Chereads / PINKY GANGSTERS / Chapter 9 - CHAPTER 9: Ready

Chapter 9 - CHAPTER 9: Ready

Talline's POV

"Guys, here is the invitation to the Queen's Party."

Iniabot ko yung itim na papel na ibinigay ni Diana sa akin.

Katatapos lang namin kumain at nandito kaming lahat sa kwarto ni Maria para mag-movie marathon.

Gosh, ito na ang invitation wala na 'tong urungan.

"It was written there that it will be on Sunday, at exactly 8 pm in the Grand Hall."

"Woah! Ang cool naman nitong petals!"

"Yuck ang baho nga eh."

"Dapat pink! Kasi pinky tayo, ibalik ninyo yan pabago ninyo."

"Haya, magpapagawa na ko ng gown. Ano kaya maganda?"

"Papagawa ka?" Tanong ko kay Maricris, ako kaya? Hmm.

"Oo--" hindi natapos ni Maricris ang sasabihin niya dahil nagsalita si Diana at dun nabaling ang atensyon naming lahat.

"Guys, may napag-usapan kami kanina ni Wencie and.... kailangan maging handa tayo sa Sunday."

"Huh? Bakit?" Nakita ko ang paglingon ni Diana kay Wencie.

"It's just because... we must." She answered simply.

Kumuha ng chips si Maria sa bowl saka itinabi na sa study table niya yung book na binabasa kanina. Tapos na niya siguro ito, sabi ko nga h'wag nang bumili ng books at pasahan ko na lang ng soft copies, eh ayaw.

"Lagi naman tayong ready." Nalingon naman ako kay Eloi.

"Nah-uh, readiest this time, we need to be equipped. No one knows what will might happen that time."

True.

Every second and minute of our lives is on the edge of death pero lagi naman kaming handa.

Ano pang dapat MAS ikahahanda?

"May alam ka bang mangyayari?" Maricris asked pertaining to Wencie, nakita ko ang matagal na pagtitig niya sa kawalan bago ngumiti at tumingin sa akin.

Napansin niya atang nakatitig ako.

"Nothing, I just want everybody to be safe."

Tumango na ang lahat at bumaling sa television nang inilagay na ni Diana yung CD, entitled 'The Fault in the Stars'.

I like movies. Actually, I really love them. But this time, I just couldn't help but stare blankly; there was something inside of my brain that made me distracted the whole time.

I don't know because when Wencie and my eyes met earlier, there was something that I didn't know how to explain.

Ana's POV

Itinaas ko nang kaunti ang tube nang soot kong gown, at saka kinuha ang lipstick sa make-up kit ko. Naglagay ako nang bahagya nito sa aking mga labi. Hindi naman kasi talaga ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha, nagagaya lang ako kay Eloi.

Kinuha ko na ang pouch sa aking kama at bumaba na. Soot ang isang itim na long back gown na may feathers at makikislap na brilyantes habang isang D'orsay na sapatos. Namiss ko tuloy bigla si mommy, siya kasi ang laging namimili ng isosoot ko sa tuwing aalis ako.

Alam kasi niyang nagmana ako kay daddy na hindi mahilig mag-ayos.

"Ang ganda ninyo po miss Ana."

Napahinto ako sa huling baitang ng hagdan at napalingon kay manang nang magsalita ito. "Thank you po..."

Simula nang mamatay si mom, si manang na ang para kong naging nanay. Kadalasan kasi wala si dad, na mas nanaisin ko pa kaysa nandito siya, the more he stays and lives with me, the more he is prone to mishaps.

Kaya kahit gusto kong laging kasama siya, hindi na ako nagpupumilit. Wala na si mom at ayokong pati si dad ay mawala sa akin dahil sa DQM.

I won't forgive myself if it happens.

"Ah, manang kayo na po bahala sa bahay. Aalis na po ako." Paalam ko at binuksan na ang main door. Tumango naman ito at sinundan din ako papalabas.

"Mag-iingat po kayo sa gagawin ninyo, gabayan po sana kayo nang poong Maykapal."

Muli akong humarap kay manang at niyakap siya. Nakita ko kung paano ito magpunas ng luha. "Hay, manang. Trust me. Uuwi ako nang buhay at buo."

Yumakap ito at naramdaman kong tumango rin ito. Unlike dad, manang knows everything. Housemaid na kasi siya ni mommy since nung bata pa ito, kaya alam ni manang ang lahat ng nangyayari dati pa.

Nalaman ko na lamang na may alam pala siya nang tanungin niya ako about sa baril ko na may tatak na DQM. Nakita niya ito sa drawer ko at wala na akong nagawa kung hindi aminin sa kanya ang totoo.

Akala ko magugulat siya sa revelations ko pero ako ang mas nagulat na ang mga information na sinabi ko ay alam na pala niya.

Noon pa.

"Natatakot lang ako ija na matulad ka sa mommy mo..."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at muling ngumiti. "No manang, hanggang hindi ko naipaghihiganti si mommy, believe me, hindi ako mamamatay basta-basta."

Eloisa's POV

Ayan!

Ang ganda-ganda mo na talaga!

Sobrang ganda! Perfect pa sa perfect!

Puri ko sa sarili, habang nagseselfie.

Nakablack akong gown ngayon with matching long black gloves, black earrings, necklace, and black hair dress.

Hmph.

Ganda mo.

Mag-isa akong tawa ko nang tawa papunta sa condo unit ni Maria habang nagseselfie.

Susme. Puring-puri Eloisa ah?

"Hoy! Eloi, tawa ka nang tawa diyan."

Nahinto ako sa pagselfie at tumingin nang masama kay Maria, naka-white gown ito at nakasimpleng straight lang ang buhok.

Kawawa naman si Maria, hindi ako matalo sa kagandahan.

Pfftt joke!

"Katawanan ko kasi yung pinto mo baka sakaling tumawa at iluwa ka nang bilisan mo." Mataray kong ani.

"Nauna pa nga ako sa'yo, kanina pa kaya ako nakaayos." Paliwanag naman nito saka nagsimula na kaming maglakad dalawa.

"E'di sana kung nauna ka, nandoon ka na. Psh."

"Berat ka talaga!" Natawa nalang ako nang maisip na tigilan nang i-bully si Maria dahil baka maiyak at masayang ang make-up.

Sumakay na kami sa elevator at lumabas na sa building para pumunta sa kanya-kanyang kotse. Hanggang sa may marinig akong isang lalaki mula aking likuran pero hindi ako humarap at binuksan na lang ang pinto ng driver seat.

Bahala ka, si Maria kausapin mo.

Binuksan ko na ang makina ng kotse at pinaandar na ito. Bigla namang lumitaw ang mukha ni Maria sa screen nung carputer ko.

"Bakit?"

"Aya ka Eloi! Hindi mo man lang ako hinintay! May kausap pa ako eh."

"Kasasabi mo lang na ikaw ang may kausap at hindi ako eh."

"Ang gwapo!" Kinikilig na aniya nito habang nagda-drive na rin. "Sayang talaga hindi mo nakita, grabe ang gwapo."

Iniliko ko ang aking Ducati at saka inirapan si Maria. "Wala akong pake."

"Ang taray mo talaga." Nagmake face ako at tumingin na sa daan. Kahit kailan talaga 'to mahilig sa gwapo.

Maricris's POV

Pinagbuksan ako ng aking escort ng pinto at inalalayan bumaba ng kotse. "Thanks."

"You're always welcome, hon." Sagot nito kaya napangiti nalang ako sa kanya at inilibot ang paningin sa paligid.

Bago ka makarating dito sa Grand Hall, mga 5 minuto pa ang byahe pagkapasok sa gate.

Imagine, ganun kalawak ang lugar na pinagtayuan nito.

It was built talaga for parties ng mga Queens.

"Good evening, Maricris!" Napalingon ako kay Lourd na naka-black tuxedo kasama si Kelly Meyer with white gown na kasapi rin sa grupong Seuss.

-Data-

Dark Seuss

Name: Lourd Rizvin Davis

Age: 24

Skill: Fighter

"Goodevening Lourd, good evening Kelly." Ngumiti lang ito parehas sa akin at bumati rin kay Toffer.

"Toff, tawag tayo ni Mediocre, may iuutos ata." Aya ni Kelly kay Toffer, tumingin naman siya sa akin kaya tumango ako.

"Go ahead, I'll wait for you inside the Grand Hall."

"Lourd, samahan mo muna si Maricris, sandali lang kami." Tumango naman si Lourd at naghiwalay na kami ng daan nila Toffer.

Nagulat ako nang iankla nito ang braso ko sa kanyang braso, naramdaman niya ata ang pagtitig ko kaya tumingin din ito sa akin saka ngumiti. "Just in case na mahulog ka, madali kitang masasapo."

"Huh?" Nakakunot noo kong tanong.

"Nah, nakaheels ka kasi baka ma-out of balance ka marami pa namang tao." Kindat nito na nagpairap sa akin. "Nakakahiya kung matapilok ka."

Hindi ko na lang ito pinansin at sa mga tao nalang tumingin habang naglalakad.

Diana's POV

"Miss, mas marami bang chicks ngayon ang nandoon?"

"G*go! Malamang party 'yun eh. Isip naman diyan."

"Malay mo puro matanda, last 5 years puro matatanda!"

"Oo nga, pero nandoon pa rin ang Pinky Gangsters kaya okay lang."

"Huuuu, crush mo lang si Maria eh." Natawa ako nang bahagya sa panghaharot ni Stewart kay Scott.

Mariott, naks! Lumalovelife si Maria.

"Nandito na po tayo."

Inihinto ni Harris ang kotse sa isang malawak na parking lot. Siya kasi ang nagdrive ng sinasakyan naming tatlo. Bumaba yung dalawa at pinagbuksan ako ng pinto.

Madilim ang labas pero kumikinang sa ilaw at palamuti ang Grand Hall. Napapikit ako nang mariin nang makatapak muli ang aking mga paa sa lupain na ito.

Shiz, it has been 5 years already.

Mabilis din ang pag-agos sa aking katawan nang kilabot matapos madikit sa aking balat ang hangin mula sa lugar ng party.

This is it.

-----------

NEXT CHAPTER: DARK QUEEN'S PARTY