Habang nakahiga sila sa pahabang upuan ay nag uusap si Lyka at Blake tungkol sa nangyari kanina. Kinikilig pa din sila kina Tammi at Jenny. Pinagusapan din nila ang possibility ng come-back ng pag-ibig ni Tammi since magiging magka-partner sila. Bilib din sila kay Stan na ang bilis napapayag si Tammi. Akala nila mahihirapan silang kumbinsihin ito dahil hindi nga ito sumasali sa mga ganitong program. Pero isang salita lang ni Stan tiklop na si Tammi. Napangiti naman si Lyka ng nabanggit si Stan. Bumalik sa alaala niya yung mga sinabi ng binata sa kanya nung nakaraan.
"Beauty." aniya
"Uhm?" ani Blake
"Pwede mo ba akong turuan mag-ayos?" tanong niya
"huh?" nagtatakang tanong ni Blake "Paanong ayos?" anito
"Sabi kasi ni Stan, kasama kami sa JS Prom." paliwanag niya "So kailangan ko maghanap ng makakapartner ko for that day." aniya tumagilid si Blake paharap sa kanya
"Okay?" anito "Anong ayos naman ang gusto mo?" tanong nito
"Uhmmm" aniyang nag-isip "Yung parang ikaw, babaeng-babae." aniya "Gusto ko din mag-ayos na parang ikaw." aniya, napatitig si Blake sa kanya at hinaplos ang pisngi niya
"Maganda ka na Lyka. Wala na kailangan ayusin sayo." anito habang hawak ang baba niya, umiling siya
"May nagsabi sa akin na kung mag-aayos ako na parang tunay na babae mas gaganda pa ako." aniya at ngumiti habang pinipicture sa isip niya ang mga tingin sa kaniya ni Stan "Kaya kailangan ko matuto mag ayos na parang babae." aniya
"Naweweirduhan ako sayo." sagot nito
"Please." aniya "Please" ulit niya, napatango na lamang si Blake, talo talaga siya lagi dito. Hindi niya ito matanggihan.
"Yes!" tili niya "So ano gagawin natin bukas?" aniya
"Bukas?" anito, tumango siya
"Mamaya bibili tayo ng ipit sa buhok na pang-babae." anito "Para bukas aayusin natin ang buhok mo na tulad ng isang tunay na babae." dagdag pa at ngumiti dito as assurance.
"Okay." aniya. Saka naman pumasok sa classroom si Tammi na may dalang eco-bag laman ang mga baunan na hinugasan nito. Umupo siya at nakita niyang kasunod nito si Stan. Napatitig siya kay Stan. Bahagyang basa ang buhok nito na mukhang naghilamos. Pinagmasdan niya ito. Napaka-gwapo naman kasi talaga ng binata. At talagang maraming babae nagkakandarapa rito. Swerte lang nila ni Blake dahil kaibigan sila nito kaya nakakalapit at nakakausap nila ito. Unlike Tammi, seryoso at tahimik si Stan. Kahit mga kaklase nila ay nai-intimidate dito. Never pa din ito nagka-girlfriend. Hindi pa nila ito nakitang nagpakita ng interes sa babae kahit sa classroom nila. Kaya naman ng sabihan siya nito kahapon na maganda siya at iyon ang nakikita nito sa kanya. She felt special. She felt like SHE is special to Stan. Pinunasan ni Stan ang mukha niya ng dala nitong panyo. Napatingin ito sa kanya, ngumiti ito sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik. May iniabot si Tammi kay Stan kaya naagaw ang atensiyon nito. Binaling naman niya ang tingin kay Blake na tulog na. Nahiga siya ulit at nakangiting ipinikit ang mata para matulog.
1PM
Nag umpisa na ang first subject after ng Meal break nila. Nakapag-recharge na sila after ng halos isang oras mahigit na tulog. Tulad nila natutulog din si Stan at Tammi sa bakanteng upuan kapag break time. Madalas pa nga ay mas nauuna pa ito matulog sa kanila ni Blake. Focus sila sa lesson dahil ito ang teacher nila na mahilig magpa-quiz after each topic to test the students understanding. Dito sa subject na ito madalas sila magcompete nina Stan at Tammi. Lagi silang tatlo ang highest sa quiz sa subject na ito. Seryoso silang nakikinig at nagti-take note ng mga pinag-uusapan. At tulad ng inaasahan, after ng topic at bago matapos ang klase ay agad itong nag start ng quiz. Napasimangot si Blake. Sa subject talaga na ito siya palaging struggle. Buti na lang talaga at palaging to the rescue ang mga kaibigan niya. Masipag magturo sina Tammi, Lyka at Stan sa kanya tuwing review. Tuwing may bagong topic at hindi nila maintindihan. Sila-sila ang nag-o-organize ng review kaya naman hindi nila napapabayaan ang grades nila. Target kasi nilang apat na mag-aral sa iisang University pag college nila. And to do that, kailangan nila mag-maintain ng grades. Pagkatapos ng quiz ay umalis na ang teacher nila. Unlike a typical school set-up na sila-sila ang nagchecheck by exchanging papers dito hindi. Teacher nila mismo ang nagchecheck ng mga quiz nila. Agad din naman dumating ang bagong guro para sa English subject.
4:30 PM
Wasted na wasted na sila after ng klase kaya naman tumuloy sila sa usual na tuhog-tuhog na tinatambayan nila para mag-relax. Sa gutom at pagod tag-bebente pesos na kwek-kwek at hotdog ang binili ni Blake at Lyka pinartneran nila ng Capuccino Shake. Si Stan at Tammi naman parehong tigtatlong order ng steamed siomai at Hongkong Noodles at tag-bebenteng gulaman. Pagserve ng pagkain ay agad na nilantakan nila iyon.
"Naintindihan niyo ba ang topic sa English kanina." umpisa ni Tammi, tumango si Lyka at Stan
"Bakit?" tanong ni Lyka "May hindi ka ba naintindihan?" anito, tumango siya
"Medyo may hindi malinaw sa akin kaya uulitin ko basahin ang mga notes ko." aniya
"Need mo tulong ko?" sali ni Stan, tumingin siya ng diretso kay Stan
"Wag muna. Try ko muna intindihin. Kapag hindi ko kaya saka na ako pupunta sa inyo." aniya
"Okay." anito habang tumatango "Mauuna na ako may meeting pa kami." dugtong nito at tumingin kay Lyka "Si Luke na muna pagsusulatin ko tapos i-forward na lang niya sayo." anito tumango naman si Lyka na nakangiti. Stan tapped Her head and smile "Pahinga ka." anito saka kinuha na ang mga gamit at umalis.
Nagblush naman si Lyka sa ginawa ni Stan. Feeling niya kasi ang init ng pisngi niya at ang lakas ng kaba ng dibdib niya.
"May sakit ka ba?" tanong ni Tammi, umiling siya
"Wala. Masyado lang akong napagod sa sunod-sunod na pinapagawa sa amin ni Chairman." sagot niya. Tumango ito
"Baka masyado mo naman pinupush ang sarili mo hinay-hinay ka lang." payo nito
"Oo nga. Kasama sa pag-achieve ng kagandahan ang pahinga at alaga sa sarili." dugtong ni Blake, ngumiti siya kay Blake
"Yes beauty." aniya
"Maganda naman talaga si Lyka." ani Tammi at lumingon sa kanya "Lalo ka pang gaganda kapag sinunod mo mga payo ni Blake." dugtong nito at tumingin kay Blake "Tingnan mo si Blake. Para sa akin Diyosa siya sa ganda." dagdag pa nito. Napatingin si Lyka kay Blake saka binangga ang siko nito
"Uuuy Diyosa." tukso niya, namula ito saka itinuro sa kaniya ang stick ng hotdog.
"Gusto mo hindi na kita tulungan?" anito, tumawa naman siya
"Okay quiet na ako." aniya , napakunot naman ng noo si Tammi
"Tulungan saan?" tanong nito
"SECRET!" chorus ng dalawa
"Okay." anito na naweweirduhan sa kanilang dalawa.
Pagkatapos nila kumain ay dumiretso si Blake at Lyka sa tindahan ng mga abubot. Sumunod naman sa kanila si Tammi pero dun ito nakafocus sa mga keychains at mga collectibles ng One Piece na naka-display. Si Blake at Lyka naman ay bumili ng mga hairclip, hairpins, clams, at panyeta. Bumili rin sila ng liptint, face powder at clear mascara. Pagkatapos nila sa sari-saring abubot ay umuwi na sila at tulad ng nakagawian. Hinatid ni Tammi si Lyka bago ito umuwi sa kanila.
Pagdating sa bahay ay nagtext siya agad kay Blake.
"Beauty. Pssssssst." aniya sa text
"Yes pretty?" sagot nito
"Paano gagawin ko dito sa mga pinamili natin tomorrow?" aniya
"Videocall tayo bukas kapag mag-aayos ka na para maturuan kita." sagot nito
"Okay beauty. I love you." aniya na may kasama pang heart na emoji
"I love you too." reply nito. Dumapa siya sa higaan at binalikan sa alaala ang ginawa't sinabi ni Stan. Ang marahang pagtapik nito sa ulo niya at ang malambing na pagsabi ng "Pahinga ka" na kahit sinong babae ay bibigay talaga. Niyakap niya ang unan niya at tumingin sa larawan sa study table niya. Tinitigan ang lalakeng katabi ni Tammi sa picture.
"Stan." aniya ng pabulong "I think - I am falling for you." dugtong pa niya saka isinubsob ang mukha sa unan. Maya-maya ay narinig niya ang tawag ng kanyang Ina para kumain. Agad naman siyang tumalima dito at nagtungo sa hapag-kainan.
Nakatitig pa din si Blake sa text ni Lyka. Lagi na lang ganito ang ending ng conversation nila sa text, Lyka telling Her "I love You." and she will always respond "I love you too." to Her without Lyka knowing that it is Her true feelings.
"Lyka, I wish I can tell you how I really feel for you." aniya " My pretty." saka isinubsob ang mukha sa teddy bear na yakap niya bago niya mareceive ang message ni Lyka. Maya-maya ay narining niyang kumakatok at tinawag siya ng kapatid niyang si Blaze. Tumayo siya at binuksan ang pinto ng kwarto niya.
"Ano yun?" tanong niya, ngumiti ito
"Ate pwede ako pumunta kay Kuya Stan?" paalam nito sa kanya
"Wala pa si Kuya Stan. May meeting siya ngayon." sagot niya, nakita niya ang paglungkot ng mukha ng kapatid, naisip niya si Tammi, umupo siya sa at hinawakan ang pisngi ng kapatid
"Kung gusto mo dun na lang kina Kuya Tammi. Magaling di si kuya mag-play sa PS4." aniya, ngumiti ito
"Sige Ate." anito na agad namang sumaya
"Sige kunin ko lang celphone ko. Punta tayo kina Kuya Tammi." aniya at saka pumasok sa loob at kinuha ang celphone niya at wallet "Tara." aya niya dito at umalis na sila.
Habang naglalakad sila patungo kina Tammi ay bumili sila ng softdrinks at chichirya. Masaya si Blaze at excited ito dahil first time nito makakatambay kina Tammi. Matagal na niya gusto tumambay doon kasi nakakalaro niya lang si Tammi kapag natambay ito kina Stan. Si Stan ang madalas niyang kalaro kasi ito ang malapit sa kanila. Natatanaw na nila ang bahay nila Stan ng nagsalita ang Ate niya.
"Hanggang 7PM lang tayo ha. Gagawa pa ako ng assignments ko." anito, tumango naman siya
"Okay Ate." sagot niya ng makita niyang lumabas si Tammi at pumunta sa tindahan.
"Kuya Tammi!" sigaw niya napalingon ito at ngumiti ng makita siya huminto ito sa pglakad. Tumakbo siya agad at yumakap dito. Nakatingin lang ang Ate niya sa kanya. "Kuya laro tayo ng Fifa please." aya niya dito
"Fifa?" anito "Wala akong Fifa sa PS4 ko." dugtong pa, nalungkot siya, iyon kasi ang nilalaro nila ni Stan.
"Wala daw kasi si Kuya Stan sabi ni Ate kaya hindi ako makalaro sa kanila." aniya, tinapik-tapik siya nito sa ulo
"Ganito na lang. Marami naman akong games doon hanap tayo ng magugustohan mo ha." anito, ngumiti siya at tumango. Tumingin ito sa Ate niya na papalapit sa kanila at ngumiti.
"Pasensiya ka na. Wala akong mapagdalhan sa kaniya eh." anito,
"Okay lang." sagot ni Tammi "Buti wala akong training ngayon." dugtong pa nito. Iniabot ng Ate niya ang tinapay, chichirya at softdrinks na binili nila.
"Dami nito ah." pansin ni Tammi
"Para sa atin yan. Hindi pa din kami nagmemeryenda eh." sagot ng Ate niya.
"Let's go na Kuya." aya niya at humawak sa braso nito.
"Sige tara." anito at pumasok na sila sa bahay nito. Sumunod lang si Blake sa kanila.