Chapter 5 - Chapter 5

[DANIELLE'S POV]

Grabe, ang sakit ng ulo ko.

Bumangon ako pero hindi ko nakayanan. Ang sakit talaga. 'Di muna ako papasok.

Pinilit kong bumangon sa kama kahit hindi ko kaya at pumunta sa sala.

"Anak, ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni Mama.

"Ma, may gamot ka ba diyan para sa headache?" tugon ko.

"Wait lang anak, kukunin ko lang." ani Mama at naghanap siya ng gamot sa mini cabinet. "Ito, inumin mo 'yan pagkatapos mong kumain." sabay abot sa 'kin ang gamot.

Kinuha ko kay Mama yung gamot.

[EZEKIEL'S POV]

"Fuck!" inis na napamura si William dito sa shower room. Naliligo kasi kaming tatlo (Ako, William at Fred).

Hoy! 'Wag kayong green minded, pareho kaming lalak[ kaya normal lang sa aming tatlo na maligo nang sabay sa isang shower room. At tsaka naka-trunks naman kami habang naliligo.

"Brad, mag-sorry ka na kasi sa kanya. Syempre masasaktan siya dahil sinigawan mo siya." ani ko kay William.

Sinigawan niya kasi kahapon si Danielle kaya nagkakaganyan siya. Na-gui-guilty.

"Kung ako ang nasa posisyon ni Princess. Syempre masasaktan talaga ako." sabi ni Fred kay William.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" tanong sa 'min ni William habang sinasabunan niya ang *ehem* ano niya sa loob ng trunks.

"Brad, pinagsasabihan ka lang namin. Oo nga pala, hindi pala pumasok si Princess. 'Di ko alam kung bakit hindi siya pumasok. Kung gusto mo siyang makausap, pumunta ka lang sa..." Sinabi ni Fred ang address ng bahay ni Princess--este Danielle pala.

Kinuha ni William ang isang towel at lumabas na ng shower room.

[DANIELLE'S POV]

***

[Danielle sings Porque by Maldita]

Tulala lang sa 'king kwarto at nagmumuni-muni.

Ang tanong sa 'king sarili sa'n ako nagkamali.

Bakit sa iyo pa nagkagusto.

Parang bula ika'y naglaho.

Bakit ikaw pa ang napili.

Ngayon ang puso ko ay sawi.

Kay simple lang ng akong hiling.

Na nadama mo rin ang pait at pighati.

Sana'y magmilagro.

Mabalik ko.

Mali ay maideretso.

Pinagdarasal ko sa 'king puso.

Na mabura ka sa isip ko.

***

"Anak may bisita ka." sabi sa 'kin ni Mama.

Ha? Bisita? Sino kaya 'yan?

Pumunta ako sa sala at nagulat ako kung sino ang nakita ko.

Si William. Ano ang ginagawa niya rito? Paano niya nalamang dito ako nakatira?

"Ano ang ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya.

"Para sa activity natin at gusto kong mag-sorry sa ginawa ko sa 'yo. Pero porket nag-sorry na ako sa 'yo, ibig sabihin no'n ay magkaibigan na tayo. I'm sorry." he said sincerely.

Tama ba ang narinig ko? Nag-so-sorry siya sa akin?

"Okay, apology accepted." 'Yan na lang ang nasabi ko. 'Di pa rin masink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"Simula bukas ay 'di na kita papansinin. Ngayong araw lang kita papansinin para sa activity natin. Susulitin natin ang araw na 'to." sabi ni William na ikinalungkot ko.

Hindi na niya ako papansinin? Pero bakit gano'n? Parang hindi ako masaya sa sinabi niya. Dapat nga masaya ako pero hindi ko magawang maging masaya.

***

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay William.

"Malalaman mo kung nando'n na tayo." nakangiting sagot sa 'kin ni William.

Waaaa! Ang cute niyang ngumiti. Ang lalim ng dimples niya. Bagay na bagay sa kanya ang ngumiti. Sana lagi siyang nakangiti. Sayang kasi eh.

Nandito ako ngayon sa kotse ni William. Syempre si William ang nagmamaneho ng kotse.

Tumigil ang kotse at bumaba si William. Binuksan ni William ang pintuan ng kotse na katabi ko. Ang gentleman naman niya.

Bumaba ako sa kotse. "Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa amusement park tayo." sagot sa 'kin ni William.

Waaaaa! Amusement park? Pinapangarap ko talagang pumunta sa amusement park pero hindi afford sa bulsa namin ni Mama kaya hindi ako nakakapunta.

"Tara, sakyan na natin ang lahat ng rides." nakangiting sabi sa 'kin ni William.

Una naming sinakyan ay ang roller coaster. Waaaaaa! Mukhang nakakatakot. Ang taas kasi.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

Tumango lang ako sa kanya.

Sumakay kami sa roller coaster and then nag-take kami ng pictures together para sa activity namin. Biglang umandar pataas ang sinasakyan namin hanggang sa tumigil ito sa pinakatuktok.

"Geez may sira yata 'tong--WAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Napasigaw ako bigla. Kasi naman biglang bumagsak ang sinasakyan namin.

"WAAAAAAAAAAAAAAHHH!" Sigaw pa rin ako nang sigaw hanggang sa tumigil ang sinasakyan namin.

Nanginginig akong bumaba sa roller coaster.

"Waaaaaa! Hinding-hindi na ako sasakay sa roller coaster." sabi ko sa sarili ko. Pangako 'yan.

"Hahahahaha! Tingnan mo." sabi ni William na may hawak na cellphone.

Tiningnan ko ang cellphone ni William at nakita ko ang kinuha niyang litrato.

O_____O

Langya. Ako 'yon habang sumisigaw.

"I-delete mo 'yan." ani ko at aagawin ko na sana kay William ang cellphone ngunit inangat niya ang kanyang kamay na may hawak na cellphone.

Ako naman, ito tumatalon para maabot ko ang cellphone niya pero hindi ko maabot.

-_) (-_ kami ni William.

O______O ako

Napatigil ako sa pagtalon. Waaaaa! Ang lapit ng mukha niya sa akin. Magkadikit pa ang ilong namin ni William. Inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya.

"Nagugutom na ako." palusot ko kay William.

"T-tara sa f-food court tayo." nauutal na tugon niya sa 'kin.

[WILLIAM'S POV]

(A/N: Since mabait si Author ay ginawan ko si William ng POV kahit mahal ang talent fee ko sa kanya.)

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Fuck! Why my heart beating so fast? Dahil ba sa nangyari kanina?

[DANIELLE'S POV]

(A/N: Oh diba, ang sabi ko sa inyo mabait ako. Nabigyan ko pa ng POV si William. Bwahahahahaha!)

"A-ano ang g-gusto mong kainin?" nauutal na tanong sa 'kin ni William.

"Gusto ko ng Spaghetti, Ice Cream, Pizza, Hamburger, Hotdog, Cheesedog at coke." sagot ko sa kanya.

Pasensya na kung matakaw ako.

"Pipila muna ako sa counter para maka-order ako." tugon sa 'kin ni William.

Pumunta siya sa counter at pumila. Pero pinasingit siya ng mga nakapila sa counter dahil sa kagwapuhan niya. 'Yan ang advantage kapag good looking ka, pinapa-una ka sa pila kahit nasa dulo ka.

"OMG! Ang gwapo naman ng lalaking 'yan." narinig kong sabi ng isang babae.

"Kaya pala siya pinasingit sa pila. Single pa kaya siya?" narinig kong sabi ng isang beki.

Pati ba naman dito pinag-uusapan si William? Artista lang ang peg.

"OMG! Ang dami niyang dalang pagkain. Baka sa akin yung iba." malanding sabi ng babae.

"No, I'm sure sa akin yung iba dahil date ko 'yan." malanding sabi naman ng beki.

"No, akin 'yan dahil ako ang future wife niya at siya ang future husband ko."

Diosmio Marimar. Ang lalandi talaga nila. Hindi lang malandi kundi assumera na rin. Ang lawak ng imahinasyon nila.

"Here's your food." ani William sabay lapag ng pagkain sa mesa.

Waaaaaaa! Gutom na talaga ako.

Inuna kong kainin ang spaghetti.

"Say cheese." - William

*click*

Nagulat ako dahil kinunan niya ako ng picture kasama siya.

"Tingnan mo, ang cute natin dito." sabay pakita ni William sa akin ang picture na nasa cellphone niya. Waaaaaa! Nakakahiya naman ang itsura ko diyan. Kasi naman sa picture ay may subo akong tinidor habang siya naman ay nakangiti.

"Gagawin ko 'tong wallpaper." nakangiting sabi ni William.

O_____o

ANO RAW? WALLPAPER?

"Huwag, baka may makakita." sabi ko kay William.

"Edi mabuti, huwag kang mag-alala dahil maiingit 'yon sa 'yo kapag makita nila 'to. Kasama mo kasi gwapo." ani William sabay kindat sa akin.

Ang yabang din pala nito. Akala ko masungit lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay sinubukan naming sakyan ang ibang pang rides dito sa amusement park.

"Tara sa Ferris Wheel tayo." sabi sa 'kin ni William.

Tumango ako at sumakay kami ng Ferris Wheel. 7:30 PM na at nandito pa rin kami sa amusement park.

"Oo nga pala, bukas babalik na tayo sa dati." sabi sa 'kin ni William.

Ano raw?

"Anong babalik sa dati?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

'Di ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

"Hindi na kita papansinin at susungitan na kita. 'Di ba sabi ko kanina sa 'yo na ngayon lang 'to at sulitin na natin ang araw na 'to habang magkasama pa tayo." - William

Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina. Bumalik yung sakit na naramdaman ko dahil do'n. Bakit gano'n? Bakit parang hindi ko matanggap ang sinabi niya sa akin?

***

Pagkatapos naming magsaya sa amusement park ay hinatid na ako ni William sa bahay namin.

"Thanks sa paghatid." sabi ko sa kanya.

"No problem. I need to go. Ako na ang bahala sa activity natin." tugon sa 'kin ni William.

Tumango lang ako sa kanya. Pinaandar na niya ang makina ng kotse niya at umalis na siya. Waaaaa! Hinding-hindi ko makakalimutan ang moment na 'to with William.