[NIKA'S POV]
- NEXT DAY -
Grabe, ang sarap namang yakapin ang unan na 'to kahit matigas.
Inamoy ko ang yakap kong unan. Teka, bakit amoy tao?
Inimulat ko ang aking mga mata.
-____0
0___0
"Pwede na ba ako maging unan mo?" - Stevie
O___O
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Napalayo agad ako sa unan--este kay Stevie. Hindi pala unan ang niyayakap ko kundi si Stevie pala. Waaaaa! Nakakahiya naman ang ginawa ko sa kanya.
"Gising na pala kayo. Sakto at nakahanda na yung agahan." sabi sa 'min ni Nanay.
Tumayo agad ako at iniwan ko si Stevie sa banig. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kong pagyakap sa kanya.
Sabay kaming tatlong kumakain ng agahan. Ako naman ay naka-focus lang ako sa pagkain ko. Ayokong tingnan siya. Nakakahiya yung ginawa ko kanina.
Pagkatapos kong kumain ay nagdire-diretso ako sa CR para maligo. Todo iwas pa rin ako kay Stevie. Kailangan kong maghanda para sa school.
Pagkatapos kong maligo at maghanda para sa school ay agad akong nagpaalam kay Nanay.
"Sandali lang anak." pagpipigil sa 'kin ni Nanay sa paglalakad.
Tumigil naman ako at bumalik kay Nanay.
"Ano po 'yon Nay?" tanong ko kay Nanay.
"Hintayin mo muna yung kasama mo. Malapit na siyang matapos." sagot niya sa 'kin.
Nakita ko naman si Stevie na nakabihis na.
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Waaaa! Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko siya.
"Anak, ayos ka lang ba? Bakit ayaw mong magsalita?" Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Nanay.
"Ah sige Nay. Una na po ako." sabi ko kay Nanay at kumaripas agad ako ng takbo.
"Nika, sandali lang. Hintayin mo ako." narinig kong sigaw ni Stevie.
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
"Sandali lang Nika. 'Wag mo akong iwan." - Stevie
"'Wag mo akong iwan."
"'Wag mo akong iwan."
"'Wag mo akong iwan."
"'Wag mo akong iwan."
"'Wag mo akong iwan."
"'Wag mo akong iwan."
"OUCH!" sigaw ko nang matapilok ako at natumba sa sahig.
"NIKA!" narinig kong sigaw ni Stevie.
Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin sa pagtayo.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo Nika? Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba sa nangyari kanina? Huwag kang mag-alala dahil hindi kita aasarin dahil do'n." sabi sa 'kin ni Stevie.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n.
"Stevie?" tawag ko sa kanya.
"Ano 'yon Nika? May kailangan ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.
"Nagkagusto ka na ba sa isang babae?" tanong ko bigla sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong kay Stevie.
Huminga siya nang malalim. "Oo." tipid na sagot sa 'kin ni Stevie. "Bakit mo natanong 'yon?" tanong niya.
"Wala lang, nagtatanong lang." sagot ko sa kanya.
"Nagmahal ako ng isang babae. Pero dahil do'n ay nasira ang pagiging magkapatid namin ni Billy." sabi ni Stevie na ikinalaki ng mga mata ko.
[STEVIE'S POV]
Nanlaki ang mga mata ni Nika dahil sa narinig niya mula sa akin.
"Nasira ang pagiging magkapatid niyo dahil nagmahal ka ng isang babae? Bakit naman?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "Dahil ang babaeng mahal ko ay ang girlfriend niya." sagot ko na mas ikinagulat pa niya.
"Mahal mo ang girlfriend ni Billy. It means mahal mo si Louise?" aniya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi si Louise ang tinutukoy ko. Bago niya makilala si Louise ay mayroong siyang minahal dati na isang babae. First girlfriend niya." ani ko at ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa first love ni Billy na minahal ko rin.
*flashback*
"Kuya, meet my girlfriend, Sam. Sam, this is my kuya. Si Kuya Stevie." - Billy
Fuck! Ang ganda ng girlfriend ni Billy. Sa tingin ko, crush ko na siya. Crush lang ha. Ayokong maging kaaway ang kapatid ko.
"Nice to meet you Sam." nakangiting sabi ko kay Sam.
"Nice to meet you too." nahihiyang tugon niya sa 'kin. She's so innocent which make her cute.
"Oo nga pala Kuya. May date kami mamaya ni Sam. Okay lang ba sa 'yo?" tanong sa 'kin ni Billy.
"Oo naman kapatid ko." sagot ko sabay thumbs up sa kanya.
"Yes! Salamat Kuya. The best ka talaga." sabi sa 'kin ni Billy.
"Para sa 'yo kapatid ko. Kung ano ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo." tugon ko sa kanya.
"Sandali lang Kuya. May kukunin lang ako sa kwarto. Diyan ka lang Sam. Huwag kang mahihiya kay Kuya." sabi ni Billy at lumayo muna siya sa amin.
Napatingin ako kay Sam.
"Hi." bati ko rito.
"Hello." bati naman niya sa 'kin.
Napatitig ako sa magandang mukha niya. Parang siya isang anghel sa aking paningin.
Napatitig din siya sa akin.
"Ang gwapo mo naman. Pareho kayo ng kapatid mo." sabi sa 'kin ni Sam.
Feeling ko nagba-blush na ako ngayon sa kilig. Ano ba yan! Nakakabakla naman 'to.
"Salamat. Ikaw, maganda ka." tugon ko sa kanya.
Nag-blush naman siya. Kinikilig ba siya?
"Salamat. May girlfriend ka na ba?" tanong sa 'kin ni Sam.
"Wala pa." sagot ko sa kanya. "Bakit mo natanong 'yon?"
"Wala naman. Akala ko kasi meron ka ng girlfriend." aniya.
"Pasensiya na kung natagalan ako. Para sa 'yo Sam. Suotin mo mamayang gabi ha." sabi ni Billy sabay abot kay Sam ang isang maliit na box.
Kinuha naman ito ni Sam at binuksan ang box. Kwintas na may tatlong heart shape ang laman nito.
"Ang ganda naman nito Billy." manghang sabi ni Sam kay Billy.
*end of flashback*
"Simula nang makilala ko si Sam ay lumalim pa lalo ang nararamdaman ko sa kanya. From crush ay naging love na. Nalaman ko ring may gusto rin sa akin si Sam at naging mag-on kami secretly. Hanggang sa malaman ito ng kapatid ko. Doon na nasira ang pagiging magkapatid namin. At ang lahat ng 'yon ay pinagsisihan ko na." pagkukuwento ko sa kanya.
Pero parte na lamang ito ng nakaraan ko dahil may iba na akong gusto ngayon.
At ito'y nasa harapan ko na.
[NIKA'S POV]
Grabe, ang saklap naman no'n. Hindi ako makapaniwalang may ganitong past si Stevie. Mas lalo ko pa tuloy siyang hinangaan. Kahit na nagkamali siya noon ay nagsisi pa rin siya sa huli.
Tama nga si Ms. Cruz. Masyado akong naging judgmental sa kanya.
"Oo nga pala, gusto kong mag-sorry sa mga araw na lagi kitang inaasar. Gusto lang naman kita maging kaibigan." sabi niya sa 'kin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"'Yon ba ang way mo ng pakikipagkaibigan? Ang mang-asar ng tao?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa gano'n. Ang sarap mo lang kasing asarin dahil mas nagiging cute ka kapag naiinis." nakangiting sagot niya.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil do'n.
"Okay, apology accepted." tugon ko sa kanya.
"Friends?" aniya.
"Friends." tugon ko naman.
At nag-shakehands kaming dalawa.
We're officially friends.