Kinabukasan.
Maagang naghanda sa pagpasok si Tammi dahil may training sila. Pinaghanda siya ng baon ng kaniyang Nanay at nagbalot ng extra para sa mga kaibigan niya. Nakatulog naman siya ng maayos kasi 7 PM kagabi ay umalis na din sila Blake kaya naman nagkaroon siya ng time mag-review at matulog ng maaga. Nagdala siya ng extrang damit para kung sakaling pawisan siya ay may maipapalit siya lalo na at katabi niya si Stan. Mula kasi nung araw na yun mas extra careful na siya sa katawan niya. Ayaw na niya na mag-amoy araw o amoy pawis siya sa tabi ni Stan.
"Alis na ako Ma." paalam niya sabay nag-mano sa Mama niya.
"Sige, mag-ingat ka." anito saka siya tuloy-tuloy na umalis.
Habang naglalakad palabas ng compound nila siya namang pagdaan ni Jenny na nakasakay sa tricycle. Pinahinto nito ang tricycle saka dumungaw mula doon.
"Tammi!" tawag nito sa kanya na nakangiti habang kumakaway "Sakay ka na." aya nito
"Talaga? Salamat." aniya at agad na umangkas sa may likod ng Driver "Ang aga mo ata." aniya kay Jenny ng makasakay
"Cleaners kami ngayon sa classroom kaya nasa akin ang susi." sagot nito, napatango siya
"Kailan pala tayo magpapractice nung sa Nutrition Month?" tanong niya
"Uhm wala pa update si Blake eh. Hinihintay ko din. Siya kasi ang in-charge." sagot nito, tumango lang siya ulit at itinuon ang tingin sa daan. Nakangiti namang nakatingin sa kanya si Jenny.
Nakatitig pa din siya kalsada. Naninikip ang dibdib niya at nakatiim-bagang. Selos na selos siya dahil sa nakita niya kanina. Ang paghinto ng tricycle nila Jenny. Ang pagkaway nito at pag-aya na sumakay si Tammi doon. At ang agad-agad namang pagsakay ni Tammi na nakangiti pa sa dalaga. Padabog niyang sinara ang sliding door ng kwarto niya na nakaharap sa terrace. Dumiretso sa banyo at naligo. Doon siya umiyak habang tuloy-tuloy ang buga ng tubig sa shower.
"Tammi." bulong niya habang umiiyak "How to not love you?" dugtong pa.
Wala siya sa sarili na lumabas ng gate. Wala siya sa mood pumasok. Hindi rin siya kumain ng agahan dahil nawalan siya ng gana. Habang isinasara niya ang gate ay nakarinig siya ng tawag sa likod niya.
"Stan." tawag nito, humarap naman siya at napahinto. Natulala. Namangha. Kumurap-kurap siya ng paulit-ulit pero talagang iyon at iyon ang mukhang nakikita niya. Isang magandang babae ang nasa harap niya. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at may part ng buhok nito na naka-clip. Ang mga mata nito na buhay-buhay dahil sa mascara at ang labi nitong nakangiti na mas lalong gumanda dahil sa Liptint.
"Lyka?" aniya na hindi makapaniwala, nakangiti lang ito sa kanya "Wow." dugtong pa niya
"Bagay ba?" tanong nito sabay hawi ng buhok, tuwang-tuwa siyang sumagot
"Oo naman. Ang ganda-ganda mo." aniya "You look perfect." dugtong niya pa, napayuko ito na halatang nahiya.
"I know right." ani pa ng isang boses sa likod ni Lyka "May bago ng Diyosa." dugtong pa nito na nakasimangot, lumingon si Lyka dito at tumawa
"Beauty." saway ni Lyka na nahihiya
"It's true." sang-ayon niya "You look like a Goddess." aniya "But of course, Blake is still my bias." aniya at pabirong tiningnan si Blake at binigyan ng matamis na ngiti
"Talaga?" sagot nito sabay hawi ng buhok at ngumiti ng proud na proud.
"Oh eh di ikaw na." ani Lyka, nagtawanan sila, kinuha ni Stan ang Laptop bag ni Lyka at saka inakbayan ito.
"Tara na at baka malate pa tayo." aya niya at naglakad na sila papunta ng eskwelahan. Panaka-naka siyang tumitingin kay Lyka. Kahit papaano ay na-uplift nito ang mood niya after makita ang pagbabago nito into a beautiful girl.
"So si Lyka lang aakbayan mo?" pabirong maktol ni Blake "Akala ko ba ako ang bias mo?" pacute pa nito, natatawa naman siyang humarap
"Oh, selos naman agad." aniya saka inakbayan si Blake "Pasensiya na sa bag." aniya pa sabay kindat dahil hawak niya ang bag ni Lyka, sinagot siya nito ng ngiti "Happy?" tanong pa niya at tumango ito at lalo pang nilaparan ang ngiti, natatawa siyang umiling at nagtuloy-tuloy sila sa paglakad.
Pagdating nila sa school lahat ng madaanan nila ay nakatingin sa kanila. Ang iba ay napapatabi pa sa gilid. Napapagitnaan nina Blake at Lyka si Stan. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa ang isa ay hawak ang laptop bag ni Lyka. Agaw pansin din ang bagong make-over na si Lyka na for the first time ay nakita nilang may clip sa buhok at nakaayos na pang-babae. Napakaganda nito na halos pantayan ang ganda ni Blake na nasa kabilang gilid ni Stan. Lahat ng madaanan nila ay napapa-wow. Ang iba naman ay napapa-ismid lalo na ang mga babaeng may gusto kay Stan. Pagdating nila sa classroom ay biglang nagbago ang mood niya ng makita si Jenny. Napakunot ang noo niya at tumuloy sa upuan niya. Ibinaba ang gamit niya at inilagay ang laptop ni Lyka sa upuan nito saka kumuha ng walis at lumabas. Cleaners kasi sila sa likod.
"Wow Lyka ang ganda-ganda mo today." narinig niyang bati ni Jenny kay Lyka, napa-ismid siya at nagmamadaling nagpunta sa likod para mag-walis. SIRA NANAMAN ANG ARAW KO loob-loob niya.
Napapahawi na lang ng kanyang buhok si Lyka dahil sa mga pagbati na binibigay sa kanya ng mga kaklase. Lahat sila ay tuwang-tuwa sa pagbabago nito. Inaasar din siya ng iba na baka daw may nagpapaganda na sa kanya na sinasagot niya lang ng matamis na ngiti. Siya namang pagdating ni Tammi na nagulat at nagtaka sa itsura niya. Natatawa nitong tinanong siya
"Ano nangyari sayo?" tanong nito, nagkibit-balikat siya at ngumiti dito,
"Blake, anong ginawa mo dito?" pabiro nitong tanong kay Blake, nagkibit-balikat lang din ito at bumalik sa ginagawa niya, iiling-iling ito at tumatawang tumingin ulit sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Well, I like it." anito at ngumiti "Ang sarap sa mata." anito saka pumunta sa upuan nito at inilapag ang mga gamit. Nakita niyang luminga-linga ito waring may hinahanap.
"Si Stan?" tanong niya, tumingin ito sa kanya at tumango. "Nasa likod." aniya, agad naman itong lumabas at nagtungo sa likod dala ang walis ting-ting.
Pagdating ni Tammi sa likod ay agad na hinanap ng mata niya si Stan. Nakita naman niya ito na seryosong nagwawalis. Agad din naman siyang tumulong dito. Napahinto ito saglit, napatingin sa kanya at bumuntong hininga. Pagkatapos magwalis ay wala itong kibo na bumalik sa loob ng classroom. Nagtataka naman siya dito. Ito ang unang beses na hindi siya binati nito. Sumunod siya dito at nakita niya na nagtungo ito sa banyo ng boys. Sinundan niya ito. Pagdating niya sa banyo ay nakita niya itong naghihilamos ng mukha. Naghugas siya ng kamay at naghilamos din.
"Okay ka lang?" aniya, huminto ito at tumingin sa kanya sa salamin, tumango lang ito at akma ng aalis ay agad niyang hinawakan ito sa braso "May problema ba?" tanong niya lumingon ito sa kanya na bakas ang lungkot sa mukha, umiling lang ito at nagpatuloy na umalis. Sumunod naman siya dito na naguguluhan. Pagpasok sa classroom ay agad sila naupo para magpahinga. Pinunasan niya ang mukha ng bimpo ganun din si Stan. Sumandal siya sa upuan "Kung may nagawa ako. You can talk to me." aniya ng malumanay habang nakatingin kay Stan. Lumingon ito sa kanya, nakita niya ang lungkot sa mukha nito na parang malalim ang iniisip.
"Okay lang ako." sagot nito "Marami lang akong iniisip." dagdag pa saka muling umiwas ng tingin sa kanya. Kinabig niya ang katawan nito palapit sa kanya at tinitigan ang mukha nito na halatang nabigla sa ginawa niya
"Tammi." saway nito sabay tingin sa paligid nila at pabalik sa kanya
"Gusto lang kitang tingnan ng malapitan." sagot niya, nakita niyang lumambot ang tingin nito sa kanya, tiningnan niya ang labi nito at pabalik sa mata nito "Pinagbalot ka ni Mama ng Nilagang Baka. Yung paborito mo. Kaya huwag ka ng bumili ng pagkain mamaya." malambing niyang sabi. Tumango naman ito at saka niya ito binitawan at naupo sila ng maayos.
Hindi mapakali si Stan. Hindi niya inasahan ang ginawa ni Tammi sa kanya kanina. Ang pag-kabig nito sa kanya palapit sa katawan nito na nagpabilis ng pagtibok ng puso niya. Sumandal siya sa upuan at tumingin siya kay Tammi na seryosong nakikinig sa Teacher nila. BAKIT MO GINAWA YUN? WHAT IS YOUR INTENT? AASA BA AKO SAYO? ANONG GUSTO MONG MANGYARI? sigaw ng isip niya. Bumuntong-hininga siya at umiling saka muling sinubukang mag focus sa klase.
11 AM
Lunch break at bumili si Blake at Lyka ng drinks at si Stan at Tammi ang nag-ayos ng pagkakainan. Tulad ng nakasanayan si Tammi ang may dala ng pang-sapin nila sa mesa. Inilabas nito mula sa eco bag ang baon nito. Tatlong tupperware ang nilabas ni Tammi. Isang malaki at dalawang maliit. Nagtungo siya sa canteen para initin sa Microwave ang ulam nila dala pati ang ulam nila Blake at Lyka. Naiwan si Stan at binabantayan ang mga baon nilang kanin. Maya-maya ay lumapit si Jenny.
"Hi Stan." anito, napalingon siya dito, mukhang may hinahanap ito "Si Tammi?' tanong nito, nagdadalawang isip siya sumagot
"Uhm nag-init ng ulam sa Canteen." sagot niya, tumango ito
"Pakisabi may pictorial kami bukas para sa Nutrition Month so magdala kamo siya ng damit." anito, tumango lang siya "Okay, thank you." anito at umalis na. Mukhang uuwi ito ngayon. Siya namang dating nina Blake dala ang binili nito. Iced Tea para sa kanila ni Tammi. At Capuccino Shake sila ni Lyka.
"San na si Tammi?" tanong ni Blake
"Nasa canteen iniinit ang ulam natin." sagot niya
"Parang hindi ka okay Stan. Kanina ka pa nakasimagot." pansin nito
"Ang aga kasing nasira ng araw ko eh." sagot niya
"Bakit anong nangyare?" tanong ni Lyka, sasagot na sana siya ng dumating si Tammi.
"Pasensiya na may pila kasi." anito saka inilapag ang dala sa mesa. Iniabot niya ang kani-kaniyang ulam. Huli niyang ibiniggay ang kay Stan.
"Wow Stan ang sarap ng ulam mo." ani Blake, tipid siyang ngumiti
"Wag ka mag-alala meron din tayo niyan." sagot ni Tammi at binuksan ang malaking baonan at tumambad sa kanila ang Nilagang Baka sa isang side at Pritong Hito sa isang side.
"Eh bakit nakahiwalay yung kay Stan?" tanong pa nito, tumingin lang siya kay Tammi, nakakaramdam siya ng hiya at the same time kinikilig siya dahil si Tammi ang sumasagot para sa kanya
"Si Mama kasi nagbalot niyan. Alam kasi niya na paborito ni Stan yung Nilagang Baka na maraming gulay." sagot nito habang busy na inaayos ang pagkain "Di ba?" anito sabay tingin sa kanya, nahihiya naman siyang tumango at pilit ngumiti. "Kain na tayo gutom na ako." aya nito at nag-umpisa na silang kumain. Hindi niya mapigilang mapangiti bawat subo niya ng pagkain at saka nanakaw ng tingin kay Tammi. Kinikilig siya. Maya-maya ay inilabas ni Lyka ang dalang saging
"Uy bagong ani ni Amang?" tanong ni Tammi. Ngumiti si Lyka
"Oo. Sarap nga eh." sagot nito at inilagay niya sa gitna ng mesa. Kumuha si Tammi ng dalawa ang isa ay ibinigay sa kanya
"Hito gusto mo?" tanong nito sa kaniya,
"Uhm." aniya sabay tango. Kinuhaan siya nito ng pritong hito at bumalik muli sa pagkain. Hindi nila napansin na pinagmamasdan sila ni Blake, ngumiti ito
"Ang sweet niyo." pansin nito, napatingin silang dalawa ni Tammi dito "Kulang na lang subuan mo si Stan." dagdag pa. Nagkatinginan silang dalawa ni Tammi. Namula ito.
"Yan ka nanaman sa issue mo." saway ni Tammi
"Oo nga Beauty. Issue ka." sang-ayon ni Lyka, hindi siya makakibo, nagpapanic ang isip niya, NAKAKAHALATA NA BA SI BLAKE? tanong niya sa sarili
"Bakit? Sabi ko lang naman sweet sila ah." protesta ni Blake sabay ngiti ng matamis sa kanila ni Tammi, muli sila nagtinginan ni Tammi
"Tigilan mo yan Beauty." ani Lyka "Hindi nakakatuwa?" dugtong pa, tumingin siya kay Lyka, kay Tammi at pabalik kay Blake
"Bakit?" anito ulit na parang natutuwa pa sa ginagawa niya
"They are boys. Okay?" ani Lyka, napailing si Blake at napabunghalit ng tawa
"So you mean because they are boys they can't be together?" anito, nagkatinginan sila ni Tammi
"Beauty." ani Lyka na napipikon na
"Tama na yan Blake." aniya
"Bakit?" tanong nito "Did I say anything wrong?" dagdag pa.
"Yes. It's like you're assuming they are gays when they are not." sagot ni Lyka, natatawang naasar na si Blake, sasagot pa sana ito ng muli siya pagsalita
"Tama na yan. Nagkakapikonan na kayong dalawa." aniya, tumingin si Blake sa kanya "Pag hindi ka tumigil hahalikan kita." aniyang pabiro pero seryosong nakatingin kay Blake, napa-ismid ito
"I dare you." sagot nito sabay taas ng kilay, ngumisi siya,
"Don't say I didn't warn you." aniya, namewang ito ang isang kilay naman ang itinaas
Tumayo siya at aambang pupunta na kay Blake ng hinawakan siya ni Tammi sa braso. Napatingin siya dito at tumingin ito kay Blake.
"Tumigil ka na Blake baka magwala si Lyka." anito, napatingin sila kay Lyka na tahimik na at halatang galit na ito, ngumiti ito at niyakap si Lyka
"Ahhh sorry na Pretty. Napikon ka naman agad." anito
"Hindi ka kasi nakakatuwa." sagot nito, naramdaman niyang hinahatak siya ni Tammi paupo. Tumingin siya dito, nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kaniya. Saka bumalik ito sa pagkain kaya naman kumain na din siya ulit.
"Sorry na ha." alo pa din ni Blake kay Lyka
"Kumain na tayo." sagot ni Lyka at tahimik na itong kumain.
Hindi na sila nag usap-usap. Lalong nagulo ang isip ni Stan. Nag aalala siya na baka nahalata na ni Blake na gusto niya si Tammi. Tumingin siya sa mga kaibigan lalo na kay Blake at Lyka. PAANO PAG NALAMAN NILA NA MAY GUSTO AKO KAY TAMMI? PAANO KUNG MALAMAN NILA NA HINDI AKO TULAD NILA? MATATANGGAP BA NILA AKO? tanong niya sa isip. Tumingin siya kay Tammi na namumula pa din at napabuntong-hininga siya at ibinalik ang focus sa pagkain.