Diana's POV
Mabilis akong napatayo ganun din naman ang mga kasama ko rito sa table matapos na biglang mamatay ang ilaw sa pangalawang pagkakataon.
"Gandang welcome nito."
"Woooh, lupet. Adventure!" Samu't saring komento nila Stewart sa table namin.
"Was this one of your plans?" Napalingon ako kay Wencie dahil katabi ko lamang siya pero hindi ko alam kung sino ang kausap nito.
Sobrang dilim.
"Wen--"
Hindi ko na natapos ang pagtawag kay Wencie dahil bigla na lang may sumabog mula sa stage. Napayuko kaming lahat at parang medyo nabingi ako sa nangyari.
"Move! Let's see at the outside!" Narinig kong sigaw ni Talline nang makaget over sa nangyaring pagsabog at wala nang sali-salita ay nagsipagtakbuhan na kami dala-dala ang kanya-kanyang ammunition.
"Miss!" Narinig kong tawag ni Scott kaya huminto ako at lumingon.
"Go ahead, help the others! I can protect myself!"
"Okay, roger!" Umalis na ito at tumakbo pabalik kaynila Maricris.
What the heck is happening?!
Madilim ang buong paligid at iba't ibang tilian ang maririnig na mas nakadadagdag nang inis sa akin. Alam na ngang madilim titili pa!?
Mga pabebe.
Wala mang plano at magkahiwa-hiwalay man kami ng daan, isa lang ang sigurado kami....
'Ang makalabas dapat nang buhay at kumpleto.'
"This way...." sinusundan ko lang si Harris habang tumatakbo kami pareho, sabihin ko mang kaya ko ang sarili ay hindi pa rin ako hahayaan nito na mag-isa sa mga ganitong kalagayan.
Nagpatuloy ang paglabas namin habang binabaril ang mga taong gusto kaming patayin. Para silang hindi nauubos sa dami. Pamaya-maya pa ay may kakaunti nang mga ilaw sa aming dinaraanan kaya lumiwanag na nang bahagya ang hallway, nakasalubong ko si Toffer kasama ang ibang members ng Seuss.
"Anong nangyari sa'yo? Nasaan si Maricris?" Tanong ko habang tinitingnan ang dugo sa kanyang braso, nabaril ito.
Napangiwi siya bago sumagot sa aking tanong tila matagal nang iniinda ang sakit.
"Okay na siya papalabas na sila nila Talline. Sumunod na kayo roon." Tumango ako at tumakbo na ulit.
Ana's POV
Shiz.
Ang dilim, baka mamaya may multo rito. Napalingon ako sa gilid kahit hindi ko makita kung anong nanduon basta may narinig akong sumabog.
"Maria."
"Wuhhoo. Maria?" Alulululu, saan naman sumuot ang paslit na 'yon?
Hay... solo flight pala ko ngayon eh. Tatakbo na sana ako nang biglang may humawak sa aking braso.
Literal akong napatili nang maramdaman ang isang kamay sa aking braso. Walang anu-ano ay naitulak ko 'yon sa pagkabigla at takot. Matagal akong tumulala matapos mawala yung kamay.
Ano ba 'yon?
Para makasigurado ay lumapit ako nang bahagya at kinuha ang phone ko para gawing pantanglaw. Dapat kasi h'wag kang gagamit nang ilaw kapag mga ganitong panahon, agaw atensyon kasi, lalo na kung ang plano talaga ay patayin ka.
Pero dahil sa babae yung multo itinapat ko sa kanya. Hindi ko naman muling napigilang mapatili nang makitang sunog ang kalahating mukha nung babae.
Pero teka--- ?? Yung Gf ni Zcirem 'to!
SHEMAYYYY!!!!
Nasabugan ata siya! Aalis na sana ako sa pwesto ko dahil 'yan ang bagay sa kanya, pero bigla itong nagsalita na nagpatigil sa akin.
"Zcirem...."
"A-ano?"
"S-si Zcirem, y-yung kasama ko---" hindi ko na siya pinatapos at nagtatakbo pabalik sa pinaka-Grand hall kung saan nagaganap ang malalakas na putukan ng baril.
No.
No.
No.
He can't die.
He can't die here! He can't just leave like this!
Binilisan ko pa ang pagtakbo habang hawak sa kanang kamay ang Colt Model 1855 (Root Revolver), parang ang bilis nang mga pangyayari ni hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa posibilidad na baka ngayon nauubos na ang dugo niya.
Sa posibilidad na baka ngayon, unti‐unti nang nauubos ang hininga niya.
Pinahid ko ang aking pisngi kasabay nang pagbaril sa lalaking biglang humarang sa aking harapan. Nakita ko na tatayo pa sana siya kaya muli ko nanaman itong binaril sa binti.
Nakita ko kung paano ito mapangiwi sa sakit, kaya pinaputukan ko siyang muli sa kabilang binti. Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa pisngi ko, paano kung patay na siya?
Napahigpit ang hawak ko sa baril at itinututok sa ulo nung lalaking wala nang buhay. Hindi siya pwede----
Halos tumurumpit ang hawak kong baril nang biglang may isang misteryosong lalaking dumating at hinitak ako nito palayo sa kinatatayuan ko kanina kaya hindi ko naituloy ang pagbaril pa sa ulo ng lalaki.
"Ikaw na nga 'tong pumapatay, iniiyakan mo pa." Aniya nito habang hitak-hitak ako.
"B-bitawan mo nga ako," humihikbi kong piglas sa kanya. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko ulit pero hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa aking braso at nagpatuloy sa pagtakbo. "Sabing bitawan mo ako! May dapat pa akong hanapin!"
Hindi ito sumagot at bigla akong hinitak paupo saka hinarangan, aba't dumadamoves na 'to ha! Tatarayan ko na sana siya pero napapikit ako nang bigla nanamang may sumabog malapit lang sa amin.
Napahigpit ang yakap niya kaya parang hindi ko alam, pero naging kumportable ako sa pwesto na 'yon. Na kahit ngayon ko lang siya nakita, gusto kong ipakitang umiiyak ako at nasasaktan.
"May mga bagay na gusto mo mang hanapin, minsan h'wag na. Mas masasaktan ka lang." Bulong niya at saka tumayo.
Sandali siyang nagpause matapos tumayo, nahahagip pa ng aking mga mata ang paligid namin na halos umaapoy ang ilang bahagi ng Grand hall at puro sparks ng kuryente ang maaaninag sa paligid.
Pilit ko mang ialis at ibaling sa iba ang aking tingin ay hindi ko magawa. Para bang na-magnet nang kulay asul niyang mga mata ang sa akin.
"Let's go," he said, then pulled my hand again.
Ano?
Pero..... paano si Zcirem?
Maricris's POV
Kasunod ko si Eloi at Talline sa likod habang tumatakbo kami papalabas. Yung iba hindi ko na alam kung nasaan. Shiz, I hope they are all safe.
"What do you think the hell they're trying to do this time?" Talline asked with greeted teeth behind me.
"Hindi ko alam," simple kong sagot.
Wala naman kasi talagang may alam. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil sa last 5 years wala namang nangyaring ganito. Siguro dahil ang Queens pa noon ay si Divine, Theresa at Georgina.
Pero nang mamatay si Georgina ay may pumalit na bagong Queen. Wala mang patunay pero sigurado kami na nung si Elizabeth na ang bagong Queen ay nagsimula ang mas malawakang pagpatay at mga brutal na utos.
"Mga impakto sila! Kung sino man ang may pakana nito. Ang ganda-ganda ng gown ko, patatakbuhin lang pala ako. Mga hampas-lupa!"
Halos matawa naman ako sa pagmumukha ni Eloi, inis na inis na kasi siya pero tulad ko wala din siyang magawa. Napadasal na lang ako sa aking isip na sana safe talaga ang lahat.
Nang tumagal ay lumiliwanag na ang paligid at nang makarating kami sa dulo ay sumalubong sa amin ang mga nakahandusay na labi sa isang kwarto na puro puti pero nabalutan na nang dugo.
"Sh*t! So gross!"
"Nakakadiri naman!" Rinig kong komento nung dalawa.
"Iwwwww." Komento ko rin, like duh! Kadiri kaya!
Lalo na nang inilibot ko ang aking tingin sa paligid.
Nakatatakot.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas na isa-isa ang mga ilaw na lalong nagpaikot sa sikmura ko parang nagkaroon ng gera rito. May mga tipak ng bato at gulong-gulo.
"Eloi!"
"Mice!"
Nilinga ko ang paningin at natagpuan ng aking mga mata ang mga kaibigan ko. Sila Wencie, Diana, Maria, Ana at yung dalawa sa likod ko.
Shocks!
Everybody was safe; thank you, God!
I also saw the gang of Rebellion, especially CaUx with bloodstains on his white polo and as well as the Vhilantro and the Cavalier, who are standing in front of us with a smirk on their faces.
Tss, so conceited.
May ilan din akong nakita na mga taong hindi pamilyar sa akin. Ano kayang dahilan at nandito sila?
And lastly, the Seuss---
"Toffer!" Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya dahil nakita ko itong may sugat.
"Kamusta? Okay ka lang ba?"
Ngumiti ito saka tumango habang hawak-hawak ang sugat. "I'm okay, hon."
Hinawakan ko siya saka tumingin sa lugar kung saan may biglang pumapalakpak.
*clap*clap*clap*
Gusto ko mang ibigay ang buo kong atensyon kay Toffer ay hindi ko ito nagawa dahil naagaw nga kanyang presensya ang atensyon ko maski ang lahat ng tao rito sa loob ng kwarto.
"Wonderful! Very... wonderful!"
"Elizabeth..." I whispered automatically.
Nakatayo siya sa taas ng hagdanan habang ngiting-ngiti sa aming lahat. Nasa likod naman niya si Divine at Theresa na pinagmamasdan ang mga tao sa tabi namin na wala nang buhay.
"I just want to say that at this party, everybody proved to me that they really belonged to Dark Queen's Mafia, especially to those who are still alive." Announced nito saka nagpatuloy.
"Lahat kayo na buhay at nakatayo ngayon sa harap ko? Congratulations! Seuss, Cavalier, Rebellion, Vhilantro and Pinky."
Should I congrats myself? Really?
"Nabigyan ninyo ako nang isang magandang palabas."
Palabas?
You mean, lahat 'to isang malaking joke!?
"Tinest ko lang kung magagaling ba talaga kayo, and well? Magagaling nga, but obviously still not enough. As a DQM's high classes, there should be no casualty in each one of you, but look at you, appeared here as if you are very exhausted and worn out."
F*ck you, Elizabeth!
Not enough? E halos mamatay na nga kami sa ginawa mong palabas!
"So.. see you again and good night everyone. Enjoy the rest of the party." Tumalikod na ito kasama ang dalawang Queens matapos bitawan ang mga salitang 'yon.
Ano? Ganun lang!
Ganun lang? Ugh, so heartless!
Pagkaalis nung tatlo ay lumabas na ang lahat mula sa kwarto na talagang mas nanaisin mo kaysa manatili sa loob.
Napasabunot naman si Diana bago nagsalita. "Mga bwisit!"
Sa tabi naman nito ay si Eloisa na nagrereklamo. "Sira na yung gown ko!"
"Oh shit! Ya, look like shit Elizabeth," Talline growled.
Sa kabilang banda naman ay si Maria at Scott na nag-aaway. "Ang yabang-yabang mo! Mababaril ko 'yun kahit hindi ka dumating!"
"Weh.. talaga lang ha."
"Woooh! Pre! Hanep 'yung adventure na yun kanina!" Pagitna naman ni Stewart sa dalawa habang patuloy pa rin sa pagbabangayan.
Napailing nalang ako na parang wala lang sa kanila yung nangyari kanina na imbis problemahin yung muntik na naming pagkamatay, ay kung ano-ano pa ang pinoproblema nila.
Hay! Paano ko ngayon lalabhan 'to?
Ang mahal mahal pa naman nang pagawa ko sa gown na 'to puro dumi at dugo na.
"Guys, una na ako ha." Paalam ko sa kanila kaya napatingin sa akin ang mga 'to at nahinto sa kanya-kanyang ginagawa.
"Oh! H'wag muna, bata ka pa!" Aniya ni Diana habang lumalapit sa sasakyan nila.
"Oo nga Maricris, kaliligtas mo lang sa gera." Tawa naman ni Eloi bago dinugtungan ang kalokohang sinasabi. "Papakamatay ka na agad?"
Nakakatuwa talaga 'tong si Eloi kahit kailan.
"Kawawa si Toffer, dinugo pa naman kanina," muli nanamang banat ni Diana.
Hay, at ayun nagtawanan na sila.
Mga baliw.
"Ewan ko sa inyo!" Sigaw ko at sumakay na sa kotse para puntahan si Toffer. Sandali akong nagpahinga matapos lumapat ang aking likod sa upuan ng kotse.
How I missed this soft and fluffy seat even though I was just here before I entered the Grand Hall.
Ang babaw ko ba? You know that feeling?
That feeling when you feel safe?
Hinawakan ko na ang manibela at nagsimulang magdrive. I'm tired so I will just check him, and then make some beauty rest.
I still have classes for tomorrow morning.
So, let's call it a day, okay?
-----------
NEXT CHAPTER: WHAT IS IT?