Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

US AND LOVE

🇵🇭CesAgers
--
chs / week
--
NOT RATINGS
22k
Views
Synopsis
Ipinanganak kami sa iisang taon. Lumaking magkakasama. Iisang school nag-aral. Sama-samang nangarap. Nangakong magiging magkaibigan hanggang pagtanda. Then fate turns and leads us to have feelings for one another. Not just a friend. Can this love grow and blossom as it should? Or this love will grow us apart. This is our story. This is us.
VIEW MORE

Chapter 1 - School Season

Ang ganda ng umaga. Malamig at medyo nakangiti na si Haring Araw na nakasilip sa mga bundok. Siyang napakagandang tanawin sa umaga. Maririnig mo na rin ang huni ng mga ibon, tilaok ng manok at huni ng mga alagang pato ng kapit bahay na parang nagsasabing umaga na, tayo na at bumangon.

"Lyka! ika'y pumanaog na at tayo'y mag-aagahan." tawag ng Nanay ni Lyka habang nahahanda ito ng agahan sa ibaba. Ang kanyang Tatay naman ay nakaupo sa may balkonahe at nagkakape habang nakatingin sa palayan. Lumingon ito sa kanyang Nanay

"Anong oras ka paparoon sa bayan?" tanong nito.

"Pagkatapos kumain ng agahan ako'y paparoon na. Mahirap maabutan ng karamihan sa bayan lalo't maraming bibilhing gamit sa eskwela itong si Lyka." sagot nito "Lyka." tawag pa nito.

Tumayo ang Tatay niya at pumunta na sa hapag-kainan.

"Lyka, bumangon at pumarine na." tawag ng Tatay niya at naupo na ito sa dulong bahagi ng mesa. Naupo na rin ang Nanay niya sa tabi nito. Ensaladang talong, tinapa at noodles na may sayote, itlog at petsay ang agahan nila.

Si Lyka, eto tulog na tulog pa at nasa ibaba na ng higaan ang mga unan niya. Ilang beses na siyang tinawag ng kanyang Ina pero para talaga itong mantikang tulog. Ngunit ng ang Tatay na niya ang tumawag, napabalikwas ang dalagita.

"Andyan na po." Sagot agad nito saka pupungas-pungas na bumaba na at pumunta sa hapag.

"Good morning Tay, Nay." aniya saka naupo.

"Abay upo agad. Mag-sipilyo at maghilamos ka muna." saway ng Nanay niya. Napasimangot ang dalagita saka tumayo at nagtungo sa lababo.

"Bilisan mo kumain at maligo. Hindi tayo maaring tanghaliin sa bayan at walang magluluto ng pagkain ng Tatay at ng mga trabahador sa palayan." paalala ng Nanay niya.

"Pwede naman po Nay na ako na lang ang pumunta sa bayan. Si Blake at Tammi pupunta din sa bayan ngayon pwede ako sumama sa kanila." sagot niya at bumalik na sa hapag.

"Ano naman ang gagawin nila sa bayan?" tanong ng Tatay niya.

"Sila po yung bibili ng gamit nila sa school saka bibili din daw po sila ng bagong sapatos." sagot niya "Nay, bibili din ba ako ng bagong sapatos? Okay pa naman po ang sapatos ko last year eh." tanong niya.

"Ikaw, kung gusto mo bumili wala namang problema kasama naman yun sa budget natin." sagot ng Nanay niya.

"Pero kung sa tingin mo hindi mo pa kailangan itabi mo na lang muna para kung kailanganin mo na ay may mahuhugot ka." dagdag naman ng Tatay niya.

"Sige po Tay. So Nay ako na lang pupunta ng bayan ha." aniya sa Ina.

Tumango lang ito at nagpatuloy sila sa pagkain.

"Tammi!" malakas na tawag ng Nanay niya "Bumagon ka na at pumarine. Maya-maya dadating na yun si Blake." dagdag pa nito. Napabangon si Tammi

"Blake?" aniya pupungas-pungas at nag-isip sabay napadilat "Oo nga pala bibili kami ng gamit sa eskwela ngayon." bulong niya sa sarili at tumayo na. Pumunta siya sa banyo, naghilamos at nagsipilyo bago pumunta sa hapag.

"Ano almusal Ma?" tanong niya sa Nanay niya.

"Nagluto ako ng daing at tortang balayan." sagot nito.

"Yun paborito ko." aniya sa nasasabik na tono

"Maupo ka na diyan at tatawagin ko ang Papa at Kuya mo doon sa labas." anito sa kanya.

Naupo na siya at nag umpisang maglagay ng pagkain sa pinggan. Maya-maya pa ay pumasok na rin sa dining room ang Papa at Kuya Tommy niya kasama ang Nanay niya.

"Good morning Tol." bati niya sa kuya niya. Tumango ito at naghugas ng kamay.

"Nagpunta dito si Lyka kanina. Sasabay daw siya sa inyo ni Blake bumili ng gamit sa eskwela." ani ng Papa niya.

"Uhm sige po." sagot niya.

"Akala ko sasamahan siya ni Inang?" tanong ni Tommy.

"Mag aani kasi ngayon at walang magluluto ng pagkain ng mga magtatrabaho. Kaya dito muna kina Tammi sasama." sagot ng Tatay niya "Ikaw Tammi." anito

"Po?" sagot niya

"Ingatan mo yung dalawa. Laki-laki mong lalake dapat hindi maano yung dalawa." bilin ng Tatay niya

"Opo Papa." sagot niya.

"Pwede ko naman sila samahan Pa." alok ng Kuya niyang nakangiti

"Hindi at sasamahan mo ako sa palaisdaan at mag-aahon din tayo." sagot ng Tatay niya "Isa pa masyadong bata si Lyka para sayo." dagdag pa nito na nagpamula sa pisngi ng Kuya niya.

"Si Papa talaga." anito nagtawanan sila

"Oo nga naman Kuya. Find your age ha ha ha ha." buska pa niya

"Hmp" anito saka natatawang nagpatuloy sila sa pagkain.

"Saka Kuya hindi ko sure kung Lalake gusto nun. Mas barako pa sa akin yun eh." dagdag pa niya.

"Hmp ngayon lang yan kasi hindi pa niya nararamdaman ang pagmamahal ko." sagot nito sabay kindat sa kanya, natawa ang Tatay nila.

"Ipasa mo muna ang Math Olympiad mo baka sakali makuha mo atensiyon niya." asar nito sa

"Aw si Tatay talaga, wala ka bang tiwala sa panganay mo?" pagmamalaking turan nito "Sure na panalo ko dun Tay." anito sabay kindat "Si Tommy ata to." pagmamalaki pa nito.

"Si Tommy na puro kayabangan ha ha ha ha." dugtong ng Tatay niya at humalakhak ng malakas.

Napasimangot naman saglit ang kuya niya at humalakhak na din.

Naligo at nagbihis na si Blake. Naglagay ng kaunting mascara sa mata para bigyan ng buhay ang manipis na pilik mata at lip tint naman sa labi.

"Perfect." anito na nakangiti sa salamin.

Shorts at simpleng T-shirt na dilaw ang suot niya at chuck taylor na lagi niyang suot tuwing may ganitong lakad sila. Nagpabango saka muling lumingon sa salamin at saka umalis. Magandang dalagita si Blake, mahaba ang kanyang buhok na hanggang baywang at balingkinitan ang katawan. Siya ang tinaguriang Crush Ng Bayan. Patungo siya sa bahay nila Tammi para sunduin ito at sabay na sila pupunta sa bayan. Pagdating niya dun nakita niya si Lyka na nakaupo sa labas. Nakasumbrero ito na asul, naka-T shirt din ito na kulay gray at maluwag. Nakamaong na square pants at tulad niya naka-chuck taylor na sapatos ito. Napahinto siya at tumalikod. Inayos ang damit saka tumuloy na.

"Lyka!" bati niya dito lumingon ito at ngumiti

"Oy! kumusta?" anito ng makalapit siya

"Ayos lang, si Tammi?" tanong niya

"Hay naku ayun naliligo pa. Kaybagal kumilos eh" sagot nito na halatang nababagnot na at muling naupo. Ngumiti siya

" Ang cute talaga niya. " aniya sa isip saka tumabi dito. "Buti pumayag si Inang na ikaw na lamang mag isa ang pumunta sa bayan." turan niya dito

"uhm" anito sabay tango na sumasangayon saka patuloy na naglaro sa celphone "Kaunti lang naman ang bibilhin ko. Marami pa akong mga gamit last year." dugtong pa nito.

Nakangiti lang siyang nakatitig sa mukha ni Lyka, ng pagkuway umangat ito ng tingin at nagtama ang kanilang paningin

"Ikaw marami ka bang bibilhin?" tanong nito. Napalunok siya at umiwas ng tingin

"Kaunti lang din." sagot niya at muling tumingin kay Lyka "Marami pa din naman ako mga tirang gamit na hindi ko nagamit last year so kaunti na lang nasa listahan ko." dagdag pa niya. Tumango ito at muling binalik ang atensiyon sa nilalaro. Pigil siyang ngumiti.

"Tammi!" sigaw ni Lyka "Baka naman pwede mong dalian aba" anito saka padabog na tumayo at pumasok sa bahay nila Tammi. Sumunod siya. Sakto namang lumabas ng silid si Tammi.

Malaking binatilyo ito para sa edad niya. Hanggang kili-kili lamang sila nito. Kayumanggi ito at may very charming na ngiti kahit na hindi kagwapohan

"Sorry na, ang dami kasing inutos ni Mama kaya hindi ako agad nakapagbihis." anito "Saka sino ba kasi nagsabi sayong agahan mo pumarine?" tanong nito kay Lyka na nang aasar.

"Si Nanay." sagot nito "Sabi niya kapag hindi ko inagahan tiyak na tanghali na tayo makakaalis kasi makupad ka." sagot nito, halatang medyo naasar si Tammi

"Ah ganun." anito sabay lapit ng mukha niya dito

"Oo. Bakit hindi ba?" pabalik na tanong ni Lyka at inilapit din ang mukha niya dito. Hinatak niya si Lyka.

"Tama na yan kayo." aniya "Tayo na't nangako ako kay Mama na bago mananghalian ay nakauwi na ako." aniya saka inakbayan na si Lyka at inakay na lumabas. Pailing-iling namang sumunod si Tammi.

Si Lyka, Tammi at Blake ay magkababata. Sabay sabay sila nag aral sa iisang school mula Kindergarten hanggang High School. Ang mga magulang nila ay magkaklase din noong kabataan nila. Ang grupo nila ang tinatawag na Crush ng Bayan.

Si Blake ang kikay sa grupo, mahilig itong mag ayos at laging sinisiguro nito na Fashionista look palagi ang mga OOTD niya. Member siya ng Arts and Music at isa mga palaging nakukuhang female lead sa mga stage play ng school.

Si Lyka naman ang Boyish girl sa grupo. Mahilig ito magsuot ng maluluwang na damit at sumbrero. Sa school lamang ito nagsusuot ng palda. Sa ordinaryong araw o lakad lagi itong naka-boyish look. Siya naman ay member ng School Government Organization. Siya ang Vice-President at palaging nasa SGO office kapag walang ginagawa.

Si Tammi naman ang varsity ng grupo. Dahil sa tangkad nito nakuha itong isa sa mga forward sa basketball team ng school. Hindi man ito kagwapohan ay napakacharming ng smile nito na nakakabihag ng puso ng mga girls sa school.

"Tammi, si Stan pala kailan babalik yun?" tanong ni Blake habang naglalakad sila patungong sakayan.

"Di ko alam." sagot nito "Nakalimutan ko din itanong kagabi nung naglaro kami eh." dagdag pa nito

"Buti pa siya laging nakakabakasyon sa Maynila." aniya "Kailan kaya ako makakarating ng Maynila?" dagdag pa niya sa tonong nangangarap

"Kapag graduate ka na at maghahanap ng trabaho." pabirong sagot ni Tammi sa tonong nang aasar, napairap si Blake

"As if I don't know. Hay naku Tammi kaya ka laging nababasted eh." maktol ni Blake

"Abay bakit may personal attack?" tanong nito

"Totoo naman ah. Hindi mo nga napasagot si Jenny eh." pang aasar ni Blake

"Hindi niya ako sinagot kasi hindi ko naman tinuloy ang pangliligaw sa kanya." depensa ni Tammi, natatawa lang na nanonood si Lyka sa dalawa.

"Oh talaga?" pang-aasar pa ni Blake

"Oo, talaga. Ikaw ba naman kalaban mo si Captain sa pangliligaw. Dun pa lang walang-wala na ako." sagot nito na halatang napipikon na kay Blake. Lumakad sa gitna nila si Lyka at sumakay ng jeep.

"Baka gusto niyong sumakay?" anito, agad naman silang sumunod dito.

Si Stan ang pang apat sa grupo nila. May kaya ang pamilya nito at tuwing bakasyon ay umuuwi ito sa Maynila para makasama ang magulang niya na sa Maynila nakatira dahil sa Negosyo nito. Tulad ngayon nasa Maynila ito kaya hindi nila kasama sa lakad nila. Madalas may gamit na din ito sa school pagbalik ng probinsiya. Si Stan ang walking encyclopedia ng school. Straight Honor student ito since Elementary at siya ang President ng Student Government Organization. At, oo, siya naman ang Crush Ng Campus at madalas na i-partner kay Blake kapag may mga okasyon na kailangan ng representative sa klase. Silang apat kapag nagsama-sama mapapasabi ka na lang ng - ANG SARAP SA EYES.