[NIKA'S POV]
Panibagong araw na naman para sa trabaho. Kung noong first day ko ay naging excited ako para pumasok sa DGUP. Pero ngayon ay nawala na ang saya ko tuwing papasok ako. Makikita ko na naman kasi ang abnormal na 'yon. Nakaka-stress siya dahil lagi niya akong inaasar.
Gusto ko na sanang mag-quit eh pero inisip ko si Nanay kaya tiis-tiis na lang ako.
"Sige po Nay. Aalis na po ako." pagpapaalam ko.
"Sige, mag-ingat ka anak." tugon ni Nanay.
Nang makarating ako sa DGUP ay ang una kong nakita agad ay ang lalaking kinaiinisan ko.
Si Stevie The Abnormal.
"Good morning Ms. Anderson. Mukhang mas maganda yata ang umaga ngayon kaysa sa 'yo." nakangiti niyang asar sa akin. Ang lapad nga ng ngiti niya eh.
Nakasimangot lang ako. "Ang aga-aga, pang-aasar agad ang bungad mo sa akin? Mukhang masaya ka yata ngayon." tugon ko sa kanya.
"Syempre, nakita kita eh." nakangiti pa rin niyang sabi.
Mukha siyang tanga kapag nakangiti siya nang ganyan, but at the same time ang cute din.
Ano ba yan Nika! Hindi siya cute ano ba! Isa siyang abnormal!
"At naniwala ka naman. Hahaha!" dagdag pa niya sabay hagalpak sa tawa.
Abnormal nga siya.
"Whatever." sabi ko sabay talikod sa kanya.
Ayokong sayangin ang oras ko para sa abnormal na 'yon.
Nang makarating kami sa room ay nagsimula nang magturo si Mr. Abnormal.
Boring.
Sabihan niyo na akong bitter pero ang boring talaga niyang magturo.
- FAST FORWARD -
Hay salamat dahil lunch time na. Hindi ko na kayang tiisin pa na makasama si Mr. Abnormal.
"Sabay na tayong mag-lunch Ms. Anderson. Huwag mong isiping niyaya kitang mag-date. Baka mag-assume ka kasi." pang-aasar na naman niya.
"Mag-date ka mag-isa mo." tugon ko sabay irap sa kanya.
"Ang taray naman nito. Akala mo naman kagandahan ka. Mas maganda pa sa 'yo ang lola ko." aniya sabay tawa.
"Che!" sigaw ko sa inis.
Nang makarating ako sa cafeteria ay naabutan ko do'n si Ms. Cruz kaya sabay kaming kumain. Masasabi kong siya ang pinaka-close kong co-professor dahil alam niya parati ang nasa isip ko.
"Mukhang hindi yata maganda ang mood mo ngayon Ms. Anderson. Si Mr. Williams na naman ba ang dahilan?" tanong sa 'kin ni Ms. Cruz.
See? Alam niya talaga ang problema ko.
"As always." sagot ko.
"Yieeeeeeee! Na-fi-feel ko talagang kayo ang itinadhana para sa isa't isa." kinikilig niyang sabi.
At ito namang si Ms. Cruz. Imbes na damayan ako ay kinikilig pa talaga siya sa pag-aasar sa akin ni Mr. Abnormal. Pareho talaga sila ni Nanay ng reaksyon.
"Eww! No way. Hindi kami itinadhana noh." tugon ko sa kanya.
"Huwag kang masyadong judgmental kay Mr. Williams, Ms. Anderson. Siya ang pinakamabait na professor dito. Tuwang-tuwa nga sa kanya si Mr. De Guzman dahil si Mr. Williams lang naman ang pride ng school na 'to." ani Ms. Cruz.
"Muntik na sana akong maniwala sa 'yo kung hindi mo lang sinabing mabait siya." sabi ko.
"Mabait naman talaga siya Ms. Anderson. Hindi ko nga alam kung bakit siya ganyan sa 'yo. But I can feel the love." ani Ms. Cruz.
Feel the love? Saang banda? Hindi ko nga ma-feel eh. At mas lalong hindi ako ma-i-inlove sa kanya.
"Hi Ms. Anderson." bati sa 'kin ni Mr. Abnormal at nakangiting umupo siya sa tabi ko na may dalang pagkain.
Haaay! Siya na naman.
"Napopogian ka na naman ba sa akin?" nakangising tanong niya.
"Ang hangin din ng utak mo noh. Hindi ka naman pogi. Mas pogi pa sa 'yo ang kapatid mo." tugon ko rito.
"Syempre, mana sa akin eh." sabay kindat niya.
"Huwag mo nga akong kausapin." sabi ko sabay focus sa pagkain.
Nakita kong wala na pala sa harapan namin si Ms. Cruz.
"Maganda ka rin naman Ms. Anderson." narinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain.
Teka, tama ba ang narinig ko? Ba't parang may kakaiba sa puso ko?
"Maganda ka kapag nakatalikod ka." dagdag pa niya sabay tawa.
Feeling ko ay sasabog na ako sa galit.