[NIKA'S POV]
"Nay, si Stevie nga pala." pagpapakilala ko kay Stevie sa Nanay ko.
Sumama nga pala sa akin si Stevie dahil sa nangyari. Gusto niya kasing siguraduhing safe ako at wala nang holdaper/rapist na lumapit pa sa akin.
"Siya ba yung lalaking lagi mong kinukuwento sa akin?" tanong sa 'kin ni Nanay.
Patay! Buking na ako ni Stevie.
"Talaga po? Lagi po siyang nagkukuwento tungkol sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Stevie kay Nanay.
Nay, makisama po kayo sa akin.
"Oo iho. Lagi ka niyang kinukuwento sa akin..." - Nanay
"Ahm Nay, uuwi na po si Mr. Williams." pagpipigil ko kay Nanay sa pagkukuwento.
"Ano ka ba Anak. Papauwiin mo agad ang Prince Charming mo? Anong klaseng Prinsesa ka?" galit na sabi sa 'kin ni Nanay.
Ano ba 'tong pinagsasabi ni Nanay? Prince Charming at Prinsesa? Ano 'to? Fairytale? Cinderella lang ang peg? Pero waaaaaaaaaa! Nakakahiya! Narinig pa talaga 'yon ni Stevie.
*booooooooooommmm!*
(A/N: Sound effect po yan ng kidlat. Bomba lang ang peg. Hahaha!)
Nagulat kaming tatlo dahil sa pagkidlat. Narinig ko rin ang buhos ng ulan.
"Diyan lang kayong dalawa. Titingnan ko muna kung ano ang nangyayari sa labas." sabi sa 'min ni Nanay at iniwan niya kami ni Stevie sa sala.
"Pwede ka nang umuwi." sabi ko kay Stevie.
"Pinagtatabuyan mo ba ako?" tanong niya habang nakasimangot.
"Hindi naman sa gano'n. Baka maabutan ka kasi ng baha." pagtatama ko sa sinabi ni Stevie.
Bigla namang dumating si Nanay.
"Naku iho! Hindi ka makakauwi ngayon dahil sa lakas ng ulan. Malakas din ang hangin sa labas. Delikado para sa 'yo ang umuwi. Dito ka na lang muna pansamantala." sabi ni Nanay kay Stevie.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Gano'n po ba? Sige po." masaya pang tugon ni Stevie kay Nanay.
Waaaaa! Pesteng ulan 'yan. Bakit ka pa kasi nagparamdam? Ang wrong timing mo naman.
So no choice. Kailangan niyang mag-stay dito for the whole night.
"O ito iho, magpalit ka muna." sabi ni Nanay sabay bigay ng sando at short kay Stevie. "Sige, magluluto muna ako ng hapunan." dagdag pa ni Nanay at pumunta na siya sa kusina para magluto.
"Meron ba kayong kwarto na pwedeng pagbihisan? Magpapalit lang ako ng suot." tanong sa 'kin ni Stevie.
"Wala kaming kwarto dito. Sa CR ka na lang magbihis." sagot ko sa kanya.
"Saan ba ang CR niyo?" aniya.
"Ayun oh." sabay turo ko sa kulay green na pintuan.
"Okay." tugon niya at pumunta na siya sa CR para magbihis.
Pagkalabas pa lang niya sa CR ay napalunok agad ako.
Waaaaa! Bakit ang hot niya?
Anong sinabi ko?
Bad mouth.
Erase, erase. Hindi hot si Stevie, okay?
"O, bakit tulala ka diyan?" - Stevie
Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya.
"Ang sabi ko, bakit ka tulala?" ulit niya.
"Anong tulala ka diyan?" sabi ko sabay iwas ng tingin.
Nika, focus. Huwag kang ma-distract sa kanya.
"Bakit ka umiwas ng tingin?" husky niyang tanong.
Teka, bakit ang husky ng boses niya?
"Tumingin ka naman sa akin." utos niya.
Tumingin naman ako sa kanya.
O_____O
Umiwas agad ako ng tingin. Waaaaaa! Bakit pa ba ako tumingin sa kanya?
Kasi naman topless siya. Shemay! Ang ganda ng katawan niya.
Nika, magtigil ka nga. Bad influence ka sa mga readers.
"Anak, iho. Kumain na tayo." sabi sa 'min ni Nanay mula sa kusina.
Hay salamat! Safe na ako sa maskuladong katawan ni Stevie.
Pumunta na kami ni Stevie sa kusina para kumain.
"Grabe, ang sarap naman po ng niluto niyo." sabi ni Stevie kay Nanay.
Ang takaw naman nitong kumain.
"Buti naman iho at nagustuhan mo." tugon naman ni Nanay sa kanya.
Nakakatatlong cup of rice na si Stevie samantalang kami naman ni Nanay ay hindi pa natatapos ang first cup of rice namin.
By the way, nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom.
"Oo nga pala iho, kailan mo ba liligawan ang anak ko?" - Nanay
Naibuga ko bigla ang iniinom kong tubig dahil sa tinanong ni Nanay kay Stevie.
"Nay naman!" naiinis kong sabi kay Nanay.
"Ano anak. May nasabi ba ako mali?" pa-inosenteng tanong sa 'kin ni Nanay.
Hindi naman ako sumagot.
"Pagpasensiyahan mo na 'tong anak ko iho. Lagi 'yan tinatamaan ng sumpong." ani Nanay kay Stevie.
Napatapal ako bigla sa mukha ko. Haaay! Si Nanay talaga.
"Halata nga po eh." tugon ni Stevie kay Nanay.
Isa pa 'tong si Stevie. Pasalamat siya at hindi ko siya tinatawag ngayon na Mr Abnormal. Utang ko sa kanya ang buhay ko dahil sa pagligtas niya sa akin sa holdaper slash rapist na 'yon.
"Pero kung liligawan mo ang anak ko ay hindi kita pipigilan dahil boto ako sa 'yo." sabi ni Nanay sabay thumbs up kay Stevie.
Tumango naman ang loko. As if namang liligawan niya ako.
Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin.
Pagkatapos ay inayos ko na ang higaan namin sa sala. Magkatabi kaming tatlo nina Nanay at Stevie sa banig dahil sa wala kaming ni isang kwarto dito sa bahay namin. Pero maluwag naman ang sala namin.
"Sa gitna ka anak." sabi sa 'kin ni Nanay.
Humiga naman ako sa pagitan nila. Nakatabi ko pa si Stevie. Huhuhu!
"Goodnight sa inyo." sabi ni Nanay sa amin ni Stevie.
"Goodnight din po." tugon ni Stevie kay Nanay.
"Goodnight din Nay." sabi ko kay Nanay at natulog na kami.
Sana wala ng ulan bukas.
- 1:59 AM -
[STEVIE'S POV]
*booooooooooommmm!*
Nagising ako bigla dahil sa lakas ng kidlat.
"Ahhhhhhh!" sigaw ni Nika at bigla siyang napayakap sa akin.
Mukhang natakot siya dahil sa lakas ng kidlat. Buti pa ang Nanay niya, mahimbing ang tulog.
*booooooooooommmm!*
"Waaaaaaaaa!" sigaw ulit ni Nika. Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin.
Gusto kong matawa dahil takot siya sa kidlat pero hindi ako makatawa dahil baka magising siya.
Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. To be honest, komportable ako sa yakap ni Nika at nakaramdam ako bigla ng antok dahil do'n.
Napapikit na lang ako at nakatulog na ako nang mahimbing.