Inaayos ni Lyka ang shelf kung saan nakalagay ang mga reference na ginagamit nila tuwing gumagawa ng plano para sa Schedule of Events taon-taon. Ito na ang pangalawang taon niyang Secretary ng SGO habang si Stan naman ay unang taon nitong maging President. Tahimik lang siyang tinatapos ang mga iyon habang hinihintay si Stan at Luke na kausap naman ng Chairman. Si Luke ang Vice-President ni Stan. Ng matapos siya sa shelf, niligpit naman niya ang mga gamit nila ni Stan nang maya-maya ay may kumatok sa pinto. Pagbukas noon ay nakita niya si Blake. Lumapit siya dito.
"Oh bakit?" tanong niya "Mamaya pa kami nasa meeting pa si Pres at VP." paalam niya,
"Keri lang, nagmamadali din ako late na ako sa meeting namin." sagot nito, inabot nito ang susi sa kanya "Dinaan ko lang to." anito kinuha naman niya yun. "See you later. Bye." dagdag pa at umalis na.
"Sige ingat." aniya "Laters." dagdag pa.
Inilagay niya ang susi sa ID niya at bumalik na sa upuan at muling inayos ang mga gamit nila. Simple lang si Lyka. Unlike ni Blake, hindi ito mahilig mag-ayos. Basta maligo yan sa umaga at makapag-bihis okay na. Hindi rin ito mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha. Kahit magpulbo o lip tint hindi talaga. Siya din ang pinakabata sa kanila at pinakamaliit. 5 feet lang ang height nito. Madalas siya napagkakamalang tomboy kasi sa mga boyish na style niya. Kahit na lagi niyang sinasabi na babae siya pero talagang astig siya kumilos. Palibhasa lumaki siya na ang kalaro ay si Tammi at ang kuya nito na si Tommy minsan si Stan. Na adapt niya ang pagiging astigin ng mga ito. Komportable siya kumilos kasama nila at alam niyang inaalagaan siya ng mga ito. Lalo na si Tammi at Stan. Hatid-sundo siya ng dalawa kapag papasok o uuwi galing sa school. Kapag wala si Tammi si Stan ang naghahatid sa kanya. Tulad ngayon, may training si Tammi kaya ang kasabay niya na uuwi at maghahatid sa kanya ay si Stan.
Bumukas ang pinto ng Chairman's Office at lumabas mula doon si Luke kasunod si Stan na may dalang laptop. Nakita nila si Lyka na tulog na sa Mesa habang naghihintay. Napangiti si Luke
"Girlfriend mo pagod na." biro nito kay Stan, napailing si Stan
"Gago." sagot niya na nakangiti, nilapitan niya si Lyka at tinapik-tapik ang balikat nito. "Lyka" aniya, nagising naman ito
"Tapos na?" tanong nito, tumango siya "Okay" anito saka tumayo na at kinuha ang mga gamit nito. Kinuha naman niya ang bag nito na may lamang laptop. Iiling-iling lang si Luke na pinanood sila.
"Alam niyo kung hindi kayo magkaibigan bibigyan ko ng malisya yang mga kilos niyo." puna nito
"Malisyoso ka kasi." sagot ni Stan saka naglakad na sila paalis ng building. Nag iinat pa si Lyka habang naghihikab. Napailing silang dalawa.
"Gusto mo magkape muna? wala pa naman si Blake at Tammi." aya ni Stan.
"Gagabihin si Tammi, start na ng training nila sa basketball." sagot nito na hindi lumilingon sa kanya "Si Blake naman may meeting yun sa Theatre for sure gagabihin yun naforward ko na pati kay Direk yung lists ng SOE." dagdag pa nito. Tumango siya
"Ganun ba? So uwi na tayo?" tanong niya, tumango naman ito
"Oo, medyo inaantok na ako eh." anito saka humarap at tumingin sa kanya. Nagtama ang tingin nila. Ang lakas talaga ng dating ng dalaga. Simple pero maganda. Isang tingin lang nito sa kanya nagagawa na nitong pakabahin ang dibdib niya. Tumango siya
"Sige uwi na tayo." aniya "Sasabay ka sa amin Luke?" alok niya. Tumingin naman ito sa kanya
"Hindi Pre hihintayin ko si Sasha." anito, napakunot ang noo niya at tumingin dito na nakangisi
"Oo. Wag ka na magtanong." anito na medyo nahihiya pa at bahagyang namula. Hindi din nito mapigilang mangiti
"Kwentohan mo ako." aniya saka nakipag fist-bomb dito at umalis na kasunod ni Lyka at sabay silang naglakad pauwi.
Dahil wala si Tammi, si Stan ang maghahatid sa kanya. Habang naglalakad marami silang napag usapan kasama na ang napag usapan sa closed door meeting nito kasama ang Chairman at si VP Luke. Dumaan muna sila sa bahay nito para iwanan ang bag at mga gamit sa school. Habang naglalakad sila ay halatang halata na ang pagod at antok ni Lyka.
"Okay ka lang?" tanong ni Stan sa kanya, tumango siya
"Oo, medyo pagod lang sa dami ng ginagawa natin nitong mga nakaraang araw." aniya, tumango ito
"Ganun ba." anito "Eh di huwag ka na muna umattend sa meeting bukas." dagdag pa "Alam mo na naman ang ididiscuss eh." tumingin siya dito
"Sigurado ka?" tanong niya "Paano kung may mga kailangan isulat o ayusin?" aniya
"Si Luke na lang muna ang pagsusulatin ko tapos pag-usapan natin pag uwi ko" sagot nito na hindi lumilingon sa kanya
"Okay sige." sang-ayon niya "Maaga akong uuwi bukas para makaidlip." aniya,
"Nagba-vitamins ka ba?" tanong nito, umiling siya
"Hindi." aniya, tumango ito
"Bukas bigyan kita ng vitamins ko. Madami naman yun. Buwan-buwan na lang ako pinadadalhan nila Mommy. Naiipon tuloy." anito na nakatingin sa kanya
"Sige. Para maging kasing lakas mo ako." aniya sabay ngiti natawa ito
"Malakas ka dyan." anito
"Yung vitamins mo ba nakakagwapo?" tanong niya, napakunot ant noo nito
"Ha?" anito, tumawa siya
"Sabi kasi nila ang gwapo mo daw. Tinatanong nila ako kung ano daw ginagawa mo." kwento niya "Sabi ko hindi ko alam ha ha ha" aniyang natatawa "So kapag binigyan mo ako ng vitamins at gumanda ako, ibig sabihin alam ko na sikreto mo ha ha ha ha" dagdag pa niya sabay laki ng mata, tawa naman ito ng tawa
"Sira." anito "Maganda ka na kahit hindi ka mag-vitamins." anito at tumingin sa kanya "Kailangan mo lang mag-ayos gaya ng isang babae." anito saka siya inakbayan "Lagi ka kasing mukhang lalake eh" reklamo pa nito, napangiti siya sa sinabi nito, lagi naman siya sinasabihan na maganda siya, pero bakit kapag kay Stan galing medyo kinikilig siya
"Yun ang problema." aniya saka tumingin kay Stan "Kasi hindi ako marunong mag-ayos ng tulad kay Blake." aniya "So bahala kayo magtiyaga. Okay ba?" tanong niya, natawa ito at umalis sa pagkaka-akbay sa kanya
"Okay, pero kung gusto mo ng Jowa o ka-date sa JS Prom kailangan mo na mag umpisa mag-ayos ngayon para may umaya sayo." biro nito, napaisip siya
"Aw kasali ba tayo dun?" tanong niya, natawa ulit ito
"Siyempre Junior na tayo. Kaya nga siya JS Prom di ba?" anito
"Okay, baka hindi ako sasali." aniya
"Bakit naman?" tanong nito, nag isip siya saka nagbilang sa kamay niya
"Una, hindi ako marunong magsayaw. Pangalawa, hindi ako marunong mag-make-up. Pangatlo wala akong damit para sa mga ganyan. At pang-apat baka hindi ako payagan ni Tatay." aniya, umiling-iling ito at inakbayan siya
"Wag ka mag-alala tutulungan ka namin nila Tammi." anito "Saka malayo pa naman yun. Makakapag-handa ka pa." dagdag pa nito, tumahimik lang siya at nag-isip kung bagay ba sa kanya ang mag suot ng gown.
"Natahimik ka." puna nito, tumingin siya dito na nagugulumihanan pa din, huminto ito at humarap sa kanya, sinapo ng dalawang kamay ang mukha niya at inilapit ito sa mukha nito, pinagmasdan siya nito.
"Maganda ka Lyka." anito "Kahit anong iayos at isuot sayo I'm sure babagay sayo. Baka nga mas maganda ka pa kay Blake kapag nagkataon." dagdag pa nito "Kaya huwag ka mag-alala. Andito lang kami. Kami na bahala sayo. Okay ba?" anito, tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngumiti din ito at saka nagpatuloy sila sa paglalakad habang hawak ni Stan ang kamay niya. Nakatitig naman siya sa nakatalikod na binata. Malakas ang kaba ng dibdib niya. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito kay Stan sa tinagal-tagal nilang magkaibigan. Ngumiti siya,
"I don't know what it is. But I like it." bulong niya sa sarili.
Hinatid siya hanggang sa harap ng bahay nila. Nakita sila ni Amang ang Tatay ni Lyka na nag -aabang sa may balkonahe. Bumati siya dito ng magandang hapon. Bumati din naman ito ng magandang hapon rin. Inalok pa siya nito na magmerienda ngunit tumanggi siya dahil sa kailangan na din niya umuwi at dumidilim na kaya naman pinabaunan na lamang siya nito ng ginawang Turon ni Inang. Nagpasalamat siya at nagpaalam bago umalis. Hinatid naman siya ng tingin ni Lyka sa labas ng bakuran nila. Nang medyo malayo-layo na siya ay sinenyasan niya ito na okay lang siya at pumasok na ito sa loob. Saka lang din ito pumasok sa bakuran. Nakangiti siya naglakad pauwi. Habang naglalakad sa di kalayuan nakita niyang bumaba si Blake ng tricycle nila. Nakita siya nito at kumaway. Tumango siya at ngumiti.
"Nakauwi na si Lyka?" sigaw nito, tinaas niya ang kamay para sumagot ng OO. Tumango ito saka pumasok na din sa loob ng bahay nila. Nagtuloy-tuloy naman siya sa pag-uwi sa kanila. Pagdating doon ay iniabot sa katulong ang dalang pagkain. Saka pumanhik sa itaas para magbihis at magpahinga.
Naupo siya sa gilid ng higaan. Iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Stan. Hinanap niya ang salamin at tiningnan ang sarili doon. Kinuha niya ang picture nila sa study table niya at ikinumpara ang mukha niya kay Blake. Ngumiti siya tulad ng pag-ngiti ni Blake sa larawan. inayos ang buhok tulad ng pagkakalugay ng buhok ni Blake sa larawan at nag-pose na parang ito.
"Hay Lyka." puna sa sarili "Kailangan mo mag effort ng malala kung gusto mo maging maganda." aniya sa sarili at napasimangot saka tinitigan si Blake sa larawan
"Ang ganda mo talaga." aniya saka nang-gigil na pinisil ag pisngi sa larawan. BLINK! tunog ng celphone niya. Pagcheck niya si Blake nagtext.
"Hi pretty" bati nito, napangiti siya
"Speaking of the Angel." bulong niya sa sarili, ngumiti at nagreply
"Hello Beb, nakauwi ka na?" reply niya
"Kadating lang. Hinatid ka ni Stan hanggang sa inyo?" reply nito
"Oo. Wala si Tammi eh." reply niya
"Naku, sigurado lagi nanaman yun pagod sa klase." reply nito
"Yaan mo na, mahalaga masaya siya sa ginagawa niya." reply niya
"Sabagay. Napag-usapan namin yung Nutrition Month. Sa tingin mo mapapapayag kaya natin si Tammi magrepresent sa section natin?" tanong na reply nito
"Sus parang hindi mo kilala si Tammi, ayaw nun sumali sa mga ganyan." reply niya
"Oo nga, kaso kasi last year kami na ni Stan ang nag represent sa section natin. Need natin ng bagong representative." reply nito, napaisip siya, Oo nga sila ni Stan ang nanalo last year,
"Pero alanganin kung si Tammi." reply niya na nakangisi
"Bakit naman?" tanong nito
"I-visualize mo si Stan as Mr. Nutrition tapos gawin mong si Tammi." aniya na nakatawa
"Ang bully mo talaga ha ha ha ha" reply nito
"Ha ha ha ha" reply niya habang literal na tumatawa
"Seryoso nga. Ano tulungan mo ako papayagin si Tammi?" reply nito
"Sige tutulungan kita. Tapos sa araw ng event papadala ako kay Tatay ng maraming saging ha ha ha ha" reply niya
"Baliw ka talaga ha ha ha ha" reply nito tawa lang siya ng tawa. Maya-maya pa ay narinig niyang tinawag siya ng Nanay niya para kumain.
"Sige mamaya na lang. Kain lang muna ako." reply niya dito.
"Okay, eat well." reply nito. Inilapag niya ang celpon sa mesa at nagtungo na sa baba para kumain.