Chereads / US AND LOVE / Chapter 7 - Blake

Chapter 7 - Blake

Nakangiti niyang ibinaba ang celphone. At lumingon sa larawan sa mesa niya. Pagkuway nagpunta sa sala at binuksan ang TV naghanap ng mapapanood. Lumapit at naupo ang kapatid niya sa isa sa mga sofa. May hawak itong PSP.

"Ate" anito "Pwede ba ako pumunta kina Kuya Stan?" paalam nito,

"Ano gagawin mo dun?" tanong niya na hindi tumitingin dito

"Maglalaro." sagot nito "Gusto ko matuto maglaro ng NBA sa PS4 niya." anito

"Tanong mo kung may time siya. Alam ko busy yun eh." aniya

"Talaga? Sinabi niya sayo?" tanong nito

"Hindi. Pero galing kasi sila sa meeting kanina eh." aniya

"Wow iba din." anito saka tumingin sa kanya na nangtutukso, napataas ang kilay niya

"Ano?" tanong niya

"Iba ka din eh. Alam na alam mo kung ano kaganapan sa buhay ni Kuya Stan." anito saka lumapit sa tabi niya "Nangliligaw na ba si Kuya Stan sayo?" anito natawa siya sabay gigil na kinutusan ang kapatid

"Aray" anito "Masakit yun ah" dagdag pa.

"Kung ano-ano kasi iniisip mo." aniya may sasabihin pa sana siya ng makarinig ng tunog ng door bell. Tumayo naman ang kapatid niya at sumilip sa pinto

"Kuya Stan!" anitong napangiti at tumakbo palabas napasilip din siya sa bintana nakita niya payakap na sumalubong si Blaze kay Stan.

"Maglalaro na tayo?" tanong nito

"Oo pero hanggang 9PM lang tayo ha kasi may pasok si kuya bukas." sagot ni Stan ngiting-ngiti naman itong tumango lumingon si Stan sa bintana at nakita siya

"Hiramin ko muna si Blaze" paalam nito, tumango lang siya at umalis na ang dalawa. Bumalik naman siya sa pag nood ng TV. Tumingin siya sa relo sa dingding.

"7 PM na pala." bulong niya sa sarili tumungo siya sa silid at kinuha ang mga assignments nila Pagbukas niya ng notebook agad siya napakunot ng noo at napasimangot. Nag umpisa siya gawin ang assignment. Nasa kalagitnaan siya ng pag gawa ng assignment ng tumunog ang celphone niya. Pag check niya nakita niya ang message ay mula kay Jenny. Agad niya itong binasa

"Blake, push na ba si Tammi na makakapartner ko sa Nutrition Month?" anito

"Hindi ko pa nakakausap si Tammi girl. Nasa training pa siya kanina paglabas natin mga 8 PM pa yun uuwi." reply niya nag reply ito ng smiley na may luha

"Kinakabahan kasi ako baka hindi pumayag si Tammi." reply nito,

"Huwag ka mag-alala tinext ko na din si Lyka. Alam mo naman si Tammi weakness nun si Lyka." reply niya, muli itong nagreply ng smiley na may luha

"Sila na ba ni Lyka?" reply nito

"Hindi no. Walang girlfriend yun." reply niya. Nagreply ito ng smiley na may puso sa mata

"That's good to hear." reply nito, napakunot ang noo niya

"Wait. May gusto ka kay Tammi?" diretso niyang tanong, nagreply ito ng smiley na nagbablush

"Shhhhh secret lang ha ha ha" reply nito, natawa siya, sumagi sa isip niya ang sinabi ni Tammi sa kanya na kung may liligawan man ito ay siya yun, napangiti siya,

"Bilisan mo at galingan mo kumilos. Baka mafall yun sa iba." reply niya dito nagreply ito ng smiley na nakakindat

"Don't worry I will be a good girl and a performer ha ha ha ha." biro nito

"Sige na. At tinatapos ko pa ang assignment ko." reply niya nagreply ito ng sad face

"Okay sige laters girl." reply nito. Nilapag niyang muli ang celphone at bumalik sa pag gawa ng assignment.

9 PM

Kakatapos lang ni Blake magshower ng tumunog ang doorbell nila. Narinig niya mula sa silid na pinagbuksan ng Lola niya si Stan. Sumilip siya sa pinto ng silid niya. Nakita niya si Stan na karga karga ang tulog ng si Blaze. Lumabas siya ng silid ng makitang pumasok si Stan kasunod ng Lola niya para ihatid si Blaze sa silid nito. Sumunod siya sa kanila at huminto sa pintuan ng silid ni Blaze. Inilapag ni Stan si Blaze sa higaan nito at kinumutan naman ng Lola niya.

"Salamat Stan. Naku ito talagang batang ito." ani ng Lola niya.

"Okay lang po. Nabored na siguro siya kaya naghanap ng ibang kalaro." sagot ni Stan saka lumingon sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya.

"Salamat" aniya. Tumango ito at saka lumabas na sa silid. Sumunod naman siya dito.

"Hatid ko lang si Stan sa labas La." paalam niya.

"Sige. Salamat ijoh" sagot nito. Sabay sila lumabas

"Pasensiya ka na sa kapatid ko ha." aniya, tumango ito

"Ayos lang. Ganun talaga kapag bunso." anito "Ganyan din ako noon kina Tommy. Lagi ako natambay sa kanila naalala mo?" dugtong pa napangiti siya

"Oo nga eh. Dun ka pa natutulog minsan sa tabi ni Tommy." aniyang natatawa, natawa din ito

"Tapos inaaway ako ni Tammi kasi gusto niya din katabi si Tommy ha ha ha " anito nasa ganun silang pag uusap ng makarinig na boses sa likod

"Oy gising pa kayo ah" bati ng boses, lumingon silang dalawa at nakita nila ang padating na si Tammi. Naka-tsinelas lang ito, bitbit ang sapatos at ang bag sa balikat nito. Halatang pagod na pagod ito.

"Kumusta?" dagdag pa nito

"Ayos lang. Hinatid ko si Blaze nakatulog na sa paglalaro ng NBA eh." sagot ni Stan. Tumango ito at tumingin sa kanya at tumango at muling tumingin kay Stan.

"Sige mauna na ako. Gagawa pa ako ng assignment eh." anito, tumango naman silang dalawa at nag umpisa na ito maglakad paalis

"Aw Tammi." biglang tawag ni Stan. Huminto naman ito at lumingon sa kanila "Sabay na tayo gumawa ng assignment. Hindi pa din ako nakagawa eh." anito "Kunin ko lang notebook ko." dagdag pa nito at saka nagmamadaling pumasok sa kanila. Bumalik naman si Tammi para hintayin si Stan. Siya naman ay nakatingin lang kay Tammi. Sinuyod niya ang buong katawan ni Tammi na pawis na pawis pa. Pagdating ng tingin niya sa mukha nito ay nagtama ang tingin nila. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya. Ngumiti ito

"Dungis ko no?" anito, bahagya uminit ang mukha niya

"Oo. Maligo ka pagdating mo sa inyo." sagot niya na may konting kaba. Inamoy naman nito ang sarili

"Oo nga eh, ang asim ko na rin." anito. Siya naman pagdating ni Stan.

"Tara." aya nito tumango naman si Tammi at tumingin sa kanya

"Mauna na kami." paalam nito sa kanya.

Tumango naman siya.

"Ingat kayo." aniya at pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila.

Pagbalik niya ng silid ay agad na kinuha ang celphone at chineck kung may text. Ng wala siya makitang text nahagip ng mata niya ang pangalan ni Lyka. Pinatay niya ang ilaw sa room at natirang ilaw lamang ay ang paumagahan niya na Hello Kitty Lamp. Dumapa siya sa kama at nag text kay Lyka.

"Pretty." text niya, nagreply naman ito agad

"Yow?" anito

"Kakauwi lang ni Tammi nakita namin siya ni Stan sa labas." kwento niya

"Kawawa naman." reply nito na may sad face emoji

"Oo nga eh gagawa pa ng assignment yun." aniya

"Haist, puntahan ko nga. Baka mahirapan yun tapusin ang assignment." anito

"Wag na. Andun na si Stan. Hindi pa daw siya nakagawa ng assignment kaya sasabayan na niya si Tammi." reply niya na may thumbs up icon

"Buti naman. Ikaw nakagawa ka na?" anito

"Oo kanina pa." aniya

"Okay. Matulog ka na para makapag-beauty rest." anito with smiley na may heart

"Aw matutulog ako kung matutulog ka na." reply niya na may smiley kiss heart din

"Hindi pa. Hindi pa ako tapos sa proposal." anito na may sad emoji

"Proposal?" tanong niya

"Oo. Proposal para sa unang event ng school." sagot nito

"Di ba dapat tulong kayo ni Stan gumawa niyan?" aniya

"Oo napag-usapan na namin kanina habang naglalakad pauwi yung structure ng proposal." sagot nito. "Ang trabaho ko lang naman mag-draft and then si Stan na bahala mag execute ng explanation kay Chairman." anito

"Sana all Brainy!" reply niya with smiley na may heart emoji

"Ha ha ha brainy my foot!" anito na may LOL emoji, natawa siya

"Miss na kita." reply niya

"I miss you too." reply nito na may smily heart kiss emoji, "Tulog ka na. I will sleep na din after this." reply nito. Napangiti siya.

"I love you pretty." reply niya na may heart icon

"I love you too beauty." reply nito

"Sleep na ako. Good night." reply niya.

"Good night." Last text nito. Niyakap niya ang unan niya at pinipigilan ang kilig.

"I love you Lyka." sigaw niya sa isip "I love you to the moon and back." aniya sa sarili. Nagbrowse siya sa facebook at pumunta sa page ni Lyka. Last update nito ay ang picture nila nung bumili sila ng gamit sa school. Pumunta siya sa photos ni Lyka at pinagmasdan ang mga yun.

Bata pa lang sila ay alam na niyang iba siya sa mga kaibigan niya. Grade Five sila ng nagka-crush siya kay Lyka. Pilit niyang inililihim ito kasi ayaw niyang mahusgahan at ayaw din niya na masira ang friendship nila. Kahit ang gender preference niya ay kailangan niya ilihim. Hindi niya kasi alam kung matatanggap siya ng mga tao sa paligid niya lalo na ang mga kaibigan niya. Alam kasi niya na straight ang mga ito. Tuwing may mga gustong manligaw sa dalaga binabara na niya kaagad kasi nagseselos siya. Si Stan lang ang hindi niya mabara-bara kasi kaibigan niya ito at hindi pa naman ito umaamin na may gusto kay Lyka. Pero ramdam niya na attracted ito sa crush niya. Napabuntong hininga siya. Gwapo si Stan. Matalino. At lagi pang kasama ni Lyka sa SGO. Kahit pa sabihing sila lagi ni Stan ang magkapartner sa mga Beauty Contest and events ay never itong na-attract sa kanya base na rin sa obserbasyon niya. Inilapag niya ang celphone at pinawi na ang isipin na iyon. Saka nagpasya ng matulog.