Chereads / US AND LOVE / Chapter 12 - Confused Heart

Chapter 12 - Confused Heart

Hindi pa din siya maka-move on sa nangyari kanina. Hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili. Hindi din siya sigurado sa nararamdaman niya. Basta ang alam niya okay siya sa kung ano ang meron sila ni Stan. Though hindi siya sure kung ano talaga sila dahil tahimik lang si Stan at hindi nagbibigay ng kahit na anong reaksiyon sa ginawa nila last time, ngunit alam niya sa sarili na there is something there. Pero ito ba talaga ang gusto niya? Siya na matagal ng crush si Blake at dating nangligaw kay Jenny biglang magkakagusto kay Stan, isang lalaki, at bestfriend niya. Is He Gay or He is simply confused? Hindi din niya sigurado kung may gusto ba siya kay Stan o dahil lang sa muntik na may mangyari sa kanila kaya siya nakakaramdam ng ganito para sa kaibigan. Was it because Stan is His first kiss? Or was it because Stan is His almost first premarital experience. Nasa ganon siyang pag iisip ng dumating si Stan. Naghilamos ito.

"Tam." anito

"Uhm?" aniya habang nakatingin sa hinuhugasang baonan

"May pictorial kayo bukas para sa Nutrition Month Posters." anito "Magdala ka ng damit." dagdag pa, napahinto siya,

"Kahit anong damit?" tanong niya

"Siyempre yung pormal at presentable." anito,

"Sige maghahanap ako sa bahay." aniya at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa, pilit na nagfo-focus sa ginagawa dahil nadidistract siya sa wet-look nito after maghilamos.

"Kailangan mo tulong ko?" alok nito, bumuntong hininga siya, tumango at tumingin dito

"Oo, kailangan kita." sagot niya "Kasi hindi ko sure kung yung mahahanap ko eh pwede at babagay." dugtong pa niya, tumango ito

"Sige. Mamaya pag uwi." anito habang naglalagay ng toothpaste sa sipilyo, tumango siya ngunit maya-maya ay natigilan siya, may practice pala siya mamaya

"May practice pala ako mamaya kaya late pa ako makakauwi." aniya, natigilan ito saglit

"Daanan mo na lang ako sa bahay." anito saka nag-umpisang mag-sipilyo, tumango naman siya

"Okay." aniya saka ibinalik niya ang atensiyon sa paghugas ng baonan. Tiningnan niya ito saglit. Nakaramdam nanaman siya ng excitement. Marinig lang niya na makakasama niya si Stan ay nae-excite siya. Na-a-uplift ang mood niya pero hindi niya maintindihan kung bakit.

"Tulungan na kita." anito ng matapos magsipilyo at kinuha ang baonan na nasabunan na at binanlawan, ngumiti siya at pinagmasdan ang kaibigan.

"Bakit?" anito, umiling siya. "Bakit nga?" pilit nito, tumingin siya ng malambing dito

"Parang gusto ko na maniwala kay Blake." aniya, nakita niyang namula ang mukha nito

"Ikaw kasi masyado kang sweet." anito at tumingin ng seryoso sa kanya "Tuloy kung ano-ano na iniisip ni Blake." dagdag pa, napailing siya ng bahagya

"Ayaw mo ba sa sweet?" aniya at muli niya ito tiningnan ng malambing, SIRA KA TALAGA TAMMI. MANAHIMIK KA! saway ng isip niya, natawa ito at lumapit sa kanya na nakatingin ng diretso mata niya

"Gusto, basta genuine." sagot nito na parang nanghahamon, tumingin din siya ng seryoso dito, TANTANAN MO NA PLEASE ADIK KA TALAGA, aniya sa isip

"Do I look fake?" aniya at itinigil ang ginagawa niya "Mukha ba akong hindi seryoso?" dagdag pa niya at inilapit ang mukha niya dito habang nakatingin sa labi nito paakyat papunta sa mga mata nitong nakatitig sa kanya habang namumula ang mukha, bahagya niya kinagat ang labi niya, nakita niya tumingin ito doon

"Hindi." sagot nito at bumalik ng tingin sa mata niya "But it was so real that other people take it seriously." dagdag pa, ngumisi siya

"Talaga ba?" aniya "Well, you are lucky." dugtong niya habang lumalapit pa dito hanggang sa halos one inch na lang ang layo nila sa isa't isa at tumitig kay Stan ng seryoso "Kasi sa lahat sayo ko lang gustong maging sweet." dugtong pa niya, napa-atras ito't naiiling na natawang bumalik sa pagbanlaw ng baonan.

"So you're saying -"anito sa gitna ng ginagawa "I should take you seriously." anito, tumingin muli sa kanya lumapit naman siya dito

"Oo, kasi ako seryoso ako." aniya "Lalaban nga ako sa contest kahit hindi ko alam gagawin ko, para sayo." dagdag pa niya, napangiti ito na parang na-a-amaze sa kanya. Bumalik siya sa hinuhugasan "Kaya sana seryoso ka din na tulungan ako para hindi ako matalo." aniya sabay kindat dito, nagtinginan muna sila sa isa't isa saka nagtawanan.

Pagkatapos nila maghugas ng baonan at makapag-sipilyo si Tammi ay inilagay na nila sa ecobag ang mga baonan habang masayang nag uusap. Pagbalik sa classroom ay inaalo pa din ni Blake ang matampuhin nilang kaibigan na si Lyka. Bilang bunso sa kanila pikon talaga si Lyka sa asaran kaya naiintindihan niya si Blake. Ang hindi niya maintindihan ay ang reaksiyon ni Lyka sa biro ni Blake. Ayaw naman niya isipin na homophobic ito. O baka hindi lang siya open sa ganitong relasyon sa ngayon. Tumingin siya kay Stan. Paano kung i-push niya ang kung ano man ang meron sila ni Stan. Will Stan responds in the same way? If so, matatanggap kaya sila ng kaibigan or will they get disgusted? Tanong niya sa isip at muling tumingin kay Lyka at Blake.

Nahiga siya sa isang upuan sa tabi ng hinigaan ni Stan at ipinikit ang mata. Inirerelax niya ang isip at inalala ang napag-usapan nila kanina ni Stan na dadaanan niya ito pag-uwi. Na-excite siya. Maya-maya pa ay naramdaman nanaman niya ang weirdong feeling ng pagkasabik sa binata at pagkagising ng pagkalalake niya. Napadilat siya SHIT! aniya sa isip saka tumingin kay Stan na natutulog na. BAKIT BA PALAGI AKO NAKAKARAMDAM NG GANITO KAPAG INIISIP KITA? tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ito, ang matangos na ilong nito, ang mahahaba nitong pilik-mata, at ang natural red nitong labi. Lalong nanigas ang bagay sa ibaba niya kaya tumagilid siya patalikod sa binata para ikalma ang sarili.

Naramdaman niya na hindi mapakali si Tammi sa pagkakahiga nito kaya tumingin siya dito. Nakatalikod ito sa kanya. Tumingin siya sa puting ceiling ng classroom at binalikan ang tagpo kanina sa CR. Magkahalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ngayon. Kaba dahil sa parang habang tumatagal ay nagiging sweet sa kanya si Tammi at napapansin na ito ng mga kaibigan nila. Kilig kasi ang mga binitawan nitong salita kanina ay sapat na para mapanginig ang mga tuhod niya sa kilig. Excitement kasi magkikita at magkakasama sila mamaya para maghanap ng damit nito. Napangiti siya at ipinikit ang mata. Bumalik sa alaala niya ang araw na yun. Sa kwarto ni Tammi. Ng minsan sila muntik mawala sa sarili. Nakaramdam siya ng init ng katawan at napakagat sa labi. THAT WAS MY FIRST KISS. AND THE BEST THING IS, HE IS MY FIRST LOVE sigaw ng isip niya. I WANT TO KISS HIM AGAIN dugtong pa niya. Tumagilid siya patalikod kay Tammi ng maramdaman niya ang pagkagising ni junior. TIGILAN MO YAN STAN! saway niya sa sarili HUWAG KA MUNANG UMASA BAKA MASAKTAN KA LANG. ALALAHANIN MO ANDIYAN SI JENNY paalala niya sa sarili, pero muling bumalik sa isip niya ang sinabi nito sa CR kanina at ang paglapit nito sa kanya na nakatingin sa labi niya. PERO BAKIT PARANG GUSTO MO AKONG HALIKAN KANINA? aniya sa isip at muling binalikan ang alala ng halik at yakap ni Tammi nung gabi na yun. Napabuntong-hininga siya dahil sa lalong pagtigas ni Junior. KUMALMA KA STAN PLEASE. pakiusap niya sa sarili saka pilit na iwinaksi sa isip ang kaibigan.

5:30 PM

Pagod na naupo si Tammi sa upuan. First 10 minutes break niya. Agad uminom ng Gatorade at naupo. Napalingon siya sa may entrance ng Gymnasium at nakita niya doon si Blake. Naglalakad ito papasok at palinga-linga. Tumakbo siya palapit dito.

"Blake!" sigaw niya, napatingin ito sa kanya at ngumiti "Bakit ka nandito?" tanong niya luminga-linga ito sa paligid

"Malapit ka na ba matapos sa practice mo?" tanong nito, tumingin siya sa mga nagpapractice a ka-team mates

"Hindi pa 7 PM pa kami matatapos. Bakit?" sagot niya

"Wala lang. Antayin kita. Sabay na tayo umuwi." anito,

"Sigurado ka?" aniya na nag-aalala dito, tumango ito, "Sige dito ka maupo sa may bench malapit sa team." aniya at inakay ito patungo sa bench. Sumunod naman ito sa kanya at naupo sa kung saan siya kumportable at tanaw si Tammi. "Babalik muna ako sa court." aniya tumango ito at ngumiti. Bumalik nga siya sa court upang magpractice at nagfocus dito.

Nakatingin siya kay Tammi. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito. Magaling talaga ito maglaro ng basketball. Mapa sa court man o sa PS4 ay talagang nanalo ito. Hindi man ito kasing gwapo ni Stan ang lakas naman ng dating nito lalo na sa mga babae. Napakabait din ng kaibigan niya at napakacharming nito. Gustong-gusto siya ng mga kaibigan at ka-school mate nila kasi approachable ito. Ang ganda din ng built ng katawan ni Tammi, halos match sila ni Stan sa built ang pinagkaiba moreno si Tammi at mas matangkad ito ng kaunti kay Stan. Bumuntong-hininga siya. AFTER NG GINAWA KO KANINA, NALAMAN KO NA IMPOSIBLE KAMI NI LYKA aniya sa isip MUKHANG HINDI NIYA TANGGAP ANG GANITONG RELASYON aniya MUKHANG HOMOPHOBIC SI LYKA aniya. Tumingin siya ulit kay Tammi, naalala niya ang sinabi nito sa kanya noon sa classroom. Nung araw na sinabi nito na kung may liligawan man ito ay siya yun. Bumuntong hininga siya, IF IT COMES TO THIS, WILL YOU BE MY SAVIOR? tanong niya sa isip IF WHAT YOU SAID IS TRUE, MAGAGAWA KO KAYANG MAKIPAGRELASYON SAYO DESPITE MY FEELINGS FOR LYKA? dagdag pa niya. Nasa ganun siyang pag-iisip ng lumapit sa kanya si Tammi

"Okay ka lang?" anito, napakurap siya at bumalik sa ulirat, tumango siya

"Oo, okay lang ako." aniya

"Sige wait lang." anito at umalis pumunta sa coach nito, hindi niya naririnig ag pinag-uusapan ng dalawa ngunit mukhang nagpapaalam si Tammi. Maya-maya ay nagpasalamat ito at patakbong kinuha ang gamit at tumungo sa kanya "Tara na." aya nito

"Tapos ka na?" tanong niya

"Hindi pa pero nagpaalam na ako kay Coach, babawi na lang ako sa Friday." anito, tumango siya at tumayo, kinuha ni Tammi ang laptop bag niya at naglakad na sila palabas ng gym. Nakita niyang pawis na pawis si Tammi kinuha niya ang bimpo nito na nakasampay sa isa nitong balikat, sinenyasan niya si Tammi na lumapit sa kanya, lumapit naman ito, pinunasan niya ito mula ulo hanggang leeg nito

"Grabe pawis mo." aniya, napangiti ito

"Varsity ako normal mo na yan makita." anito

"So kapag nagka-girlfriend ka magiging tiga-punas siya ng pawis mo ganun?" tanong niya, ngumiti

"Uhm magiging part yun ng trabaho niya." anito "Or I should say magiging trabaho mo." dugtong pa sabay kindat sa kanya, inirapan niya ito

"Ayan ka nanaman sa ilusyon mo." saway niya, tumawa ito

"Gutom na ako. Kain muna tayo." aya nito tumango naman siya

"Sige." aniya,

"Nakauwi na kaya si Lyka at Stan?" anito habang papunta sila sa kainan

"Nakauwi na yun wala naman sila meeting sa SGO eh." aniya

"Eh ikaw bakit nasa school ka pa?" tanong nito

"Kakatapos lang ng practice ng presentation para sa Nutrition Day." aniya "Naisip ko lang na baka hindi ka pa nakauwi kaya dinaanan kita sa Gym." paliwanag niya, tumango ito, pumasok sila agad sa kainan ng makarating dito. Umorder sila agad ng pagkain pagdating doon.

Habang naglalakad pauwi ay napag-usapan nila ang nangyari kanina. Nag-sorry si Blake sa ginawa niya kanina. Hindi nito akalain na ganon ang magiging reaksiyon ni Lyka.

"Actually kahit ako nagulat sa iyo eh." aniya "Pag-isipan mo ba naman kami ni Stan." dugtong pa bumunghalit ito ng tawa "Oh? bakit?" tanong niya

"Kasi alam niyo yung itsura niyo kanina? anito sa gitna ng pagtawa "Para kayong mga batang nanguha ng chocolate sa guilty." dagdag pa hinawakan niya ito sa ulo at ginulo ang buhok nito

"Nagulat kasi kami bigla mo kami ginawang topic." aniya

"Ha ha ha pero seryoso." anito "Bagay kayo ni Stan." dagdag pa umiling-iling siya at tumingin ng seryoso dito

"Mas bagay tayo." aniya sabay kindat

"Weh!" anito at tumawa naman siya ng malakas.

"Hindi nga kung hindi lang kayo straights baka i-ship ko kayo ni Stan." anito, nagsimula na siyang kabahan hindi sumusuko si Blake

"Sa tingin mo bagay kami ni Stan?" tanong niya na nakataas ang isang kilay

"Oo." mabilis nitong sagot "May chemistry kayo ni Stan." anito "Kaso mukhang bet ni Stan si Lyka eh." dagdag nito, nakaramdam siya ng kaunting kurot sa puso niya

"Sa tingin mo may gusto si Stan kay Lyka?" seryosong tanong niya dito

"Possible." anito "Feeling ko lang." dagdag pa, natahimik siya, napa-isip. Paano kung straight nga si Stan at gusto nito si Lyka? Paano kung bugso lang ng damdamin ang lahat ng nangyari sa kanila. "Kung nakita mo lang kung paano sila magtinginan kanina habang papasok sa school." dugtong nito at nababakas niya ang lungkot sa tinig nito "Para silang bagong mag-jowa." anito, natahimik siya. Nalungkot siya at kinabahan. Nagseselos siya pero ang hindi niya sigurado ay kung kay Blake ba siya nagseselos o kay Stan.

"And posibleng gusto din ni Lyka si Stan." dugtong pa nito muli siyang natigilan at napatingin dito, bakas kasi ang lungkot sa tinig nito

"Paano mo nasabi?" tanong niya na naguguluhan din sa sariling nararamdaman.

"Hindi mo ba napansin ang biglang pagbabago ni Lyka?" tanong nito at tumingi sa kanya "I think Stan plays a big part of it." dagdag pa "After what I saw earlier. I have a feeling, Stan plays a big part in all of it." anito, natahimik siya SO KUNG MAY GUSTO SI LYKA AT BLAKE KAY STAN. SHOULD I ADD MYSELF IN THE EQUATION? tanong niya sa sarili.

Maya-maya ay natanaw niya si Stan sa malayo katabi nito ang kapatid ni Blake sa labas at naglalaro ng celphone. Lumingon siya kay Blake at nakita niya ang malungkot na tingin nito kay Stan. Napa-isip siyang muli SHIT MUKHANG MAY GUSTO NGA SI BLAKE KAY STAN? aniya sa sarili. Saka tumitig kay Stan habang naglalakad palapit sa bahay nila Blake na katapat ng bahay nila Stan kung saan naglalaro yung dalawa. Nang makalapit na sila sa dalawa ay napatingin si Stan sa kanila. Nagtama ang tingin nila. Lalong bumilis ang kaba ng dibdib niya. Tumayo ito na halatang nagulat.

"Ang aga mo ata." anito, saka tumingin kay Blake at ngumiti, ngumiti din naman si Blake dito, nakaramdam nanaman siya ng selos.

"Oo nagpaalam ako kay Coach na uuwi na para hindi gabihin si Blake." sagot niya "Saka medyo pagod na din ako eh." dugtong pa niya at bahagyang bumuntong-hininga, ang bigat ng dibdib niya, tumango-tango ito

"Eh di pupunta na tayo sa inyo?" anito, tumingin muna siya kay Blake saka tumango

"Sige tara." aniya

"Pupunta kayo kina Tammi? Bakit?" tanong ni Blake, sumagot si Stan

"Maghahanap kami ng isusuot ni Tammi bukas." anito, napa-isip ito at pagkuwa'y may naalala, nakataas naman ang kilay ni Tammi na nakatingin sa kanya

"Ay oo pictorial niyo bukas." anito ng maalala nito na siya pala dapat ang magsasabi kay Tammi "Kailangan mo magdala ng Formal Wear saka Sportswear ." dugtong nito, napakunot ang noo niya

"Sportswear? Talaga?" tanong niya

"Oo Sportswear." ulit nito

"Walang problema marami naman akong jersey dun." sagot niya, umiling ito

"Alam ng lahat na basketball player ka so expected na nila na Basketball uniform ang isusuot mo. Kailangan iba ang isuot mo sa contest." anito, nagkatinginan sila ni Stan saka tumingin ulit kay Blake.

"Wala naman akong ibang sportswear maliban sa uniform sa basketball." aniya ng nagsalita si Stan

"Si kuya." anito "Alam ko may uniform yun ng Tennis." dagdag nito, "Hanapin ko sa kwarto ni Kuya tapos sunod na lang ako sa iyo." dagdag pa, tumango siya

"Sige, sige." aniya saka tumingin kay Blake "Paano mauuna na ako." aniya dito saka binigay ang laptop bag. Ngumiti ito at tumango

"Sige ingat." anito

"Sama ako Kuya." biglang sabat ni Blaze, napatingin silang tatlo sa bata na nakangiting nakatingin kay Tammi, tumingin siya kay Blake

"Hindi pwede may gagawin si Kuya Tammi para bukas." saway ni Blake, yumakap naman ito sa baywang ni Tammi

"Please Kuya sama ako." anito at malambing na nagpapacute sa kanya "Please." anito, ngumiti siya at muling tumingin ka Blake

"Isama ko na tapos isabay na lang siya ni Stan pagbalik." aniya, pero namewang si Blake

"Tapos ka na ba sa assignments mo?" anito, yumuko ito at umiwas g tingin sa Ate niya "Ayan tayo, di ba sabi ni Mommy kapag may failing grades ka this period confiscated lahat ng gadgets mo. Gusto mo mangyari yun?" dagdag pa, umiling naman ang bata "So? ano dapat mong gawin?" tanong niya, tumingin ang bata sa kanya,

"After ng assignment ko Kuya, pwede kami pumunta sa inyo?" anito, tumango siya

"Oo naman, basta tapusin mo muna homework mo. Okay ba?" aniya, ngumiti ito at masayang pumasok sa loob ng bahay, naiiling na sinundan ng tingin ni Blake ang kapatid bago tumingin sa kaniya

"Sige na uwi ka na." anito at ngumiti "Ingat." dagdag pa, tumango-tango siya at lumingon kay Stan

"Sunod ka na lang." aniya dito, tumango naman ito at tumuloy na siyang umalis pauwi. Pumasok naman si Stan sa loob ng bahay para hanapin ang uniform saTennis ng Kuya nito.