Chapter 3 - Chapter 3

[NIKA'S POV]

Kainisssssss to the highest level! Araw-araw akong inaasar ni Mr. Abnormal. Kailan ba siya titigil? Super stress na talaga ako.

"Gwapo naman si Mr. Williams ah. Ang swerte mo nga eh dahil lagi ka niyang pinapansin. Sa dami ng nagkakandarapa sa kanya including me ay ikaw pa ang pinili niya." sabi sa 'kin ni Ms. Cruz.

Tapos dumagdag pa 'to.

"Ha? Ako? Pinili niya? Niloloko mo ba ako Ms. Cruz?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kita niloloko Ms. Anderson. Ikaw ang pinili niya dahil ikaw ang lagi niyang pinapansin. And I think he's in love with you." ani Ms. Cruz.

he's in love with you.

he's in love with you.

he's in love with you.

he's in love with you.

he's in love with you.

Paulit-ulit na nag-re-replay sa isip ko ang mga katagang 'yon. Bakit parang totoo ang sinabi ni Ms. Cruz na in love sa akin ang abnormal na 'yon?

Waaaa! Ano ba Nika. Inaasar ka lang ni Ms. Cruz, okay?

"Sus, imposible iyon." sabi ko kay Ms. Cruz.

"Paano kung posible iyon?" tanong niya.

Oo nga, paano kung posible iyon?

Waaaaaa! Ano ba Nika. Anong nangyayari sa 'yo? Tandaan mong imposibleng ma-in love sa 'yo 'yang abnormal na 'yan. At hindi ka rin mai-in love sa kanya.

"O, nandyan na pala si Mr. Williams." sabi ni Ms. Cruz sabay turo kay Mr. Abnormal.

Nakita ko namang palapit na siya sa amin. Ang lapad ng ngiti niya.

"Good morning ladies." nakangiting bati sa amin ni Mr. Abnormal.

"Good morning din Mr. Williams." bati ni Ms. Cruz kay Mr. Abnormal with matching pa-cute pa.

Ano ba 'yan! Bakit maraming nagpapaganda at nagpapa-cute sa abnormal na 'to?

"Hi Ms. Anderson." bati sa 'kin ni Mr. Abnormal.

"Uyyyy! Nakakadalawa ka na Ms. Anderson. Ayyiiee!" pang-aasar sa 'kin ni Ms. Cruz. As always.

"You look gorgeous today Ms. Anderson." pambobola sa 'kin ni Mr. Abnormal.

"Yieeeee! Nakakatatlo na siya." pang-aasar ulit sa 'kin ni Ms. Cruz.

"Pwebe ba tigilan mo na ako bwiset ka! Sana mawala ka na sa buhay ko!" sigaw ko bigla kay Mr. Abnormal.

Nagkaroon bigla ng mahabang katahimikan. Mukhang napasobra yata ang pagtataray ko sa kanya.

Bigla namang nag-walkout si Mr. Abnormal.

"Hala ka Ms. Anderson. Nasaktan mo siya dahil sa sinabi mo." sabi sa 'kin ni Ms. Cruz. Tila'y kinokonsensiya ako.

"Wala akong pakialam noh kung nasaktan siya sa sinabi ko. Bagay lang iyon sa kanya." tugon ko kay Ms. Cruz. "O siya, susundan ko pa si Mr. Abno--este Mr. Williams. Kita na lang tayo sa library."

"Okay Ms. Anderson." ani Ms Cruz.

Sinundan ko naman si Abnormal.

"Hoy Mr. Abnormal! Dahan-dahan ka naman sa paglalakad. Hintayin mo ako." sabi ko sa kanya.

Pero hindi naman niya ako pinansin. Wow! First time 'to. Dineadma ako ni Mr. Abnormal.

Pagkarating namin sa room ay hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Good morning class." bati namin ni Mr. Abnormal sa mga estudyante.

"Good morning Ms. Anderson. Good morning Mr. Williams." tugon naman sa amin ng mga estudyante.

Ewan ko pero parang hindi ako komportableng hindi ako inaasar ni Stevie. Siguro ay nasanay na ako sa pang-aasar niya.

- LUNCH BREAK -

Lunch break na pero hindi pa rin ako pinapansin ni Mr. Abnormal. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt.

"Ahm! Mr. Williams, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya in a nice way.

Pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Huy, sorry na sa nagawa ko sa 'yo kanina." pangungulit ko sa kanya.

Tiningnan naman niya ako. Uuuyyyy! Mamamansin na 'yan.

"Can you please leave me alone Ms. Anderson? May ginagawa pa ako rito." cold na sabi niya sa 'kin.

"Okay." tugon ko sa kanya at umalis na ako.

Sabi niya umalis ako, edi umalis ako. Pero nalungkot ako sa pagiging cold niya sa akin.

Dumiretso na lang ako sa library para mag-lunch kasama si Ms. Cruz.

"Oh ano, kumusta na kayo ni Mr. Williams?" tanong sa 'kin ni Ms. Cruz.

"Ayun. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Mukhang sinumpong yata." sagot ko.

"Mag-sorry ka na kasi sa kanya Ms. Anderson." sabi sa 'kin ni Ms. Cruz.

"Ginawa ko na pero ang cold niya pa rin sa akin." tugon ko.

Pagkatapos naming mag-lunch ay dumiretso na ako sa room. As usual, hindi pa rin ako pinapansin ni Mr. Abnormal. Nakakapanibago nga eh.

Pagkatapos ng last period ay ganyan pa rin siya sa akin. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Kung ayaw niya akong pansinin, edi huwag.

"Gusto mo bang sumama sa amin sa Dyosa's Cafe, Ms. Anderson?" pag-aaya sa 'kin ni Ms. Cruz.

"Huwag na Ms. Cruz. Marami pa kasi akong gagawin sa bahay." tugon ko sa kanya.

Excuse ko lang 'yon dahil wala akong gana ngayon.

"Okay, mag-iingat ka." ani Ms. Cruz at lumayo na siya kasama ang iba pang professors.

Haaay! Mag-isa ako ngayong uuwi. Dati kasi ay sumasabay sa akin si Mr. Abnormal kapag umuuwi. Nakakalungkot nga eh.

Dapat nga maging masaya ako dahil hindi na niya ako inaasar pero bakit gano'n? Bakit hindi ako masaya? Siguro ay naguiguilty lang ako sa sinabi ko sa kanya.

"Miss, holdap 'to."

"Ay kabayo."

Nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likod at tinutukan ako ng kutsilyo. Waaaaa! Help.

"Akin na ang wallet at cellphone mo." sabi sa 'kin ng holdaper.

Napatingin ako sa paligid at walang ni isang taong dumadaan. Huhuhu! No choice kundi ibigay sa kanya ang phone at wallet ko. Ayaw ko pang mamatay.

"Teka, bitawan mo muna ako. Hindi ako makagalaw." utos ko sa holdaper.

Binitawan naman ako ng holdaper pero nakatutok pa rin sa akin yung kutsilyo.

"Bilisan mo! Baka may dumaan!" inis na sabi sa 'kin ng holdaper.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Bago ko ibigay 'yon sa kanya ay kinuha ko muna ang ID ko sa wallet at ang sim ko sa cellphone.

"Ito na." sabi ko sabay abot sa holdaper ang wallet at cellphone ko. "Pwede mo na ba ako lubayan?"

"Hindi pa. May gagawin pa ako sa 'yo." sabi sa 'kin ng holdaper at ngumisi pa siya. "Hindi lang ako holdaper kundi rapist din ako. Mukhang masarap ka." dagdag pa niya.

*shock*

Ano raw? Rapist din siya? Waaaaa! Help meeee!

[STEVIE'S POV]

"Sige, mauna na kayo ni Louise kapatid ko." sabi ko sa kapatid kong si Billy.

"Sige Kuya. Tara na Wifey ko." ani Billy at umalis na sila ni Louise. 

Naglakad na rin ako pauwi sa condo ko. Marami pa kasi akong gagawin.

"TULLLLLLLOOOOOOOONNNNGGGG!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong isang sigaw.

Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko si Nika. May isang lalaking nagtatangkang gahasain siya. Naalala ko bigla ang pinsan kong si Cassie. Hindi pwede. Kailangan ko siyang iligtas.

Tumakbo ako papalapit sa kanila.

Nang makalapit ako ay hinarap ko yung rapist at sinuntok ko siya.

"Putangina ka! *punch* Huwag mo siyang gagalawin! *punch*" sinuntok ko siya nang maraming beses.

Galit na galit ako sa mga rapist dahil sa ginawa nila sa pinsan ko.

"Tama na Stevie. Mapapatay mo siya." pagpipigil sa 'kin ni Nika

Pero hindi ko siya pinansin at sinutok ko pa yung rapist. May mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

"Para 'to sa pinsan ko! *punch* Dahil sa inyo ay namatay siya! *punch*" sigaw ko sa rapist.

[NIKA'S POV]

"Tama na Stevie." pagpipigil ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Grabe, sobrang galit siya dahil daw do'n sa lalaking nagtangka sa akin ay namatay yung pinsan niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.

Puno na ng pasa ang mukha ng holdaper/rapist.

"TAMA NA STEVIE!" hindi ko na napigilang sumigaw pa.

Napatigil naman si Stevie dahil do'n. Hingal na hingal siya at tagaktak pa ang pawis niya. 

Napatayo naman si Stevie. Napatingin siya sa akin at nagulat na lang ako nang niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya pabalik.

He's crying. I need to comfort him.