Chapter 3 - Chapter 3

[FRED'S POV]

Nag-de-daydream ako ngayon sa future namin ni Princess. Iniisip ko na magiging mag-asawa kami at magkakaroon kami ng masayang pamilya. Grabe, ganito pala ang pakiramdam kapag na-love at first sight ka sa isang babae. Parang nasa heaven ka kasama siya.

By the way, ako nga pala si Fred Dela Cruz, ang anak ng may-ari ng Dela Cruz University. Kaibigan ni Prince Sungit. Hahaha!

"Mukhang tinamaan na yata 'to sa bago nating classmate na si Danielle." narinig kong sabi ni Ezekiel.

"May love is blind pala." narinig kong sabi naman ni William.

"Pano mo nasabi 'yon William?" tanong ko rito.

"Sa dinami-dami ng babae sa paligid. Sa isang panget ka pa tinamaan." sagot sa 'kin ni William.

Nainis naman ako dahil sa sinabi niya. "Hoy hindi panget si Princess." pagtatanggol ko kay Princess laban sa kanya.

Ang ganda kaya niya kahit walang makeup. Palibhasa kasi woman hater 'to. Simula noong iniwan siya ni Steph ay nagkaganyan na 'yan.

"Tsk." tugon niya lang.

[EZEKIEL'S POV]

"KYAAAAAHHHH!" tilian ng mga babae sa aming tatlo (Ako, William at Fred).

Ako nga pala si Ezekiel Willford. Anak ako ng may-ari ng pinakamalaking company sa buong mundo. Sa States ako nag-aral since kinder garden hanggang high school. Nag-aaral ako rito sa Pinas para maranasan ko ang lifestyle ni Mama bilang isang Pilipino.

"Kyaaaaaaaaa! Ang gwapo."

"Sana isa sa kanila ay pakasalan ako."

"Akin si Prince William."

"Akin si Prince Ezekiel."

"At akin ang Ultimate Prince na si Prince Fred."

Ang hirap maging gwapo. Pramis. Pero sorry na lang sila. Si Lauren pa rin ang nasa puso ko at walang makakapalit sa pwesto niya.

[DANIELLE'S POV]

"Good morning class." bati sa 'min ng adviser namin.

Bumati rin kami sa kanya ng 'good morning'.

"Ngayon ay pipili kayo kung anong club ang papasukin niyo every weekend. Marami tayong pagpipiliang club. Merong cooking club, taekwondo club, modeling club blah blah blah." pag-eexplain ng adviser namin.

Wow, meron pala 'yan dito? Mukhang exciting. Cooking club ang kukunin ko.

"Anong club ang kukunin mo Princess?" tanong sa 'kin ni Fred.

"Cooking club, ikaw?" ani ko.

"Taekwondo Club yung akin." tugon sa 'kin ni Fred.

"Saan pala magpapalista para sa napiling club?" tanong ko.

"Do'n daw sa Student Council President natin sa SC office." sagot niya sa 'kin.

Tumango ako at sabay kami ni Fred na nagpalista sa SC office.

Buti na lang at anak ng may-ari ng school ang kasama ko. 'Di lang anak ng may-ari kundi isang poging nilalang din kaya pinasingit kami ng mga pumipila. Yung mga babae at beki naman ay masama ang tingin sa akin. Hinayaan ko na lang sila. 'Di naman sila nakakatakot eh.

"Sa cafeteria tayo." sabi sa 'kin ni Fred pagkatapos naming magpalista para sa club.

"Sakto, gutom na ako." tugon ko sa kanya.

"Tara." ani Fred.

Pumunta na kami ni Fred sa cafeteria.

- CAFETERIA -

"Anong gusto mong orderin?" tanong sa 'kin ni Fred.

"Kahit ano na lang." sagot ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at pumila siya pero pinasingit ulit ito ng mga estudyante. Sino ba naman ang hindi magpapasingit ng gwapo plus anak pa siya ng may-ari ng school?

"DAAAAANNNIIIIIEEEEEEELLLLLEEEEEE!"

Ay tae! Sinigawan ba naman ako ni Rissey sa likod.

"Rissey naman eh." may halong konting inis na sabi ko sabay palo nang mahina sa braso niya.

Siya nga pala si Rissey Navarro. Childhood friend ko siya. Dito rin siya nag-aaral pero magpapa-enroll pa lang siya. Naging masyadong busy yata siya sa karinderya nina Tita at yung maldita niyang pinsan na si Charity kaya ngayon lang siya nakapag-enroll. 'Di ko nga alam at kung pano niya natatagalan ang mag-inang 'yan.

"Kumusta ang school?" tanong sa 'kin ni Rissey.

"Okay lang naman." may halong kasinungalingan kong sagot sa kanya.

Ayokong sabihin sa kanya tungkol sa nakilala kong lalaki na ubod ng sungit. Naku baka sapakin niya 'yon. Medyo may pagkasadista kasi 'tong si Rissey.

"Mabuti naman. Sige magpapa-enroll na ako. Sana maging mag-classmate tayo." masayang tugon sa 'kin ni Rissey.

Tumango lang ako at umalis na siya.

Nang makaalis na si Rissey ay nakita ko naman si Fred na may dalang maraming pagkain. Wow! Ang dami naman.

"Sorry kung natagalan." paumanhin sa 'kin ni Fred.

"Ok lang 'yon." tugon ko naman sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain.