Naglalakad siya patungo sa palaisdaan habang pakanta-kanta ng paboritong kanta. Madaling araw noon at kailangan niya magtungo ng maaga sa palaisdaan at mag-aahon sila. Ng makarating ay kinuha niya ang lambat na ginagamit sa pag-harvest ng hito. Habang inaayos niya iyon ay napansin niya na may nakaupo sa may gilid ng fishpond at namimingwit. Nakatalikod ito sa kanya at umaawit ng kantang matagal na niyang hindi naririnig. Ang kantang ito ay ang kantang iniiwasang patugtugin ng kanyang Lolo ng napakatagal na panahon. Pinagmasdan niya ang nakatalikod na lalake. Pinagmasdan itong mabuti. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses nito. Boses na matagal na niyang hindi naririnig. Hindi siya maaring magkamali. Tinawag niya ito.
"Uncle Ding?" aniya. Tumigil naman ito sa pagkanta at lumingon sa kanya at ngumiti. Bumuhos ang luha sa mga mata niya at tumakbo palapit dito "Uncle Ding!" sigaw niya habang palapit dito.
"UNCLE DING!" aniya at nagising siya. Nakita niya ang asawa niya na nag-aalalang nakatingin sa kanya.
"Nananaginip ka." anito PANAGINIP? PANAGINIP LANG aniya sa isip at kinalma ang sarili
"Napanaginipan ko si Uncle Ding Mildred." aniya saka bumangon at sinapo ang mukha at umiyak. Bumalik sa alaala niya ang kanyang Uncle Ding at ang dinanas nitong pasakit ng dahil sa itinuturing na bawal na pag-ibig noon. Niyakap siya ng asawa at inalalayan siyang mahiga ulit.
"Maaring naalala ka ng Uncle Ding kaya ka niya binisita sa panaginip." anito "Bukas ng umaga maari nating bisitahin ang puntod niya. Wala ka naman gagawin bukas di ba?" dagdag pa. Patuloy lang siya sa pag iyak habang tumatango. Sa tanang-buhay niya ngayon lang siya muling nag-breakdown ng ganito. Nanatiling nakayakap ang asawa niya sa kanya hanggang sa muli siyang nakatulog.
Kinabukasan,
Pagdating sa school ay agad niyang hinanap si Jenny. Kailangan niya ipaalam dito agad na hindi na sila pwede mag-partner sa JS Prom. Nakita niya ito sa likod ng classroom nagwawalis kasama si Sasha at Blake. Inilagay niya ang gamit sa upuan niya at nagtungo sa likod. Si Blake ang unang nakakita sa kanya. Nagtama ang tingin nila. Kinabahan siya. RELAX KAILANGAN MO GAWIN TO aniya sa isip.
"Jenny!" tawag niya dito. Napalingon ito at ngumiti ng makita siya. Lumapit siya "Pwede ka makausap?" aniya. Tumingin ito kay Sasha at Blake. Mukhang nagets ng dalawa at agad na umalis. Naiwan silang dalawa sa likod ng classroom.
"Ano yun Tam?" anitong nakangiti. Bumuntong-hininga siya.
"Tungkol sa JS Prom." aniya "Hindi na pala ako pwede." dagdag pa. Napawi ang ngiti sa labi nito.
"Bakit?" tanong nito
"Nakalimutan ko na nakapangako na pala ako kay Papa na sa JS Prom si Lyka ang kapartner ko." palusot niya habang naka-cross fingers sa likod. "Kundi pareho kami hindi a-attend." dagdag pa. Nakita niya ang lungkot sa mata nito. Nakaramdam siya ng guilt.
"Pero nangako ka din sa akin di ba?" anito. Bakas ang lungkot sa mata nito. Napabuntong-hininga siya
"I'm sorry. Ang dami ko kasing iniisip nitong mga nakaraang-araw kaya nawala sa isip ko eh." aniya. Umiling ito,
"Maybe we can talk to Lyka. Pwede naman sila ni Stan magpartner di ba?" anito na halatang ayaw pumayag at nangingilid na ang luha sa mata nito. Napakamot siya sa ulo.
"Hindi pwede kasi pareho silang nasa SGO ni Lyka. Kaya si Blake na ang kinuhang kapartner ni Stan." aniya "And if hindi ako kapartner ni Lyka. Hindi siya papayagan ni Amang na umattend." dagdag pa niya. Hindi ito kumibo. "Jenny." malumanay niyang tawag. Tumingin ito sa kanya at nagtama ang tingin nila. Tumutulo ang luha sa mga mata nito. Naawa siya dito.
"No Tammi." anito "You've made your promise to me. And I will hold on to it." dagdag pa saka umalis at naiwan siyang nakatayo at natulala. WTF TAMMI! YOU FUCKED UP BIG TIME! nasabi niya sa sarili.
Nag-umpisa ang klase. Tulad ng napagkasunduan nila ni Tammi. They will keep the relationship between them so they act casually sa school. Napansin niya na tahimik si Tammi at panay buntong-hininga nito. Sumandal siya sa upuan niya para bumulong dito.
"What's wrong?" aniya. Tumingin ito sa kanya at muling bumuntong-hininga at muling umiling
"Hindi pumayag si Jenny." anito saka sinapo ang mukha sa frustration saka muling tumingin sa kanya. Nakaramdam siya ng inis at asar sa narinig at tumingin kay Jenny na katabi ni Sasha. Napatiim-bagang siya. "What should I do? Tiyak magagalit si Blake at Lyka nito." dagdag pa nito.
"Kakausapin ko si Chairman." aniya. Napatingin ito sa kanya "Kung papayag siya na ako makapartner ni Lyka sa JS prom." dagdag niya saka tumingin kay Tammi na nakataas ang kilay "Let's just hope that He will allow us." aniya. Tumango ito
"I will try to talk to her again." anito. Tumahimik na siya.
His inner thoughts are killing him. He is angry but can't speak of it. Tumingin siya ulit kay Jenny. Nakita niya nakatingin ito kay Tammi. At si Tammi ay nakatingin din dito. Napakumo ang kamay niya. Nagseselos siya. Kung hindi kasi ito mapapayag ni Tammi for sure ito ang magiging dahilan ng unang away nila. Hindi niya maintindihan kung bakit pero he started to feel possessive with Tammi. Is it because he loves him or he is just insecure? STAN BOYFRIEND MO NA SIYA. Paalala niya sa sarili at tumingin kay Tammi. YES HE IS MINE aniya sa sarili at napangiti siya. Tumingin ito sa kanya.
"It's okay. We'll work on it."aniya. Para namang nakahuma ito at ngumiti din at sumandal sa sandalan ng upuan.
Pagdating ng uwian ay tumuloy sila ni Stan sa office ng SGO. She was trying to act casually as she should but the thoughts of Stan chosing Blake over her still makes her feel sad and down. Tumingin siya kay Stan na nakatalikod sa kanya dahil nauuna itong naglalakad kasama si Luke. I HOPE ONE DAY YOU CHOOSE ME OVER BLAKE aniya sa isip. Lumingon si Stan. Natigilan siya at iniwas ang tingin dito.
"Okay ka lang?" anito. Tumango siya. Inabot nito ang kamay niya at hinawakan siya. Hinayaan niya ito. Naglakad silang muli na hawak-hawak ni Stan ang kamay niya papunta sa SGO office. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang nakatingin sa kanila ang mga estudyante na mga pauwi na din. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Ramdam niyang namumula siya.
"Sana All!" ani ng isa sa mga estudyanteng nadaanan nila. Napalingon siya sa direksiyon ng babaeng nagsalita. Nakita niya itong nakatingin sa kanila na nakataas ang kilay. Hindi niya ito pinansin at ibinalik ang atensiyon kay Stan. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad habang kausap ni Stan si Luke. Pagdating sa SGO office ay nagkanya-kanya silang punta sa mga table na naka-assign sa kanila. Maya-maya ay lumabas si Chairman at tinawag sila. May mga dala itong papeles na mga proposals na ipinasa nila kahapon para sa padating na Intramurals sa September at sa dadating na Buwan Ng Wika Celebration sa August 30-31.
Nag-umpisa ang mahabang meeting at discussion. Lahat ng issue na niriraise ni Chairman sa bawat topic sa proposal ay hinahanapan na agad nila ng solusyon para prepared sila. Mga quarter to 6 na sila natapos sa meeting. Nagliligpit na sila ng mga ginamit ng magsalita si Stan.
"Chairman." anito "May I talk to you?" dagdag nito tumango ito at pinasunod ito sa loob ng opisina. Nilapitan naman siya ni Luke
"Uwi na tayo." aya nito.
"Sige lang hihintayin ko si Stan." sagot niya. Tumango ito
"Okay sige mauna na ako." anito
"Ingat." aniya.
Naiwan siya doon na inaayos ang desk ni Stan. Inilagay niya ang laptop nito sa Laptop bag at inayos ang folders nito at inilagay sa loob ng bag. Pagkuway naupo sa upuan nito at doon nagmukmok. ANO KAYANG PINAG-UUSAPAN NILA? tanong sa sarili tumingin siya sa pintuan ng Chairman's office. Inaantay niyang lumabas mula doon si Stan.
"Yes Sir. Thank you." aniya saka tuluyang lumabas ng office ni Chairman. Hinagilap ng mata niya sa Lyka at nakita niya itong natutulog. Kinuha niya ang bag niya at ang laptop bag nilang dalawa saka tinapik-tapik ang balikat nito. "Lyka." marahan niyang tawag dito. Nagising naman ito at tumingin sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong nito saka naman lumabas si Chairman.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Chairman.
"Pauwi na po. Ginising ko lang po si Lyka." aniya, tumango ito.
"Sige sabay na tayo lumabas." anito, tumayo naman agad si Lyka at kinuha ang bag niya.
"Okay ka lang." tanong niya. Tumango ito. Pinauna niya itong maglakad palabas ng room at siya na ang naglock ng office at ibinigay ang susi kay Lyka. Tahimik silang naglakad palabas ng building. Habang naglalakad sila palabas nahagip ng mata niya si Jenny papunta ito sa Gymasium. Nagtaka siya, dapat kasi nakauwi na ito ng ganoong oras unless hinintay nito si Sasha na kasama ni Blake sa Theatre. Natigilan siya, BAKA HINIHINTAY NITO SI TAMMI aniya sa isip, napatiim-bagang siya.
"Stan! Pretty! pauwi na kayo?" ani ng boses sa likod nila. Lumingon sila pati si Chairman. "Good afternoon po." bati nito sa Chairman. Tumango lang ito.
"Sumabay ka na sa amin Ijah palabas na kami." anito. Umiling naman si Blake
"Naku mauna na po kayo Chairman dadaan pa po ako ng Gym." anito. Tumango naman si Chairman. Napatingin naman siya kay Blake.
"Ganon ba, o siya sige mauna na ako sa inyo." anito at tumingin sa kanya "Ikaw na ang bahala." anito sa kanya. Tumango naman siya
"Ingat po." aniya at nauna na nga ito. Tumingin siya kay Blake. "I need to talk to you." aniya
"Uhm ano yun?" tanong nito at tumingin sa kanya nagtama ang tingin nila. ANG GANDA TALAGA NG BABAENG TO aniya sa sarili na hindi mapigilang humanga kay Blake. Nakatingin lang si Lyka sa kanila
"Kinausap ko si Chairman about sa JS Prom." aniya
"Okay?" anito
"I asked him if I can have Lyka as my Partner since kami naman ang mag-organize nung event." aniya. Nanlaki naman ang mata ni Lyka na halatang nagulat sa sinabi niya.
"Anong sabi niya?" sagot ni Blake na nakangiti.
"Pumayag siya. As long as - " aniya na nagdadalawang isip. Nakatunghay naman sa kaniya ang dalawa
"As long as?" ani ng dalawa
"As long as papayag ka na makapartner ka ni Andrew." aniya. Napakunot ang noo nito. Halatang hindi nito kilala si Andrew
"Andrew? Sinong Andrew?" anito
"Si Andrew yung pamangkin ni Chairman section Emerald." aniya. Nag-isip ito.
"So you're saying. Papayag si Chairman na i-break ang rules at magpartner kayo ni Lyka as long as papayag ako makapartner si Andrew?" anito. Tumango siya
"In that case hindi na kailangan ni Tammi i-turn down si Jenny." aniya. Napangisi ito halatang hindi nagustohan ang huli niyang sinabi.
"Bakit anong sabi ni Jenny?" tanong nito, bumuntong-hininga siya.
"Hindi pumayag si Jenny na hindi tuparin ni Tammi ang pangako niya. Kaya I talked to Chairman to find a way." paliwanag niya. Tumingin si Blake kay Lyka. Nakita niya nagtitigan ang dalawa. Bumuntong-hininga si Blake at tumango.
"Sige I'll do it." anito,
"Beauty." biglang sabi ni Lyka. "Pag isipan mo kaya muna." anito. Tumingin si Blake dito
"Would you rather have Andrew instead of Stan?" tanong nito. Natigilan si Lyka halata kasi sa boses ni Blake a pagka-sarcastic nito.
"Tama na yan." aniya "Tama si Lyka, pag isipan mo muna. And I'm sorry dapat pala sinabi ko muna sayo bago ako nakipag-usap kay Chairman." dagdag pa.
"It's alright." sagot nito "Sasama ba kayo sa Gym?" tanong nito na halatang iniiba ang topic, umiling siya, nandon si Jenny, ayaw niya makaharap ito. Isa pa baka lalong magalit si Blake kapag nakita ito kaya naman inaya niya itong umuwi.
"Uwi na tayo Blake." aya niya
"Hindi na natin hihintayin si Tammi?" anito
"Gagabihin yun kaya mauna na tayo. Marami tayong assignments." pilit niya. Tumingin ito sa gym. Hinawakan niya ang kamay nito at hinatak palapit sa kanya kaya naman bahagya itong napasubsob sa dibdib niya. Tumingin ito sa kanya at muling nagtama ang tingin nila
"Let's go home." aniya habang nakatitig ng diretso mga mata nito. Ginamit niya ang dominant aura niya na madalas niya gawin kay Blake kapag makulit ito. Tumango naman ito saka hinawakan sa kamay si Lyka at sabay-sabay silang naglakad palabas ng campus. Hindi niya binitawan ang kamay ni Blake hanggang sa makalabas sila ng campus.
Dumaan sila sa bilihan ng tuhog-tuhog para bumili ng makakain bago umuwi. Dito lang niya nakitang binitawan ni Stan si Blake. Napayuko siya. Kanina pa niya pinipigilang mapaluha. Masaya siya, oo, dahil gumawa ng paraan si Stan na makapartner siya. She felt so happy and once again nabuhay ang pag asa sa puso niya. Ngunit ang dahilan kung bakit siya naluluha ay dahil din mismo kay Stan. Kung paano nito tingnan si Blake ng malamang balak nito pumunta kay Tammi. Ramdam niya na nagseselos ito dahil sa paraan ng pakiki-usap nito kay Blake na ginamit pa pati ang assignments nila. Mas lalo siyang nadurog ng makitang hatakin ni Stan palapit sa kanya si Blake at tumitig sa mga mata nito para pilitin itong umuwi kasama nila. Tumulo na ang luha niya na agad niya pinunasan. Siya namang lingon ni Blake sa kanya
"Ano gusto mo Pretty?" tanong nito, tumingin siya dito at pilit na ngumiti
"Fishball at Kikiam tig-ten." sagot niya, bumaling ito sa tindera
"Fishball at Kikiam pa po tig-Ten." anito, hinagilap ng mata niya si Stan nakita niya itong bumibili ng palamig. Nakatalikod ito sa kaniya. Kahit nakatalikod ito ay alam mong gwapo ito at matikas na lalake. Proportion ang katawan nito sa height niya. Napakakinis pa ng maputi nitong balat. Maya-maya ay lumapit si Blake sa kanya dala ang pagkain niya. Ibinigay nito sa kanya ang dalawang baso na may lamang pagkain. Ang isa ay sa kaniya ang isa ay kay Stan. Hinintay nila si Stan.
"Ikaw na bahala magsubo kay Stan ha." ani Blake habang pinapanood nila ang palapit na Lalaki
"Ha?" nagulat niyang tanong, inginuso nito ang dalang dalawang laptop bag ni Stan sa isang kamay.
"Dami niyang dala hindi yan makakasubo habang naglalakad tayo." anito. Napatango siya involuntarily. Pagkalapit nito ay iniabot kay Blake ang plastic na may lamang tatlong palamig. Kinuha naman ni Blake iyon at ibinigay kay Stan ang isa. Tiningnan siya ni Blake para senyasan na subuan si Stan. Tumuhog siya ng isang kikiam at iniambang isubo kay Stan. Agad namang ngumanga si Stan at kinain ang kikiam. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib niya. Habang tinitingnan ang labi nito. Napalunok siya at napasubo ng sarili niyang pagkain gamit ang stick ni Stan ng hindi niya napapansin. Tumingin ulit sa kanya si Stan. Agad niya itong sinubuan muli ng pagkain. Bawat subo niya ay malugod lang na tinatanggap ni Stan. Hindi siya sanay dahil ang madalas na gumagawa nito ay si Tammi o si Blake. Hindi niya napansin na nanonood sa kanila si Blake na bakas ang lungkot sa mata nito.
Tanaw na nila ang bahay nila Stan at tapos na din sila sa kinakain nila. Binigyan siya ng wipes ni Blake at sinenyasan siya na punasan ang labi ni Stan. Pinandilatan niya si Blake pero sinenyasan siya nito na parang sinasabi na GUSTO MO AKO GUMAWA? saka tinaas ang isang kilay. Kinuha niya ang wipes sa kamay nito saka agad pinunasan ang labi ni Stan. Hindi pa din ito nagreact at hinayaan lang siya kabaliktaran ng pakiramdam niya. Sa pagdampi kasi ng kamay niya sa labi nito ay may kung anong kuryente ang gumapang sa buong katawan niya na naging dahilan ng saglit na pagtitig niya sa labi nito.
Pagdating nila sa may tapat ng bahay nila Stan at Blake ay agad na ipinasok ni Stan ang gamit niya sa loob ng gate na agad naman kinuha ng Yaya Tising. Pagbalik ni Stan ay nagpaalam na si Blake na papasok na din siya. Ihahatid pa kasi ni Stan si Lyka. Tumango lang silang dalawa.
"See you tomorrow." anito at pumasok na sa gate.
"Tara." aya ni Stan at muling kinuha sa kanya ang laptop bag at umakbay sa kanya habang naglalakad. Tumingin siya sa binata na seryosong naglalakad.
"Thank you Stan." sa wakas ay nasambit niya. Tumingin ito sa kanya at tumango
"Hmmm." anito at muling tumingin sa daanan nila. Napatingin siya ulit sa labi nito. Napapikit siya at napakagat sa sariling labi
"Sa tingin mo papayag kaya talaga si Blake?" tanong niya. Narinig niya na bumuntong-hininga ito.
"Kasalanan to ni Tammi eh. Agad-agad nangako kay Jenny tuloy si Blake ang naiipit." anito na bakas sa tinig ang frustration.
"I'm sorry. Dahil sa akin kaya nangyayari to." aniya, nagi-guilty siya para kay Blake. Minsan nakakabwisit na rin ang Tatay niya na sobrang higpit sa kaniya. Umiling si Stan at tinapik-tapik ang ulo niya na parang Kuya na kino-comfort ang bunsong kapatid.
"It's not your fault." sagot nito "Don't worry baka may mahanap pa tayong ibang paraan." dagdag pa. Tumingin siya dito nagtama ang tingin nila. Ngumiti ito "Can I have a smile?" dagdag pa sa malambing na tinig habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya. Hinawakan siya nito sa kamay, hands interlocked, at nagpatuloy sila sa paglalakad. His actions again sends flutters to her heart. Making her fall for him more. Tumingin siya sa binata na nakatingin sa malayo habang nakangiti, I PRAY THAT ONE DAY I WILL BE THE REASON OF YOUR SMILE aniya sa sarili at muling ibinalik ang tingin sa daan. AND YOU WILL BE HOLDING MY HAND LIKE THIS - ALWAYS dagdag pa.