Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Prince Is Masungit (Webnovel Ver.)

🇵🇭AriadneWP
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.4k
Views
Synopsis
Serenader 1: WILLIAM CRAWFORD
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

[DANIELLE'S POV]

*Tulala lang sa 'king kwarto at nagmumuni-muni... toot*

Pinatay ko ang ringtone ng phone ko as my alarm clock. Wala kasi akong pambili ng alarm clock.

Oh by the way, I will introduce myself first. Hi, my name is Princess Danielle Maddren. Danielle na lang ang tawagin niyo sa akin. Wag Princess dahil sa... ayaw ko lang. 17 years of age. Proud to represent. PHILIPPINES. And I am confidently beautiful with a heart. Thank you. Hahaha! Pia Wurtzbach lang ang peg.

Bumangon na ako sa kama para maghanda sa first day of school ko. Kinakabahan akong pumasok sa bago kong school dahil wala pa akong kilala do'n. Sana mababait sila at palakaibigan. Alam niyo ba kung saan ako papasok? Malalaman mo 'yon sa Chapter 2. Bwahahaha! Paladesisyon?

Nagbihis na ako ng bago kong uniporme.

After kong magbihis ay inayos ko ang mga gamit ko para sa school at pumunta sa dining room para mag-almusal. Ano kaya ang niluto ni Mama?

"Good morning anak." bati sa 'kin ni Mama.

"Good morning Mama. Ano po ba ang niluto niyo?" excited kong tanong kay Mama.

"Syempre ang paborito mong breakfast fried rice" masaya at masiglang sagot ni Mama.

Naglalaway na ako dito sa special almusal ni Mama para sa akin. Nakakatakam kasi.

***

"BREAKFAST FRIED RICE"

Ingredients:

- Kanin

- Eggs (scrambled)

- Hotdog (slice)

- Oil

Procedure:

Simmer the pan with oil. Tapos ilagay sa mainit na pan na may mantika ang kanin, scrambled egg at hiniwang hotdog then paghaluin habang niluluto. Kapag luto ay I served niyo na. Intindihin niyo na lang readers. Hahaha!

***

Tinikman ko ang niluto ni Mama.

"Ang sarap talaga nito Mama." puri ko kay Mama.

"May halong pagmamahal yan para sa 'yo anak." tugon sa 'kin ni Mama.

"Awwww! Salamat Mama sa pagmamahal. I love you." ani ko.

"I love you too anak." tugon ni Mama.

Simula nung iniwan kami ni Dad ay lalong naging mapagmahal ang Mama ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Mama para pumasok sa school.

[WILLIAM'S POV]

(A/N: Malaki ang binayad ko dito para lang magpakilala siya.)

*kriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnng!*

Fuck!

*kriiiiiiiiiiiinnnnnnngggggg!*

Kinuha ko yung alarm clock sa bedside table pagkatapos ay ibinato ko ito sa pader. Pesteng alarm clock 'yan. Umagang-umaga pa lang ang ingay na. Parang si Author lang. Pasalamat si Author at malaki ang binabayad niya sa akin. Kung hindi baka naitapon ko na siya sa bangin.

Ako nga pala si Willam. 'Yon lang.