagad sa bathroom. Kinuha ko muna ang tuwalyang gagamitin ko.

Nakatingin ako sa wall clock. Malapit na pala mag seven thirty at malapit na akong malate.

"Mom? bakit niyo pa ako hinintay? ang aga niyo ni dad nagising tapos malalate lang kayo dahil sakin." Reklamo ko, sabay tingin ulit sa orasan. Malalate na talaga ako ngayon.

I tried to be calm at sinuklay ko nalang ng kamay ko ang aking buhok para mas mapabilis ang ginagawa ko.

"Malalate ka talaga niyan Yohan kapag hindi kapa kumakain." Malumanay na puna sa akin ni dad.

"I'm really sorry dad but I have to go." Sagot ko kay dad at hindi na lumingon. Hinalikan ko na rin si mom sa pisngi niya at kumuha ng dalawang piraso ng tinapay.

Napakatipikal talaga ng breakfast ko tuwing may pasukan, laging tinapay. Lumabas na ako ng bahay at diretsong pumasok na sa sasakyan.

"Safe driving anak!" Pahabol na sigaw ni papa sa akin.

"I will dad!" Tsaka nag thumbs up sign na rin ako at umalis. Binuksan na rin ni Manong Nardo ang gate at tsaka nakaalis na ako ng tuluyan.

Wala pang thirty minutes ay nakaabot na ako ng school. Thanks God, mukhang hindi pa ata ako late. I parked my car outside the school at nanalamin muna sa bintana para ayusin ang buhok ko bago pumasok.

I immediately went to the guard house, nagtanong ako kung saan ang room number forty three at mabuti nalang ay inabot niya yung susi at tinulungan ako sa daan papunta ron.

"Thank you po manong guard!" Ngiting pasasalamat ko sa kanya. Nagtataka nga lang ako kung bakit wala pang isang estudyante ang naabutan ko sa room kaya binuksan ko ito at nagtambay na muna.

"Most punctual naba ako nito?" I laughed out of the blues.

Minutes have passed wala pa rin ang mga kaklase ko. Late yata. Tiningnan ko ulit ang relo ko.

Ilang oras naba akong naghihintay? It's almost eight thirty pero wala parin dumarating so I opened my cellphone to check my schedule.

"The what? nine thirty pa pala class namin!?" Bulalas ko sa sarili. I didn't even checked my schedule, ang careless ko naman. Kaya pala wala pang nagsidatingan.

"I guess I have to wait for nine thirty." Bulong ko sa sarili. I don't have any choice, napakamot nalang ako sa sariling buhok.

Almost an hour na akong naghihintay, I am getting bored kaya nakinig muna ako ng music. I put my earphones on.

"Yohan! Yohan!" Tawag ng pinsan ko, we enrolled here together. We're cousins and our parents are relatives. So we're tied together like brothers.

Hindi ko siya narining, I mean, I pretended to. Sinong hindi maiinis sa pinsang hindi man lang nag text o nagchat sayo na nine thirty pa pala ang class niyo. Pinaninindigan ko talaga  ang pagpapanggap ko.

"Hoy Yohan!" Bungad niya sa akin. Tinanggal niya rin ang earphone sa tenga ko.

"Ano?" Kalmadong sagot ko sa pinsan kong ubod na kay tino. I faked a smile.

"Aga mo ngayon ah?" Nakangising tanong niya sa akin habang umuupo sa tabi ko.

Alam na alam talagang mang- inis tong mokong na 'to.

May araw ka rin sa akin Brent!

"Nagbagong buhay na ako tol." I remained calm para iwas suntukan aba akala niyo naman basagulero ako.

"Mabuti yan tol para magkagirlfriend kana!" Pambibiro ng mokong na iyon.

Hindi ko napigilang kumulo sa kalooban ko, binato ko ng bag ang mukha niya. Ever since we're kids, kolokoy na talaga yang si Brent. Itutulad pa niya ako sa kanya na magjowa na raw, eh siya naman tong babaero.

"Eh ikaw tol? anong balak mo? kailan mo balak magbago?" Seryosong tanong ko sa kanya, biglang nawala ang ngiti sa mukha niya at nagseryoso. Nung kanina'y nakatayo siya ngayo'y nakaupo na.

"Ewan ko tol, hindi na ata magbabago ang isang tulad ko." Lungkot na tugon niya sa akin dahilan na mawala rin sa akin ang matawa tungkol sa kanya. Biruin mo, first time ni Brent magseryoso.

Nung bata pa kami puro biro at pranks lang alam niya. Nakakalungkot lang kasi his parents are too busy, walang time para kay Brent. Too bad.

"Kung ako sayo tol, magseryoso kana ngayon. We only have two years here in senior high school pag tumungtong na tayo sa kolehiyo, dun natin mararanasan ang tunay na halaga ng pag- aaral. You don't want to live miserable in college right?" That made Brent to look more confused.

"Well, I really don't know Yohan. Hindi naman ako ikaw, matalino ka't masipag. You even made your parents very proud. Eh ako? hindi nga ako mapansin ng parents dahil sa sobrang busy nila." He felt sad, saying those words. Ramdam ko rin sa mga mata niya.

"So I'm saying this again Brent, go for a change. Hindi natin alam, baka pag naging achiever ka this semester, your parents might notice your efforts." Masiglang paalala ko sa kanya. Pinsan ko pa rin siya kaya wala sigurong masama ang maging concern.

"I'll give it a try tol." Ikling sagot niya tsaka lumabas ang kanyang mala- cresendong hugis ng kanyang mata sa mukha.

"Ayan Brent ngumiti ka rin, akala ko'y iiyak kana na parang bata!" Pang- aasar ko sa kanya. Hinampas niya rin ako ng bag niya. Hindi rin ako nagpatalo. Aba! hinampas ko rin siya.

Minutes have passed again, nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko. I know some of them, yung iba naman hindi ko kilala. All of us are boys. Exclusive for boys kasi ang pinasukan kong school. Mom decided this school so wala akong magagawa. I never get to have my own decisions, they decided for me because I know this is for my own good.

First day sucks like nothing. Introduce yourself never changed. But one thing for sure I'll be striving for senior high school, this isn't like my junior days that always sits. Kailangan ko rin sigurong magdagdag ng efforts.

"Tol tara bar!" Sigaw sakin ni Brent. Narinig rin ni Varon kaya ayon nagwala ang utak. Kakasabi ko lang kanina sa kanya na magseryoso siya tapos ngayon magwawalwal.

"Tol, tandaan mo yung sinabi ko kung ayaw mong maging proud parents mo sayo!" Sigaw ko rin sa kanya. Papunta na sana ako sa sasakyan ko ng biglang hinarangan ako ni Brent. Mukhang seryoso si totoy.

"Tanda ko yon tol kaya sasabay ako sayo. Nagpahatid lang ako kanina kay dad, hindi ko ginamit kotse ko, nasira kasi." Tumawa ako sa kwento niya.

Buti nga sayo Brent!

"Tumawa kapa tol, tara na nga't makabisita ako sa inyo. Miss kona ang luto ni Tita Mildred."

"Takaw mo tol!" Asik ko sa kanya. Nagtawanan nalang kami hanggang sa makauwi na.

Nagpabusina ako kaya't binuksan ni Mang Nardo ang gate at pinark ko na sa loob ang kotse ko. Nauna nang pumasok si Brent, matakaw kasi yon. Sumunod narin ako sa loob.

Nakaupo lang si Brent sa upuan. Si mom naman mukhang seryoso. Mukhang may problema yata.

"Yohan let's talk." Walang ngiti sa kanyang mukha tsaka kunot din ang kilay ni mom, that made me feel worried. Nauna na siyang pumunta sa taas. Nilagay ko muna bag ko sa upuan tsaka sinundan si mom.

"Brent, usap muna kami ni mom ah? hintay ka muna rito." Kalmadong paki- usap ko kay Brent.

Umakyat ako kaagad sa room ko, kitang- kita ko ang mga mata niyang nag- aalala.

"Mom, what's wrong?" Tanong ko sa kanya. Tinabihan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat nalang ako nang may pinakita siyang litrato.

"Anak magtapat ka sa akin ng totoo, girlfriend mo ba ang babaeng ito? bakit nakatago ito sa kwarto mo?" Halos maiyak na si mom nang tanungin niya ako. Tinuro niya pa talaga ang litrato ng babaeng yon.

"Mom!" Natawa talaga ako sa mukha ni mom. I really don't know what to say.

"Tumatawa kapa anak, seryoso naman ako sa tanong ko." Mom even pouted, I know she's serious when it comes to this matter. I don't want mom to get mad.

"It's not what you think mom, she... she's not my girlfriend." I sounded so pure, sinigurado kong maniniwala si mom sa akin. Hindi ko naman talaga kilala ang babaeng iyon eh.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang lokong si Brent.

"Totoo po yan tita!" Biglang singit ni Brent.

"Totoo ba talaga yan anak? Brent hindi ba talaga siya nagsisinungaling tong pinsan mo?" Hindi pa rin nawala sa mukha ni mom ang mag- alala.

Niyakap ko si mom. I don't want her to be sad, so I rest assured to her na hindi ako magkaka- girlfriend until hindi ako makakagraduate ng senior high.

"Yes mom, I will get my girlfriend when I am in college na po." Ngisi ko sa pagitan ng yakap namin. I can't help but to laugh. It's good to tease mom sometimes.

"Anak naman!" Tumaas ulit kilay niya. I know,  I'm just kidding mom. Hindi pa kasi siya tumatawa. I just want to see her laugh and I never had a girlfriend before.

"Tawa kana mom, kanina kapa seryoso." I added.

"Oo nga po tita, kanina ka pa nakasimangot, baka hindi ka tuloy makapagluto ng masarap na hapunan niyan." Pambibiro ni Brent kay mom. Alam na alam niya talaga ang mga pambobola pagdating kay mom.

"Oh sige na nga, magbihis kana Yohan tsaka bumaba ka pagkatapos, ikaw rin Brent. Magluluto na rin ako ng masarap hapunan."

Ilang minuto ay bumaba na si mama para magluto. Kinuha ko ang bag ko sa baba at tsaka umakyat ulit sa kwarto ko. Pagbalik ko ay nadatnan ko si Brent na hawak- hawak na ang litrato ng babaeng yon.

"Tol hindi ko alam na ganito pala type mo!"

Halos mahiga na siya sa kakatawa. Iba rin mang- asar ang loko. Brent has high standard when it comes to girls. Maganda, matalino, maputi at sexy ang mga tipo niya at ni isa nun ay wala sa babaeng iyon.

"Stop it tol, I already told the truth. She's nothing. I had nothing to do with that girl." Turo ko sa litrato.

"Talaga tol? eh ba't nandito to sa kwarto mo?" Tuloy lang niyang pang- aasar sa akin.

"For twice tol, hindi ko siya kilala. Napulot ko lang yan sa may kalye nung naglalakad ako. Iniwan ko na yan eh, pero hindi ko napansin na napasok ng bag ko." Kalmadong paliwanag ko sa kanya.

"Okay, okay masyado ka namang defensive. Eto titigil na baka magwala kapa eh."

Sinong magwawala? tadyakin kita jan eh!

Ipinababa ko muna si Brent, magbibihis lang ako saglit.

"Brent bumaba ka muna, magbibihis lang ako, tsaka tulungan mo muna si mom sa baba. Alalay din paminsan- minsan tol." Hinagisan ko siya ng unan para matikom ang bibig niyang parang pwet ng manok, ang tigas ng ulo at ayaw pang makinig.

"Huwag kang magsarili tol, masama yan!" Sigaw ng loko at tsaka bumaba na.

Sinirado ko ang pintuan ng kwarto at tuluyan nang nagbihis. Kinuha ko ulit ang litrato ng babaeng yon.

Napapahamak ako ng dahil sayo Miss Constancia.

Tinitigan ko ulit ang mukha niya. Hindi naman siya pangit, hindi rin masyadong maganda. Tama lang ang hitsura niya. Katamtaman lang ang ganda niya.

"I wonder where you are now Miss Constancia?" Tulalang tanong ko habang nakatitig sa litrato niya.