Chereads / My Prince Is Masungit (Webnovel Ver.) / Chapter 6 - Chapter 11-12

Chapter 6 - Chapter 11-12

[DANIELLE'S POV]

Sabay kami ngayon ni Fred papuntang room. Maraming babae at beki na masama ang tingin sa akin. Lagi namang masama ang tingin nila sa akin sa tuwing kasama ko si Fred.

"Don't mind them Princess." bulong sa' kin ni Fred. Alam kong 'yan ang sasabihin niya sa akin.

Habang naglalakad kami ni Fred ay may isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. "Danielle!"

Teka, boses ni Rissey 'yon ha.

Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa akin.

Si Rissey nga.

"YOU!" " biglang sigaw ni Fred.

Nagulat naman kami ni Rissey dahil sa pagsigaw nito. Pero mas nagulat si Rissey nang makita niya ang lalaking kasama ko.

"Sige Danielle. Una na ako ha." ani Rissey sabay karipas ng takbo.

Anyare do'n?

"Kilala mo siya Princess?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Fred.

"Yup, childhood friend ko siya. Bakit?" sagot ko sa kanya.

"Ah w-wala. T-tara na." nauutal na sabi ni Fred at naglakad na kami papuntang room.

Nang nasa room na kami ay as usual. Maraming babae at beki na masama ang tingin sa akin. Pati nga mga tunay na lalaki masama rin ang tingin sa akin.

Nakita ko naman si William na natutulog. Mukhang bumalik na nga siya sa dati.

"Good Morning Class." bati sa 'min ng Adviser nang dumating na siya at may kasama siyang dalawang estudyante. Yung isa ay hindi ko kilala at yung isa naman ay si Rissey. Yes! Mag-classmate kaming dalawa.

"Meet your new classmates." sabi ng Adviser namin at nagpakilala na yung babae at si Rissey. Lauren Gomez pala ang name ng babae.

Umupo si Lauren sa tabi ni 'William na natutulog'. Buti at hindi siya sinusuway ng Adviser namin kapag natutulog siya. Kung sabagay, takot sa kanya ang mga professors kaya pwede niyang gawin ang gusto niya.

Si Rissey naman ay umupo sa tabi ni Fred. Nagulat pa nga siya nang makita niya si Fred. At si Fred naman ay biglang ngumisi. Magkakilala ba sila?

[RISSEY'S POV]

Waaaaaa! I'm dead. Katabi ko ngayon ang lalaking natapunan ko ng chocolate drink noong araw na nag-eenroll ako. 'Di ko naman alam dati na siya pala ang anak ng may-ari ng school na 'to.

Umalis na yung Adviser namin nang matapos ang first subject namin sa kanya.

"Psst."

O_____O

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Satanas. Hinnnnnddddeeeeeee!

"Akala mo matatakasan mo ang ginawa mo sa akin." mala-demonyong sabi niya.

Napalunok ako dahil do'n. Nakakatakot siya.

"Magkita tayo mamayang lunch break sa computer room." sabi niya sa 'kin.

Ano raw? Magkikita kami mamaya sa computer room?

*imagining*

Nang makarating ako sa computer room ay binuksan ko ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Fred na may dalang baril. Tinutok niya sa akin ang baril at pinaputok ito sa akin.

*bang bang bang*

At patay na ako.

*end of imagining*

Mukhang hindi naman niya gagawin 'yon sa akin, 'di ba? Hindi naman siya mukhang mamamatay tao.

May iba pang pumasok sa isip ko.

*imagining*

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Fred na naka-upo sa upuan. Nakabukaka siya.

"Lock the door." utos niya sa 'kin nang makapasok na ako.

Hindi ko sinunod ang utos niya.

"I SAID LOCK THE DOOR!" sigaw niya bigla.

Nataranta ako kaya ni-lock ko yung pinto. Pagka-lock ko sa pinto ay nagulat ako nang bigla siyang tumayo at naghubad sa harap ko.

*end of imagining*

Napahawak ako bigla sa mukha ko. Posible kayang gawin niya 'yon sa akin? Waaaaaaaa!

[DANIELLE'S POV]

- LUNCH BREAK -

"Tara, sabay na tayong mag-lunch." sabi sa 'kin ng bago kong kaibigan na si Lauren.

"Sige pero hinihintay ko pa kasi sina Rissey at Fred." tugon ko rito.

"Gano'n ba? Sige maghihintay ako." nakangiting sabi sa 'kin ni Lauren. Ang ganda naman niya.

[RISSEY'S POV]

Nang makarating ako sa computer room ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Kinakabahan ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Satanas na busy sa pagta-type sa computer. Nakasalamin siya. Ang gwapo niya kapag naka-salamin. Ay tae! Ano ba 'yang sinabi ko. Erase, erase.

"Nandyan ka na pala." sabi ni Satanas nang makita niya ako at may inabot siyang bondpaper sa akin. "Basahin mo." utos niya sa 'kin.

Binasa ko naman yung nakasulat sa bondpaper.

***

- CONTRACT -

Simula ngayon ay pagsisilbihan na ni Rissey Navarro si Fred Dela Cruz habangbuhay.

***

Ano raw? Pagsisilbihan ko si Satanas habangbuhay? Ano ako? Alipin?

***

Dahil mabait si Fred Dela Cruz ay bibigyan niya si Rissey Navarro ng 10k araw-araw plus libreng tirahan.

***

$____$

10k araw-araw plus libreng tirahan. Waaaa! Ang laki naman no'n. Baka wala pang isang buwan ay yayaman na ako.

***

Pero kapag tumanggi si Rissey Navarro sa kontrata ay mawawala na ang kanyang scholarship.

***

Mawawala ang scholarship ko kapag tumanggi ako? Hinde pwede 'to.

***

Signed by:

Fred Dela Cruz

Rissey Navarro

***

Pagkatapos kong basahin ang nasa bondpaper ay tiningnan ko nang masama si Satanas. Si Satanas naman ay ngumisi lang. Wala akong magawa kundi pirmahan ang kontrata.

"Good slave." nakangising sabi niya sa 'kin.

[DANIELLE'S POV]

"Kailangan mo ba talagang gawin 'to?" tanong ko kay Rissey.

"Oo, at saka makakasweldo naman ako do'n. 10k 'yon at per day pa. Makakatulong na 'yon sa aking pag-aaral. At saka ayaw ko nang maging pabigat pa kina Tita at Charity." sagot niya sa 'kin.

Tumango na lang ako. May point din naman siya. At saka okay na rin na lumipat siya ng bahay para naman makalayo na siya sa impakta niyang pinsan na si Charity.

"Sa tingin ko hindi ka naman papahirapan ni Fred no'n. Ang bait kaya niya." sabi ko kay Rissey.

"Anong mabait ka diyan? Magkapareho kaya sila ng ugali ni Satanas. 'Di mo lang alam Danielle na may tinatagong baho 'yang Satanas na 'yan." tugon niya.

"Paano mo nasabi 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo naman ang ginawa niya sa akin. Ginawa niya akong isang alipin. Natapunan ko lang siya ng chocolate drink ay matindi ang parusa niya sa akin. 'Di ko siya matanggihan dahil mawawala ang scholarship ko." inis na sabi ni Rissey.

"'Di bale. Pagsasabihan ko si Fred na 'wag kang niyang masyadong pahirapan." sabi ko kay Rissey.

"Salamat Danielle." - Rissey

[CHARITY'S POV]

Yesssss! Woohoooo! Aalis na si Rissey Epal, aalis na si Rissey Epal.

"Grabe Ma, ang saya ko today. Excited na akong makita si Rissey na umalis ng bahay at namumulubi." masayang sabi ko sa Mama kong maganda na pinagmanahan ko.

"Oo nga anak. Ano kaya ang dahilan kung bakit aalis na si Rissey?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Wala akong pake, basta wala na siya rito."

Geez, ang saya ko. Wala na ang epal sa bahay namin.

Nakita ko naman si Rissey kasama ang pangit niyang kaibigan na si Danielle na may dalang malaking bag.

"Umalis na kayo. Shoo! Shoo!" pagtataboy ko sa kanila.

"Nagmamadali? Nagmamadali? 'Di muna kami aalis. Hihintayin pa namin ang sundo namin." mataray na sabi sa 'kin ng panget na si Danielle.

"Hoy! 'Wag mong gaganyanin ang anak ko impakta ka!" galit na sabi ni Mama kay Danielle Chaka.

Buti nga sa 'yo. So, may sundo pala sila. I'm sure sobrang pangit din ng kanilang sundo tulad nilang dalawa.

"Ito na yata si Fred." sabi ni Danielle Chaka.

May tumigil na isang magandang kotse sa harap ng bahay namin. So Fred pala ang pangalan ng sundo nila.

Biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang gwapong nilalang.

O_____O

O-M-G! Kilala ko 'yan! Siya si Fred Dela Cruz. Ang ultimate crush ko sa Dela Cruz University. Pinapangarap ko talaga dati pa na pumasok sa DCU pero sa kasamaang palad, napunta kay Rissey ang hiling ko. Lagi akong tumatambay sa DCU kasama ang friends ko.

Pero teka, anong ginagawa ni Fred my loves dito? Don't tell me siya ang sundo nila Rissey Epal at Danielle Chaka.

"Pumasok na kayo sa kotse." sabi ni Fred my loves kina Rissey Epal at Danielle Chaka.

Pumasok silang dalawa sa kotse ni Fred my loves. Nooooooooooo! Ako dapat ang sasakay diyan. Pero I'm too late dahil umandar na yung kotse. Magbabayad ka sa akin Rissey Epal ka! Akin lang si Fred my loves!

"Hoy! Tumulong ka rito sa karinderya!" sigaw sa 'kin ni Mama.

"Ma, si Rissey na lang po ang utusan niyo." sabi ko kay Mama.

Nandyan naman si Rissey para utusan niya.

"Wala na rito si Rissey! Makakalimutin ka na ba? Hugasan mo ang pinagkainan ng mga customer kung hindi mananagot ka sa akin!" sigaw sa 'kin ni Mama.

No choice at sinunod ko ang utos ni Mama. Waaaa! Ang malas ko naman. Prince Fred ko!

Humanda ka sa akin balang araw Rissey Epal. Akin lang si Prince Fred! Akin lang siya!

[RISSEY'S POV]

Nandito na ako ngayon sa bahay--este mansyon nina Satanas. Wow! Ang laki ng bahay nila. Hindi lang 'to mansyon kundi palasyo 'to.

"Follow me." sabi sa 'kin ni Fred.

Oo nga pala, hinatid na namin si Danielle sa bahay nila kaya napapansin ninyong hindi niyo siya naririnig magsalita.

Sinundan ko si Fred papasok sa loob ng mansyon.

"WOW!" Napanganga ako sa laki at ganda ng bahay--este mansyon nina Satanas. Mas malaki pa 'tong mansyon na 'to kesa sa school namin dati noong elementary pa ako. Mukhang maliligaw ako rito.

"Tsk! Ang bagal mo." Bigla akong hinila ni Satanas. Ibig sabihin no'n ay naglalakad kami nang magka-holding hands.

Awkward!

Tumigil kami sa isang pintuan.

"Buksan mo." utos ni Satanas sabay hagis ng susi sa 'kin.

Sinunod ko ang utos niya since I'm His Slave.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay napanganga ako sa laki ng kwarto. Mas malaki pa 'tong kwartong 'to kesa sa bahay nina Tita at may second floor pa. Meron palang gano'n?

"Kwarto mo 'yan. Ayusin mo muna ang mga gamit mo." Mas napanganga ako sa sinabi ni Satanas.

Talaga? Kwarto ko 'to?

"Pakitikom 'yang bibig mo baka 'di mo na 'yan maisara." sabi sa 'kin ni Satanas.

Tinikom ko naman ang aking bibig at pumasok na ako sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at tumalon ako sa kama. Ang lambot ng kama! Waaaa!

Niyakap ko ang malaking unan na nasa kama.

Ito na ang simula ng bago kong buhay.