Chapter 10 - Final Chapter

[NIKA'S POV]

- AFTER TEN YEARS (CANADA) -

Nandito kami ngayon ni Stevie sa Canada para mag-celebrate ng Christmas kasama ang nag-iisa naming anak.

"Mom look, it's Olaf." sabi ng five years old kong anak at may tinuro siya.

"Wow anak! How did you made him?" tanong ko sa anak ko.

Syempre alam kong ginawa 'yan ng daddy niya.

Ang daddy niyang si Erwan.

Ang napangasawa ko.

Joke lang. Hindi naman Erwan ang pangalan ng napangasawa ko kundi Afan. Isang arabong na-meet ko sa facebook. Nagpunta siya sa Pilipinas para ma-meet ako at nagpakasal kaming dalawa.

Joke lang ulit. Hindi naman kayo mabiro.

Ito na. Seryoso na talaga. Alam niyo naman kung sino talaga ang forever kong makakasama.

Syempre sino pa nga ba kundi si Taehyung.

Joke lang ulit. Hanggang sa panaginip ko lang 'yon.

Si Stevie.

Seven years ago ay nag-propose siya sa akin hanggang sa nagpakasal kaming dalawa.

After two years nang kasal na kami ay nabiyayaan kami ng isang anak. Masaya but at the same time malungkot din dahil kasabay ng pagsilang ng first baby namin ni Stevie ay namatay din ang Nanay ko. Hindi niya naabutan ang kauna-unahan niyang apo. Pero alam kong nakikita niya ang apo niya mula sa langit.

"I didn't made Olaf. Dad made it." sagot ng anak ko. "But why he is not moving?" inosenteng tanong niya.

"It's because Olaf is just a snow. He is not human." sabi ko sa anak ko.

"Snowball fight!"

Nagulat ako nang may bumato sa akin ng snowball mula sa likod.

Si Stevie.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Iyan pala ang gusto mo ha." nanghahamong sabi ko kay Stevie.

Napatingin ako sa anak ko. "Anak, help me to throw your Dad a lot of snowball." sabi ko sa anak ko.

"Yes Mom." tugon niya sa 'kin.

At pinagtulungan nga namin ng anak kong batuhin si Stevie ng mga snowball.

"Teka, sandali lang." pang-aawat sa amin ni Stevie.

Pero hindi kami umawat.

"Hahahahaha!" Tawa naman kami ng tawa ng anak ko nang makita kong natatabunan na si Stevie ng mga snow. Hindi naman siya nasaktan sa ginawa namin.

"Rawr!" biglang bumangon si Stevie at nag-ala monster siya.

"Waaaaa! Snow Monster." sabi ko at agad kaming tumakbo ng anak ko habang tumatawa.

- FAST FORWARD -

Gabi na at ramdam namin ni Stevie ang ginaw dito sa kwarto namin. May blizzard kasi sa labas kaya sobrang lamig.

"Hindi ako makatulog." sabi ko kay Stevie na giniginaw din.

Yung coat kasi namin ay nasa anak namin. Hindi rin siya makatulog dahil sa sobrang lamig kaya tatlong coat ang suot niya para hindi siya lamigin at makatulog siya. Comforter lang ang meron kami pero hindi pa iyon sapat para labanan ang lamig.

"Edi painitin natin ang gabi para hindi tayo ginawin." sabi ni Stevie at pumunta siya sa likod ko.

"Ha? Paano naman natin papainitin ang gabi?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin tapos parang hinahalikan at kinakagat niya ang leeg ko.

"T-teka, nakikiliti ako." pag-aawat ko kay Stevie.

Pero hindi siya tumigil sa paghalik at pagkagat sa leeg ko.

"Hmmm!" narinig kong ungol ni Stevie.

Nakaramdam ako bigla ng init sa aking katawan dahil sa ginagawa niya. Tama nga siya. Hindi na ako giniginaw. Pero baka magising yung anak namin dahil sa ingay namin ni Stevie. Siguro naman ay hindi dahil nasa kabilang kama siya natutulog na malayo sa amin.

Hinarap naman ako ni Stevie at sinunggaban niya ako ng isang mainit na halik sa labi ko.

Mas lumalim pa ang paghahalikan namin hanggang sa may nangyari na nga sa amin. Alam niyo na, sinakop ng brown na saging niya ang pearl ko.

"That was... hot." narinig kong sabi ni Stevie habang hinihingal siya at nakasubsub ang mukha niya sa leeg ko.

Buti na lang at hindi nagising ang anak namin.

Ako naman ay napapikit sa pagod. Pakiramdam ko ay nawalan na kami ng enerhiya sa ginawa namin.

"Matulog na tayo." sabi ni Stevie at hinalikan niya ako sa noo ko.

Ako naman ay yumakap sa kanya hanggang sa makatulog na kami.

I'm so happy to be with him until forever.

- THE END -