Chereads / US AND LOVE / Chapter 16 - Muse

Chapter 16 - Muse

Lumipas ang ilang araw ay natapos ang Nutrition Month. At tulad ng inaasahan ay nanalo si Jenny at si Tammi sa Mr. Nutrition and Ms. Nutrition. After ng event na yun ay naging busy na sila sa kani-kaniyang activities sa school. Nag umpisa na din ang mga inter-school and division level contest kaya lalong naging busy si Stan at Lyka. Pareho silang panlaban ng school sa mga quiz bee at iba pang contest na related sa academics. Si Tammi naman naging busy sa school competitions sa Basketball. Habang si Blake ay sa mga Dancing, Acting, Singing contest at intermissions sa mga program na kasama ang school nila. Competitive silang apat kaya tuwang-tuwa sa kanila ang mga teachers nila. Bihira na sila halos magkita-kita sa school kahit na magkakaklase sila buti na lamang at sabay sabay sila lagi pumapasok sa school kaya kahit papaano ay nagkakasama pa sila.

Nagdaan pa ang mga araw at malapit na ang Annual Intramurals. Busy si Stan at Lyka sa pag-organize nito kasama ang buong team ng SGO. Si Tammi naman ang nag aasikaso ng plano sa mga sasalihan at gagawin ng section nila sa araw na yun kasi siya ang President ng PEHM subject nila. Kasama niya dito ang Muse na si Sasha. Ito ang lalaban sa Ms. Intrams kasama si Garrett para sa Mr. Intrams. Kasalukuyan silang nagmemeeting tungkol sa mga sasalihan na games na Volleyball, Sepak Takraw, High Jump, 1000 Meter Run both in Men and Women category , Chess, Essay, Poster Making at siyempre Basketball kung saan siya ang captain ng Grade 9. Apat na section sila sa Grade 9 at si Tammi ay kabilang sa Section Diamond.

"Week ng 17 to 21 ang date ng intrams." ani Stan "Magkakaroon tayo ng try out sa Monday. Lahat ng mapipili, may 3 weeks kayo na makakapag-practice bahala na kayo kung 3 times a week or less." dagdag pa sabay lingon sa president ng Section Ruby "Brent bukas ipalista mo yung mga pangalan ng mga sasali sa bawat palaro sa section niyo para sa Monday may kani-kaniya tayong focus ha." aniya tumango naman ito "Same sa inyo Emerald and Sapphire. Then bukas pag uwi mag-meeting tayo na mga officers kahit mga 30 minutes para paghati-hatian natin kung sino ang maghahandle ng bawat games para focus tayo sa mga ihahandle natin. Okay ba?" dagdag pa niya

"Yes Captain." chorus na sagot ng President ng Emerald at Sapphire

"Captain yung mga sasali sa basketball pwede ba sumali sa ibang laro?" tanong ng isa mga napili niyang forward na Section Sapphire, tumango siya

"Pwede naman basta hindi makaka-abala sa oras ng game natin." sagot niya "May sasalihan ka pa bang iba?" tanong niya

"Meron captain. Lalaban ako sa chess. Ako ang champion last year." sagot nito at naalala niya hindi nga pala sumali si Stan sa chess last year kaya iba ang defending champion

"Oo nga pala naalala ko." aniya "Mag-practice ka na kasi ang alam ko posible sumali si Stan." aniya, napailing si Blake na kadarating lang

"Huwag mo naman takutin Tam." sabat nito napatingin siya kay Blake, hindi niya namalayan na dumating na ito galing sa practice ng presentation ng Arts and Music Club para sa Buwan Ng Wika sa August 31. Ang ganda nito sa suot na yellow blouse.

"Sinasabi ko lang. Kasi posible nga sumali si Stan para makapag-handa siya." paliwanag niya, ngumiti naman ito

"Okay honey." anito, biglang tumahimik ang paligid at naglingunan ang mga babae kay Blake. Tila ba nabigla ang mga ito na tinawag nitong HONEY si Tammi. Pati siya ay napatingin saglit kay Blake, nakita niyang tumingin lang din ito sa mga babaeng tumingin sa kanya at nag-smile lang ito sa kanila.

"So yun na nga." basag niya sa katahimikan "Tonight pag-isipan niyo na kung saan kayong game sasali. Tapos bukas ipalista niyo sa President ng class niyo." sabay tingin sa mga kapwa niya President ng ibang section "And then tayo mag-meeting tayo after class bukas. Ha?" aniya tumango naman ang mga ito.

"Can I be the muse for the Basketball Team Tammi?" biglang tanong ni Jenny, nagulat si Tammi sa pag-volunteer nito, last year kasi hindi ito pumayag ng kinausap nila, napataas naman ang kilay ni Blake

"Oo nga Captain wala pa tayong muse." sang-ayon ng isa pang member ng basketball team. Nagtinginan naman ang mga boys. Tumingin siya kay Sasha

"Si Sasha kasi ang magrepresent ng Grade 9 sa Ms. Intrams kaya I assume na siya ang magiging muse." sagot niya, nakita niyang napasimangot si Jenny, na-guilty naman siya agad "Ganito na lang itatanong ko kay Sir Perez bukas kung sino sa inyo ni Sasha ang mag-Muse sa Basketball Team." aniya, tumango naman ito

"I think you should go with Jenny." ani Sasha, napakunot ang noo niya, habang halatang naiinis na si Blake pati siya ay medyo naiinis na din

"Bakit ayaw mo ba Sasha?" tanong niya

"Hindi naman." anito sabay tingin kay Jenny "Pero kasi di ba, si Jenny at Ikaw ang nanalo nung Nutrition Month so I think perfect na makita kayo ulit magkasama di ba. Ikaw as Captain and siya as Muse." anito na may halong kilig, napangiti naman si Jenny na halatang kinikilig din, napairap si Blake, napansin ito ng isa sa mga officers.

"Ewan ko lang ha." ani Jet, ang President ng Emerald, "Kasi ang alam ko ang sabi ni Sir ang Muse ng Basketball Team should be the Cheerleader of Grade 9 tulad last year." sabay tingin kay Blake. Tumingin naman ang lahat kay Blake na bahagyang nagulat sa sinabi ni Jet.

"May sinabi si Sir?" tanong ni Sasha dito, tumango naman ito

"Para ang focus ng Ms. Intrams ay sa contest lang. Then since whole game nasa court ang cheering squad, ang muse dapat yung cheerleader." paliwanag ni Jet, tumingin siya kay Blake

"Pag-usapan natin mamaya yung magiging costume mo at ng cheering squad." aniya, tumango naman ito, "Sino pa ang kasali sa cheering squad dito?" aniya, nagtaas naman ng kamay ang mga kasaling boys and girls "You are excused. You can go with Blake para pag usapan niyo ang mga gagawin niyo," aniya, nagtayuan naman ang mga ito at lumabas ng room kasama si Blake. "May questions pa kayo?" tanong niya sa mga natira sa loob. Nagtinginan naman ang mga ito at at umiling "Okay meeting adjourned." aniya at nag-umpisa na umalis ang mga kamag-aral niya. Maya-maya ay may lumapit na isang babae sa kanya. Binigyan siya nito ng C2 Apple at biscuit, napangiti siya na tinangap ito

"Salamat." aniya

"Welcome." anito saka tumalikod na

"Wait! Ano pangalan mo?" habol niyang tanong dito, lumingon naman ito

"Carly." anito,

"Salamat Carly." aniya, ngumiti lang ito at umalis na. Kinuha naman ni Jet sa kamay niya yung C2, binuksan ito ininom "Aw, ayos." aniya at naiiling na pinanood ang kaibigan na ininom ang C2 na para sa kanya.

"Aaahhh! Sarap ng libre." anito sabay kindat sa kanya "Type ka nun Pre." dagdag pa, napailing siya

"Issue ka." aniya, nagtawanan naman sila. "Paano bukas?" aniya sabay turo sa mga ito

"Yes captain." ani Brent at umalis na din ang mga ito. Naupo siya sa bench at kinuha ang cellphone, hinanap ang pangalan ni Stan at nagsend ng message dito

"Babe, busy ka?" text niya, maya-maya ay nagreply ito

"Babe? Wrong sent ka ata Tam" reply nito, napangiti siya

"Asan ka?" text niya ulit

"Nsa meeting ng officers ng Fil. Club ska ng AMC." reply nito

"Ah okay. Punta na ako sa Gym." paalam niya

"Okay." reply nito

"Later's Babe." reply niya saka kinuha ang bag at tumuloy na sa Gym para sa practice ng Basketball Team.

Napangiti siya sa last reply ni Tammi. BABE aniya sa isip, nakaramdam nanaman siya ng kilig at lumingon sa bintana sa direction ng GYM. Mula doon ay natanaw niya si Tammi na naglalakad patungo sa Gym. Kahit malayo ito ay alam na alam niya ang built ng katawan at lakad nito. Napabuntong-hininga siya saka ibinalik ang atensiyon sa meeting nila. Seryoso ang mga ito kasi almost 2 weeks na lang at Selebrasyon na ng Buwan Ng Wika. May mga contest na gaganapin ng 30 and then coronation night ng Mr & Ms Buwan Ng Wika ang highlight ng 31 after nun ay sayawan na para sa mga estudyante hanggang 12 midnight. Tumingin siya kay Lyka seryoso itong nagsusulat ng mga pinapag-usapan.

"Pres." bulong ni Luke and VP niya, lumingon siya dito "After nito babalik pa ba tayo sa SGO o uuwi na tayo?" tanong nito

"Ako dadaan pa sa SGO para magreport kay Chairman kung nandyan pa siya." aniya, tumango ito "Inaantay ka na ba ni Sasha?" tanong niya, tumango ito ulit, "Sige after nito mauna ka na." aniya, ngumiti ito

"Thank you Pres." anito at muling ibinalik ang atensiyon sa meeting.

Pagkatapos ng meeting ay umalis na nga si Luke at sila ni Lyka ang tumuloy sa SGO office para i-check kung nandoon pa si Chairman pero sarado na ang opisina nito kaya tumuloy na sila sa paglabas sa Main Building.

Paglabas ng building luminga-linga sa paligid si Stan at nahagip ng mata niya si Blake na katatapos lang din ng meeting at papunta sa direksiyon ng Gym. SAN SIYA PUPUNTA? HINDI PA BA SIYA UUWI? tanong niya sa sarili

"Uwi na tayo?" tanong ni Lyka sabay tingin sa direksyon ng tinitingnan niya "Si Beauty yun ah." anito "Baka dadaanan niya si Tammi." dagdag pa, natigilan siya, DADAANAN SI TAMMI? PARA ANO? PARA SABAY SILA UMUWI? aniya sa isip, nanikip nanaman ang dibdib niya

"Tawagin mo kaya." aniyang bigla, nagulat naman si Lyka

"Ha?" anito, tumingin siya kay Lyka na pinipigilan ang inis

"Tawagin mo para sabay na natin pauwi kasi 8 PM pa yun si Tam." aniya habang kinakabahan

"Okay." anito saka tinawag si Blake, "BEAUTY!" tawag nito, napalingon ito at ngumiti, kumaway si Lyka, kumaway din ito "UWI NA TAYO!" aya pa ni Lyka. Tumingin muna ito sa Gym bago naglakad papunta sa kanila, nakahinga siya ng maluwag. BUTI NA LANG aniya sa isip. Nang makalapit si Blake ay agad na niyakap ni Lyka.

"I miss you Beauty. Bihira na tayo nagkakasabay umuwi." anito, ngumiti ito

"Namiss din kita Pretty." sagot ni Blake "Buti na lang lagi mo kasama si Stan may nag-aalaga sayo." dagdag pa nito sabay tingin sa kanya. Bumitaw naman si Lyka saka humawak sa braso niya at bahagyang ihinilig ang ulo dito

"Oo nga eh, kahit papaano nababawasan ang pagka-miss ko sa inyo." anito na nakangiti. Nakaramdam siya ng awkwardness ng mga oras na yun kaya bumaling siya kay Blake

"Saan ka pupunta kanina?" tanong niya,

"Kay Tammi." sagot nito saka lumingon ito sa Gym

"Bakit?" tanong niya, tumingin ito sa kanya nag-tama ang tingin nila

"Kasi kapag pumupunta ako dun, pinapauwi sila ng maaga ni coach so nakakapahinga si Tammi ng maaga." paliwanag nito, tumango siya SO PARA KAY TAMMI KAYA KA PUPUNTA DUN? PARA MAKAUWI SIYA NG MAAGA KASABAY MO? NAISIP MO BA NA MALAPIT NA ANG CHAMPIONSHIP? gustong-gusto niyang itanong dito pero pinili niyang hindi sabihin

"Ganun ba. Ano uwi na tayo o hintayin natin si Tammi?" tanong niya dito,

"Ikaw, ako okay lang." anito, tumingin siya kay Lyka na nakatingin sa kanya

"Ikaw Lyka?" tanong niya, tumango ito

"Okay lang din sa akin." anito, bumuntong hininga siya, at lost siya sa dalawang ito talaga palagi

"Bili muna tayo ng makakain para may kinakain tayo habang nanonood sa kanila." aniya kay Blake, tumango naman ito

"Sige." anito, at naglakad sila papunta sa labasan ng eskwelahan para bumili ng pagkain. Nilingon ni Blake si Lyka na naiwan at nakatingin sa Gym.

"Pretty." tawag nito, sumunod naman ito agad sa kanila.

Pumipili ng pagkain si Blake at Stan sa tuhog-tuhog habang siya ay bumibili ng drinks. Namimigat ang dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang selos na nararamdaman niya. Nakita niya kung paanong titigan ni Stan si Blake ng papalapit ito sa kanila kanina. Kung paanong diretso itong tumingin sa mga mata ni Blake kapag kinakausap niya ito. Kung paano niya ito kausapin kanina na para bang nagseselos ito ng makitang papunta si Blake kay Tammi. Naalala din niya na ito din ang gusto ni Stan makapartner sa JS Prom. Napatingin siya kay Blake, bumalik sa alaala niya ang sinabi ni Stan noon na ito ang bias nito. Well, hindi naman talaga maikakaila, ang ganda naman talaga ni Blake. Ang ngiti nito ay parang ray of sunshine sa kanila. Kapag masaya siya ramdam sa paligid ang saya. Kapag malungkot siya, pati ang paligid ay naba-bother at nag aalala sa kanya. Siya ang tinatawag nilang sweetheart.

"Ineng!" tawag ng tindero sa kanya "Ayos ka lang?" tanong pa. Tumango siya nakita niya na iniaabot na nito ang apat na Shake na binili niya, ngumiti siya

"Ayos lang po Tatang." aniya saka iniabot ang bayad. Lumapit siya sa dalawa at nakita niya si Stan na nakatingin sa nilulutong pagkain habang naka-akbay kay Blake. Para itong mag-boyfriend na naghihintay ng pagkain. Napayuko siya at huminga ng malalim bago kinilabit si Stan, tumingin ito sa kanya.

"Matagal pa yan?" tanong niya pero ang tindera ang sumagot,

"Madali na lang neng." sagot ng tindera. Tumango siya. Maya-maya ay iniabot na nito kay Stan ang binili nila.

"Tulungan na kita." ani Blake sa kanya at kinuha ang isang plastic na dala niya na may dalawang drinks na laman. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Tumuloy na sila naglakad papunta sa Gym.

Pagdating doon ay sobrang liwanag ng mga ilaw sa Gymnasium. Nakita nila si Tammi na naglalaro ng practice game. Nagtungo sila sa bleachers na malapit sa likod ng coach ng team para doon manood. Nakita sila ng Team Manager ngumiti ito sa kanila.

"Wow someone has a visitor." anito saka lumingon sa mga ka-teammate ni Tammi at kumindat, napalingon sa kanila ang mga ka-teammate nito. Ngumiti sila. Lumapit yung isa sa magiging forward ng section nila sa darating na Intrams.

"Kumusta Pres?" anito kay Stan

"Ayos lang." sagot ni Stan "Practice game?" tanong pa, tumango ito

"Oo, lamang sila Tammi kaya focus siya na mamaintain ang lamang." sagot nito

"Nice." ani Blake saka bumalik ng tingin kay Tammi. Nakita niyang lumingon si Tammi direksyon nila at ngumiti ito. Hudyat na nakita sila nito. Kumaway silang tatlo. Maya-maya ay narinig nila na tumunog ang buzzer na naghuhudyat na tapos na ang first half. Agad nagpunta sa kani-kaniyang side ang mga players. Nakita nilang tumayo si Blake at pumunta sa bag ni Tammi. Kinuha nito ang mahabang bimpo. Maya-maya pa ay nakita nilang lumapit si Tammi dito at nagpapunas ng pawis. Para bang sanay na sanay na ito at para bang palagi itong ginagawa ni Blake. Napatingin siya kay Stan, nakita niya ang biglang pagseryoso ng tingin nito sa dalawa at pag tiim-bagang nito. NAGSESELOS BA SI STAN KAY BEAUTY? tanong niya sa isip at ibinalik ang tingin sa dalawa. Nakita niya lumingon sa direksiyon nila si Tammi. Ngumiti ito at sabay sila ni Blake na pumunta sa kanila. Nag-high five si Tammi at Stan siya naman ay kinurot sa pisngi nito

"Kumusta" anito "Bakit nandito kayo?" tanong pa

"Naisip namin na antayin ka." aniya saka iniabot dito ang isang drinks, nakita niyang isinabit ni Blake sa balikat niya ang bimpo ni Tammi. Inabutan din ito ng pagkain ni Stan.

"Ganun ba. Salamat." anito "Kaso gagabihin na kayo." dagdag pa na halatang nag-alala ito.

"Okay lang, wala naman tayong assignment ngayon eh." sagot ni Stan, tumango ito saka hinatak ang bimpo sa balikat ni Blake saka ipinunas sa leeg nito at dibdib saka ibinalik kay Blake. Kinuha naman ito ng dalaga at muling ibinalik sa balikat niya. Maya-maya ay tumunog na ang buzzer na hudyat ng start ng second-half. Tumayo na si Tammi kahit hindi pa ubos ang drinks nito at bumalik sa game. Sinundan nila ng tingin ang kaibigan. SI TAMMI BA AT BEAUTY? tanong niya sa sarili at tumingin kay Blake na nanonood sa laro. Dumako din siya kay Stan. Tahimik at seryoso itong nanonood habang kumakain. MAY GUSTO BA SI STAN KAY BLAKE? tanong niya sa sarili, KAYA BA ANG BILIS MAGPALIT NG MOOD NI STAN KAPAG NAKIKITA SILA MAGKASAMA? dagdag pa saka yumuko IF SO, PAANO AKO? tanong niya sa sarili, nangilid ang luha sa mata niya, pinunasan niya yun agad bago pa tuluyang tumulo. Tumingin siya sa naglalarong si Tammi, I NEED TO KNOW WHAT IS THE REAL SCORE BETWEEN YOU TWO aniya sa isip saka malungkot na pinanood ang game.