Talline's POV
I don't want to be some kind of b*tch tonight, but how can't I? If b*tches surround me? Wherever I look, I can see them.
Looks like a virus.
Puro plastikan, ito ang ayoko rito eh. Yung patayan na nang patayan sa isip pero parang mahal na mahal ka kapag kaharap.
Tss, everybody looks so wonderful, but these are all lies.
They are all fake.
Pinagmasdan ko ang stage habang nagmumuni-muni.
Dark Queen's Party, ito ay isang party every 5 years lang. Lahat ng queens under ng Dark Queen's Mafia ay narito, it means that lahat nang masasamang tao at masusunog ang kaluluwa sa lupa ay narito malapit lang sa akin.
And it sucks.
•Dark Rebellion
•Dark Seuss
•Dark Cavalier
•Dark Vhilantro
•Dark Pinky
Ito ang mga high class groups ng mga mafiaso sa pamumuno Dark Queen's Mafia and lahat sila ay invited tonight. Rebellion at Seuss lang ang close namin, but the other groups were not really even acquainted with each other. Actually, I hate the members of Cavalier and Vhilantro, especially George.
At lahat nang hindi kabilang sa mga grupong nabanggit ay itinuturing agad ng DQM na kaaway.
Lumapit ako sa bar at umupo sa isa sa mga upuan doon, mukhang wala pa ang mga kaibigan ko.
Tsss, dapat pala nagpalate rin ako.
"Nice to see you again, Williams." Hindi ako nagbigay nang kahit anong reaksyon kundi tango lang.
I knew it.
I knew it!
"How nice your greet was."
Umirap lang ako sa babaeng umupo sa aking kaharap na stool habang may hawak na wine glass. I felt very hot right now, I want to break that wine glass and pin to her every piece of it.
"C'mon, stop fooling around George. I know how you like to kill me right now." I said bluntly.
She chuckles before stating something again with an annoying look. "Looks like you're not changing, huh."
Kumuha ako ng wine sa naglilibot na waiter at uminom nang kaunti roon bago muling sumagot.
"Yah, kasi hanggang ngayon minemurder kita sa isip ko at inilalagay ang mukha sa loob ng kumukulong tubig." Bigla siyang natawa na this time ay malakas na matapos marinig ang aking sinabi.
-Data-
Dark Cavalier
Name: Grethel George
Age: 23
Skill: Hacker
"Buti at buhay pa ako," muli nanaman niyang tawa. "By the way, wala ka na rin namang balat sa utak ko kaaalis ko lang gamit ang fork."
"Ha-ha-ha, IDC, B*tch." Nanggigil kong bulong, nakakainis talaga kahit kailan ang impaktang 'to.
"What's up, yo! Mukhang nagkakasiyahan kayo ha." Bati ni CaUx, isang member ng Rebellion.
Lifesaver!
Lumapit ako kay CaUx saka hinawakan ang braso nito.
"Accompany me."
"Where?" Takhang tanong nito sa akin nang halos halikan ko ang kanyang pisngi sa pagkakabulong. I will rather be with CaUx than George.
Kaya nag-isip ako ng sasabihin.
George is watching us intently, waiting for me to do something not cool and making me stupid in front of her.
Dumating si Trevor kasama si Savannah at ngayon ay nasa pwesto na namin silang lahat.
Think. Think Kristalline!
"Naiihi ka hindi ba? Tara samahan na kita"
"Wha-- "
Ngumiti lang ako sa kanya at hinitak na ito palayo mula kaynila George dumarami na kasi ang mga members ng Cavalier doon and I hate that scene.
"Hey, s-sandali lang masyado tayong close Tal," tawa niya habang lumalayo sa akin.
Binaling ko ang tingin kay CaUx at sinamaan siya ng tingin.
"Gusto mo palang akong kasama sa C.R, I'm not aware of that."
"Feeling mo!" Tulak ko sa kanya.
Napailing ito at napahalakhak na this time. Muntik pa nitong i-pinch ang ilong ko kaya tinabig ko ang kanyang kamay.
"Cute mo talaga."
"Iw ka eh 'no?" Lakas talaga ng hangin sa katawan nitong tao na 'to. Tss, kung may iba lang akong makakasama hindi ako sasama kay CaUx.
Never.
"Talline!"
Pareho kaming napalingon sa tumawag sa akin hindi kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa. It was Maricris kasama si Lourd.
Thank God they are already here.
"Kanina ka pa?"
"Not really," I answered.
Nakita ko ang pagbati ni Lourd kay Caux, bigla rin namang dumating si Eloi kasama si Maria na hahabol-habol sa paglalakad.
Hay, nako for sure iniwan niya nanaman 'yon.
"Tara na sa harap, magstart na raw yung party."
"CaUx! Tol!" I raised my right eyebrow nang makipaghigh-five si Scott at Stewart kay CaUx.
Tss, Mukha bang hindi nagkikita ang mga ito.
"Diana, nakita mo ba si Ana?" Tanong ni Eloi.
Oo nga, bakit nalate 'yun?
"Ah, oo kasama si Wencie nagpunta lang sa comfort room."
"Good evening, everyone."
Nalingon ang lahat nang may magsalitang isang babae mula sa stage.
"Just a reminder, the party will start after 5 minutes."
Ana's POV
"Ana, wait mo ko ha. Iihi lang ako sandali." Paalam ni Wencie at pumasok na sa cubicle. Narinig ko naman na mag-start na raw ang party.
Nagsasalamin ako habang hinihintay si Wencie, nang biglang mapatingin ako sa babaeng kalalabas lang sa isa sa mga cubicles.
Parang nakita ko na siya.
Bigla itong ngumiti sa akin, nang mapansin ata niyang kanina ko pa siya tinitingnan. Ngumiti rin naman ako at umiwas na ng tingin. Pamaya-maya ay lumabas na ito matapos maglagay ng kaunting kolorete sa mukha.
Pamilyar talaga sakin yung babae na 'yon.
"Ay, naiwan niya yung panyo." Bulong ko saka mabilis na lumabas sa comfort room para habulin yung babae.
"Miss!"
"Miss!" Tawag ko pero iba ang lumilingon sa akin, may mga nadadaanan din kasi akong babae, e malay ko ba kung anong pangalan niya.
Napahinto ako nang parang may hinihintay ata ito sa comfort room naman ng mga lalaki. Buti na lang ate at huminto ka---
"Tara na?"
"Hm, o sige.." hinawakan niya sa bewang ang babaeng may-ari ng panyo at naglakad na palayo sa akin. Hindi ko na sila nagawang habulin pa para kasing nawalan ako ng lakas.
Kaya pala parang pamilyar siya sa akin. Inilipat ko ang tingin sa panyo at saka itinapon ito sa pinakamalapit na trash bin.
Ang sakit.
D*mn.
Napapilig ako ng ulo dahil sa isang tanong na biglang pumasok sa isip ko.
Bakit siya nandito?
Bakit nandito si Zcirem at yung girlfriend niya?
Wencie's POV
Pagkalabas ko sa banyo ay wala na si Ana. Nasaan na 'yon?
Grabe. Mang-iwan ba?
Kinapa kong muli ang baril na nakasuksok sa gilid ng aking binti saka nagsimula nang maglakad.
Hinanap ng aking mga mata ang aking mga kaibigan, nakaupo na sila hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, halata rin sa kanilang mukha ang kasiyahan na magkita-kita muli.
This is really a huge party.
Nagtatawanan si Stewart at CaUx habang kasali sa usapan nila si Talline at Eloi. Samantalang kumakain si Maria at Scott pati si Harris at Diana ay mukhang nag-uusap tungkol sa paligid nila. Katabi naman ni Maricris si Toffer sa gilid nito.
"Oh? Nasaan si Ana?" Tanong ni Maria pagkabalik ko.
"Hindi ko nga alam eh, paglabas ko sa comfort room wala na roon." I shrugged.
Saan nga ba nagpunta 'yon?
"Here, maupo ka na." Napalingon ako kay CaUx nang inalok ang upuan sa tabi niya. Matagal ko siyang tinitigan, nagkibit-balikat lang ito saka ngumiti. Hindi ko na lang ito pinansin at tumingin na sa harapan matapos maupo.
"Good evening again! I just want to acknowledge everyone and extend our gratitude for showing yourselves tonight here in our much-awaited party of the year, the Dark Queen's Party!"
Napalingon ang lahat nang magsimulang magsalita na ang host sa entablado.
"I know all of you are excited about the upcoming program and very thrilled about the surprises. So, without further ado, let me call in, the Queens! Let's give them a round of applause!"
Tumayo ang lahat at sinalubong ng palakpakan ang mga Queens.
Dumating na sila.
Soot nilang tatlo ang mga magagarbong gowns, bitbit din nila ang mga nakatatakot na ekspresyon sa kanilang mukha na talagang mai-intimidate ka. Mula sa kung paano sila gumalaw, magsalita at tumingin sa mga taong pinagmamasdan sila.
Mga nakakikilabot na nilalang.
Umakyat ang mga ito sa stage at nakangiting inililibot ang kanilang tingin sa sinasakupan.
Mga alipin, mga alagad.
Ramdam na ramdam ang nag-uumapaw na kakayahan at awtoridad sa kanilang katauhan.
Nagsalita lang nang bahagya ang tatlong Queens at naupo na sa kanilang pwesto.
Mga upuan na gawa sa kulay ginto na parang mga mamahaling bagay na talagang pang mga reyna. Kung titingnan mo ang paligid, lahat ay nakangiti sa kanila, akala mo proud silang narito sa pagtitipon, akala mo mga tunay na masasaya.
They didn't show na isinusuka na nila ang pagiging miyembro ng DQM.
Of course, sino nga ba ang magtatangka na hindi ngumiti sa kanilang harapan?
Ibinalik ko ang tingin sa taas ng entablado at nasalubong ang mga mata niya. Nakangiti ito sa akin nang makahulugan habang kausap si Theresa at Divine, ang dalawa sa mga Queens.
Umiwas ako nang tingin at hindi na muling lumingon pa sa kanya.
I know her so well.
She's trying to flaunt herself and intimidate other people with just her eyes.
"O, tara kainan na!" Masiglang ani ni Stewart na mas pinansin ko pa kaysa sa kanya.
Maria's POV
"Hoy! Scott pahingi naman ako."
"Kumuha ka roon," masungit na sagot niya saka sumubo at hindi na ako nilingon pa.
Bwisit talaga 'to.
"Napakadamot mo talaga."
Irap ko nalang at tumayo na para kumuha ng pagkain. Minsan talaga mga masasama ugali ng assassins ni Diana.
Psh.
"Sabi kasing salo nalang."
"What?" Tanong ko nang hindi marinig ang sinabi niya dahil bigla lang itong sumigaw sa aking likuran.
"Wala!"
Tingnan mo 'to! Ugh!
"Oh! Ana? Saan ka galing?" Isa pa 'to parang bangag. "Hoy! Ana!"
"A-aa, oh? Bakit?"
Pfft? Bangag nga.
"Saan ka kako galing, bakit ngayon ka lang bumalik?" Kumukuha ako ng iba't ibang pagkain sa buffet at inilagay sa plato ko habang kasunod si Ana.
Bahala ka Scott, mainggit ka.
"Wala naman. May nakita lang akong kakilala."
"Oh? Sino?" Sumunod naman si Ana sa akin na parang lumulutang ang isip habang naglalagay ng pagkain.
"Ahhh... Si--"
"Sh*t!"
Naisigaw ko nalang saka ibinaba kung saan ang plato at hinugot nang mabilis ang baril sa aking tagiliran pero nabuhay ulit ang ilaw sa buong Grand Hall na talagang ikinagulat ng lahat. Nang lumiwanag na nang tuluyan ang lugar ay makikitang ang mga tao ay halatang natakot sa pagbrown out at nang inilibot ko pa lalo ang aking tingin ay nakita ko ang mga mafiao na may hawak na ring mga baril.
False alarm.
Itinago ko na ng baril at aabutin ko na sana ang plato pero f*ck!
Namatay nanaman ang ilaw and this time totoo na, dahil nakarinig ako nang malalakas na pagsabog.
Nakarinig din ako ng iba't ibang pagtili habang wala na akong makita sa paligid.
Patay ang mga ilaw sa buong Grand Hall.
Mabibilis na yabag ang aking naririnig kaya pinanatili kong alerto ang sarili. "Ana, andiyan ka ba?" tawag ko habang kinukuha ulit ang baril.
"Ana...." Bulong ko sa likod pero mukhang wala si Ana, ano ba 'yan, solo flight pala ko ngayon.
Mabilis akong tumakbo papalayo sa dining area kahit inaaninag ko lang ang daan gamit ang mga apoy mula sa mga pagsabog.
Nakaririnig na rin ako nang pagbaril kung saan-saan, putek! Ano bang nangyayari? Akala ko party 'to, giyera pala!
Nakibaril na rin ako nang makalabas sa venue pero wala pa ring ilaw.
I can hear the sounds of guns everywhere; what the hell is happening? I removed my heels and ran as fast as I could.
I also decided that every time I encountered a man who looked strange and suspicious to my eyes, I would shoot their head immediately.
This is a life-and-death choice. If they live, I will die, and if I choose to kill them, I can surely live.
Napahinto ako sa pagtakbo at tinutukan nang baril ang lalaki sa aking harapan. Nakalabas na ako sa madilim na parte ng Grand Hall at sa parteng ito ay nagkaroon na ng ilaw.
Nang maramdaman kong may babaril din sa akin mula sa likod ay yumuko ako kaya tinamaan ang nasa aking harapan sabay baril ko naman sa dalawang lalaking dumadating sa gilid.
Jeez! Ang dami naman nila.
Pero dahil nakafocus ang tingin ko sa gilid hindi ko napansin na nakalimutan ko nga palang barilin ang nasa likod.
Oh, come on. Really?
Napaupo ako bigla at patatamaan na sana ang lalaki pero nakarinig pa ako ng isang putok.
Isang putok ng baril galing sa ibang direksyon.
Nakita ko ang pagbagsak nung lalaki sa aking likuran dahil may bumaril dito at hindi ako 'yon.
Mabilis ko namang inilipat ang tingin sa bumaril dito.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Scott at tinulungan akong tumayo mula sa pagkakaupo. "Ingat, ingat din kapag may time.
"Tss..." I uttered.
-----
NEXT CHAPTER: DARK QUEEN'S PARTY II